Chapter 2: Kabaong

2873 Words
Chapter 2: Kabaong Tahimik, malamig, madilim, at nakakatakot ang paligid. My hands are shaking because of fear. May nakita akong nag lakad papalabas sa gate kaya dali-dali akong bumalik sa malaking kahoy kung saan ako nanggaling. Sinisilip ko ang lalaking nag lalakad at mabuti naman dahil hindi siya papunta rito. I think, ang edad niya ay nasa mid 30's na ata. Matangkad rin ito at nakasuot ng black cardigan na white naman ang inner nito and black plants. Dali-dali akong tumago nang bigla itong lumingon sa kinaroroonan ko. Pagkatapos ng ilang minuto, ay tinignan ko ulit ito at mabuti naman na't nagsimula na itong nag lakad palayo. Nakahinga ako ng maluwag, but why do I feel like someone is standing behind me? Dahan-dahan akong lumingon at laking gulat ko nang makita ko ang lalaking dahilan kung bakit ako napunta rito. Si Damien! Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Dahil ang kanyang mukha ay nasa leeg ko! Biglang nagtaasan ang aking mga balahibo nang- "Hmm, ang bango mo talaga..." Gusto kong kumawala pero hindi ko maigalaw ang aking katawan and I got shocked when he wrapped his arms around my waist. Hugging me. "Planning to go anywhere? No baby, wala nang takas sa akin," he said and chuckled. Damn, why am I attracted to him?! My heart beats' so fast and loud because I'm scared! I want to go home now! Pilit kong kumawala pero sobrang lakas niya! Please, God, help me! "I warned you earlier, right?" Nanginginig akong tumango. Hindi ako makahinga ng maayos dahil sa kaba. "It's too late, baby. At least I told you that don't let your curiosity kills you," he said at hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas na loob dahil, "W-well, if I'm going to die, okay, kill me then. I'm not scared," I whispered without confirmation but, it's enough for him to hear lalo na't, sobrang lapit namin sa isa't-isa. And because of what I've said, he let me go. Pero agad niya naman akong hinarap. "What do you mean?" he asked at hindi ko alam kung namamalik-mata lang ako pero, nakita ko sa kanyang mata na namamangha siya sa sinabi ko. I rolled my eyes pero kabadong-kabado na ako. "Nothing." "You just got here and hindi kana makakalabas dito." I stunned at kapagkuwan, ay bigla ko nang narealize ang sinabi niya. "W-what? Why!? I badly wanna go home right now! I'm sure, hinahanap na ako ng parents-" "Shh." Hindi ko na natapos ang pagsigaw ko dahil bigla niyang inilagay ang kanyang kamay sa aking bibig. Pilit ko itong itanggal pero may nagpipigil sa aking tanggalin iyon. His hand smells good. Pagkatapos ng ilang minuto ay binitawan na niya ako. "Ano ba?!" "Stop shouting. Baka may makarinig sa'yo and makakalabas ka nga dito, pero hindi na humihinga," he seriously said. "Bakit naman hindi?! Tao lang naman kayo tapos—wait, mafia kayo, ano? Or 'di kaya, kidnapper?" Kunot ang noo ko dahil bigla siyang tumawa ng malakas. Napahawak pa nga siya sa tiyan kakatawa. What's the funny? "No, we're not. We're not humans too," sambit niya pagkatapos tumawa. "Huh? What do you mean?" "We're not humans. We eat humans." Natigilan ako at napatingin sakan'ya habang nanlalaki ang mata. "So, mga r-r****t kayo?" Nanlaki rin ang kanyang mga mata at dito ko lang nakita na pula ang kulay nito. Ang ganda. Malakas uli siyang tumawa sa aking tanong. "Hindi rin." "So ano?" "Guess it," he said. Ginawa pa nga akong manghuhula. I have a theory that he's a vampire pero impossible 'yun. Sa mga libro, movies, at imaginations lang sila nag eexist. "Hindi ako manghuhula, Damien. I'm so curious. Punong-puno na ang utak ko at 'wag mo naman sana punan ito. So tell me. Ano ka ba talaga? Ano ba talaga kayo?" "Okay... " Tumahimik ako at naghihintay sa susunod niyang sasabihin. "I'm a vampire. We're a vampire, babe." "Eh? Hindi naman kumakain ng mga tao ang vampires, silly." "Hindi nga. But me? I eat humans lalo na kapag ikaw." - "I want to ask you some questions, Damien." Nasa ilalim pa din kami ng puno pero nakaupo na sa may damuhan. "Okay, go on." "What does a vampire hate?" I asked and looked at him with full curiosity on my face. "What we hate? Uhm, we hate sunlight, fire, decapitation, garlic, crucifixes, and holy water, but not all. Ang lugar lang namin ang hindi pwede sa crucifixes and holy water, dahil iyon ang isa sa aming rules." Tumango-tango ako sa kanyang sinabi at pilit na inintindi iyon. Gusto ko magtanong pero may marami pa akong gustong itanong. "Alright, next question," I said at bumuntong hininga. He chuckled, "Interview ba 'to, Selene?" Napatitig ako sakan'ya at pinanliitan ng mata. "Paano mo nalaman ang pangalan ko?" "W-wala. I just heard the boy talking to you a while ago mentioned your name," sambit niya sabay iwas ng tingin. Wait, something's wrong. "Why are you stuttering?" I asked. F-ck this curiosity! My eyes widened when I saw him blushing. I smiled widely and, "You're blushing! Akala ko wala kayong dugo?" Excited kong tugon. "W-we drink blood?" patanong niyang sagot at mas lalong namula. Hindi ko mapigilan hindi tumawa sa kanyang mukha. Para siyang hinog na tomato! At mas lalo akong natawa nang bigla niyang itinago ang kanyang mukha, gamit ang kanyang mga kamay. "Ayan, sipsip pa ng dugo. Halata tuloy na nahihiya," pang-aasar ko habang hindi tumitigil sa pagtawa. "Stop or else, I'll suck your blood or eat you," he warned and smelled my neck to my shoulder kaya tumikhim ako at tumahimik. He chuckled kaya tumikhim ulit ako bago magsalita. Nakakataas ng balahibo ang ginagawa niya. "L-Let's continue my interview kuno..." nahihiya kong tugon sabay yuko. "...What are the powers of a vampire?" He smiled. "We can control animals and including some insects too. We can do this," sambit niya at agad na dumikit sa kahoy, kaya tumingala ako sa kanya. "This," ani niya sabay talon patungo doon sa pinakataas na sanga at nagulat ako, dahil bigla siyang naging bat pagtalon niya, kaya safe siyang naka land sa damuhan. "And that." Pagpapatuloy niya. Hindi ko maiwasang hindi namangha at hindi ko rin maiwasang hindi pumalakpak. Para akong bata na nakapanood ng isang magic show na manghang-mangha sa nakita. Grabe, hindi pa rin ako makapaniwala na nag eexist ang vampire sa mundong ito! Well, sino nga ba ang maniniwala na may bampira? It was like, I do believe, but I don't believe. Naniwala ako sa kanilang mga kakayahan pero hindi ako naniwala sa kanilang existence. "How did you do that?" mangha kong tanong. "You know, vampire thingy and I'm not done yet." Napatitig ako sa kanya at hinihintay ang susunod niyang gagawin. Lumaki ang aking ngiti nang bigla siyang nagtransform bilang isang aso, pusa, wolf, at butterfly din. Nang naging butterfly siya, ay nagulat ako dahil bigla itong pumunta sa aking nakangiting labi. Black and red ang kulay nito. Bumalik na siya sa pagiging vampire at umayos ng upo sa aking harapan. "I want to be a vampire too," I said while pouting my lips. "Stop pouting and don't wish to be a vampire too." "Why? Being a vampire is cool!" "No, it's not. You need to take risks before you become a vampire. And it hurts, really." I looked at him. "Why? Story time, please!" "Nope, not yet. I'll tell you but, not now. Hope you understand," he said and gave me an apologetic smile. "Okay, I think it's too private. I understand you and I respect your privacy." "Thank you-" "Hep hep! Can you show me your fangs?" He stared at me at hindi ako papatalo, kaya tinitigan ko rin siya. Bigla niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko kaya dahan-dahan akong umatras at mas inilapit niya pa ang kanyang mukha sakin hanggang sa, napasandal ako sa kahoy. Napalunok ako. God, ano ba 'tong napasok ko... "You want me to show you my fangs?" "Y-yes..." Dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang ilong sa aking leeg, at ramdam ko ang pagsinghap niya. Muli siyang humarap sa akin at doon ko nakita ang kanyang matutulis na pangil, na dahan-dahang naglabasan. "Can I bite you, babe?" Lumakas ang t***k ng puso ko. Bakit kailangan niya itong gawin sa sobrang lapit?! Ayokong makagat niya ako kaya gumawa ako ng paraan at mabuti naman dahil nakaisip ako kaagad. "Ah hehe. Medyo tumagal na ako dito. G-gusto ko na umuwi." "You can't go out. You're trapped now," sambit niya at lumayo na sa'kin sabay iwas ng tingin, kaya nakahinga ako ng maluwag pero bumalik ulit ang aking kaba sa kanyang sinabi. "B-bakit? Paano ka nakakalabas? Paano kung may isang bampira na makakakita sa'kin? Paano kung papatayin ako?" "Hindi ka tulad naming mga bampira na mag tatransform bilang isang maliit na nilalang. May lagusan dito pero isang maliit na hole lamang na bat or butterfly lang ang makakapasok." "Bakit kanina, malaki ang pinasukan ko?" "Yes, maaari kang makapasok doon papunta dito, pero agad na mawawala kapag naka tung-tung ka na sa Lucifugous. And to be honest with you, kami, bampira ang pakana ng lahat kung bakit namin 'yun ginawa," he explained pero kumunot ang noo ko at hinihintay ang susunod niyang sabihin. "Ginawa namin 'yun dahil it's possible na may makakapasok na tao roon at mapupunta dito like you. Karamihan na napunta dito ay estudyante or 'yung mga tao na mahilig mag adventure. Kaya namin ginagawa 'yun para may mainom kami na dugo." Pagpapatuloy niya. Napalunok ako at nanlamig. "And luckily, may nakapasok ulit dito after one year. At ang maswerte, mukhang masarap ata ang dugo ng taong nasa harapan ko ngayon." Nanlaki ang aking mata at tumayo. "No, please don't," I begged. Nanginginig na ang aking katawan at labi, pero narinig ko siyang humagalpak ng malakas na tawa. Doon ko lang narealize na nagbjbiro lang pala siya!Kaya hindi ko napigilan ang sarili kong sapakin ang braso niya dahil sa pang-aasar sa'kin. "You didn't change, Selene. Matakutin at pikunin ka parin. You're still the Selene that I knew," he smiled widely. "Excuse me? Did we meet before? I don't even know you," pagtataray ko. "Yes, we met and we knew each other" Binalewala ko nalang ang sinabi niya dahil, sa susunod pagtatawanan na naman ako dahil sa trip niya. Humiga ako sa damuhan at nag isip-isip. Bigla akong dinalaw ng antok since gabi na naman, pero pinatili kong bukas ang aking mga mata habang nakatingin sa kalangitang, puro maitim na ulap lang ang nakikita. Wala na talagang atrasan 'to. Nasa lugar na ako kung saan nakatira ang pumatay ng sarili kong Kuya. Halatang-halata naman na isang bampira ang pumatay sa Kuya ko, since nalaman kong totoo talagang may bampira sa mundong ito. Pero heto ako, nakikipag usap sa isang bampira na posibleng papatayin rin ako. Alam kong sapat na rason na ang pagkamatay sa Kuya ko para magalit sa mga bampira. But, I think we must love our enemies too. Magalit? Oo, pwede naman tayong magalit. Pwede tayong malungkot, umiyak, pwede din tayo maging masaya. Kung pagod tayo, magpahinga tayo pero hindi dapat susuko. Hindi naman tayo nag-iisa at hindi din tayo naiiba. Marami tayong napapagod at nahihirapan pero hindi iyon sapat na rason na tayo susuko. "Are you tired?" Napabaling ako kay Damien sa biglaang tanong nito. "Yes and I badly want to eat and sleep too pero alam ko, na sa oras na lalabas ako dito ay mapapatay ako sa kapwa mo bampira," I sarcastically laughed. "Come, follow me." - Luminga-linga lang ako sa paligid habang nakakapit sa braso ni Damien. Naglalakad kami sa sulok para walang makakita sa'kin at wala ring makaka-amoy sa aking dugo. "Where are we going?" I whispered. "Shh, stay silent. Malapit na tayo." "O-okay." Sa ilang minuto naming tahimik na paglalakad ay tumigil kami harap sa isang maliit na bahay. Hindi naman siya gaanong maliit talaga. Sakto lang. Parang simpleng square lang pero ang bubong nito ay parang 'yung bahay lang sa witch na may tusok-tusok sa dulo. Ano'ng klaseng bahay 'to? Pumasok kami sa loob at agad niyang isinara ang pintuan. In-on niya ang ilaw at nakita kong may isang maliit na kusina at may maliit na dining table rin. May maliit na sala kung saan may sofa, maliit na table sa harap at mga libro. May dalawang pintuan rin and I think, nandoon ang kwarto at cr. Para lang siyang apartment. Maya-maya ay humarap ako sa kanya. "May comfort room. Nag popoop or umiihi rin kayo?" tanong ko. Bigla siyang tumawa sa tanong ko. Ano'ng nakakatawa? Kanina pa talaga 'tong isang 'to, ha. "Of course, we do that too!" Tumango-tango nalang ako. Do they also do master—erase! Erase! What the hell, Selene?! Really?! "What's with your face? You look irritated. I know you're thinking of something that you didn't like," sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. "P-paano mo nalaman?" He just shrugged and chuckled. "Damien," pagtawag ko. Nilingon ko siya at nakita ko siyang nakasandal sa sofa habang bukas ang tatlong butones sa kanyang polo, kaya kitang-kita ang kanyang dibdib! "Hmm?" "N-nagugutom ako," I tried myself to stay calm. Pero mukhang mahirap atang pigilan. Why is he so damn hot?! "You can eat me," he said and looks at me seductively. Kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi sabay ngisi. "What the f**k?! I'm being serious here!" I shouted to hide my attraction. "What? I'm serious too!" sigaw niya pabalik at humagalpak ng tawa. Kinuha ko ang bag na nakakabit sa aking likod at handang itapon sa kanya, pero agad niyang binawi ang kanyang sinabi. "Okay, okay. I'm just kidding, alright? I know pati mga demonyo matatakot sayo kapag nagutom ka." Napatingin ako sa kanya at nakita siyang tumayo at dumiretso sa kusina. Lumapit ako sa kanya at pinagmasdan siya sa kanyang ginagawa. Kumuha siya ng plato at lumingon sa akin. "Ano?" masungit kong tanong pero umiling lang siya sabay ngiti ng maliit. "Umupo ka na lang doon sa upuan. Nadidistract ako." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay hindi na ako nagdadalawang isip pang umupo sa upuan. Baka mamaya at hindi niya makontrol ang kanyang sarili, at masipsip ang dugo ko. Binuksan niya ang mini ref na puro green ang laman. Ano pa ba? Mga kontra kong vegetables! Kahit kailan ay hindi ko talaga nagustuhan ang lasa nito! "I know too that you hate vegetables. Pero wala kang choice dahil bukod sa mga dugo ay ito lang ang kinakain namin dito," sambit niya at inilapag ito sa mesa. Umupo na din siya sa aking harapan. "Bakit parang kilala mo na talaga ako? Who are you? One of the powers niyo rin ba 'yon?" hindi ko maiwasang magtanong. "No, I just knew it. Lalo na't tungkol 'yon sa'yo," paliwanag niya. Tanging tango na lamang ang naitugon ko at bumagsak ang tingin sa pagkaing nasa aming harapan. "Kainin mo 'yan. Or else, ipapakain kita sa mga bampira dito," banta niya. Agad ko siyang sinamaan ng tingin pero ngumiti lang suya sa akin. Wala na nga talaga akong choice. Dahan-dahan ko na lang itong kinakain kahit hindi ko nagustuhan ang lasa. I should be thankful. Pagkatapos kong kumain ay umupo ako doon sa may sofa. Nakita ko naman ang nakangising si Damien. Tinaas ko ang aking kilay, "Saya natin ah?" He just chuckled. "Matulog ka na. Alam kong pagod ka." Tumango nalang ako at dumiretso doon sa isang pintuan. Sinirado ko na ito at pagharap ko ay, "AAAHHHHH!!!" Mabilis na binuksan ni Damien ang pintuan at tiningnan ako. Nanlalaki ang mata niya habang ako naman ay nakahawak sa dibdib ko. "What's the problem?!" natataranta niyang tanong. Nanginginig ang kamay kong itinuro ang nasa harap namin. "Sh-t lang, Damien! Bakit may k-kabaong dito?" tanong ko at hindi ko na maiwasang hindi maiyak. Ang over reacting ko masyado pero nagulat lang talaga ako sa aking nakita! Pagkatapos ko magtanong ay bigla tumawa ng malakas si Damien kaya mas lalo akong naiyak. "H-huwag mo ako tawanan." Agad niya naman akong niyakap. "S-sorry, pft. May higaan naman diyan na kama. Sa kabaong lang talaga ako nagpapahinga sometimes, dahil komportable ako, pft hahahaha." Ilang minuto ang lumipas ay tumigil na ako sa pag-iyak. Pumunta ako doon sa higaan na sinabi niya at muling napatingin sa kabaong na nasa harapan. Nagsitayuan ang balahibo ko dahil naalala ko ang horror movie na napanood ko noon. Lalabas na sana si Damien pero bigla ko itong pinigilan, "Damien." "Hmm?" "Paano kung may bampirang makakita sa akin dito? At makita nilang kasama kita?" tanong ko at hindi maiwasang hindi kabahan, iniisip pa lang na mangyayari. "Don't worry. Malayo tayo sa Lucifugous. Wala rin ibang nakakaalam sa maliit na ginawa kong bahay dito. You're safe, Selene. We're safe." "K-kanina, salamat pala sa pagtulong mo sakin kay Azi and thank you din dahil tinulungan mo ako dito. I know, it's hard to resist a human lalo na't vampire ka. As in, thank you talaga," I sincerely thanked him and gave him a hug. Muli akong humiga sa higaan at binigyan siya ng matamis na ngiti and I murmured, 'thank you'. Nakatulog ako kaagad pero naramdaman kong hinalikan niya ang noo ko at sinabing, "I missed you so damn much, Selene. I will protect you whatever happens. Sleep tight, baby. Damien is always here for you." -penwaves
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD