TILA binibiyak ang ulo ni Tori ngunit mas mistulang binibiyak ang puso niya dahil sa nararamdamang niyang sakit na dulot ni Bernard. Pero ang mas mahirap ay ang katotohanang gusto niyang kamuhian ang lalaki. Gusto niya itong kasuklaman dahil sa pagsisinungaling nito sa kaniya. Gusto niyang sigawan ito at tanungin kung bakit siya nito pinaniwala na mahal siya nito. Na may asawa na si Allie. Na hindi na nito mahal si Allie. Na siya na ang nagmamay-ari ng puso nito. Gusto niyang magtanong at linawin ang lahat kay Bernard… pero hindi niya kaya. Natatakot siya sa isasagot nito. Natatakot siyang malaman ang totoo. Natatakot siyang masampal ng katotohanan na kahit kailan, hindi siya nagkaroon ng puwang sa puso ng lalaki. Marahil, may atraksyon talaga sa pagitan nila. But it’s only a s*xual tens

