Akala ko’y nakita ko na ang pinakamasahol kay Victor nang madiskubre ko ang tungkol sa mga kalaguyo niyang kabataan. Pero nagkamali ako. May mas malalim pa. May mas madilim pa.
Nagsimula ang lahat isang gabi nang hindi siya umuwi. Sanay na ako na busy siya, pero ilang araw ding ganon. Business trip raw. Meetings. Laging ganon ang palusot. Pero iba ang kutob ko.
Kaya isang gabi, sumunod ako.
Tahimik kong pinasundan ang convoy niya—hindi lang isang kotse, kundi tatlong SUV na magkakasunod. Hindi sila nagtungo sa hotel, o sa opisina, kundi sa isang malaking compound sa labas ng siyudad. Mula sa labas, mukha itong ordinaryong warehouse. Pero nang makalapit ako nang palihim, doon ko nakita ang totoo.
Hindi iyon basta warehouse. Isa itong bodega—punong-puno ng mga kahong naka-seal, mga makina na umaandar, at mga lalaking nakasuot ng gloves at mask. Parang pabrika. Ngunit hindi ito pabrika ng pagkain o tela. Ito’y lutuan ng droga.
Nanlaki ang mata ko nang masilayan ang dami. Hindi kilo-kilo, kundi tonelada. Mga drum ng kemikal, mga table na punong-puno ng puting pulbos, mga plastik na naka-ready para i-pack. May mga lalaking halatang eksperto na sa ginagawa.
At doon sa gitna ng lahat, si Victor—hindi nakadama ng hiya, kundi nakatayo, naka-suit pa, hawak ang baso ng mamahaling alak, habang kinakausap ang mga kapwa niya makapangyarihan.
“This batch will be worth billions once it hits Manila, Cebu, and Davao,” wika niya sa malalim at tiyak na boses. “Our distribution network is untouchable. The politicians, the police, the customs—everyone’s already in my pocket.”
“Are you sure about the new route?” tanong ng isa, mukhang foreign investor.
Victor smirked. “The ports are secure. No one dares cross me. My name guarantees that. In this country, I am the law.”
Ramdam ko ang panginginig ng kalamnan ko. Hindi ito simpleng negosyo. Hindi ito basta pagkakamali. Isa siyang halimaw na may hawak sa buong sistema.
Napansin ko pang may mga dalang maleta ang isa sa kanyang mga tauhan. Binuksan iyon sa harap nila—punong-puno ng dolyar, nakasalansan, makintab sa ilalim ng ilaw. Hindi milyon, kundi daang milyon.
Gusto kong isigaw ang lahat ng nakita ko. Gusto kong takbuhan siya, iwanan siya, ipagsigawan sa mundo kung ano talaga siya. Pero alam kong hindi ko kaya.
Bigla siyang tumingin sa paligid, para bang may naramdaman. Nanlamig ang dugo ko.
“Make sure no one is watching,” malamig niyang utos sa kanyang mga tao.
Napalunok ako, mabilis na umatras at kumubli sa dilim. Mabuti na lang, hindi nila ako nakita. Pero habang minamaneho ko ang kotse pabalik sa mansyon, halos hindi ako makahinga.
Pag-uwi ko, nagkunwari akong normal ang lahat. Pero kinabukasan, habang magkasalo kami sa almusal, bigla siyang nagsalita.
“Isabella,” bulong niya habang nakatitig sa akin, “remember—if you ever betray me, if you ever think of exposing me… I will erase you. Not just your career. You. Everything you love, everything you are, gone. In an instant.”
Mula nang matuklasan ko ang totoong katauhan ni Victor, hindi na naging normal ang bawat araw ko. Hindi lang siya basta asawa. Siya ay isang hari ng dilim — isang taong kayang paikutin ang mundo ayon sa gusto niya.
Oo, sikat ako bilang modelo. Sa mata ng publiko, ako ang asawa niyang maswerte, maganda, matagumpay. Palaging nakangiti sa magazine covers, laging flawless sa mga runway. Pero sa likod ng camera, ako’y isang preso.
Si Victor, hindi niya kailangan ng tanikala para ikulong ako. Ang ginagamit niya ay takot.
---
Isang gabi, habang nakaupo kami sa dining hall, marahan siyang naglagay ng alak sa kanyang baso. Ako naman, halos hindi makalunok ng pagkain sa kaba. Tahimik ang buong mansyon, tanging kaluskos ng kubyertos at tikatik ng ulan sa labas ang maririnig.
Then suddenly, he spoke.
“Isabella,” sabi niya habang hindi inaalis ang tingin sa akin, “I know you’ve been curious. You saw more than you should.”
Nalaglag ang kubyertos ko. Nanlamig ang mga kamay ko. “Victor… I—”
He raised a finger, silencing me.
“Don’t even try to deny it. You think I wouldn’t know when someone’s been where they shouldn’t be? This empire runs because I control everything. Everyone.”
Napalunok ako, pilit kong tinatago ang panginginig ng labi ko.
“Please, Victor… I don’t want any of this. I just want to live my life… to be free.”
Tumawa siya nang mahina, isang malupit na tawa na parang naglalaman ng pangungutya.
“Free? Do you think freedom exists for you? You are my wife. You wear my name. Every contract you sign, every spotlight you stand under—it’s all because of me. Without me, you are nothing.”
“Stop saying that,” bulong ko, halos mabasag na ang boses ko.
Pero lumapit siya, mabigat ang bawat hakbang, hanggang sa nakatayo na siya sa likod ko. Idinikit niya ang labi niya sa tainga ko, malamig ang boses niya.
“One wrong move, Isabella… and you disappear. One word against me, and you’ll wish you never survived that accident years ago.”
Nanindig ang balahibo ko. Alam ko, hindi siya nagbibiro.
---
Araw-araw, ganito ang naging buhay ko.
Minsan, makikita ko siyang kausap ang mga mataas na opisyal—mga taong nakikita ko sa balita, mga politiko, mga heneral ng pulis. Nakatatawa kung paano siya hinahalik-halikan ng lipunan, habang ako’y nakaupo sa tabi niya, tahimik, walang magawa kundi ngumiti.
“Smile, Isabella,” he would whisper in public events. “Don’t let them see the truth. Remember what’s at stake.”
At kapag kami na lang sa bahay, hindi niya kailanman tinatanggal ang tanikala ng pagbabanta.
“You think you can run? Where will you go? The world out there belongs to me.”
Kung minsan, hawak niya ang baril niya habang sinasabi ito, marahang nilalaro sa kanyang mga kamay, na para bang paalala sa akin kung ano ang kayang gawin ng isang kagaya niya.
At ako? Hindi na ako nagsasalita.
Sa bawat photoshoot, pilit kong ipinapakita ang imahe ng isang masayang asawa. Sa bawat runway, tinatago ko ang aking mga pasa—hindi sa balat, kundi sa kaluluwa.
Naging tahimik akong bilanggo. Tahimik pero gising. Tahimik pero unti-unting nauupos sa loob.
Madalas kong maramdaman na parang wala nang saysay ang bawat araw. Ngunit isang gabi, nagbago ang lahat.
Galing ako sa isang malaking fashion show sa Makati. Flashing lights, cameras, applause — lahat ng iyon, pero wala na akong nadarama. Habang nakangiti ako sa stage, sa loob-loob ko, gusto ko na lang sumigaw.
Pag-uwi ko sa mansyon, malamig at katahimikan ang bumungad. Akala ko wala si Victor. Pero pagpasok ko sa kanyang opisina, muntik akong mapatili.
Nandoon siya. Hindi mag-isa. May tatlong lalaki — mga politiko na kilalang-kilala ko sa TV. Nasa harap nila, naka-display ang isang malaking table na puno ng puting pulbos, bundles of cash, at mga dokumento.
Parang eksena sa pelikula, pero totoo.
Nagkatitigan kami ni Victor. Nanlilisik ang mga mata niya, parang kidlat na sasabog anumang oras.
“What the hell are you doing here, Isabella?” malamig niyang tanong.
Namutla ako. Hindi ako makagalaw. “I… I just got home… I didn’t know—”
“Get out.” Ang boses niya, mabigat, puno ng poot.
Ngunit bago pa ako makaalis, hinila niya ako papalapit, halos mapunit ang braso ko sa higpit ng kapit niya.
“Listen carefully,” bulong niya, pero ramdam ko ang apoy sa bawat salita. “You saw nothing. You heard nothing. If you ever dare to open your mouth—” itinaas niya ang baril na palaging nasa mesa niya, at idinikit ang malamig na dulo sa ilalim ng baba ko. “—you won’t live to regret it.”
Nanginginig ako. Halos mawalan ng hangin sa dibdib. “Victor… please… I don’t want any part of this. I just want peace. I just want to live.”
He smirked. That cruel, devilish smirk.
“Live? You live because I allow it. Don’t forget, Isabella. Your fame, your contracts, your spotlight… it all exists because I pulled you up from the gutter. Without me, you’re nothing but a broken little girl whose parents are rotting in their graves.”
Parang pinunit ang puso ko. Hindi ko alam kung mas masakit ang pananakot niya o ang paalala ng pagkawala ng aking mga magulang.
He pressed the gun harder against my skin.
“One mistake… one word… and not only will your career end, but so will you.”
---
That night, I cried silently in my room. For hours. For days. I realized… I wasn’t a wife. I was a hostage.
I looked at my reflection in the mirror — the face everyone adored, the body that graced billboards and magazines — yet behind it all, I was nothing more than a prisoner in a golden cage.
And for the first time in years… I whispered to myself:
“I need to escape… or he will destroy me.”
Matapos ang gabing iyon sa kanyang opisina, wala na akong ginawa kundi ang mag-isip ng paraan. Hindi na ako makatulog ng maayos. Hindi na ako makahinga sa bawat araw na kasama siya.
Hanggang sa dumating ang gabi ng aking unang pagtatangka.
But I failed..
PRESENT
Nanginginig pa ang mga tuhod ko habang dahan-dahan akong umaakyat pabalik ng hagdanan. Ramdam ko pa rin ang kirot ng pagkakahulog ko kanina, pero mas matindi ang hapdi ng mga salitang binitawan ni Victor at ang malamig na dulo ng baril na nakatutok sa dibdib ko.
Parang mabigat na kadena ang bawat hakbang ko. Para akong isang bangkay na pilit binubuhay ng takot. Hanggang sa marating ko ang pintuan ng aking silid. Mabilis kong binuksan iyon, halos mabali ang doorknob sa pagmamadali, at kaagad kong isinara at ini-lock mula sa loob.
Pagkasara ng pinto, nawalan ng lakas ang katawan ko. Bumagsak ako sa malamig na sahig, hawak-hawak ang dibdib ko na para bang naroon pa rin ang baril ni Victor. Humahagulgol ako nang walang tigil.
Ang sigaw ko, kinain ng apat na sulok ng kwarto, walang nakaririnig, walang makakaintindi. Para akong nabaliw, paulit-ulit na naaalala ang tingin ni Victor habang nilalaro ng dulo ng baril ang aking dibdib, habang binubulong niya na wala akong kawala.
“Why… why is this happening to me?” bulong ko, paos na ang boses.
Humawak ako sa maleta na inakyat ni Victor kanina kasunod ng pag akyat ko dito sa kwarto. Nakatitig lang ako roon habang dumadaloy ang luha ko. Ang maleta… simbolo ng pag-asa. Simbolo ng kalayaan na palaging nauunsiyami.
Pero paano? Paano ako makakatakas kung bawat hakbang ko’y binabantayan? Kung ang bawat hininga ko ay kontrolado niya?
Pinikit ko ang mga mata ko, pero mas malinaw pa rin ang mga alaala: ang sigaw niya, ang higpit ng kanyang kamay sa aking braso, ang malamig na bakal ng baril sa aking balat, at ang putok na kumalog sa buong bahay.
I hugged myself tighter, shaking uncontrollably. Ang katawan ko, parang isang kulungan. Ang puso ko, isang tambol ng takot. At ang utak ko… patuloy na binubulungan ng parehong tanong:
Will I ever be free?
Muling bumuhos ang luha ko. Humiga ako sa kama, pilit na tinatakpan ng unan ang aking bibig para hindi marinig ng ibang tao ang aking paghikbi. At doon, sa gitna ng gabi, ipinangako ko sa sarili ko:
Kung mabubuhay pa ako bukas, hahanap at hahanap ako ng paraan. Dahil kung hindi… mauubos ako sa ganitong impiyerno.
Muling bumuhos ang luha ko. Humiga ako sa kama, pilit na tinatakpan ng unan ang aking bibig para hindi marinig ng ibang tao ang aking paghikbi. Hanggang sa mapagod ang mga mata ko, hanggang sa maubos ang lahat ng lakas sa katawan ko.
At sa wakas… sa gitna ng pag-iyak, unti-unting bumigay ang aking mga talukap. Unti-unti akong binitawan ng kamalayan.
Hanggang sa makatulog ako.