Naging mas matibay na rin ang relasyon ni Elsie at Vincent, mas lalong dumami ang nainggit sa kanila dahil sa palagi sila magkasama na tila hindi sila mapaghiwalay na kambal-tuko simula nang umalis na si Vincent sa battle of the Bands.
Ngunit, dati-rati, okay pa ang pakitungo niya sa mga kaibigan o kabanda, pero nag-iba dahil kay Roy na parang hindi masyadong komportable sa desisyon ng matalik na kaibigan.
Kay Elsie naman, sinubukan siyang kausapin sa huling pagkakataon ang matalik niyang kaibigan na si Lucy.
"Elsie, puwedeng mag-usap muna tayo na tayo lang?" tanong ni Lucy.
"Sure, Sis, is there something wrong? Hindi ka na kasi nagpaparamdam, bishie."
Pumunta sila sa Coffee bean. Habang nakaupo si Lucy ay medyo seryoso ito. Hindi ganoon ka open sa pagsasalita kaya nanibago ang kaibigan. Nagsimula na niyang tanungin si Elsie nang diretsahan, "Alam mo Elsie, narinig ko lahat ng usapan niyo ni Raymund!" Biglang nagulat si Elsie sa hindi inaasahang binitawan na salita ni Lucy.
"Sis, kaya pala hindi ka na nagpaparamdam. Let me explain. Alam mo, dati na 'yon, iba na ngayon! Hindi mo ba kami nakikita ni Vincent? Nagmamahalan na kami. Pakiusap ko lang sa 'yo na h'wag na h'wag 'to sana umabot kay Vincent," pagmamakaawa ni Elsie.
"Bakit!? Natatakot ka?" tanong na galit ni Lucy sabay tinaasan ng kilay ang kaibigan. "Alam mo, iyan ang pagkakapareho niyo ng kuya mo eh! Pareho kayong manloloko! Hindi niyo man lang iniisip ano ang mararamdaman ng taong pinaglalaruan ninyo!" sigaw ni Lucy.
"Sis, iba tayo. Nag-iba 'yong feelings ko kay Vincent. Talagang minahal ko siya nang totoo. Kung mahal mo ako at loyal kang kaibigan, sana maintindihan mo rin kalagayan ko. Nagbago na ako at nagbago na ang lahat!" paliwanag ni Elsie.
"Puwes, PROVE IT! Ayaw ko na pumasok sa gulo mo o niyo. Huwag mo muna akong kausapin. I hate cheaters and users na kaibigan!" galit na saad ni Lucy bago ito tumayo at tumalikod saka nagsimulang maglakad palayo sa kaibigan.
"Plano namin magka-baby ni Vincent para hindi na kami maghihiwalay pa. Ganiyan ko siya kamahal at 'yan ang papatunayan ko. Iiwan ko ang pangarap ko maging magna cumlaude kaya sana h'wag mo ipagkalat ang mga narinig mo ukol sa amin ni Raymund. Dahil tapat kong minamahal si Vincent nang walang imbot at matagal na kaming tapos ni Raymund." Napahinto si Lucy sa paglalakad dahil doon, ngunit hindi pa rin ito pinansin ni Lucy bago ito tuluyang naglakad paalis.
Ngunit naitatak na ito sa utak niya, ang mga huling kataga sa kaniya ng kaibigan. Nagulat siya nang pailalim ukol sa pangarap ng kaibigan na iiwanan ang pagiging magna cumlaude alang-lang sa lalaking pinakamamahal nito.
Kinabukasan, nang magtalik ulit si Elsie at Vincent sa kuwarto ng dalaga ay dinala na rin ni Vincent ang mga gamit at damit nito upang tumira ng pa-sekreto sa bahay ng dalaga at dumaraan na lang sa bintana nito.
Biglang nagising si Vincent at nakita ang kasintahan na bumubuhos ang luha nang hindi nakaharap habang sila ay hindi pa nakakapagdadamit.
"Elsie, bakit ka umiiyak?" tanong ni Vincent.
"Natatakot lang kasi ako, ikaw kasi ang first time ko kasi no boyfriend since birth ako. Baka kasi tulad ka rin ng iba na iiwanan na lang ako basta-basta kapag nabuntis ako. Natatakot ako na baka hindi mo tuparin ang mga pangako mo sa akin. Alam mong binigay ko sa 'yo ang p********e ko dahil sa pagmamahal. Binigay ko sa 'yo lahat. Wala na yata akong tinira para sa sarili ko. Pati pag-aaral ko sinalba ko na. Hindi lang maalis sa isipan ko ang mga katagang ano kaya ang mangyari kapag nagdalang-tao na ako? Ayaw kong mag-isa kapag dumating ang araw na 'yon," paiyak na sabi ni Elsie nang biglang natawa ang binata at hinalikan sa balikat ang dalaga habang nakatalikod ito at umiiyak.
"Elsie naman, hindi ba nangako na tayo sa isa't isa. Basta lang huwag mo na isipin na papalaglag mo ang anak natin. Tinanong mo ako kung ano ang dapat natin gawin para huwag maghiwalay, hindi ba? At hindi naman natin 'yon sinasadya. Kaya huwag ka mag-isip ng sobra dahil na stress ka lang. Wala pang kasiguraduhan. Tiwala lang Elsie. Ito tatandaan mo, hinding-hindi kita iiwan at mag-aaral ako nang mabuti at papatigilin kita sa pag-aaral para lang alagaan mo anak natin kung sakali man. Iyan ang pangarap ko sa pamilyang bubuohin natin," ani ni Vincent at hinalikan sa leeg at labi ang dalaga.
"Salamat talaga, mahal na mahal kita. Parang gusto ko pa ng isa pang round?" Ngumiti ang dalaga.
"Huh!? na naman? Sige, sige! Basta lang huwag ka malungkot." Ngisi ni Vincent.
Tawang-tawa na nanlambing na naman si Elsie at niyakap nang mahigpit ang binata.
"Hindi ba promise mo rin na slave kita pagdating sa kama," ani ni Elsie na kinikilig.
"Okay, sige na. Para lang sa 'yo. Ubusin ko na lakas ko. Sumaya ka lang," ngiting sabi ni Vincent.
Nang nakadalawang minuto sa pagtatalik, bigla na lang inatake ng asthma si Vincent at kinapos ng hininga.
"Elsie, tulong hindi ako makahinga!" saklolo ni Vincent.
"Wait lang! May pang-ano ako ng asthma kasi may asthma rin ako!" Hindi mapakali si Elsie dahil hindi sila makalabas at baka mabuking ulit siya ni Yaya Anding na pinapapasok niya si Vincent sa loob ng kuwarto nang pasekreto.
Bigla na lang nahimatay si Vincent kaya napaiyak na lang si Elsie habang akbay-akbay niya ito sa dibdib, nang bigla na lang niya naalala ang tranquilizer na nakalagay sa baba ng kama niya.
Binilisan niyang pinahiga muna ito, ngunit nawawalan na ng hangin ang kasintahan kaya binilisan niyang kinuha sa ibaba iyon, sabay sinaksak na sa may saksakan ang tranquilizer hanggang sa umandar na ito at pinatong niya nang mabilisan sa bunganga ng binata habang nakapatong ang ulo nito sa kaniyang dibdib at akbay-akbay ito.
Medyo nahimasmasan si Vincent. Pagkalipas ng maraming minuto at dahan-dahan ulit bumukas ang mata ng binata at naramdaman niya ang mainit na akbay ng dalaga sa kaniyang ulo habang nakatulog naman si Elsie, hanggang sa bigla rin ito nagising.
"Okay ka na mahal?" tanong ni Elsie.
Napangiti naman habang nagpapalakas ang binata.
"Salamat sa pag-aalaga mo sa akin at concern mo sa 'kin. Ang suwerte ko sa 'yo. Lahat na lang ay nasa 'yo. Sweet ka na, matalino pa at mabait. Hindi mo ako pinabayaan!" ani ni Vincent. "Ikaw lang ang kaisa-isang babae na nag-alaga sa akin nang ganito sa buong buhay ko. Hindi ang aking ina o kapatid o si Rose Marie. Ikaw lang talaga." seryosong wika ni Vincent habang nakapatong pa rin ang tranquilizer sa bibig niya, nang biglang napaiyak si Elsie at tumulo ng dahan-dahan ang mga luha nito sa binata.
"Sabi ko naman sa 'yo, hindi kita pababayaan. Dahil ikaw ang salamin ng aking buhay. Ikaw ay parang buhay ko na rin. Kung mawala ka, parang wala na rin akong buhay. Ano, tulog na tayo?"
Dahan-dahan hinawakan ni Vincent ang buhok ng dalaga at inamoy ito.
"Ang ganda ganda mo talaga at ang haba na ng buhok mo. Halika! Papaligayahin ulit kita kasi mukhang nabitin ka kanina. Turn on kasi ako kapag nakalugay ang genius kong girlfriend!"
Biglang ngumiti si Elsie at napatalikod nang biglang hinalikan ito ni Vincent at tinuloy nila ang pagtatalik nila nang lubusan kahit mahina hina pa ang binata alang-alang sa kasintahan niya.
Isang araw ay magkasama ulit sina Vincent at Elsie kasama ang mga kabanda nito at nagba-bonding.
Nakasandal ulit sa dibdib ni Elsie ang ulo ni Vincent habang nagkakantahan at nagigitara sina Roy, Reynold at Nano, nang biglang nagulat sila nang narinig nila na ang tawagan na ni Vincent at Elsie ay mommy at daddy.
"Puta, Vincent! Bagong tawagan 'yan. Baka langgamin na tayo. Inggit ako!" tawang sabi ni Nano.
"Hindi pa kayo kasal ay ganiyan na kayo!" tuloy na sabi ni Reynold. Biglang ngumiti si Elsie.
"Kayo talaga, hayaan niyo na kami. Kayo rin! Balang araw ay dadating kayo sa puntong ganito. Magkakaroon din kayo ng FOREVER!" ani ni Elsie nang biglang nag-ring ang cellphone niya at sinagot niya ito. "Hello! Mommy! Kayo pala 'yan!"
"Anak, kumusta na mga grades mo?" tanong ng mama niya nang biglang nag-excuse siya muna sa mga kaibigan at kay Vincent.
Pagkaalis nito para kausapin ang ina sa cellphone, ay biglaang napatanong si Roy, "Ibang-iba na ang level niyong dalawa ngayon. Para na kayong linta na hindi nagkakasawaan. Ano pinakain mo sa kaniya?"
"Itong nakaraang araw din, hindi ka na natutulog sa amin? Saan ka na tumutuloy? Huwag mo sabihin kay Elsie ka na ngayon natutulog?" anas ni Reynold at nagtawanan sila.
Napaamin naman si Vincent, "Sa kaniya nga ako natutulog ngayon. Kaso pasekreto. Alam mo naman, lahat puwedeng gawan ng paraan!" ngiting sabi ni Vincent.
"s**t pare! So ibig-sabihin ba niyan may nangyari na sa inyo?" Pagulat na tanong ni Nano, naging interesado din naman sina Roy at Reynold.
"Oo, may nangyari na at maraming beses na din. Balak na nga naming magkaanak e!"
"Wow! Bilib ako sa 'yo! Apir bro!" sabi ni Nano at nag-high five sila, pero si Roy ay parang hindi tutol ulit sa desisyon ng binata.
Nang bigla itong napasingit, "Paano na ang pangarap niya bilang Magna cumlaude? Hindi ba para sa mga magulang niya 'yon? Ano na lang mangyayari kung sakali man lang na maanakan mo siya? Akala ko mahal mo siya? Bakit ganoon?" seryosong tanong ni Roy.
"Okay lang naman sa kaniya 'yon eh. Basta lang daw huwag kami maghihiwalay at magsasama kami bilang isang pamilya. Ayaw ko rin naman kasi na mawala siya at posibleng itaboy ako ng mayaman niyang magulang at pamilya kaya naniniguro lang!" pahiwatig ni Vincent.
"Vincent, kasakiman naman 'yon. Ihihiwalay mo siya sa mga magulang niya? Bakit hindi mo na lang muna siya patapusin ng pag-aaral nang sa ganoon ay hindi mapariwara ang magandang buhay niya at hindi masayang ang talino niya?" kombensi ni Roy.
"Bakit ba maangal ka masyado Roy? Nagmamahalan kami at kaya kong maging ama. Gagawin ko lahat basta lang masustintuhan sila. Tuturuan niya ako at magiging attorney ako balang araw para buhayin ang pamilya namin. Alam ko na impossible, pero mag-aaral ako. Minsan lang ito mangyari na ang pinapangarap kong babae ay nasa kamay ko na, kaya hinding-hindi ko na siya papakawalan pa at bibitawan pa, lalo na ngayon na pareho ang nararamdaman namin sa isa't isa!" galit na ukol ni Vincent at iniwan ang mga kabanda.
"Ayan! Ikaw kasi Roy, nagalit tuloy!" asar ni Reynold habang nakangiti.
Habang tumatagal na nagsasama si Vincent at Elsie ay nagiging komportable na sila sa isa't isa kahit wala na si Lucy na matalik na kaibigan ni Elsie noong bata. May hindi rin pagkakaunawaan si Roy at Vincent.
Lumipas ang dalawang linggo.
Sinimulang tanungin ni Vincent si Elsie kung nagdadalang tao na ito, pero ang sagot ni Elsie ay hindi dahil sa ginagamit niya ng pregnancy test kit result. Kaya mas lalong tinutukan ni Elsie ang pag-aaral.
Muling isang linggo ang nakalipas, tinanong ulit ni Vincent. Sagot pa rin ni Elsie ay wala.
Hanggang sa nakakaapat na linggo na. Wala pa rin ayon kay Elsie,kaya tuluyang inakala ni Vincent na wala silang nabuo at natanggap na rin iyon ni Vincent na hindi siya buntis.
Dumating ang araw habang tinuturuan ni Elsie si Vincent sa Math, biglang napansin ni Vincent na ang bilis mag-init ng ulo ng kasintahan.
"Hindi ba tinuro ko na sa 'yo to?! Pagkatapos hindi mo pa makuha! Ano ba Vincent! Utang na loob naman, please!" sigaw ni Elsie.
"Cool ka lang. Bili na lang muna kita ng makakain para huwag uminit ulo mo, mommy!" lambing ni Vincent.
"Maganda 'yan, puwede favor?" lambing na ngiti ni Elsie.
"Ano 'yon, Mommy?" tanong ni Vincent.
"Puwede bumili ka ng maraming prutas at pagkain? Feeling ko naglilihi ako, pero hindi naman ako buntis. Grabe na 'to. Nababaliw na yata ako," tawang sabi ni Elsie.
Nagtaka si Vincent dahil nagsimulang maging matakaw si Elsie. Marami-rami rin niluto si Vincent, araw-araw, lalo na ang sopas na paborito ni Elsie na tila laging bitin ang dalaga sa iniaahin nito.
Lumipas muli ang ilang araw, biglang dumiretso si Elsie sa banyo na sukang suka. Inalalayan naman ito ni Vincent.
"Okay ka lang?!" tanong ni Vincent.
"Okay lang. Vincent, huwag muna tayo pumasok sa unibersidad ngayon ha! Masakit ulo ko at nahihilo na ako. Iba pakiramdam ko. Inaatake na yata ako ng migraine, tumaas yata grado ko sa salamin. Hay naku!" ani ni Elsie.