CHAPTER 14

4732 Words
I always diverting my gazed lalo na sa tuwing tinitigan ako ni Lukas dito sa hapag. The moments we shared earlier is so damn inapropriate but I would not regret any seconds of it. Tahimik lang kaming kumakain ngayon ng lunch na niluto nya kanina. Pero sa totoo lang hindi ko manguya ng tama ang pagkain ko dahil tingin siya ng tingin sa akin. I feel embarassed at gugustuhin ko nalang na bilisan pa ang pagkain ko para makapanik na agad ako sa kwarto. He cook so good but I prefer na bilisan nalang ang pagkain. "Slow down your food Sienna." He spat, that actually makes me more f*****g nervous. All through out I know my face is burning red. Napatikhim ako at medyo binagalan na ang pag nguya. But the way he look at me now when I am busy chewing my food is just giving me f*****g hard time to swallow. Come on Lukas! Stop looking at me. He clear his throat instead, I start to focus on my food and not on him. Napangisi siya doon at muli lang ibinalik ang atensyon sa sarili nyang pagkain. We don't talk and just observed each other's action for about a minute and sunddenly... I don't know what evil spirit enchanting me pero parang gusto kong magcelebrate at uminom mamaya. Ofcourse all by myself just drowning myself in alcohol on my own room. I just feel wanna greet myself for my first-ever independent day. Isa pa ang tagal ko ng walang alak sa katawan...I kinda miss it. Lalo na ngayon I am officially free. Ayoko namang idamay si Lukas sa pag inom na gagawin ko mamaya dahil alam kong hindi naman yan papayag. I smile on that thought. I tap the white glass-stone table twice for him to get his attention. Nag angat naman siya ng tingin sa akin na may halong pagtatakha. "Ahm...I notice kanina sa fridge mo walang laman. Can we buy some groceries mamaya?" I suggest while taking my last bite. He look at me seriously while nodding at my suggestion, kaya nginitian ko nalang. Ayoko ngang sabihin sa kanya na isasabay ko ng bumili ng alcohol mamaya noh. He definetely got mad at me for sure. Ayaw nya na nga akong nagbabar hopping and it's hurts my feeling for some reason but ofcourse I get his point. "That's good we don't have some stock of foods. How about after lunch? Then your luggage kunin narin ba natin?" He asked. I rolled my eyes ng maala ko na oo nga pala. Babalik parin kami mamaya sa bahay just to get my things. Grabe no? My mom actually ready it for me. Nakakataba ng puso grabe. Kapag ako talaga nagka anak hindi ko ipaparanas sa kanila yung ganito. They give their kid a trauma nakakasar. Uminom muna ako ng tubig bago ko sagutin ng tanong ni Lukas. Wala naman na akong magagawa dahil kailangan ko nga yung kunin dahil kung hindi wala akong gagamitin. Do I have a choice? Ofcourse wala. "Maybe after we buy some groceries, then tsaka nalang tayo ulit pumunta sa bahay. Isa pa I wanna talk to my dad." I said. He eximining my facial expression before he approves it. Naging mabilis lang din naman ang mga sumunod pang oras at ngayon ay papaalis na kami para makapunta sa supermarket. Kung ano ang suot ko ng umalis ako sa bahay, ganito parin ang ayos ko hanggang ngayon. Siguro mamaya nalang ako maliligo after I got my things. May natanggap din akong text from my friends ang iba kila Connor at Liam nangungumusta lang. Sila Sean at Pauline naman as of now wala sila dito sa pinas. They are travelling abroad for some early vacation. Nag scroll nalang ako ngayon sa IG feed ko while Lukas is driving to our destination. Oh! They go to Paris pala that's nice. I wanna visit that country too, pero siguro kapag kasama ko na si Lukas yung kaming dalawa lang. It is good for couple right? But yeah as of now we don't have label yet...kaya wag na muna. I smiling like an idiot here in my seat while liking Pau and Sean post on their IG. Lately din pala hindi na ako nagpopost ng pictures sa IG feed ko even my debut hindi ko man lang naupload. That's so odd. Nagsimula na akong maghanap ng mga pictures ko from beach photos, my birthday and even selfies ang iba hindi ko alam kung dapat ko bang ipost dahil medyo reaveling yon. On the other hand almost family ko lang din naman ang makakakita pero ayoko naman kaseng mag upload ng ikakapangit ng image ko sa kanila. Hangga't maari I want them to see me as a good daughter kahit na obviously hindi naman. "Should I post this?" I whispered to myself while examining my pictures. Or this one nalang kaya? How about this? I tilted my phone to see other angle pero nagdadalawang isip parin ako. "Let me see?" out of nowhere Lukas interfere. Gulat ko siyang tinapunan ng tingin habang nakalahad ang kanang kamay nya sa akin. How could he hear what I'm saying? The eff? I am lowkey hiding my phone through my hands at binalewala sya sa request nya. Ayoko nga...it is... "J-just eyes on the road Lukas—" He cut me off at biglang inagaw ang phone ko sa aking kamay. Oh gosh! What the heck is he doing? He invading my privacy. I was a bit startled on his actions while he was seriously looking at my pictures. Napaiwas nalang tuloy ako ng tingin dahil seryosong seryoso nya iyong tinitingnan. What this man's problem? Napaka short-temper. Ganyan din sya nung kinuha nya yung phone ko sa bar nung unang kita namin. Nasaktuhan pang naabutan kami ng traffic kaya mas lalo yung naging pabor kay Lukas. After a minute or so kabado ako sa upuan ko habang pinapakialaman nya iyon. Hindi naman sa may tinatago ako o ano. Ayoko lang talaga na may ibang tao ang gumagamit sa phone ko. Isa pa yung tinitingnan nyang pictures is my bikini shots last month. Medyo nakakahiya lang dahil hindi pa ako ganon kaproud sa katawan ko tapos nakita nya pa. I waited for almost two minutes, bago nya tuluyang ibalik sakin iyon. He started to drove his car without looking at me. "Accept my followed request on your IG, so I could like your pictures. It's been a month Sienna and still you ignoring it. Anyway, stay privating your account I like it that way." bilin nya ng may pagtatampong kasama. I literally stunned on what he says. Ofcourse ipa-private ko talaga. And isa pa. I don't have intentions to ignored his request and do nothing? Medyo nakakahiya lang kase lalo na hindi naman ako socially active sa socmed kaya parang wala lang din. Unlike him na almost influencer na ang vibe. He has a million followers tas miske isa wala man lang siyang pina-follow, magiging ako lang? Did he know what pressure he passed on me? Tss. "Your demanding..." bulong ko sa paraan na hindi nya maririnig. Mas binilisan nya lang ang pagmamaneho habang ako nanginginig na in-accept ang followed request nya sa IG ko at tuluyan ng pinatay ang phone. I don't know either what I am doing bahala na. Wala naman siguro dapat akong ikatakot right? Nakaprivate din naman ang account ko at isa pa, we bound to marry each other mainggit at magluksa na lahat ng babaeng nagkakagusto sa kanya. He is now mine. *** Ilang sandali pa nandidito narin kami sa loob ng supermarket. Si Lukas na ang nag stroll ng dalawang malaking cart habang ako ang nagtitingin ng mga gusto kong bilhin. Wala naman siyang angal doon at tila nakasunod lang sa akin. Basta ako lagay lang ng lagay ng mga nakikita kong mga gusto kong pagkain. Snacks, sweets, some noodles, grain based cereal and even some biscuit mga ganon. Masaya rin pala mag grocery I didn't know next time gagawin ko 'to ulit. Liliko pa sana ako sa dairy section pero hinigit na ako ni Lukas at pinapahinto. "What?" takha kong baling sa kanya. He give me a big sighed, naiiling din na tumingin sa napuno ko ng isang cart. Oh! I didn't know... "Enough taking not-so-healthy foods Sienna. Pinuno mo na yung isang cart. We don't have any decent healthy groceries. Let's go." inis nyang sabi at hinila nya na ako papunta sa meat section. Aba malay ko ba...wala naman akong alam sa pagluluto kaya di ko alam kung ano ba ang dapat na bilhin. Ang sabi ko lang naman wala ng laman fridge nya. I pouted on him pero binabalewala nya lang ang dismiyado kong mukha dahil hindi pa ako tapos sa mga gusto kong kunin. May bibilhin pa akong alcohol pero ang layo ng beverage sections mula dito. Busy na si Lukas sa pagkuha ng iba't ibang klase ng karne habang ako doon nakatingin sa mga alcoholic drinks. I need to think a plan to escape from him. "Ahm...Lukas, punta lang ako don. I have to buy some sanitary napkins." palusot ko. I bit my lips while fidgetting my finger when he stop on what he is doing. Tinitigan nya lang ako ng ilang segundo. I don't know if it's still effective but one of my talent is I am literally good at lying even my own brother amazed at me dahil paniwalang paniwala sila mom and dad sa akin kapag nagsisinungaling ako. Hindi ko lang alam kay Lukas. "I'll come with you—" "No..no..it's okay medyo magtatagal lang ako don kaya wag na. I am picky when it comes to 'you know' girly stuff product. You can continue what you doing hintayin nalang din kita sa counter." dagdag ko pa. Hangga't maari I didn't break our eye contact and not even blinking once para mas kapani-paniwala. I hid a smile after seeing his reaction. Mukha namang naconvince ko si Lukas dahil tumango sya sakin kahit na pilit. Oh god! That was rough. "Wait me then in the counter." paalala nya. Tinapik ko nalang ng isang beses ang braso nya at tsaka na tumakbo palayo. When I am kilometer away from him I look back and wave my hands on him. Mistula parin syang nakatingin sa akin hanggang sa mawala na sya sa paningin ko. Damn! That was so close basta sa alak gagawin ko talaga lahat e. I laughed on that part. I was in a chill mood while taking a bunch of beers in can I saw in this sections. Light drinks nalang siguro muna ngayon maybe just to sober up before go to bed. Babalik na sana ako ulit sa sanitary sections para sana bumili narin ng mga napkins dahil baka mamaya magtanong si Lukas sakin. Pero may bigla ng tumapik sa balikat ko na syang kinalingon ko sa likod. As I turn myself nakita ko si Liam while strolling a full cart groceries infront. He wave his hand on me while plastering his perfect set of teeth. Napangiti ako don. I didn't know we bumped each other here in Supermarket samantalang kanina nangungumusta pa siya sa akin sa text. "Hey! Long time no see Sienna." He chuckled, "As expected ikaw nga yung nakita ko. How you doing lately? Where do you want to enroll for college anyway?" sunod sunod na tanong nya. Oh...actually wala pa akong plano about my college but. "Maybe sa La salle? How about you saan ka ba mag eenroll? I don't have concrete plan pa kase even sa course na kukunin ko but open na ba mga admission ng college universities right now?" I asked, while hiding my beers in the basket and placing it on my back. He rose up a playful smile while shyly scratching his nape. Oh gosh Liam this is not the right time to greet each other's life. I need to excused myself, mahuhuli pa ako sayo eh. "Really? Then you must choose it. I look it up on there websites and yes starting next week mag oopen na sila ng admission for freshmen. I would be glad if I saw you enrolling there. May kasama ka na ba just in case you made up your mind to enrolled in La salle? Umiling ako don dahil wala pa talaga akong plano. Kuya Sandro is in La Salle too kaya dito nalang din siguro ako. Wala naman kaso sa akin kahit saang universities as long as I enrolled myself okay na ako don. "Actually no, but kuya Sandro is in La salle too so, baka jan nalang din ako. Anyway why you ask? Mag eenrolled ka na ba?" "Yeah, isasabay na sana kita kung wala ka pang kasama. Week after din kase pagtapos kong mag pa enrolled my whole family planning to go in Hawaii, habang bakasyon pa." He spat. I blinked three times at unti unting nawala ang ngiti sa labi ko. Why they are all going abroad for vacations? Nakakainggit sa totoo lang habang ako I am stuck here in the Philippines. Almost 2 months pa ang bakasayon. Samantalang mukha namang walang plano sila mom to go abroad. Because they always busy for no reasons. Heck! "Oh that's nice uhm..sige okay lang kelan ka ba mag eenrolled sasabay narin ako." I half-heartedly said. Nagliwanag ang mukha nya doon habang ako naawa na sa sarili ko dahil walang plano ang pamilya ko mag abroad ngayong bakasyon. Damn...I badly want to travel...Lukas save me from this sadness! "Great, I just text you. Anyway una na ako hanapin ko pa si mom. Bye for now Sienna. Nice to see you." He said. Kumaway nalang ako hanggang sa mawala na sya sa paningin ko. Bigla akong nawala sa mood kaya yung beer in can na hawak ko dinagdagan ko pa at wala na akong pake kung makita ako ni Lukas. I am sad! Gusto ko nalang iinom ang lahat. Ang boring na ng buhay ko! I am being a spoiled-brat kind of daughter pero ngayon mukhang hindi na dahil lagi nalang opposed sila mom and dad sa gusto ko. "Who is he?" A deep baritone voice said in my back that actually makes me jump. Damn it! He startled me. Napahawak tuloy ako sa dibdib ko habang tinitingnan kung sino yung nasa likod ko. Tss! I know it's him. "Oh god, Lukas! What's with you ba! Bakit ka nanggugulat?" asar kong sabi. Nagtaas lang sya ng isang kilay sa akin habang tinititigan na ang isang dosenang beer in can na nakalagay sa maliit na basket. What with his annoyed face? Ano magagalit na naman siya. Napaka bossy. "I thought you buy some napkins? Nasan? Naiba na ba ang itsura non para sayo? What's with this beer?" panunuya nya. Here we go again...magpapaka kuya ka na naman ba sakin? I'm tired of your sermon Lukas. Ewan ko sayo. Inirapan ko nalang sya tsaka ko nilagpasan. Ayokong magsalita...nalulungkot lang ako sa mga nalalaman ko. My friends are having fun while me a wreck. "I'm still talking to you Sienna! Stop with your attitude." habol nya sa akin bago ako higitin sa braso. Jusko naman! Ano na naman ba. Pati ba naman sa pagbili ng beer big deal parin. Akala ko pa naman malaya na akong magagawa ang gusto ko hindi parin pala. "You're so controling...I'm adult now Lukas. I take everything I want. Ano ba kita? Ni hindi pa nga tayo sobra ka na kung makapag bawal. I will eventually slip away kung parati kang ganyan tss!" I blurted. Hindi ko na sya nagawa pang lingunin at iniwan na sya doon sa pwesto nya. May iba pang napatingin sa amin pero wala na akong pake. I know I'm a brat aware ako don. Kahit nga parent's ko suko sa akin sya pa kaya. And I don't regret what I say dahil totoo naman! I hate people who are controling me. May sarili akong buhay. Nagbayad na ako ng mga pinagbibili ko at hindi ko na sya nagawa pang antayin sa counter. After I got my things diretso na ako sa parking lot at doon nalang sya mismo hintayin. Hindi ko rin alam kung anong nangyayari sa akin pero pakiramdam ko my family neglected me and Lukas tries controling me. Nasasakal na ako. Lahat na ng frustration ko nagsama sama. Gusto ko nalang makalaya sa lahat. This is not what I imagined! Kaya nga ako sumama sa kanya e. I open his black jaguar at pumasok na agad sa loob ng kotse. After I got seated binuksan ko narin ang isang lata ng beer at ininom yon kaagad. I literally hate the outcomes in my life. Hindi na ako natutuwa. *** Naubos ko na ang isang lata ng beer at papangalawa na sana ng biglang bumukas ang pintuan ng kotse at bumungad don si Lukas. He look at me very apologetic habang ako asar na asar parin sa kanya. Bubuksan ko na sana ang pangalawa kong beer pero bigla nya na iyong inagaw. This freak! "Ano ba! Akin na nga. Bakit ba ang hilig mong mangielam I hate you." busal ko. Napalitan ng galit na ekspresyon ang mukha nya at sya pa mismo ang nagbukas ng beer ko pero sya lang din ang uminom. Adik! Inubos nya iyon in just one shot at galit na niyupi ang lata ng mawalan iyon ng laman. Ah so ano siya na ngayon ang galit sa akin. How rude he is mas nakakaasar sya bwisit. Hingal nya lang akong tinapunan ng tingin bago isarado ang pintuan. Nilagay nya din sa back seat ng kotse ang mga pinamili namin bago sya tuluyang umikot sa kabila at makapagmaneho na. Buong byahe walang nagsasalita sa amin pero ramdam ko ang mabigat na tensyon sa pagitan naming dalawa. Ano namang akala nya maapektuhan ako don bahala sya sa buhay nya. Pamilyar na sa akin ang mga dinadaanan namin dahil papunta na kami sa bahay ng parents ko para kunin yung naiwan kong bagahe. Patuloy lang ako sa pagtingin sa labas ng bintana at ayoko syang tapunan ng kahit isang katiting na tingin. Lukas bwisit. "I'm sorry." I heard him say on his seat. Inabala ko lang ang sarili ko sa pagtingin sa labas at hindi ko sya inintindi. Tapos ngayon pa sorry sorry pa sya. Bait naman. Narinig ko ang malalalim na buntong hininga nya bago nya iliko ang kotse papasok na sa village namin. This is our very first big fight at hindi ko alam kung anong mangyayari. "Look, I know your mad about my actions and what I said earlier. But I am not controling you. I was just a bit irritated and annoyed because you lied to me Sienna and that's it. Hahayaan naman kita na gawin ang gusto mo. Just stop lying on me and it makes me mad for no reason and about the relationship you talking about earlier. I am your friend an alliance perhaps but not your enemy. Can we stop fighting?" He said, ramdam ko din ang pares ng mata nya na nakatingin sa akin. Suminghap ako don at bigla nalang napayuko. Gets ko naman kung bakit sya naiinis sa akin at alam ko naman na may mali din ako. Bigla nalang akong sumabog at sa kanya ko naibunton ang lahat ng frustrations ko. Ayoko rin naman na nag aaway kami at isa pa sya lang din naman yung nag iisang tao na tumulong sa akin para makaalis sa puder ng parents ko. And as what he said...he is my friend...right. Mapait akong ngumiti don. A friend after we kissed we still a friend? Bullshit. Even I'm still a bit mad with him hindi naman ako yung klase ng tao na nagkikimkim. When I know I do something wrong hangga't maari I wanna makes things clear. I moistened my lips before I look at him. Ngitian ko nalangg din sya kahit na medyo mabigat parin ang nararamdam ko sa aking dibdib. I was kinda hurt that he just look at me as his friend akala ko mas higit na kami doon. Hindi parin pala. Ako lang ata ang umaasa e. "Apology accepted. I'm sorry too. Hindi na rin maaulit...friend." I bitterly said. Seryoso nya na akong tinapunan ng tingin habang ako umiwas. Nandidito narin kami sa bahay. Great...that was fast. I am humming on his car, tinatanggal ang medyo awkwardness state namin sa isa't isa. Masyado kaseng tahimik. "Naka open na yung gate Lukas...drive your car and parked it on our garage." dagdag ko pa. Nagpakawala lang siya ng isang malalim na hininga habang naggagawalan ang mga muscle nya sa panga dahil sa cold treatment na inaasal ko ngayon ngayon lang. Hindi narin naman nagtagal na ipark nya na iyon at ako na ang unang bumaba. I wanna look for my dad. Siya nalang naman ang sadya ko doon. All through out nakasunod lang si Lukas sa likod ko. Naabutan namin sa loob si Manang Sally na naglilinis sa baba. "Manang!" I shouted in excitement. Napabaling sya sa direksyon namin at biglang natuwa ng makita kaming dalawa na nandidito ngayon. I feel bad dahil hindi ko rin pala nagawang makapag paalam kay Manang kanina. Naunahan kase ako ng emosyon. "Jusko kang bata ka! Wala ka man lang pasabi na aalis ka na pala sa bahay ngayon. Nakakainis ka." maluha luhang bulyaw sakin ni manang. Ikinatawa ko lang iyon pero agad ko din syang niyakap. "Sorry manang next time magpapa alam na ako, anyway nasan po pala si dad?" I asked. Tinuro nya sa akin ang opisina ni papa. "Kanina pa nandon nag aantay, nagtatampo rin sayo kase umalis ka daw ng hindi man lang nagpapaalam sa kanya." I signal myself na puntahan ko lang si dad pero hindi ko inaasahan na sasama sakin sa taas si Lukas. "You don't have to come with me—" "Your dad expecting to see me also Sienna. May pag uusapan din kami." pagputol nya sa sasabihin ko. I was confused on what he says dahil wala akong alam sa parteng yon. "Ano naman ang pag uusapan nyo?" I asked curiously. He just give me a weary look. Hinigit nya lang ang kaliwang braso ko at pinadausdos ang kamay nya hanggang sa palad ko bago yon pinagsiklop. "Let's go." I halted my breath because of his actions at siya pa mismo ang nauna sa akin at nagbukas ng pinto. What the! "Hijo, hija." Dad immediately greet us. Doon ko palang nagawang higitin ang kamay ko at patakbong niyakap si dad. Lukas is just standing near at the door. "Dad...I'm sorry, hindi ko nasabi na aalis na ako ngayon—" "Don't worry hija, nasabi naman na sakin ni Lukas kanina. I'm glad you make your own decision in this matter. I am happy for the both of you." Hindi ko iyon inaasahan na sasabihin ni dad...pero hindi ko nalang kinuwestyon. I thought he missed me. Humiwalay narin ako ng yakap. Si dad naman pinapalit si Lukas. I tried to look at him on my back before he proceeds to what my dad command. Ngitinian nya rin ako ng isang beses bago tumabi sa kinatatayuan ko ngayon. "Sienna, you better look for your things in your room may pag uusapan lang kami ng mapapangasawa mo." Nabigla ako don at hindi agad maka react sa sinabi ni dad. Is he want me to out of this room? But why I mean? Did I missed something? Bakit parang palaging silang may tinatago sa akin? Hindi ba ako pwede sa diskusyon nila? Para saan ba? Ramdam ko ang biglang paghagod ni Lukas sa likod ko kaya napatingin ako sa direksyon nya. "I'll tell it you later...ready your things for now." bulong nya sa akin. I tried to hold my tears after I heard what he said tumango nalang din ako kay dad bago ko in-excuse ang sarili ko sa kanilang dalawa. Nagmamadali na akong tumakbo palabas ng opisina ni dad at direkta na ng nagtungo sa kwarto ko para kunin ang mga kailangan. Whats wrong with my family? Even kuya Sandro is giving me indirect advice with what's my parents doing. Ano ba kaseng meron? Nakakainis. Naupo lang ako sa kama ko at hindi na inintindi yung mga gusto ko pa sanang dalhin. Okay naman na yung mga damit ko nasa bagahe na. Hindi lang talaga ako mapanatag ngayon dahil pakiramdam ko may tinatago sila sa akin. Ganon ba ako hindi ka-importante at ayaw nilang sabihin sa akin iyon. How cruel are they. I almost waited for about half an hour bago iluwa ng pintuan ko si Lukas. Tulala ako hanggang sa makapasok siya sa loob ng kwarto ko. Habang ako sobrang bigat na ng nararamdaman dahil feeling ko hindi ako belong. "What's with the talk about my dad? May problema ba?" I asked tiredly. Sinamahan lang ako ni Lukas sa pagtabi sakin sa pag upo at ilang segundong tinatantsa ang itsura ko. Ano ba kase yon....sabihin nya nalang sa akin! "L-lukas...ano? Is there something wrong?" pag uulit ko. He look for my palm at pinagsiklop iyon. He also give me a weak smile before he rest his head on my tiny shoulder. "No, there's nothing to worry about. We just talk about business once we got married you know merging out company and such but I also asked your dad permission..." He paused. Ginalaw ko ang balikat ko para tumingin sya sa akin ng diretso. He immediately tilted his head and look at me devilishly. Parang may biglang nalang siyang naalala na kung ano. "About? What?" tanong ko. Napangiti sya bigla doon at biglang namula ang magkabila nyang tenga dahil sa tanong ko. Ano ba kase yon. "about asking your dad permission to court you. I'm may sound weird to you but that's what I am planning. I'm not okay with what you bragging about earlier so I think this is the right time to bring that up.What do you think? Tinawan ako ng dad mo kanina at sinabing hindi naman na daw kailangan." He chuckled at tuluyan ng umiwas sa akin ng tingin, "but as for me you are worth the wait...so pwede ka parin bang ligawan? You know some gentleman do and romantic gesture you could think about...I'll just asking you so you would—" I cut him off by putting my point finger on his lips. I am hidding my smile because he is being so corny...are you for real Lukas? "What if I said I don't want you to court me?" I teased. Naging seryoso ang mukha nya doon bigla. Natatawa na ako dahil mukha siyang pinagbagsakan ng lupa sa mga sinabi ko. Bigla nya nalang tinaggal ang kamay ko sa bibig nya at kinuha iyon para hawakan. Damn...he look like a kid na naagawan ng candy sa daan. Kawawa naman. "What do you mean? I'm not qualified? You don't love me? But you said crush mo ko? I feel the same way. I like you now Sienna. I really do...can you please..give me a second chance to prove myself to you I am a change man now?" pagmamakaawa nya. I was a bit shocked because of his sudden confession bigla rin akong nakaramdam ng kung anong kiliti sa tyan ko at bigla akong pinamulahan ng mukha doon...pero hindi ko parin mapigilan ang hindi matawa. He's so f*****g devastated and pitiful. I'm so sorry but this is way more funnier. Damn! "Stop laughing at me...I'm in hurt." He added. What he says? Damn! I literally laughing as loud because of his sentiments. Kanina lang hindi kami okay tapos biglang umabot sa ganito what a roller coaster ride of emotions we have. "O-okay...okay...Look." I stop my laughed just to be serious, "What I actually meant is you don't need to court me anymore. Cut that ligaw stage I want you to be officially my boyfriend. If it's you don't get it—" I didn't finish my sentences because he suddenly tilts my face upward and he bends forward just pressing a deep-rough kiss on my lips. I am smiling while trying to move my lips on his kisses. Nagtagal lang iyon ng ilang segundo at ng matapos pinagdikit lang nya ang pareho naming mga noo. "You silly! I thought you not like me anymore damn you." He chuckled at binigyan pa ako ng mas mababaw na halik. I smiling like an idiot here while accepting his shallow kisses. "Well that's your punishment Lukas." I chuckled. Damn finally! He is officially mine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD