CHAPTER 1 🔥
Nagmamadali akong bumaba ng hagdanan, halos mabitawan ko na ang maleta sa sobrang bigat at pagmamadali. Ramdam ko ang mabilis na t***k ng puso ko habang pinipilit kong makalabas bago pa siya dumating. Pero bago pa man ako makarating sa pinto, biglang bumukas iyon nang malakas.
Si Victor.
Nakatayo siya roon, malamig ang titig, parang isang haliging handang gumiba ng mundo ko.
“Where the hell do you think you’re going, Isabella?” malamig niyang tanong, mababa ang boses na puno ng banta.
Humigpit ang hawak ko sa maleta. “I’m leaving, Victor. I can’t do this anymore.”
Parang nag-apoy ang kanyang mga mata. Lumapit siya nang mabilis, ang bawat yabag ay parang kulog sa ilalim ng sahig. “Leaving? Without me? Without my permission? You wouldn’t be who you are without me! I picked you up when you were nothing but a pretty face. I gave you everything — the fame, the fortune, the power. And this is how you repay me? By walking away?”
Nanginginig ang dibdib ko pero hindi ako umurong. “Yes, you gave me everything. But you also took everything from me. My freedom. My dignity. My life. I’d rather be nothing than stay as your prisoner.”
Mabilis niyang sinunggaban ang leeg ko. Ramdam ko ang higpit ng kanyang mga kamay, halos maputol ang hininga ko. “Ungrateful b***h,” singhal niya habang lalo pang humigpit ang pagkakasakal. “Don’t you dare talk to me like that!”
Pilit akong humihinga, halos hindi na makapagsalita. “You… can’t… own me…”
At sa isang iglap, itinulak niya ako nang malakas.
Nalaglag ako sa hagdan, bumagsak ang katawan ko sa malamig na sahig. Mababa lang ang baitang kaya hindi malubha ang sugat, pero ramdam ko ang matinding kirot sa likod at braso. Nanlilimahid ang dibdib ko sa sakit at galit.
Dahan-dahan akong bumangon. At doon ko nakita ang isang kutsilyo sa ibabaw ng mesa malapit sa akin. Dinampot ko iyon at itinuro kay Victor. Nanginginig ang kamay ko pero pinilit kong maging matatag. “Stay away from me, Victor! Don’t you dare come near me or I swear I’ll use this!”
Ngumisi siya, isang nakakatindig-balahibong ngiti. Sa halip na umatras, dahan-dahan niyang inilabas ang isang baril mula sa loob ng kanyang coat. Makinis, mabigat, kumikislap sa ilaw. Itinutok niya iyon diretso sa aking dibdib.
“You really think you can threaten me with that kitchen knife?” malamig ang kanyang boses, mababa, puno ng yabang at banta. “Don’t fool yourself, Isabella. I hold the power here. Not you. Never you.”
Tumigil ang oras. Naroon ako, hawak ang kutsilyo, nanginginig sa galit at takot. At siya, nakatayo sa itaas ng hagdan, nakatutok sa akin ang baril. Para akong isang ibong nagtangkang lumipad ngunit handa niyang barilin anumang oras.
Bigla niyang hinila ang gatilyo.
BANG!
Nagliyab ang hangin sa tabi ko, ang malakas na putok ay umalingawngaw sa buong bahay. Napaigtad ako at napasigaw, muntik ko nang mabitawan ang kutsilyo sa sobrang takot.
Nanlaki ang mata ko habang nanginginig ang buong katawan ko. Ang tenga ko ay parang nag-pierce ng ingay ng bala, at ang puso ko’y kumakabog na parang gustong kumawala sa dibdib ko.
Victor laughed. Isang malamig at nakakatindig-balahibong tawa. Dahan-dahan siyang bumaba ng hagdan, hindi inaalis ang baril na nakatutok sa akin.
“You see, Isabella,” bulong niya habang papalapit, bawat hakbang ay parang kamatayan na lumalapit sa akin, “this is the difference between you and me. You hold a knife, desperate, shaking… but I… I hold this.” Itinaas niya ang baril, pinakita pa na para bang ipinagmamalaki ang kapangyarihan niya.
Mas lalo siyang lumapit, hanggang halos magdikit na ang aming katawan. At doon ko naramdaman ang malamig na bakal ng baril, nilalaro niya sa ibabaw ng dibdib ko. Dahan-dahan niyang ini-slide ang dulo nito mula sa balikat, pababa sa gitna ng dibdib ko, habang nakatitig siya nang diretso sa mga mata ko.
“You’re nothing without me,” malamig niyang bulong. “Do you understand that? I can take away everything I’ve given you… with just one pull of this trigger. One second… and you’re gone.”
Humihikbi ako, nanginginig, hawak pa rin ang kutsilyo pero halos hindi ko na kaya pang igalaw. Ang dulo ng baril ay dumadaan sa balat ko, sinusundan ang linya ng dibdib ko na para bang nilalaro niya ako, at hindi ko alam kung sasabog na ang utak ko sa takot.
He leaned closer, his breath brushing against my ear. “You belong to me, Isabella. You will never walk away from me. Never.”
At sa sandaling iyon, ramdam kong hindi lang ako asawa niya… isa akong alipin ng kanyang kapangyarihan.
Flashback
Paano nga ba nagsimula ang lahat?
Kung babalikan ko, parang isang bangungot na paulit-ulit na bumabalik tuwing pipikit ako. Ako’y isang dalagitang puno ng pangarap noon. Simpleng masaya, simpleng kontento — kasama ang Mama at Papa ko. Kahit mahirap lang kami, sapat na sa akin ang presensyang buo ang pamilya. Pero isang araw… isang araw na dapat sana ay puno ng saya, iyon ang naging simula ng pagkawala ng lahat.
Magkasama kaming tatlo noon, nagsisiksikan sa loob ng sasakyan ni Victor. Regalo raw niya iyon para sa ika-labing-walong kaarawan ko.
“Magpahinga ka, Bella,” bulong ni Mama habang nakangiti, hawak-hawak ang kamay ko sa likuran. “Ngayong disiotso ka na, simula na ng bagong yugto ng buhay mo.”
Naroon si Papa, seryoso ang tingin sa kalsada habang nagmamaneho. Siya ang personal bodyguard ni Victor, sanay sa panganib, pero ngayong araw na iyon, malambing ang mga mata niya habang paminsan-minsan ay tumitingin sa akin. “Masaya akong makakapag-celebrate tayo, anak. Hindi lahat ng batang katulad mo ay nabibigyan ng ganitong pagkakataon. Pasalamat tayo kay Senyor Victor.”
Ngumiti ako noon. Totoo naman. Si Victor, ang amo nila, ang nagbigay ng lahat. Pera, sasakyan, pagkakataon. Para akong batang tinuring na espesyal. Pakiramdam ko, may fairy godfather akong nagbukas ng pinto para sa akin.
Hindi ko alam na iyon pala ang magiging pinto ng bangungot.
Habang tinatahak namin ang daan papuntang Tagaytay, malamig ang hangin, maganda ang tanawin. Nakahilig ako sa bintana, pinagmamasdan ang ulap sa malayong bundok. Noon, pakiramdam ko, perpekto ang lahat.
Hanggang sa bigla kong narinig ang malutong na tunog ng bala.
BANG!
Sumunod pa ng isa. BANG!
Napasigaw si Mama. Kumabog ang dibdib ko sa kaba. Si Papa, agad na kinabig ang manibela. “Hold on!” sigaw niya.
Nakita ko ang mga aninong sumusulpot sa gilid ng kalsada — mga lalaking may baril. Narinig ko ang pag-ulan ng bala sa katawan ng sasakyan. Ang windshield, nagbasag. Ang amoy ng pulbura, sumingaw sa loob.
“Papa!” sigaw ko, nanginginig.
“Takpan mo si Bella!” utos ni Papa kay Mama. Ramdam ko ang mga braso ni Mama na mahigpit na yumakap sa akin, parang sinusubukan niyang protektahan ang buhay ko gamit ang sariling katawan.
Isa pang putok. Isa pa. Hanggang sa… wala na akong narinig kundi ang pagtili ng mga gulong at ang matinding pagkabig ng manibela.
“Diyos ko!” sigaw ni Mama.
At sa isang iglap, lumipad kami pababa ng bangin.
Ang bigat ng katawan ko, ang pagbagsak, ang tunog ng bakal na nagdidikdikan, ang basag ng salamin, ang dugo ni Papa na dumaloy sa braso ko. Huling alaala ko ay ang mga mata ng Mama ko — puno ng takot at lungkot, pero may pilit na tapang — bago kami tuluyang bumagsak.
Pagmulat ko, anim na buwan na ang lumipas.
Comatose ako ng kalahating taon. At nang buksan ko ang mga mata ko sa ospital, wala na akong narinig na tinig ng Mama at Papa. Wala na silang bumati sa akin. Wala na silang yakap.
Pareho silang namatay noong araw na iyon. At ako… ako lang ang nakaligtas.
Ayon sa mga doktor, milagro raw ang buhay ko. At ang milagro na iyon, binayaran ni Victor. Siya ang nagpagamot, siya ang nagbayad ng lahat, siya ang dahilan kung bakit muling tumibok ang puso ko.
Wala na akong ibang mauuwian. Walang ibang pamilya. Kaya nang makalabas ako sa ospital, inuwi niya ako sa kanyang mansyon.
Noong una, mabait siya. Maalaga. Parang ama. Pinag-aral niya ako, sinuportahan pa niya ang pagbabalik ko sa pagmomodelo. Dati na akong modelo bago ang aksidente, pero matapos ang lahat, mas lalo akong sumikat. Hindi lang dahil sa talento ko kundi dahil sa pangalan ni Victor na nasa likod ko.
Lahat ng pinto, binuksan niya para sa akin. Lahat ng oportunidad, inilatag niya. At ako, isang ulila, kumapit sa kaniya.
Hanggang isang araw, nag-propose siya.
Hindi ko rin maintindihan kung bakit ako pumayag. Siguro dahil sa utang na loob. Siguro dahil sa takot na wala na akong ibang kakapitan. Siguro dahil pinaniwala niya akong iyon ang tamang gawin.
Pagkatapos ng kasal, akala ko mahihirapan akong gampanan ang papel ng isang asawa. Malayo ang agwat ng edad namin ni Victor, at alam kong hindi magiging madali ang lahat. Pero laking gulat ko nang kinausap niya ako pagkatapos ng aming kasal.
“We will have separate rooms,” sabi niya sa malamig ngunit tiyak na tinig.
Sa isang banda, nakahinga ako ng maluwag. Hindi ko iyon inasahan, pero kahit papaano, nabawasan ang takot ko. Sa mga unang buwan ng aming pagsasama, mabait siya. Lahat ng luho ko, ibinibigay niya. Designer bags, luxury cars, mga endorsement na pinapangarap ng ibang modelo—lahat inilatag niya sa harap ko.
Maging ang mga anak niya, natutong tanggapin ako. Kahit may distansya sa una, kalaunan ay naging maayos din ang pakikitungo nila sa akin. Para bang, oo, kaya ko palang mabuhay nang ganito.
Ngunit habang lumilipas ang mga taon, unti-unti kong natuklasan ang mga lihim na pilit niyang itinatago.
Isang hapon, bitbit ko ang ilang dokumentong iniwan ng kanyang secretary. Hindi na ako kumatok—pakiramdam ko’y wala namang masama. Ngunit sa pagbukas ko ng pinto, parang gumuho ang buong mundo ko.
Si Victor. Hubad ang kanyang pang-itaas, at may isang batang lalake na halos ka-edad ko lamang, nakapatong sa kanya sa leather couch.
Natigilan ako. Nanginig ang katawan ko.
Napatitig ako sa batang lalake—halatang nabigla rin, agad siyang tumayo. Ngunit si Victor… ni hindi man lang nagpakita ng pagkabigla. Nakatingin lang siya sa akin, kalmado, tila ba walang mali sa aking nasaksihan.
“Close the door, Isabella. Now.”
Gumulong ang lalamunan ko habang dahan-dahan kong isinara ang pinto. Nanginginig ang mga kamay ko, galit at takot ang bumabalot sa akin.
“What the hell is this, Victor?!” halos pasigaw kong tanong, nanlalaki ang mga mata.
Ipinagpag niya ang kanyang polo, nagsimulang isuot ito na para bang wala siyang pakialam. “What you saw… is none of your concern.”
“None of my concern?!” halos mabasag ang boses ko sa panginginig. “You are my husband! You married me—and this is what you’re doing? With boys? Teenagers, Victor! They’re just kids!”
Bigla niyang ibinagsak ang palad niya sa mesa, malakas na kalabog ang umalingawngaw sa opisina. Napaatras ako, nanginginig ang tuhod.
“Enough!” sigaw niya. “Don’t you dare lecture me, Isabella! You owe me everything. Your career, your fame, your glamorous life—it’s all because of me. Don’t forget who picked you up from the gutter. Don’t forget who saved you!”
Umiling ako, halos maluha na sa galit. “This is wrong… This is disgusting, Victor. How can you do this?”
Mabigat ang mga hakbang niya habang papalapit sa akin. Bawat lapit niya’y parang kumikitid ang hangin sa paligid ko.
“If you value your career, your reputation, your so-called perfect life… you will keep your pretty little mouth shut.”
Napatitig ako sa kanya, halos mawalan ng lakas ang tuhod ko. “Are you… are you threatening me?” mahina kong bulong.
Umangat ang gilid ng labi niya, isang malupit na ngiti ang sumilay. “I don’t threaten, Isabella. I promise. One word from me and you’re finished. I’ll ruin your career, your name, your life. No one will want you again—not as a model, not as anything.”
Unti-unting bumagsak ang mga luha ko. Doon ko napagtanto—hindi lang siya asawa. Isa siyang halimaw na may hawak sa leeg ko.
Mula noon, nanahimik ako. Nilunok ko ang lahat. Sa harap ng camera, ngumiti ako. Sa runway, lumakad na parang walang dinadala. Ngunit sa bawat pose, sa bawat ngiti, dala ko ang bigat ng kanyang mga sikreto.
At alam ko… isang maling galaw, isang maling salita, at kaya niyang wasakin ang mundo ko sa isang iglap.