CHAPTER 3 🔥

2053 Words
Isang buwan na ang lumipas mula sa gabing muntik ko nang iwan si Victor. At ngayon, heto ako sa Palawan, nakatayo sa pinakamagandang resort sa bansa—Amanpulo. Isang international fashion show ang ginaganap dito, at ako ang star ng runway. Sa mundo ng modelling, mas kilala nila ako bilang Bella Salazar. Ang reyna ng runway. Ang mukha ng mga international brands. Ang babaeng nasa billboards, magazine covers, at commercials. At ngayong gabi, ako ang star ng isang prestihiyosong fashion show sa Amanpulo Resort, Palawan. Backstage, abala ang glam team ko. Dalawang makeup artists, tatlong stylists, at isang personal assistant na halos hindi na makahinga sa dami ng inaasikaso. Ganito lagi. Ganito ang mundo ko. Perfect hair. Perfect skin. Perfect image. “Bella, you’re on in five,” sabi ng stage coordinator. Tumango ako. Time to work. Time to play the role. Lumabas ako sa backstage. Sa harap ko, isang mala-kristal na runway na nakatayo mismo sa buhanginan. Libo-libong fairy lights ang nakapaligid, habang ang dagat ay kumikislap sa ilalim ng buwan. Tumunog ang musika—malakas, modern, dramatic. At nagsimula akong maglakad. Suot ko ang couture gown na pilak, gawa ng isang sikat na designer mula Paris. Ang bawat hakbang ko ay sinasabayan ng hiyawan ng crowd at sunod-sunod na flash ng cameras. Alam ko, lahat ng mata nasa akin. Pero sa gitna ng lahat ng iyon, isang presensya ang agad kong naramdaman. Nasa audience siya. Nakaupo sa gitna, naka-black suit, matikas, malamig ang dating pero matindi ang aura. Hindi siya kagaya ng ibang nakamasid na punong-puno ng excitement. Tahimik lang siya. Kalma. Pero ang mga mata niya… diretso sa akin. At doon nagtagpo ang mga mata namin. For a second, everything stopped. No music. No crowd. No lights. Just him. Just me. Hindi ko siya kilala. Hindi ko alam ang pangalan niya. Pero ang titig na iyon—matindi, malalim, at parang hinuhubaran ang kaluluwa ko—hindi ko malilimutan. Ramdam ko ang biglang bilis ng t***k ng puso ko. Isang damdaming matagal ko nang hindi nararamdaman. At sa sandaling iyon, alam kong may nabago. Love at first sight? Maybe. But whatever it was, it was undeniable. Hindi nawala sa isip ko ang lalaking iyon. Kahit natapos na ang runway, kahit natapos ang palakpakan, kahit natapos ang ngiti ko sa harap ng camera—sa loob-loob ko, siya lang ang naaalala ko. Nakaupo na ako ngayon backstage, habang tinatanggal ng glam team ang accessories at inaayos muli ang gown ko. Ramdam ko pa rin ang adrenaline ng paglalakad, pero mas malakas ang pintig ng puso ko sa alaala ng kanyang mga mata. Who was he? Bakit gano’n ang dating niya? Bakit sa dami ng taong nandoon, siya lang ang hindi ko makalimutan? “Ms. Salazar, we’ll escort you to your reserved villa now,” sabi ng coordinator. Tumango ako. Tahimik kong kinuha ang clutch bag at nagpaalam sa glam team. Habang naglalakad ako palabas ng backstage, ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin mula sa dagat. Tahimik ang paligid kumpara kanina, pero sa isip ko, malakas pa rin ang echo ng mga titig na iyon. Papunta na ako sa aking reserved room sa Amanpulo—isang private villa na nakahiwalay sa crowd. Perfect para sa isang celebrity na tulad ko. Ngunit habang binabagtas ko ang daan, hindi ko mapigilang lilinga-linga. Parang umaasa ako na baka makita ko siyang muli. Hindi ko siya kilala. Hindi ko alam ang pangalan niya. Pero bakit ganito? Bakit parang may magnetong humihila sa akin pabalik sa titig niya? Huminga ako nang malalim at sinubukang kalmahin ang sarili ko. Get a grip, Bella. You’re Isabella Salazar. You don’t get distracted by random strangers. Pero kahit anong pilit kong ibaling sa iba ang iniisip ko, hindi ko magawa. Hindi ako makatulog. Kahit anong pilit kong ipikit ang mga mata ko, paulit-ulit bumabalik sa isip ko ang mga titig niya. Ang lalaking hindi ko kilala. Ang estrangherong bigla na lang sumira sa katahimikan ng puso ko. Huminga ako nang malalim at bumangon mula sa kama. Hindi ko na kinaya ang nakakabinging katahimikan ng villa. Kinuha ko ang robe ko at tahimik na lumabas, dumaan sa pathway na dinadaanan ng mga guests papunta sa mga amenities. Ang hangin mula sa dagat ay malamig, mabango ang halimuyak ng gabi, at tanging huni ng mga alon ang maririnig. Hanggang sa makarating ako sa isang private swimming pool na nakabukas pa rin kahit dis-oras na ng gabi. Maliwanag ang tubig dahil sa underwater lights, kumikislap na parang kristal sa ilalim ng buwan. Naglakad ako papasok, akala ko ako lang ang tao roon. Pero agad akong natigilan. Sa dulo ng pool, may isang lalaki. Hubad. Basa ang katawan. Ang mga patak ng tubig ay dumadaloy sa matipuno niyang dibdib, pababa sa tiyan, habang marahang lumalangoy papunta sa gilid. At nang umahon siya, tumama ang liwanag sa kanyang mukha. Nanlaki ang mga mata ko. Siya. Ang lalaki sa runway kanina. Bigla akong natigilan sa kinatatayuan ko, hindi makagalaw, hindi makapagsalita. Parang naipit ako sa oras. Bahagya siyang napangiti nang mapansin niya ako. Hindi iyon ngiti ng pamilyaridad, kundi ng pagtataka. Pero ang mga mata niya—pareho pa rin. Malalim. Matindi. Titig na parang walang takas. Hindi ko akalain na makakatagpo ko siya dito sa pool. Tahimik ang paligid, malamig ang simoy ng hangin, at ang liwanag ng buwan ay kumikislap sa tubig. “Who… who are you?” natigilan akong tanong, bahagyang nagulat sa presensya niya. “I’m Nathan,” sagot niya, ngumiti. “And you?” “Bella… Bella Reyes,” sagot ko, well ako naman talaga si Bella Reyes. Reyes ang middle name ko, sa isip ko na lang, bahagyang nahihiya ngunit nagiging confident. Ang buong katawan ko ay naglalaban sa excitement at tensyon. He grinned, playful, at bahagyang nilapat ang kamay niya sa gilid ng pool, lumapit sa akin. “Bella Reyes… the runway princess from earlier, hmmmm... I’ve seen you before, haven’t I?” Napangiti ako, medyo nahihiya. “Maybe… you just have good eyes.” “Or maybe…” sabi niya, tumigil sa paglalaro sa tubig at tumitig sa akin, “I just notice what matters.” Napansin ko na may halo ang seriousness sa kanyang playful aura. “New in town, huh? You’re not from here?” “Nope. Just arrived. Been here… maybe a week,” sabi niya, habang nakatingin sa paligid, dahan-dahang ngumiti. “Still figuring out the place… the people… the city. Oh, and this… Deluxe Grand Hotel, right? Beautiful spot.” “Wait… you own this place?” “Something like that, family business. But I’m here… just Nathan tonight,” sagot niya, ngumiti. Napanganga ako nang bahagyang hindi halata. “Wait… now I know why you’re from Switzerland. That’s where the main branch of Deluxe Grand Hotel is?” “How did you know that?” tanong ni Nathan, bahagyang nagulat. “I’ve been there. Modelling staff,” sagot ko. “I notice these things.” He smirked, ang tingin niya parang naglalaro. “Exactly. But don’t let that intimidate you… I’m just Nathan tonight.” Ngumiti ako, at parang nawala ang tensyon sa paligid. Kahit sobrang laki ng mundo niya at ang mundo ko rin ay puno ng ilaw at flash ng cameras, sa gabing iyon sa pool, para lang kaming dalawa—walang pangalan, walang status, walang expectations. “You make it sound easy… just Nathan,” sambit ko, humihinga nang malalim, “like I could forget all the glitz and chaos out there.” “Maybe that’s why I like it,” sagot niya, medyo nakangiti, nakatingin sa akin nang diretso. “Fresh faces… fresh experiences. Maybe we can just… enjoy tonight.” Para akong nalunod sa mga salita niya. Ramdam ko ang spark sa pagitan namin, na parang unti-unti nang nagiging apoy. Hindi lang ito playful banter—ramdam ko na may tension, may curiosity, at may excitement na hindi ko alam kung hanggang saan aabot. At doon, sa lounger, nakaupo akong nakatingin sa kanya habang siya’y patuloy na lumalangoy, alam ko na simula pa lang ito ng isang gabi na hinding-hindi ko makakalimutan. Habang nakaupo ako sa lounger, nakatingin sa kanya habang lumalangoy siya nang marahan, ramdam ko ang init ng gabi, ang simoy ng hangin, at ang kakaibang tensyon sa pagitan namin. Parang bawat galaw niya sa tubig ay may sinasabi, na hindi niya kailangan ipagsalita. He swam closer, his eyes locked on mine. “You know… you have this way of looking at things… like you see right through them.” Napangiti ako, bahagyang nahihiya. “Maybe I just notice what matters.” He chuckled, a soft, low sound that made my heart skip. “Careful… or I might just take that personally.” Bago ko pa maisip, dahan-dahan siyang lumapit sa gilid ng lounger kung saan ako nakaupo. Ramdam ko ang kanyang init, ang presensya niya na parang humihigop ng lahat ng atensyon ko. Then, almost without warning, he leaned down. His lips brushed against mine—soft, tentative, but deliberate. Napapikit ako, nanginginig sa unexpected touch. Hindi ito mapusok na halik—hindi pa—pero ramdam ko ang spark, ang kuryente na dumadaloy sa pagitan namin. “Is this… okay?” bulong niya, parang gusto niyang siguraduhin ang bawat galaw niya. “Yeah…” sagot ko, humihinga nang mabigat, “it’s… okay.” Nagpatuloy siya, medyo mas malapit, mas confident, habang nakatayo pa rin sa gilid ng pool. Ang mga labi niya’y dahan-dahang pumapaso sa labi ko, ang kamay niya’y nakahawak sa aking pisngi, ramdam ang init at t***k ng puso niya sa ilalim ng balat niya. Hindi ko alam kung ilang segundo ang lumipas. Ang tanging alam ko lang, parang tumigil ang oras, parang nag-iisa lang kami sa buong mundo. Ang banayad na halik na iyon ay parang simula ng isang apoy—malumanay pa, ngunit tiyak na unti-unting lalakas. Hindi ko na maalis ang tingin sa kanya habang nakaluhod siya sa gilid ng pool, basa pa ang buhok at katawan, kumikintab sa ilaw ng buwan. Ang mga mata niya’y nakatutok sa akin, parang iniimbestigahan, hinuhusgahan, at sinasabi rin na gusto niya ako sa bawat titig. He leaned closer, and this time, the kiss deepened—hindi na banayad, kundi more deliberate, more intense. Ramdam ko ang init ng labi niya, ang bawat galaw ng kanyang dila, ang kapit ng kamay niya sa aking pisngi, sa leeg, dahan-dahang humihigpit sa bewang ko. “Bella…” bulong niya, parang paghinga lang ang laman ng boses niya. “You feel… amazing.” Napapikit ako, nanginginig, ramdam ang init sa katawan ko na dumarating sa bawat halik at haplos. Ang mga kamay ko’y kusang naglakbay sa kanyang balikat at likod, hinila siya palapit sa akin, halos walang puwang sa pagitan namin. He rested his forehead against mine, panting slightly. “God… I can’t stop looking at you.” Hindi ko rin mapigilan ang sarili ko. Napalapit ako sa kanya, ang mga labi namin muling nagtagpo, halik na puno ng tensyon at lihim na pagnanasa. Ang bawat dampi, bawat galaw ng katawan niya sa akin ay naglalagay ng apoy sa loob ko, at alam kong hindi ko na kayang takasan ang damdaming ito. “I… I can’t either,” napabulong ko, hawak ang kanyang mukha, humihigpit ng kaunti. He smirked, tumigil sandali, at tumitig sa akin. “Then… let’s go somewhere more… private.” Bago pa ako makasagot, dinala niya ako sa braso niya, bridal style. Ramdam ko ang t***k ng puso niya sa ilalim ng aking palad, at kahit basa kami mula sa pool, parang wala akong bigat sa kanyang mga braso. Hindi ko na napigilan ang excitement, nanginginig sa anticipation. Habang naglalakad siya sa resort, ramdam ko ang karangyaan sa paligid—ang liwanag ng lanterns, ang malalawak na veranda, at ang architecture ng villa na sobrang elegant. Pagdating sa loob ng villa, napanganga ako sa ganda. Ang buong lugar ay maluwang, mala-palace, puno ng soft lighting at malalambot na kama, parang ginawa para sa isang modern-day royalty. “This… is… amazing,” napabulong ako, humihinga nang malalim. He laid me down sa king-sized bed nang marahan, pero hindi pa rin niya ako binitiwan. Nakatingin siya sa akin, ang mata puno ng pangako at kasabikan, habang unti-unti nagiging mas intense ang halikan namin, ramdam ang init na parang hindi na puwedeng palampasin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD