Chapter 13: Manhid Narumi Gail Cruz Lahat ng tao na madaan ko pinagbubulungan ako, siguro kasi mukha akong pulubi sa itsura ko. Gulo-gulo ang buhok, paga ang mata may hawak na sirang sandals at nakatulala. Kapag naalala ko yung nangyari kanina parang gusto ko silang pag-untugin dalawa hanggang sa matauhan sila. Gusto ko ng eksplenasyon kung bakit ganun, anu yung pinaghintay kong walong taon? Joke? So ibig sabihin ako lang pala yung nakahawak sa lubid na nagkokonekta saaming dalawa, kasi siya matagal na palang bumitaw. Kaya ba ganito kasakit ang nararamdaman ko kasi sobrang taas ng pinagbagsakan ko? "Narumi!!" nabigla ako ng maramdaman kong may humigit saakin tapos nakarinig ako ng mga sunod-sunod na pagbusina ng sasakyan. "The hell!! Magpapakamatay ka ba? And look at yourself? What ha

