CHAPTER THREE

2608 Words
MAAGANG bumangon si Kenjie sa araw na iyon. Unang beses siyang nag-night over sa place ng babaeng nagugustuhan niya kaya naman halos hindi siya nakatulog. Sa isipin na iisang pader lamang ang nakapagitan sa kanila ni Venice ay tila may naghahabulan na daga sa loob ng sikmura niya. "Goodmorning Ate V!"Masiglang bati ni Kenjie. Nagmadali siyang humakbang ng kamuntik ng matumba ang babae dahilan naman sa biglaang pagpihit nito sa direksyon ng binatilyo. Para silang namagneto sa bawat isa ng tuluyan magdikit ang katawan nila. Kahit nasa likuran niya ang binatilyo'y ramdam niya ang init na sumusungaw sa katawan nito. Patuloy na pinaglandas ni Kenjie ang namumungay na mata sa kabuuan ng mukha ni Venice. Nagtaas-baba rin ang adams apple nito ng mapatitig siya sa mapupulang labi ng babae. Langhap niya ang natural na amoy nito. Hindi na mapigilan ng binatilyo ang sarili dahil unti-unti'y lumiliit ang distansiya sa pagitan ng mukha nila ni Venice. Kaunting-pagdikit na lang sana ng biglang makarinig sila ng pagbukas ng pinto. "Mom! Mukhang may nasusunog."si Casven na kinusot-kusot pa ang matang pumasok sa kusina. Kasunod nito si Aleng Vilma na Lola nito. Kusa silang naghiwalay, nakayuko ang ulo na inalis ni Venice ang nasunog na prini-pritong itlog sa may kawali. "Oo nga naman iha, ano bang ginawa mo at nasunugan ka ng niluluto?"pagtatanong ng Ginang na agad nagsalin ng mainit na tubig sa baso nito mula sa thermos. "Kaya naman pala, ang aga-aga narito ka na sa kusina Ryu. Baka naman kasi hinarot mo na naman si Mommy?"pangangantiyaw ni Casven na naglalagay na ng plato at kubyertos sa lamesa. "Hindi ah!"sabay pang tugon nina Kenjie at Venice. Halatang guilty ang mukha ng una habang ang huli'y namumula. "Vin, tigil-tigilan mo ang katutukso sa Nanay mo sa kaklase mo. Jusko! baka may makarinig sa pinagsasabi mo ay machismis pa sila."Suway ng Ginang. "Bakit totoo naman ah Lola!"patuloy ni Casven. "Basta! hindi magandang pinapakinggan,"naiiling na dagdag nito. Matapos maiayos ni Venice ang niluto ay umupo na sila. "Wow! Ang dami naman ng umagahan natin ngayon?"takang-tanong ni Casven. Akmang kukuha na ng pagkain ito ng paluin ito sa kamay ng Lola nito. "Maghinay-hinay ka nga apo, ang mabuti pa'y magdasal muna tayo bago mag-umpisang kumain."Saka ito pumikit at inumpisahan ang daily routine nila. Tahimik naman napasunod si Kenjie. For the first time ay gagawin niya iyon, dati-rati wala siyang pakialam. Basta ang alam niya kapag gumigising siya, didiretso na siya kumain sa hapag-kainan ng mga pagkain na inihanda lang naman ng mga maids nila sa mansyon. Nasanay din ang binata na mag-isang kumain, dahil parating nasa business tour ang parents niya. Kaya ngayon iba ang feeling niya na may makakasalo siya sa umagang iyon. Ibang-iba sa pakiramdam niya. "Ano bang iniisip mo anak, mukhang hindi ka nakatulog. May iniisip ka ba?"tanong ni Ginang Vilma matapos na ipasa ni Venice ang bandehado ng siningag na kanin dito. "W-wala ho ito Ma, sobrang init kasi kagabi. Nasira po ang electricfan na gamit ko sa kuwarto kaya hindi ho ako nakatulog ng magdamag,"sagot ni Venice. "Ah, ganoon ba. Bakit hindi mo sinabi. Iyon na lang sana ginagamit ko sa kwarto ang kinuha mo." "Ma, 'di kayo rin ang naiisturbo. Okay lang naman ho ako." "Oh! siya sa pagkain ka na lang bumawi, napakabait mo talagang anak Venice. Kaya napakaswerti ko at ikaw ang naging anak ko."Parang maluluha na si Ginang Vilma. "Asus! Si Mama nagdrama pa. Ako nga ho dapat ang magpasalamat, dahil napakabuti niyong ina. Na kahit wala akong nakagisnan na ama ay never kayong nagkulang sa pag-aalaga sa akin."Kitang-kita ni Kenjie ang pagtayo at pagyakap ni Venice sa ina nito. "Ahy! ang daya, payakap din."habol ni Casven. Tawang-tawa naman ito. "Ikaw din halika na!"pagtawag nito kay Kenjie. "H-huwag na!"Tanggi ni Kenjie. Ngunit ng lumapit at hinila na siya ni Casven ay wala na itong nagawa. Hindi mawari ni Kenjie, ngunit iyon na ang isa sa pinakamaligayang umagahan niya sa buong-buhay niya. Bukod pa noong nabubuhay pa ang Mommy niya. Pakiramdam na may buong pamilya siyang magigisnan araw-araw na tuluyan nawala ng mamatay ang Mommy niya. "Sige kain na... at Casven huwag kuha ng kuha ng ulam, umandar na naman katakawan mo. Magtira ka ng babaunin niyo ni Kenjie sa school."Suway ni Venice sa anak. "Okay Mom, ang sarap kasi!"sagot nito habang ngumunguya. "...at Ikaw Ken, bakit hindi ka nagkakanin?"Tanong ni Venice rito. "H-hindi ako nagka-kanin sa umaga 'te,"pagkuwa'y sagot ni Kenjie. "P'wes kapag narito ka sa bahay kumain ka ng kanin. Dapat sa umaga, damihan mo ang kain. Gayahin mo si Cas."Habang panay ang paglalagay ni Venice ng siningag na kanin, pritong itlog at hotdog sa plato ng binatilyo. Pinapanuod lamang ni Kenjie ang ginagawang pag-aasikaso ni Venice sa kanya. Hindi niya mapigilan ang sarili na makaramdam ng lubos na kaligayahan sa gesture na iyon ng babae sa kanya. Dati noong nabubuhay pa ang Mommy niya'y asikasong-asikaso din siya. "Hayaan mo nga siya Mommy, nagre-reduce iyan. Ayaw niya kasing manaba, kaya akin na itong isang hotdog."Kasabay niyon ang pagtusok ni Casven sa hotdog. "Cas! kapag hindi ka naghinay-hinay gusto mong matulad sa anak ni Tiya Carmen mo."pakikisali ni Ginang Vilma na ang tinutukoy lang naman nito ay ang napakatabang Pinsan niya sa probinsya na napabayaan sa kusina. Agad naman nabitiwan ni Casven ang hotdog. Mukhang tinablan ito sa pananakot ng Lola nito. Nauna na itong nagpasintabi matapos na maubos nito ang pagkain na nasa plato. Matapos magpasalamat ay agad pumasok sa banyo para makaligo ito. Habang silang tatlo ay naiwan namang natatawa. AGAD na tumuwid mula sa pagkakasandig si Kenjie sa sariling kotse nito nang makita niyang lumabas mula sa loob ng bahay si Venice. Kitang-kita niya ang lubos na pagmamalasakit ng babae sa sarili nitong Ina na labis niyang hinahangaan rito. Dahil bukod sa napakaganda nito sa panlabas ay ganoon din sa panloob. "Sige Ma, maiwan muna namin kayo. Magluto na lang ho kayo ng gusto niyong pagkain mamayang tanghalian, pagkatapos ay huwag niyong kakalimutan mag-take ng gamot niyo. Magpahinga ho kayo pagkatapos, iwasan niyo pong magpagod Mama baka mahimatay kayo, eh nag-iisa lang po kayo rito sa bahay. Huwag na rin kayong magsaing ng bigas para mamayang hapunan si Casven na pong bahala roon,"mahabang bilin pa ni Venice at saka yumakap rito. "Oo na, sa dami ng ibinilin mo baka hindi ko rin sundin." "Naku! Ma! Sige ka, magtatampo ang maganda niyong anak,"may himig pagbibiro at iling ang ginawa ni Venice matapos maghiwalay ang mga ito. "Mom! Mala-late na kami ni Ryu, matagal pa ba 'yan!"Pagtawag ni Casven mula sa loob ng sasakiyan ni Kenjie. Dahil doon ay nagmamadaling nagpaalam ang babe sa Ina. Tuluyan naman pinagbuksan ni Kenjie si Venice ng pinto matapos itong makalapit. Nasa biyahe na sila ng umimik ang binatilyo. "Napakasweet mo palang anak sa Mama mo 'te V,"pagkuwa'y sabi niya. "Bakit? Ang tingin mo sa akin hindi ako mabait na anak?"Nakataas-kilay na sagot naman niya kay Kenjie. Kasalukuyan silang magkatabi sa harapan, habang si Casven ay piniling maupo sa likuran upang makapag-review. "Hindi naman, ang sungit-sungit mo kasi. Tapos may ganyan ka palang itinatagong kabaitan sa Mama mo." "Huwag mo masyadong idyi-na- judge si Mommy Ryu. Pili lang kasi ang mga taong pinapakitahan niya ng pagiging mabait niya,"sabad ni Casven na niliningon sila saglit bago nito muling ibinalik sa ginagawang pagbabasa ang atensyon. "H-hindi naman sa ganoon, kaso—" Ngunit hindi na pinatapos ni Venice sa pagsasalita ito. "Alam mo Ken, si Mama na lang kasi ang meron ako. Kung hindi sa kanya ay wala ako rito sa mundo. Kaya kahit na anong mangyari hangga't makakaya kong ibigay sa kanya ang lahat ng ginhawang maari kong maibigay ay gagawin ko,"nasa tinig ni Venice ang pagmamahal sa Ina. "Eh, kay Lolo Mom sana ganoon ka rin,"muling pag-imik ni Casvin. Bigla naman natahimik si Venice, ang itsura ay hindi maipinta. Si Kenjie naman ay hinayaan ang babae. Matapos pa ang ilang minuto ay tuluyan nilang narating ang restaurant na pagmama'y ari nila. Napansin pa ni Kenjie ang kulay itim na Toyota na natitiyak niyang sa madrasta niya. "Sige Ate V agahan ko na lang mamayang hapon para maturuan mo pa ako sa ibang lesson namin,"nasabi pa ni Kenjie na tinanguan naman ni Venice at tuloy-tuloy na naglakad papasok sa restaurant. Bago pa nagmaniobra si Kenjie ang sariling kotse ay kitang-kita pa niya ang paglabas mula sa loob ng step mother niya. Mukhang bad mood ito, base na rin sa pagkakalukot ng pagmumukha nito. "Ikaw ah, Ryu! tinuturuan na nga kita sa mga aralin natin iba pa sa oras ng kay Mommy? Iba ka rin! Dapat double pay kami sa'yo." "Sige ayos lang basta lakad mo ako sa Mom mo,"ungot pa ni Kenjie na ngising-ngisi. "Kaya pala! kaya lagi kang may dahilan na makasama si Mommy. Iba na 'yan, hindi na ako magtataka na isang araw ay mahulog ang Mom ko sa'yo." "Bakit sa tingin mo puwe-pwedi 'yun?"umaasam pang tanong ni Kenjie. "Hindi mo naitatanong, pagsusungit lang ang fighting mechanism niya. Pero ang totoo napakarupok niya." Dahil sa sinabi ni Casven ay tila biglang nagkaroon ng pag-asa si Kenjie na mapansin siya ni Venice balang-araw. May kasabihan na wala namang tax ang pangangarap ng gising, lalo kapag sa taong pursigido niyang mapa-oo. AGAD ipinarada ni Kenjie ang sasakiyan sa harapan ng restaurant nila. Oras na naman ng duty niya. Hindi kapares ng mga nakaraan araw na walang pagsidlan ang sigla niya sa tuwing pumapasok roon. Ngayon, tuluyang napalitan ng pagkawala ng kanyang gana. "Evening,"mahinang bulong ni Kenjie kay Venice, matapos niyang makapagpalit ng uniform at mapuntahan niya ito sa pantry. Kung saan kasalukuyan itong nagdidikta ng order sa chief ng restaurant nila sa gabing iyon. Tuluyan siyang naglakad palabas na hindi man lang hinihintay makasagot ang babae. Katulad ng dalawang nakaraang linggo ay lalong mas lumamig ang pakikitungo ni Venice sa binatilyo. "Luego, Jefe Menandro, yo solo me encargaré de algo," (Mamaya na lang Chief Menandro,may aasikasuhin lang ako) bilin pa ni Venice sa wikang español rito. "Está bien, señorita Santos, tómese su tiempo. Señorito Kenjie puede estar aburrido y los dos nos despedirán," (Ayos lang Miss Santos take your time. Baka mainip si señorito Kenjie at parehas pa tayong masesante) biro pa nito. Dali-daling naglakad palabas ng kusina si Venice matapos nitong maalis ang apron na suot-suot kanina. Ipinatikim lang kasi ng chief sa kanya ang bagong putahe na ise-served nito sa mga susunod na araw sa restaurant. Nang mula sa malayo ay makita niyang nag-aayos na ng lamesa na kinainan ng kaalis na costumer si Kenjie. Agad pinagpatay malisya ni Venice ang umuusbong na kakatwang damdamin ng mahuli pa niyang ninakawan ng halik sa pisngi ng babaeng estudyante si Kenjie. Muntik na niyang maiikot ang mata dahilan lang naman na tila nagustuhan pa iyon ng binatilyo. "Kilala mo?"biglang tanong ni Venice. Halatang may sarkasmo ang nanulas na salita sa labi niya. "Nope! Gulat nga ako dahil bigla na lang yumayakap at humahalik. Iba talaga kapag gwapo!"Kasabay niyon ang pagkindat-kindat pa sa kanya ng binatilyo. "Tumigil ka nga oras ng trabaho pero kung ano-ano na naman pinaggagawa mo,"masungit na saad ni Venice. " 'Asus! selos ka lang, aminin mo na kasi may gusto ka na sa akin!"patuloy pa rin ni Kenjie na tinusok-tusok pa mula sa tagiliran bahagi nito si Venice gamit ang hintuturo nitong daliri. "Sabing hindi! Last day mo na nga rito sa trabaho ganyan ka pa na nagkakalat! Umayos ka Mr. Buencamino,"mataas ang tinig na suway ni Venice sa binatilyo na kumibot-kibot pa ang labi. "Iyon nga last day ko na pero kahit isang beses hindi mo pa rin ako pinagbibigyan."Tukoy ni Kenjie sa date na inuungot nito noong nakaraan linggo pa. "Sabing hindi pwe-pwedi eh,"pagmamatigas ni Venice. Tuluyan na niya itong tinalikuran. "Si Ate ang sungit-sungit talaga, baka pagsisihan mo na hindi ka umu-oo,"habol pa ni Kenjie. Isang buntong-hininga na lamang ang ginawa ng binatilyo bago nito ipinagpatuloy ang ginagawa. Mabuti na lamang at kakaunti pa lamang ang costumer nila kaya kahit paano ay hindi madadagdagan ang pagkapahiya niya sa tuwing lantaran siyang nire-reject ng babae. LUMIPAS nga ang ilang oras malapit ng matapos ang duty niya. Ngunit hindi pa rin tumitigil si Kenjie sa kakakulit kay Venice. Para na nga siyang sirang plaka na paulit-ulit. Nagbabakasali siya na pumayag ito. Ngunit hanggang sa uwian ay laging umiiwas si Venice. Papara na sana ang babae ng masasakiyan pauwi ng madinig ng nito ang tinig ni Kenjie mula sa likuran niya. "Oh, Kenjie, bakit hindi ka pa umuuwi? M-may kailangan ka pa ba? di' ba't sinabi kong ayaw ko. Bakit napakakulit mo. Ang mabuti pa'y itulog mo na 'yan sa inyo,"pagtataboy pa ni Venice Nanatiling sa tahimik na highway ang pansin niya. "Ano bang gusto mong gawin ko para tuluyan kitang mapapayag,"halos nasa tinig ng binatilyo ang pagkadesperado. "Wala kang dapat gawin."Hanggang isang taxi ang napara ni Venice. Dali-dali na siyang napasakay doon para hindi na humaba pa ang diskusyon nila ng binatilyo. Ngunit, hindi pa nakakalayo ang kinalululan niyang sasakiyan ay muli niyang nilingon ang direksyon kung saan naroon na nanatiling nakatayo si Kenjie. At katulad ng inaasahan niya'y nababalot pa rin ng kalungkutan ang mukha ng binatilyo. Mariin lamang kinagat ni Venice ang ibabang labi upang hindi kumawala ang hikbi sa bibig niya. Ngunit ang pagtakas ng mainit na likido sa magkabilang mata niya na umagos hanggang sa pisngi niya'y hindi na niya nagawang mapigilan. Dali-dali niyang pinunasan gamit ng likuran palad ang mga iyon. Pero patuloy pa rin iyong umaagos. "Ma'am, bakit ho kasi hindi niyo pinagbigyan si Kuya. Mukha naman pong malinis ang hangarin niya sa inyo. Tapos ngayon iiyak-iyak kayo?"biglang imik ng tsuper. "Pwedi ba Manong, mag-drive na lang kayo ng tahimik. Kung ayaw niyong bumaba ako at pumara ng ibang taxi!"pagsusungit na naman ni Venice. "Ahy! hindi po ma'am, sige po tatahimik na nga sabi ko nga, eh."Kasabay niyon ang pagsipol-sipol na tila hindi siya napapansin. Aminado naman ang dalaga na panay pagtataray na lang ang ginagawa niya sa tuwing magkaharap sila ng binatilyo at kapag panay ang pagsasabi nito ng saloobin. Ano ang magagawa niya, napag-utusan lamang siya na huwag niyang hahayaan na mahulog pang lalo si Kenjie sa kanya. Hindi lang siya mawawalan ng trabaho kun'di maari pa siyang idemanda kapag pinatulan niya ang pagkagusto sa kanya nito. Dahil sa labis na frustration ay napatili siya ng ilang beses mula sa loob ng taxi. ANG INAAKALA ni Venice ay babalik sa normal ang buhay niya, dahil sa natapos na ang isang Buwan na pagtratrabaho ni Kenjie sa restaurant. Ang bonus na ipinangako ni Kenjie sa kanya ay hindi na niya kinuha. Dahil ayaw na niyang magkaroon pa ng dahilan para magkita pa sila. Ngunit, halos hindi inaakala ni Venice na araw-araw ay pinapadalhan siya nito ng mga bulaklak at chocolates na ibinabasura lang naman niya pagkatapos. P'wera na lang sa tsokolate na hinihingi ng anak niyang si Casven. May isang beses na papalabas siya ng restaurant ay naghihintay pa talaga si Kenjie upang maihatid lamang siya. Ngunit hindi niya ito pinapansin. Ang pag-aakala niya ay tumigil na ito sa paghihintay sa kanya kapag mag-a out siya sa trabaho, dahil marahil ay napagod na ito sa lantaran niyang pagbabalewala sa panliligaw nito. Ngunit nagulat siya dahil kada bumabyahe na siya pauwi ay parati palang nakabuntot ang asul nitong chevrolet camaro. Hinayaan na lang ni Venice sa mga trip nito. Isang beses pa'y may tatawag sa landline nila sa restaurant. Siya ang gustong makausap dahil may irereklamo ito sa serbisyo nila. Ngunit laking pagkagulat niya na si Kenjie lang pala iyon. "Ano bang gusto mo Ken? pangatlong pagtawag mo na 'tu, ah!"Inis ang tinig ni Venice. Pero ang totoo, kabaliktaran niyon ang nararamdaman niya. Namiss niya ang binatilyo sa totoo lang. "Wala lang namiss ko boses mo Ate V. Hinahanap kita kanina pero sabi nila wala ka raw diyan." "Oo may ipinaasikaso ang Tita Reyya,"tugon niya. Matagal bago hindi nakaimik si Kenjie. "May kailangan ka pa ba? Dahil kung wala na, ibababa ko na ito..." "Wait! Atat ka naman tapusin ang pag-uusap natin. Hindi mo ba ako namimiss?"nahinuha niya ang pagkaasam sa tinig ni Kenjie. "Pwedi ba Ken, matanda na ako para bola-bolahin mo pa. Ang mabuti pa'y sa iba mo na lang ibaling iyang pagkagusto mo sa akin,"pagtataray na naman niya. "Ouch! lagi na lang ba, wala ka ba talagang maramdaman kahit na ano. Ang manhid mo naman." "Kenjie bata ka pa hindi mo pa alam ang sinasabi mo—"hindi pa natatapos ni Venice ang sinasabi ay muli ng narinig nito ang nasasaktan na tinig ni Kenjie. "Bata? Kaya ba hindi mo pinapansin ang lahat ng effort ko dahil sa agwat ng edad natin. Sa edad lang tayo nagkakatalo pero itong nararamdaman ko sa'yo. Nakakasigurado naman ako." "Tigilan mo na nga ako, ibaba ko na 'tu."pagtataray niya. Hanggang sa muli pa niyang narinig ang tinig nito. "Papatunayan ko sa'yo na seryuso at totoo ako sa nararamdaman ko. Kaya ihanda mo ang sarili mo Venice Santos..." Kasunod niyon ay ang dial tone mula sa linya ng telepono. Sa totoo lang natatakot na siya sa mga isusunod pang hakbang ng binatilyo. Natatakot siya na hindi na niya mapanindigan ang pag-ayaw niya sa inihahandog na pag-ibig ni Kenjie sa kanya. Ayaw niyang mawalan ng saysay ang lahat ng pag-iwas na ginawa niya sa nakalipas na Buwan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD