Chapter 12: Rebelasyon Narumi Gail Cruz Maaga akong nagising dahil nga diba hindi naman ako nagpunta dito para magpakasaya kundi dahil may misyon akong kailangan gawin. Sayang kasi hindi ako masasamahan ni Al ngayong araw dahil may gagawin daw siyang importanteng bagay na hindi pwedeng ipagpaliban. Tinatamad nga akong lumabas eh kasi ang lamig lamig atsaka gusto ko pang matulog. Nagpara na ako ng taxi at sinabi ang susunod kong destinasyon. Pagkababang-pagkababa ko hindi na ako nagaksaya pa ng oras dahil nagtanong-tanong kaagad ako sa mga tindera mga dumadaan at sa kung sinu-sinu pa. May iilang sumasagot ng maayos pero karamihan ay hindi ako pinapansin, nilalagpasan lang matapos tignan. Hindi ako makakahanap kapag ganito eh, magtanong man ako sa lahat ng dumadaan dito walang kasigura

