Chapter Twenty-five: “Waaah!” sigaw ko ng makita ko si Park Seo Joon na nasa taas ng stage. Ang daming tao ngayon sa mall at halos bumigay na ang railings dahil sa dami ng tao. “Annyeonghaseyo yeoleobun! Jeoneun bagseojun-ibnida.” (Hi everyone! I am Park Seo Joon.)Puwede na ako mamatay. Nakita ko na ng personal ang ultimate crush ko. Teka, wala naman akong nabalitaang pupunta siya dito sa Pilipinas eh. Or baka wala lang talaga ako alam. Masyado yata akong na-busy dahil sa mga nangyayari ngayon sa aming magkakaibigan. Teka nga lang ulit! Nasaan na ang kumag kong kasama? Sa sobrang excited ko, hindi ko na siya napansin pa. Tumingin ako sa paligid at hindi ko siya makita dahil sa dami ng tao. Nasaan na si Rodel? Bigla na lang nawawala. “Ehem! Ehem! Mic test! Mic test!” N

