Chapter Twenty-six: “Papaano mo nalaman na super duper crush ko si Park Seo Joon?” tanong ko kay Rodel habang tinitingnan ang picture naming ni Park Seo Joon. Oh my gosh! Hanggang ngayon ay nafe-feel ko pa din yakap sa akijn ng ultimate crush ko! “Nakita ko kasi na wallpaper mo ang mukha niya noong pumunta ka sa studio noon. Tapos sinearch ko sa google kung sino siya,” sagot niya sa akin. Tumingin na ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay. “And? How come na kilala ka niya?” tanong ko at ngumiti naman siya sa akin. Hindi ko alam kung anong mahika ang mayroon siya at sa paningin ko ay kumikinang siya. “Well, nagkataon na may mall tour siya dito at kinuha nila akong interpreter. Alam kong kikiligin ka ng husto kaya humingi ako ng favor sa kanya at kinantahan ka niya,” sagot

