Chapter 30: Narumi Gail Cruz Desidido na ako sa desisyong napili ko, ito na lang ang naiisip kong paraan para matapos na ang lahat ng ito. All my life wala pa akong nagagawa para sa mga mahal ko sa buhay palagi na lang sila ang kumikilos para protektahan ako para gabayan ako. Alam kong nakataya dito ang magiging hinaharap ko, maaring pagsisihan ko ito sa huli pero mas pagsisisihan ko na wala akong ginawa kahit na may magagawa naman ako. Buong lakas kong sinabi ang mga yun sa harapan nina Mama na parang isang napakadaling desisyon ang ginawa ko, na parang wala lang saakin ang mga salitang binaggit ko na sa totoo lang ay sobrang hirap para saakin na sabihin. Arranged Marriage? Ang daling sabihin pero napakahirap tanggapin. Napakahirap intindihin na bago mo pa lang masaksihan ang mundo it

