Kabanata 10

1619 Words
Kinaumagahan. Bumili ulit si Elsie ng Pregnancy test kit, ngunit palagi rin naman itong negative. Sa sobra niyang pagtataka dahil iba na ang kaniyang pakiramdam ay parang duda na siya dahil apat na beses na niyang ginamit ang pregnancy test, pero wala pa rin. Nagulat siya nang nakita niya na lahat ng mga nangyayari sa kaniya ay sanhi ng pagbubuntis na kaniyang ikinatuwa, ngunit may halong pag-aalinlangan. Dumaan muli ang ilang linggo, pinagplanuhan niyang huwag muna ipaalam sa nobyo bilang isang malaking surpresa ang pagpapa-check-up niya sa doctor. Pumunta na siya sa center at sinimulan na siyang i-ultrasound. "Nasaan ang asawa niyo, Miss?" Hindi alam ni Elsie kung ano ang sasabihin kaya nagkunwari na lang siya. "Busy lang siya sa opisina kaya hindi nakapunta, pero sabi niya magpa-check up na raw ako at susunod na lang siya, Doc." Pagka-check ng doctor sa tiyan niya ay simulan nang i-ultrasound si Elsie. Kaniyang ikinagulat nang sinabi ng doctor na pitong linggo na siyang buntis at pinakita ng doctor ang heartbeat ng bata sa ultra sound na bigla siyang napatitig at natulala saka naiyak. Una niyang naisip ang kaniyang mga magulang, pagkabangon niya at pag-alis na niya sa clinic. Naglakad-lakad muna siya na tila sinalo na niya ang langit at hindi alam kung tama ang kaniyang desisyon. Naglalakad na tila walang hanggan at napakaraming iniisip nang biglang nag-text si Vincent. {Mommy, nasaan ka na? Date tayo? Mahal na mahal kita. Pakiramdam ko malungkot ka ngayon.} Bigla nalang itong tumawag matapos niyon na medyo ikinangiti ng dalaga. "Hello! Elsie mommy, nasaan ka?" tanong ni Vincent sa cellphone. "Daddy Vincent, may pinuntahan lang ako saglit. Pasensya na!" sagot ni Elsie. "Gano'n ba Mommy, bakit parang umiiyak ka? Barado ilong mo at ang boses mo. Napaano ka? Sinasabi ko na nga ba. Tama hinala ko. Kaya pala pakiramdam ko ay iba. Nasaan ka? Puntahan kita r'yan," pilit na sabi ni Vincent "Huwag na, nagpahangin lang. Ikaw kumusta ka? Kumain ka na ba? Huwag mo 'ko alalahanin. Ako nalang pupunta sa 'yo. May malaki akong surpresang balita na ikakagulat mo at ipagbabago ng buhay nating dalawa!" ani ni Elsie. "Nandito lang ako sa court. Nagba-basketball kami. Magkita na lang tayo sa PE. Tabi ng locker. Worried tuloy ako, kasi naririnig ko na ganiyan boses mo. Please! Sige na! Ako na lang pupunta diyan, Mommy!" "No Daddy Vincent, pasakay na ako sa jeep. Okay lang ako, please. May ibabalita ako kaya huwag ka mag-alala. Okay lang talaga ako, promise!" sabi ni Elsie bago binaba ang cellphone at pinatay ito. Tumuloy muna siya sa simbahan at nagdasal saka kinausap ang sarili at ang Diyos. "Diyos ko, sana tama ang desisyon ko sa pagpili kay Vincent at sumama sa kaniya kasama ang magiging anak namin kaysa mag-magna cumlaude. 4th year na ako at ga-graduate kaya tulungan niyo ako maka-move on sa konsensya na gagawin kong ito, kung sasayangin ko lang akademya ko. Bigyan niyo ko ng lakas ng loob na maging matatag sa kabila ng mga bagay na haharapin ko. Sana huwag niya ako pabayaan at tuparin niya ang mga pangako niya sa akin, Diyos ko! Pagkarating na pagkarating niya sa unibersidad at handa sanang sabihin kay Vincent na buntis siya ng pitong linggo pagkatapos magpacheck-up ng pasekreto, ay nagulat na lang siya na wala pa si Vincent sa kadahilanang tinapos muna nito ang game nito sa basketball. "Babe, how are you?" Biglaang pagsulpot ni Raymund. Sa sobrang inis ni Elsie, ay sinampal niya ito sa mukha. "Lubayan mo na ako! Baka maabutan pa tayo ni Vincent. Please for God's sake matagal na tayong wala!" sigaw ni Elsie. "Bakit? Takot ka na malaman niya ang totoo? Hindi ba sabi ko sa 'yo, babalik at babalik ka rin sa akin dahil akin ka!" wika ni Raymund. "Ano'ng totoo!?" Nang pagtalikod nila ay siya namang pagsulpot ni Vincent na mabilis na naglakad papunta sa dalawa, at nang nakalapit ito ay sinurprisa niya ng isang malakas at matinding suntok si Raymund na ikinagulat ng marami. "Tang ina mo, Pare! Hindi mo ba alam na lahat ay isang stage play? Girlfriend ko pa rin si Elsie. Ni minsan, hindi ka niya minahal at ako ang mahal niya, para lang huwag kang sumali sa battle of the bands! Kaya tapos na ang palabas dahil nagtagumpay kaming dalawa!" sigaw ni Raymund habang duguan ang ilong nang biglang sinuntok ulit ito sa kaliwang mata nang malakas ni Vincent. "Sinungaling ka! Hayop ka! Bawiin mo ang sinabi mo. Huwag mo ako subukan baka mapatay pa kita ngayon din!" Biglang nanlaban si Raymund ng suntok dahilan ng pagsigaw ni Elsie, "Tigilan niyo 'yan!" Sa sobrang galit ni Vincent ay nanlisik na ang kaniyang mga mata. Natiyempuhan niyang sipain sa tiyan si Raymund habang inaawat ng marami. Biglang napahiga si Raymund nang pumatong si Vincent sa taas nito at pinagsusuntok ang mukha. "Sabihin mo hindi totoo ang mga sinasabi mo! Lubayan mo na kami ni Elsie, hayop ka!" Sa sobrang kaba at inis ni Elsie dahil kahit inaawat niya si Vincent ay ayaw nitong magpaawat. Bigla na lang niya naalala ulit ang dating Vincent kung saan tila sinasapian noong mga panahon na binugbog nito ang magnanakaw ng bag niya noon. Kaya sa tindi ng galit ni Elsie dahil hindi niya masikmurang panoorin ang nangyayari ay bigla niyang kinuha ang isang upuan at malakas niyang hinampas sa likod ni Vincent. Nasaktan ito ng sobra at nabitawan si Raymund. "Ano?! Ha?! Hindi ka pa titigil?! Oo! Totoo lahat ng sinabi niya. Hindi kita minahal! Papatayin mo na siya e, criminal ka ba ha?! Sagutin mo ko!?" sigaw ni Elsie at hinampas muli ng upuan ang binata. "Hindi ba dati sinabi ko sa 'yo, kung sakali man na ma-inlove ako sa 'yo ay isang palabas lang! At hinding-hindi kita kayang mahalin! Totoo 'yon! Hindi kita minahal dahil hindi ako nagmahal ng isang halimaw at criminal na nanakit ng kapwa at handang pumatay! Wala kang awa! Duguan na ang tao sinisira mo ang mukha at binubugbog pa! Isa kang mukhang hobo, o taong grasa! Hindi ka matalino at ayaw sa 'yo ng magulang ko!" sigaw ni Elsie na ikinatahimik ng mga tao. Halos hindi na rin makatayo si Vincent dahil sa sakit na tinamong palo nito kay Elsie sa kaniyang dalawang bente, at hindi na lang gumalaw dahil sa mga luha na lumalabas sa mata nito habang hindi makapaniwala sa mga nangyayari at sa mga sinasabi ni Elsie. Biglang dumating sina Roy, Nano at Reynold galing sa malayo at noong nakita ng mga ito ni Elsie ay nagising siya bigla sa tila isang sapi na hindi niya alam kung saan nanggaling ang kaniyang pinagsasabing masasakit na salita sa kasintahan. Tiningnan niya dahan-dahan ang minamahal na nakahandusay habang katabi ang nakahandusay din na si Raymund na sobrang duguan ang mukha. Bigla siyang nagmadaling kumuha sa notebook niya ng isang pahina at binilisan nag-iwan ng mensahe habang tumutulo mga luha niya habang nanginginig sa pagsusulat. [Vincent, patawarin mo sana ako sa mga nasabi ko, pero puros walang katotohan 'yon. Minahal kita nang sobra. Ikaw ang buhay ko. Hihintayin na lang kita mamaya sa bahay, umakyat ka muli sa bintana ko patungo sa kuwarto at gagamutin ko ang pasa at pilay mo. Hindi ko siya mahal at ikaw ang mahal ko, pero ayaw ko lang na nananakit ka ng kapwa. Naparito lang ako para sa surpresang ibalita sa 'yo na ikakatuwa mo nang lubusan. Galing ako sa check-up clinic ngayon at hindi ko lang sa 'yo ipinaalam. Itong balitang surpresa ko ay magkakaroon na tayo ng baby. Pitong linggo na ako nagdadalang tao at ikaw ang ama. Hindi lang ako marunong tumingin ng pregnancy test kit . Magsasama na tayong dalawa. Pumunta ka na lang sa bahay. Hihintayin kita. Mahal na mahal kita at susundan ko pangako natin sa isa't-isa Vincent daddy.] Nang papalapit na sina Roy, Nano at Reynold ay naunang lumapit patakbo si Elsie kay Vincent na umiiyak na itinupi ang papel na pahina na may sulat at inipit sa kamay ni Vincent habang sagaran ang pagbuhos ng luha nito at hinalikan niya sa noo. "Vincent, please makinig ka sa akin. Basahin mo kung ano ang nakasulat dito. Please, para maintindihan mo. Please basahin mo. Hindi ko sinasadya na saktan ka. Hihintayin kita sa bahay ngayon. Asahan ko 'yan, daddy please!" sabi niya habang napakabilis tumulo ng kaniyang luha. Lumapit ang mga kabanda nito, bigla namang dumating si Lucy at hinila niya papalayo si Elsie kay Vincent. "Tama na Elsie! Nasaktan mo na siya. Pare-pareho lang kayo ng mga kapatid mo na walang awa! Lubayan mo na. Tapos na ang lahat. Be mature, matalino ka. Alam mo 'yan!" sigaw ni Lucy at kumampi ito kina Vincent at sa mga kabanda nito. Habang sobrang talas ng tingin na puno ng galit ang mga mata nina Roy, Nano at Reynold sa dalaga, biglang gumalaw ang kamay ni Vincent habang nakaipit ang papel ni Elsie at hinagis niya ito papunta sa ilalim ng locker ni Elsie. Inilayo at binuhat ng magbabarkadang sina Nano, Roy at Reynold ang binata sabay sumama sa kanila si Lucy habang umiiyak si Elsie at sumisigaw, "Vincent! Basahin mo ang papel na binigay ko sa 'yo! Basahin mo para malaman mo! Mahal na mahal kita. Basahin mo!" Hanggang sa nawala na sa paningin ni Elsie ang kasintahan. Habang nakaupo siyang umiiyak at umalis na ang mga tao ay hindi pa rin siya makapaniwala sa mga pangyayari. Biglang lumapit sa kaniya si Raymund na duguan ang mukha at hindi makalakad kaya ginamit nito ang kamay para lang makalapit sa kaniya. Tumawa ito nang mahina. "Sinabi ko na sa 'yo. Sa akin ka rin mauuwi. Nassan na siya? Iniwan ka na!" "Hindi! Pupunta siya sa bahay ngayon!" sigaw ni Elsie bago niya iniwan si Raymund.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD