CHAPTER TWO

3353 Words
PATULOY lamang ang ginagawang pagpupunas ni Kenjie sa lamesa na katatapos lang niyang tanggalan ng mga kinainan ng kaalis nilang costumer. Nagulat pa siya sa biglang pag-upo ng apat na kalalakihan na halos hindi nalalayo sa edad niya. Nakilala niya ang isa roon—si Caesar ang anak ng kapitan sa kabilang Bayan na minsan niyang nakaaway sa kanilang campus. Nasa kolehiyo na ito pero balita niyang hindi ito makagradweyt dahil bulakbol at lagi itong naga-guidance office. "Wow! Ryu ano 'tu? Akala ko ba pagmama'y ari niyo ang restaurant na ito, anong trip mo at pumasok ka na yatang waiter rito,"pang-iinsulto ni Caesar. Halos magkasing-tangkad sila nito,ang tatlong kasama nito ay nakangisi lang habang nakatutok ang buong pansin sa kanya. "Wala ka na roon, kakain ba kayo rito o hindi? Dahil kung tatambay lang kayo umuwi na lang kayo."Pagtataboy pa ni Kenjie sa mga ito, nasa tinig niya ang pagtitimpi, sa totoo lang anuman sandali ay uupakan na niya ang mga ito. Kaunting-kunti lamang ang pasensya niya sa mga katulad nito. Lalo siyang nabwe-bwesit dahil kitang-kita niya na harap-harapan ang pagpapalitan ng nakakalukong ngisi ng apat patungkol sa kanya! "Ang bastos mo naman makipag-usap sa mga costumer niyo, ganito ba kayo sa lahat ng mga kumakain rito? Wala pala rito eh, gusto mong makakuha ng mababang rating ang restaurant niyo?"Dahil sa narinig ay tuluyan nagsalubong ang kilay ni Kenjie. Mahigpit na mahigpit na ang pagkakayukom ng mga kamao nito. Kung wala lang siya sa restaurant ay kanina pa niya binasag ang mga mukha ng mga kaharap niya. Akmang ibabalibag niya ang lamesa ng biglang may pumigil sa kamay niya. Nakita niya ang nagbabalang mukha ni Venice. Agad nitong binalingan ang mga kabataan na kausap ni Kenjie. "Sir pasensya na po kayo. First day po kasi ni Mr. Buencamino. Kaya, ako na lang po muna ang kukuha ng order niyo kung pahihintulutan niyo."Agad na iniabot ni Venice ang menu booklet sa apat na binata. Binuklat-buklat naman ng apat iyon ng walang kainteres-interes. Hanggang sa isa-isang pinagbabato ng mga iyon ang hawak-hawak sa gitna ng lamesang ino-ukopa ng mga ito. "Ahy! sorry miss, pero biglang nawalan ako ng gana. Tara na lang sa bagong bukas na K-TV restaurant ng Tito ko."Pangkakayag ng lalaking nakabangayan ni Kenjie. Sunod-sunod na tumayo ang mga ito. "Sige po Sir, have a nice evening!"Pagbati na lang ni Venice na matamis pa ang ngiting sumilay sa labi nito na ipinagtakhan ni Kenjie. "Nakangiti ka pa diyan, hindi na nga nagdine-in ang mga iyon. Pumunta lang sila rito para bwesitin ako,"naiusal ni Kenjie matapos makalayas ang apat sa harapan nila ni Venice. "Kahit na costumer pa rin sila Kenjie, naiintindihan mo dapat pakitunguhan mo sila ng maayos dahil iyon ang dapat mong gawin." "Paano kung ayaw ko, kung wala lang kami rito sa restaurant binugbog ko na ang mga iyon. Nextime huwag kang makikialam,"gigil na wika ni Kenjie na agad tinalikuran si Venice. Tuloy-tuloy siya sa may likuran pantry upang ilagay ang mga utensils na huhugasin ng mga diswasher nila. Natigil sa pagpahakbang si Kenjie ng maramdaman niya ang paghawak ni Venice sa braso niya hindi pa siya nakakalayo. "Hindi pa tayo tapos mag-usap Kenjie, alalahanin mo superior mo ako huwag mo akong tinatalikuran ng basta-basta. Pakiusap, kung may mga personal issue ka ay maari bang huwag mong dalhin dito. Limang oras lang naman ang trabaho mo hanggang Monday to Saturday. Day off mo naman ang linggo kaya hindi naman mahirap ang ipinapakiusap ko right, ngkakaintindihan ba tayo?" "Paano kung hindi ko magawa iyan?"balik-tanong ni Kenjie na inayos pa ang sumbrero na suot-suot niya. "Maghanda ka ng kaltasin ang sahod mo. Susunod ka ba o hindi." "Teka magkano ba ang sasahurin ko rito?"naitanong ni Kenjie. Dahil sa totoo na-co-corious siya. "Five hundred per day,"siwalat ni Venice na nagpaawang sa bibig ng binatilyo. "W-what? Bakit naman ang baba. Anong mabibili niyon."Naiiling pa siya. "Mababa? Anong mabibili? Marami Kenjie mga school supply mo, allowance mo. Swerti mo nga dahil arawan ang pagsahod mo. Bago ka umuwi ay ibibigay ng restaurant manager ang sahod mo,"explain ni Venice. "Are you kidding, grabe naman niyon paano ko pagkakasiyahin ang limang daan sa isang araw? Kakain pa ako ng lunch at meryenda sa school."naisatinig pa ni Kenjie. "Asus! Madali lang iyan Kenjie. Matuto kang magtipid, magbaon ka. Dumiskarte ka, ang tanda-tanda mo na."patuloy pa ni Venice na tumulong na sa pagtulak sa table cart papasok sa pantry. "H-hindi ako marunong magluto,"kakamot-kamot ang ulo na amin ng binatilyo. "Alam mo madaling masolusyunan ang mga iyan. Magpaturo ka kay Tita Reyya, marunong sa kusina iyon. Mabait naman iyon, sinasabi ko para naman may bonding kayo at makilala mo pa siya." "Ayuko nga! Ba't ako hihingi ng tulong doon." "Bahala ka, ikaw din ang mamumroblema kung sakali,"dagdag pa ni Venice sa nakasimangot na si Kenjie. "Ano ba 'yan!"bubulong-bulong ito. Gustong matawa ni Venice sa reaksiyon nito ngunit hindi na niya ginawa baka umiyak na ito. "Ako nga noong nag-aaral ako fifty pesos nga lang baon ko kasya na."share niya rito na nagpamaang kay Kenjie. "Binibiro mo ba ako?"Hindi pa rin naniniwala ito. "Mukha ba akong nagbibiro legit iyan. Sige maiwan na kita rito at mag-iikot ikot muna ko sa buong restaurant."Patalikod na siya ng hawakan siya ni Kenjie sa balikat. "Heep! Kung ikaw na lang kaya ang magluto ng babaunin ko. Sakto kailangan ko ng tutor sa mga subjects ko..."tuloy-tuloy na nasabi ni Kenjie. "Sorry pero hindi na iyan parte ng trabaho ko Mr. Buencamino."Mataray na niyang pagre-reject. Tinalikuran na niya ito. "Please! Please! Sige na pumayag ka na. Tri-triplehen ko ang ibabayad ko sa'yo..."anang ng binatilyo na pinagsalikop pa nito ang magkabilang palad na tila siya dinadasalan habang patuloy siyang nakabuntot dito. Kulang na lang ay lumuhod ito sa harapan niya. "Tumigil ka nga Kenjie. Look! mula umaga hanggang alas-diyes ng gabi ay narito ako sa restaurant niyo. Sa tingin mo may oras ako sa mga ganyan?"Humalukipkip at pinaningkitan pa ng tingin ni Venice ang binatilyo pagkapasok nila sa loob ng pantry. "Sige, ganito na lang, ako nang pupunta ng maaga sa inyo para maisabay kita sa pagpasok mo rito at sa school ko. Para matulungan mo akong magprepare ng babaunin ko. Ayaw mo niyon libre ang ride pagpunta rito. makaka-minus ka pa sa pamasahe, de kotse at ang gwapo pa talaga ng magiging driver mo."Kasabay niyon ang pagpapapogi poise ni Kenjie na panay pa ang pagkindat sa kanya. Iniikot na lang ni Venice ang mga mata. Hindi pa rin makapag-decide ito. "Pwedi mo naman akong turuan sa mga homework ko sa tuwing break natin o bago mag-umpisa ang work hours ko rito. Don't worry ako ng bahalang mag-adjust sa oras."Habol pa ni Kenjie. "Wait pag-iisipan ko."Pagpapakipot pa ni Venice. "Ano ba! Sige na Ate huwag ka namang paasa, oh! pumayag ka na. Magandang offer na iyon, ayaw mo niyon pagkatapos ng isang Buwan may bonus akong ibibigay sa'yo sa pagtulong mo sa akin at pagtutor. Huwag kang mag-aalala kung iniisip mong hindi papayag ang Daddy ko. I swear! sinasabi ko ngayon pa lang oo na sagot niyon,"nasa tinig ni Kenjie ang pangungumbinsi. "Give me one minute,"iginalaw-galaw pa niya ang bibig habang ang daliri niya ay bahagyang inihimas-himas niya sa kanyang pisngi na tila isang napakahirap na bagay ang pagbibigay niya ng desisyon sa offer ng anak ng big Boss. "Ayaw mo ba o hindi? Sige na huwag na lang!"pagmamaktol ni Kenjie at inumpisahan ng hugasan ang mga pinagkainan sa lababo kahit may mga mag-aasikaso naman niyon. "Sige! payag na ako, tama ka malaki ang matitipid ko sa pamasahe. Siguraduhin mo lang Kenjie na iyong bonus ko ibigay mo ng buo,"pagkaklaro pa ni Venice. "Oo ba, kung gusto mo pa ay pang nine month bonus pa ang ibigay ko sa'yo, eh,"nakatawang habol pa ni Kenjie. "Ano bang sinasabi mo, sige diyan ka na nga. Kanina pa ko rito, ayusin mong paghuhugas diyan bilisan mo ang galaw kasi madami pang gagawin." "Biro lang po, okay Ate Venice, yaka ko 'tu ako pa ba?"masiglang sagot ni Kenjie na ikinailing nalang ni Venice. Papunta na sa may second floor ito ng muli niyang maalala ang tungkol sa nasabi ni Kenjie na "Nine Month Bonus" na dagdag nito sa favor sa kanya ng binatilyo. Nanlaki at halos mamula siya sa narealize sa birong iyon ni Kenjie. "My God Kenjie apaka-pilyo mo hmp!"Inis niyang bulong mula sa isipan lamang at ipinagpatuloy na ang pagiikot sa buong restaurant ng mga Buencamino. HALOS gabi-gabi ay nanakit ang buong katawan ni Kenjie. Naghahanda na siya para sa out niya sa gabing iyon. Drain na drain siya. Hindi aakalain ng binatilyo na sobrang nakakapagod ang pagtratrabaho sa pag-aari nilang restaurant. Akala niya napakadaling gawain iyon. "Masakit ang katawan mo?"biglang agaw pansin ni Venice rito. Kahit hapong-hapo ay kusang lumiwanag ang mukha ni Kenjie. Sa totoo lang ay mag-iisang linggo na siyang pumapasok, pero halos hindi pa rin nasasanay ang katawan niya. "O-oo, eh 'te,"amin niya. "Suko ka na?"Nakataas ang kilay na tanong ni Venice na kasalukuyan nagsisintas ng sapatos nito. Nakapandamit panlabas na ito, magpahanggang ngayon ay hindi na siya nasanay kapag naka-civilian na ito sa tuwing pauwi ito sa gabi. Dahil kung maganda na ito kapag nakasuot ito ng BSR uniform ay iba na kapag hindi naman. Kitang-kita niya ang bilugan at kulay hazel brown na kulay ng mata nito na binabagayan ng mahabang pilik-mata. Kilay nitong manipis, matangos na ilong at natural na pinkish na pisngi. Lalo na ang labi nito na sa tuwing napapatitig siya roon ay natutulala lang siya. Bagay na bagay din sa babae ang maiksi at may straight bangs. Ang totoo ay may pagkakahawig ito sa artista na si Christine Reyes. Pares nito'y napakasexy at makinis. Ang totoo'y nagka crush na siya ng tuluyan sa babae. Habang tumatagal na nakikita niya ito'y lalong lumalalim ang pagkagusto niya kay Venice. "Nope! Ba't ko gagawin iyon. Infact nag-eenjoy ako, lalo at araw-araw kitang nakakasama,"pagpaparinig ni Kenjie. Sa halos isang linggo niyang pagpasok sa restaurant ay hindi siya pumapalyang sabihin ang saloobin niya sa babae. Kapag nasa eskwelahan pa lang siya ay pinanabikan na niyang makita ito kapag nasa oras siya ng klase nila. Maging sa paggising niya sa umaga ay excited siyang bumangon. Kahit mag-a-alas singko pa lamang ng umaga ay maghahanda na siya para mapuntahan niya lang ng maaga ang babae. Noong unang beses kasi na na-late siya ay hindi na niya naabutan ito. Kaya magmula niyon ay napipilitan mag-set ng alarm ang binatilyo upang magising lamang sa takdang oras. "Pwedi ba Kenjie, huwag mo na akong isinasali sa mga trip mo. Kay bata-bata mo pa para ako ang patuunan mo ng pansin, atupagin mo na lang ang pag-aaral at ang trabaho mo rito. Maliwanag ba iyon?"seryusong payo ni Venice na tumayo na at naglakad sa may highway. "Ayaw ko nga, bakit ba kasi ayaw mong maniwala na totoo ang nararamdaman ko sa'yo. Oo, siguro crush lang 'tu para sa'yo na sa tingin mo ay mawawala kapag hindi na tayo nagkita. Mark my word, maniwala ka sa salita ng isang Buencamino. Your lucky dahil sa'yo ako unang nakaramdaman ng ganito."Itinaktak pa ni Kenjie ang kamao sa tapat ng dibdib nito matapos na sumunod sa babae. Tinitigan lang naman siya ni Venice na nasa mukha pa rin ang hindi paniniwala. Tuluyan itong nagpara ng masasakiyan. "Wala ka man lang bang sasabihin, Ate kong maganda? Promise kapag pumayag kang maligawan ay paliligayahan kita! This time ay maari bang maihatid kita? Please pumayag ka na."Pinagsalikop pa nito ang dalawang palad sa harapan ni Venice na nakatingin pa rin sa daan. Hanggang sa isang pulang kotse ang tumigil sa tapat nila. Kusang nagkasalubong ang makapal na kilay ng binatilyo ng umibis mula roon si Rodnick. Ito lang naman kasi ang isa sa masugid na nanliligaw kay Venice. Ang pagkakaalam niya'y Doctor ito. Ilang beses na rin niyang naaktuhan na inihahatid nito pauwi si Venice. "Hai! Goodevening Venice. Sakto pala ang pagdaan ko, Tara! ihatid na kita sa inyo,"maginoong pagbati ng binata kay Venice. Habang ang huli ay giliw na giliw pa sa presensiya ng lalaki. "Sige... at ikaw Kenjie pwedi bang umuwi ka na. Mag-usap na lang tayo bukas."Pagtataboy niya rito. Hindi pa rin maipinta ang mukha ng binatilyo. Hahakbang na sana si Venice ng maramdaman niya ang mahigpit na paghawak ni Kenjie sa palad niya. "Sa kotse ko ikaw sasakay pauwi."Deklara ng binatilyo na nagpaamang kay Venice. "Pwedi ba totoy, kung ayaw ni Venice huwag mong pinipilit."may ngisi sa labi na saad ni Rodnick. "Anong sabi mo, bakit anong pinapatunayan mo?"Nanggigil na anas ni Kenjie at marahas nitong kinuwelyuhan ang binata. Kahit mas hamak na nakakatanda si Rodnick sa edad ay mas hamak na malaking tao naman si Kenjie rito. "Bakit kaya mo huh!"si Rodnick. "Pwedi tumigil na nga kayo and please Kenjie. Umuwi ka na nga, kung ayaw mong iparating ko sa Daddy mo ito!"sigaw ni Venice na pumagitan na sa mainit na argumento ng dalawa. Nagkatitigan muna saglit ang dalawang lalaki, walang sabi-sabing tumalikod si Kenjie. Agad itong naglakad papunta sa kotse nito at tuluyan ini-start nito ang kotse. Halos umusok ang gulong ng kosteng kinalulunaan ni Kenjie, matapos na doon nito ibuhos ang pagkainis. "Wait, Rod. Kausapin ko lang si Kenjie."Hindi na hinintay ni Venice na makasagot ang binata. Dire-diretso nang naglakad palapit ito kung saan naroon si Kenjie. Bahagiya niyang kinatok ang bintana ng kotse na nakasarado. Tuluyan naman ibinaba ng binatilyo iyon, nanatili pa rin ang madilim nitong mukha sa harapan. "Please Ken, makinig ka naman sa akin. Huwag mo naman akong ginaganito."Nakikiusap na siya. "Ano ba kasing problema, kahit isang beses ay hindi mo man lang ako pinagbigyan ihatid ka sa inyo. Lagi ka na lang may dahilan, kung iniisip mong baka napapagod ako sa paghatid sa iyo kapag gabi it's nothing. I can manage." "Iyon nga, okay lang sa umaga p-pero kapag gabi ibang usapan na iyon. S-sana maintindihan mo, h-hindi kasi magandang magpahatid ng gabi sa'yo Ken,"napipilitan amin ni Venice. "Ah ganoon, sa lalaking iyan ayos lang kapag siya ang naghatid sa'yo kapag gabi. Pero sa akin hindi pwedi?Okay fine. Sige na! I got your point,"naghihinakit na sabi ni Kenjie. "Hindi naman sa ganoon ang ibig kong sabihin. Kenjie drive safely." Ngunit hindi na sumagot si Kenjie, dahil tuluyan na nitong isinara ang bintana ng kotse. Naiiling na lamang ni Venice ang ulo, habang minamasdan niya ang papalayong kotse ng binatilyo. Mabuti na lang at pinakinggan naman nito ang huling bilin niyang mag-ingat sa pagmamaneho. Isang pilit na ngiti ang sumilay sa labi ni Venice pagkaupo sa tabi ni Rodnick. "Hayaan mo na siya Ven, mas okay na sa umpisa pa lang ay alam na niya ang lugar niya sa buhay mo. Matagal-tagal na rin akong nanliligaw sa'yo. I hope you'll give me a chance. Tutal matagal na akong kakilala ng anak mo. I can be a good father to your son Venice. Promise hindi ko gagawin sa'yo ang ginawa ni Lucas,"mayamaya'y open up ni Rodnick. "Alam ko, pero pasensiya na Rod. Hindi pa ako makakapag-decide. P-priority ko si Mama at si Casven." "Totoo ba iyan, o baka naman nahihirapan kang makapamili, dahil may dalawa na nga akong karibal dumagdag pa ang anak ng Boss mo,"mapait na turan ni Rodnick. "Hindi 'yan totoo."ibinaling ni Venice ang pansin mula sa labas. Napansin niya ang asul na Chevrolet Camaro na nakasunod sa kanila. Iniikot ni Venice ang mata ng lumagpas iyon, kitang-kita niya ang pagkindat sa kanya ni Kenjie mula sa loob. Maya-maya'y nakarating na sila sa bahay nila. Kitang-kita niya mula sa malayo ang nakaparadang kotse ni Kenjie. Tuluyan bumaba ng kotse ang babae. "Sana naman makakuha na ako ng maliwanag na sagot sa panliligaw ko sa'yo Venice. It's been a year,"pahabol pa ni Rodnick. "Pag-iisipan ko,"nasabi na lang niya. Kitang-kita pa niya ang pagsuntok mula sa ere ng binata. Halatang labis nitong ikinatuwa ang narinig sa kanya. Bukod kay Rodnick ay may dalawa pang masugid na kabinataan sa Bayan nila ang nanliligaw sa kanya. Ang isa ay kasalukuyan nasa Cebu, isang businessman. Ang isa naman ay kababata at kapit-bahay nila, teacher naman ito sa mababang eskwelahan sa sekondarya. Sa ngayon ay wala siyang kabalak-balak magboy friend. Tutok kasi siya sa pangangailangan ng Mama at anak niyang pinag-aaral lang naman niya ng highschool. Recent lang niya napag-alaman na magkaklase pala si Kenjie at ang anak niyang si Casven. Napag-alaman din niya mismo kay Kenjie na ito daw ang top student sa klase nila. Kaya proud siya sa anak, kahit paano ay nagbubunga ang pagkayod niya upang mapa-aral niya ito sa isang ekslusibong eskwelahan. Sa kabila ng pagpapabaya at pag-iwan ng ama nito na si Lucas sa kanilang mag-ina. Bubuksan na sana ni Venice ang pinto ng kanilang bahay. Nang magbukas iyon ay ang anak niyang si Casven ang pumihit ng seradura niyon. "Hey Mom, andito kana pala. Akala ko ba parehas kayong pumapasok nitong si Ryu sa Restaurant nila. Bakit hindi ka pa niya isinabay sa uwian."Salubong sa kanya ng anak. "Ewan ko ba sa Mommy mo Cas, nagpapakipot pa. Mas pinipiling magpahatid sa mga lalaking hindi naman bagay sa kanya,"patutsada ni Kenjie na panay ang kagat sa burger na dinala nito para kanila. "Huwag ka nga, wala naman type si Mommy sa kanila."Natatawang sabi ni Casven. "Dahil mas bagay kami ng Mom mo ano?"biglang sabi ni Kenjie nasa mata nito ang pagyayabang. Bigla naman napaubo si Casven. "Mangarap ka, balik na lang tayo rito sa project natin,"kantiyaw nito. Napakamot naman ng ulo si Kenjie. Sanay na ito sa pagpapalipad hangin ni Kenjie sa Ina niya si Casven. Nang unang beses na magisnan siya ng binatilyo roon ang inaakala nito'y boyfriend siya ni Venice. Iyon pala anak siya ng babae. "Ken, gabi na balik ka na lang bukas,"agaw pansin ng babae ng maratnan pa niyang patuloy sa pagdedecorate ang dalawa sa ginagawang project matapos niyang makapag-banyo. "Don't worry Ate V, dito na ko matutulog,"nasabi ni Kenjie. "Anong sinasabi mo?"Agad binalingan ni Venice si Casven. "Eh, Mom, sabi mo nga late na. tutal nakapagbaon naman ng extra clothes si Ryu. Kailangan namin talagang tapusin ito,"pakiusap ng anak niya. "Okay sige, bahala na kayo diyan. Matulog na kayo pagkatapos diyan. Ikaw Ken, baka malate ka ng gising alalahanin mo idadaan mo pa ako sa restaurant niyo bukas,"pagpapaalala ni Venice na naghihikab na. "Eh kung gusto mo, tabi na lang ako sa pagtulog mo. Parang mantika itong si Cas matulog!"Kumindat-kindat pa ito sa kanya. "Ehem, 'di pwedi Ryu. Please hands off to my Mom,"tatawa-tawang pakikisali ni Casven. "Si batch naman kahit tarantado ako. Ginagalang ko ang Mommy mo, hayaan mo kapag nasa tamang edad na ako saka ako pormal na manliligaw sa kanya,"napakaseryuso ng tono ni Kenjie, maging ang reaksiyon sa malukong mukha nito'y puno ng kaseryusuhan. Kaya upang umiwas ng pansin si Venice. Dali-dali na siyang pumasok sa loob ng sariling silid, kip-kip ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Nanatili naman nakasunod ang mata ni Kenjie kay Venice. Nakaramdam siya ng kahungkagan ng wala man lang nasabi ang babae sa pagpapansin niya. Lalo tuloy siyang napu-frustrate sa nararamdaman niya rito. Isang pitik ng daliri ang nagpagising sa kanya mula sa malalim niyang pag-iisip. "Mukhang malakas ang tama mo kay Mom, Ryu."si Casven. "Oo eh, ewan ko ba since nameet ko siya sa restaurant iba na nararamdaman ko sa kanya." "Baka naman ngayon lang 'yan. Ikaw, huwag mo na ngang sinasama ang Mom ko sa trip mo. Mahal ko siya at ayaw ko siyang makikitang paiiyakan mo lang. Katulad ng ginawa ng Daddy ko sa kanya,"babala ni Casven. "Huwag kang mag-alala, kapag naging kami ng Mommy mo. Paninindigan ko siya, hindi ko gagayahin ang ginawa ng Papa mo." "Pero kidding aside kapag nga naman kayo ang magkatuluyan ang sagwa naman na ng itatawag ko sa'yo ay Daddy. Kasing edad lang kita, Papsy na lang!"pang-aalaska ni Casven na natatawa sa usapan nila. Matipid naman napangiti si Kenjie, imbes na maasiwa kinikilig siya. "Saka Ryu, napapansin ko good influence si Mommy sa'yo. Sana tuloy-tuloy na ang pagbabago mo. Huwag ka ng mambully at matigas ang ulo. Okay ba 'yun?"nakangiting sabi ni Casven. "Your right, she's my beautiful saviour."may ningning ang matang sagot ni Kenjie na panay lang ang pagtapik ni Casven sa balikat niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD