Chapter 3: I'm Hungry

2831 Words
Chapter 3: I'm Hungry "Hey..." Nagising ako sa tawag ni Damien sa 'kin. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata at tumingin sa labas ng bintana, na ikinakunot ng aking noo. "Bakit mo ako ginising? Gabi pa oh. Ang dilim pa," sambit ko at sabay turo sa binta. Nagstretch rin ako ng katawan at pinilit na ibuka ang aking mga mata. "It's morning. Kaya madilim dito dahil nasa tagong lugar tayo, at ang Lucifugous. Did I wake you up?" Timignan ko siya na parang hindi makapaniwala sa kaniyang sinabi, "Damien, seryosong tanong ba 'yan? Sinong hindi magigising kung gigisingin ka?" I rolled my eyes. "I didn't wake you up. I just called your name." "At bakit?" "I just check if it's okay to call you Selene, kung pwede namang tawagin kitang mama bear, honey bunch, iniirog k-" "Damien, tumigil ka. Umagang-umaga, tumaas balahibo ko sa iyo," sabi ko at yumuko sabay kagat ng pang-ibabang labi, dahil kahit nako-cornyhan, ay uminit din naman ang pisngi ko. "Selene, tumigil ka rin. Umagang-umaga, sumaludo ano ko sa iyo." Bigla akong napatingin sa kanya habang nanlalaki ang mata. "H-hoy!" sigaw ko sabay kuha ng unan at handang-handang itapon sa kaniya pero, "Oh, ano? You're thinking of something else, aren't you? Ang buhok ko ang sumaludo, Selene. Ang buhok!" natatawa niyang sambit habang pinapatayo ang kanyang buhok. "Ayan, oh. Sumasaludo ang buhok ko." Muli akong napayuko at kinagat ang king pang-ibabang labi. Nakakahiya! "A-ano namang nilagay mo diyan?" nahihiya kong tanong. "Tam-" "Ano'ng Tam?!" hindi ko na siya pinatapos pa. Nakakadiri, amp-ta! Alam ko na kaagad ang nilagay niya! "Tam Tim!" nakakunot noo niyang sagot pabalik kaya kumunot rin ang noo ko. "Ano'ng Tam Timm?" May kinuha siya sa kaniyang bulsa at isa itong tsokolate, kaya agad ko itong kinuha at binasa. "Tim Tam, hindi Tam Tim! At ano'ng ginawa mo sa chocolate?" "I melted the chocolate and then put it in my hair," nakabungisngis niyang sagot. Mariin akong napapikit at napahawak sa aking sentido. "Go to cr and take a shower. Hindi ko alam kung sino'ng espirito ang sumapi sa iyo." "Walang sumapi, Selene. Sadyang in love lang ako." "Kanino naman?" "I'm in love with you." Naramdaman kong uminit ang aking pisngi kaya umiwas ako ng tingin. Ang seryoso din masyado ng titig niya kaya naiilang ako. "M-maligo ka na nga," nauutal kong sambit nang hindi tumitingin sa kaniya. "Ayaw ko." Napatingin ako sa kanya at tinaasan ng kilay. "Bakit naman? Hahayaan mo yang malagkit na tsokolate sa buhok mo?" Nginitian niya ako at umupo sa aking tabi, kaya umusog ako papalayo. "You want me to take a bath? Come with me, then." - Nakaupo lang ako sa sofa habang hinihintay na lumabas sa cr si Damien. Pinagmasdan ko lang ang kabuoan ng bahay na tinutuluyan ko. May mga antiques sa mga gilid at gray or black lang ang nakikita kong kulay ng pintura. Maganda dito kahit hindi moderno ang disenyo. Hindi naman kasi lahat na lang na mamagandang disenyo, ay moderno na lang talaga. Para sa akin, ay mas maganda nga ang bahay na luma. Hindi natapos ang pagmamasid ko sa kaniyang bahay, nang biglang bumukas ang cr, at iniluwa doon si Damien. Ang sexy at nakakaakit niyang tignan. Kung kanina ay bahay ang minamasdan ko, ay ngayon, ang kaniyang katawan na naman- Wait, Selene. Ano daw?! Ikaw ba talaga iyan, Selene?! Bakit naman kasi siya topless at ang g**o pa ng kaniyang mabasang buhok?! "Am I that attractive to you?" Biglang nagising ang diwa ko at napatayo. "A-ano, may klase pa kami! Hindi ako pwedeng umabsent and I'm sure, na hinahanap na ako ng p-parents ko!" natataranta kong tugon. "Wait, don't panic. Just sit, breath, and relax-" "N-no, I can't relax, Damien. N-nawawala ako sa labas at posibleng... posibleng pinapahanap na ako sa mga pulis ngayon! I need to attend my classes. Please, palabasin mo ako dito," I begged. Para bang nawala lahat ng iniisip ko kani-kanina lang, at agad na ulit akong binalutan ng takot at kaba. Para na akong nababaliw dahil sa mabilis na pag-iba ng aking emosyon! "You can't go out. Naalala ko pa ba 'yung sinabi kong hindi ka na makakalabas pa dito. At kung sakaling makakalabas man, ay hindi ka na humihinga." Bigla akong nanlumo at napatigil sa sinabi niya. Naramdaman kong uminit ang gilid sa aking mga mata dahil sa luha. I still can't believe that I am missing on the outside world. Nakita kong papalapit siya sa akin sabay bukas ng kaniyang braso, para yakapin ako. Kapagkuwan ay hinarap niya ako, at ipinahid ang aking mga luha, gamit ang kaniyang kamay. "Shh, I'm sorry, Selene," he whispered at dahan-dahan naman akong huminahon. "N-no, it's my fault, Damien. You don't need to say sorry," I replied. I don't know why I'm crying right now. Hindi naman talaga ako ganito. Maybe, I'm just shocked and scared of what will happen later, tomorrow, next week, next month, or next year. Pero, makakaabot pa ba talaga ako sa mga susunod na buwan? I can't trust anyone easily. Especially, he's a vampire. "I prepared our breakfast earlier. Let's eat?" "O-okay." As expected, vegetables ang pagkain at syempre, walang garlic doon. Umupo na kami at magpe-pray na sana ako pero naalala ko, bampira pala 'tong nasa harap ko. Tumikhim siya dahil alam niya siguro na muntik na akong mag-pray. I just smiled awkwardly and started to eat this veggies. Tahimik lang and it's awkward kaya ako na ang sumira ng katahimikan. "Kumusta tulog mo?" tanong ko pero bigla siyang tumawa nang mahina. "Ayos na ayos lang, Selene. I dreamed of someone I love." Tumango nalang ako at nagpatuloy sa pagkain. "Ikaw? How's your sleep?" tanong niya pabalik sa 'kin. "Ayos lang naman." He smirked. "Sino ba naman ang hindi maayos ang tulog, kapag napanaginipan ang isang gwapong katulad ko?" "Kaya pala malamig dito, Damien. Ang lakas ng hangin," asar ko. "Malakas ba ang hangin? Is it enough para matangay ko ang puso mo?" I choked at napasinghap sa biglaang tanong niya. "T-tigilan mo 'ko, bampira. Baka maputol ko ulo mo, 'di oras." Magpapatuloy na sana ako sa pagkain, pero hindi pa din siya tumitigil. "Paano na kita mabubuntis niyan?" he pouted. "Aba't tarantado. Ayaw ko na ngang kumain!" sigaw ko at hinampas siya sa braso habang siya ay tawang-tawa dahil sa aking reaksyon. Niligpit ko ang platong ginamit ko at syempre, hinugasan ko 'yun. Even though, tamad ako sa ibang gawaing bahay lalo na ang paghuhugas ng pinggan. Pero no choice, palamunin na nga lang ako dito, magiging tamad pa? Ang kapal naman ata ng pagmumukha ko. Dumiretso ako sa sofa pagkatapos at umupo, dahil nandoon ang aking bag. Kinuha ko doon ang cellphone at mabuti naman dahil hindi pa 'yun nalolowbat. Pero ang bad trip, walang signal! "What's that?" tanong niya habang nakaturo sa cellphone ko. "Cellphone ata?" patanong kong sagot. Umiling siya. "Alam ko. 'Yang nasa tabi mo, ano 'yan?" Bigla akong kinabahan at dahan-dahang lumingon. Pero, wala naman. "Huh? Wal-Bakit ka nandyan?!" Matik, kaya pala ako pinalingon dahil tatabi pala sa 'kin. Napasinghap at natigilan ako, nang bigla niya akong inakbayan at hinila papalapit sa kanya. "You're so attractive..." Napatingala ako sa kanyang maamong mukha and we almost kissed, because he's smelling the scent of my hair! Agad naman akong umiwas ng tingin, bago magsalita. "Me? Attractive? Ako nga ba or naattract ka lang sa dugo ko?" I asked and he grinned, "I'd rather not answer." - "Selene." Napalingon ako kay Damien dahil sa tawag niya. Nandito lang ako sa sofa nakaupo habang nagbabasa ng libro. "You asked me some questions about me yesterday, am I right?" Tumango naman ako, "Yeah, bakit?" "Ako naman mag tanong about sa'yo." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Why?" I asked. Hindi ko alam pero kusa lang 'yun lumabas sa bibig ko. "You know, we must know each other more since, hindi ka na makakalabas dito." 'hindi ka na makakalabas dito.' Napaayos ako ng upo at napayuko dahil sa sinabi niyang hindi na ako makakalabas dito. Wala na ba talagang paraan? Humarap ako sa kanya at ngumiti ng pilit. "S-sure. Go on." "Are you okay?" he asked while staring at my eyes. "Yes I am." I smiled widely, hiding the pain inside me. No, not that question! "You're lying." "No, I'm not." "Yes, you are." Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya. Yeah, he's right. "Sorry for lying. I-I am just good at pretending and lying..." Napayuko ako. He patted my head. "No, it's okay." Napatingin ako sa kanya. "Sometimes, we just need to pretend that we're okay. We need to wear a mask everyday. A mask where we can cover our real emotions. Alam ko, hindi madali mabuhay sa labas lalo na't iba-iba na ang mga mindset ng mga tao ngayon..." ani Damien. "...If you're tired, then magpahinga ka. If you're sad, make yourself busy. If you're mad, 'wag kang mag padaloy-daloy ng decisions mo. Learn on how to control your emotions. Hindi man ito madali pero we must learn about it, because it is important." Tahimik lang ako habang nakikinig sa mga sinasabi niya. "It's okay to pretend that you're happy. Kapag may nakita kang tao na mas piniling ipakita ang sadness nila, let them be. Maybe, they're tired on pretending. Dahil hindi naman lahat sa oras ay mag pepretend ka na lang. You need to show it too. To show them that you're hurting too and to show them that everyone should be strong always," pagpapatuloy niya. "Noted. Thank You, Damien," I said and he smiled. "Always welcome, baby. Next question-" "Wait, stop calling me 'baby'," I said pero tinawanan lang ako. "Gusto kita tawagin ng gano'n, eh. And yeah, next question. Have you ever felt that you're hurting too much at feeling mo, ikaw lang ang nasasaktan and suddenly, you felt lonely?" "To be honest, y-yes." "It's okay to feel in that way too. May mga araw talagang ganyan ang mararamdaman natin. Pero always remember na maraming tao ang mas problemado pa sa'yo. Maraming tao na nagpi-pray na magkaroon siya ng buhay na katulad sa'yo." I smiled at him. "Why are you so good at this? Naramdaman mo na rin ba? Do vampires feel the same too?" "I don't think so. Basta I just want to tell you na naging tao rin ako katulad mo. I am once a human too." - Nasa kwarto ako habang nakahawak sa aking puson. Sh-t, ang sakit. Sobra! Naalala ko, hindi pa pala ako dinatnan ngayong buwan, f-ck! Wala akong napkin sa bag kaya hindi ko alam kung ano ang gagamitin ko. May diaper or napkin ba sila dito? Syempre, wala. Wala nga silang dugo. Habang nasa higaan ay namimilit ako sa sakit, nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa doon si Damien. Agad niya akong nilapitan at tinanong kung ano'ng nangyari. Ipinaliwanag ko sa kanya ang lahat at mabuti naman dahil naiintindihan niya ako. At tungkol kanina sa sinabi niyang siya ay naging tao rin ay hindi ko na siya tinanong ng ano-ano pa, dahil nakikita ko sa kanyang mga mata na nasasaktan siya dahil hindi niya ginusto ang maging isang bampira. Sabi niya, napipilitan lang daw siyang pumayag sa mga magulang niya. "Ano gagawin natin n'yan?" tanong niya at nagshrugged lang ako, dahil 'di ko rin alam kung ano ang gagawin. Bigla siyang tumahimik at nakita kong medyo kumislap ang pula niyang mata. "I know what to do now!" sambit niya kaya napatingin ako sa kanya na masiglang-masigla ang mukha. "Ano?" "Sipsipin ko nalang dugo mo pero 'di sa leeg,'' he smirked. Kahit kailan talaga, oh! Agad ko siyang hinampas at tawa at ilag lamang ang nagawa niya. "Ang dugyot mo, Dem!" "Dem? Who's Dem?" tanong niya at tumigil sa pag-tawa. At doon ko lang narealize na tinawag ko pala siya gamit ang nickname ng childhood bestfriend ko, na Damien rin ang pangalan. "W-wala. Naalala ko lang kase sa'yo ang childhood bestfriend ko na Damien rin ang pangalan," I explained. Tumango-tango naman siya. "Asan na siya?" "Iyan ang hindi ko masagot. Nagulat at nagtaka na lang ako dahil isang araw, 'di ko na siya nakita." "Do you miss him?" "Sobra," I said and smiled weakly. Napatingin ako sa kanya dahil bigla niyang inopen ang arms niya. "Imagine mo nalang na ako si Dem," he said and hugged me tight. Kahit nagdadalawang isip man, ay niyakap ko na lang siya pabalik. "I'm sure, kahit 'di siya naka pagpaalam ay namimiss ka na din niya," he whispered. "I hope so." "T-teka, mamaya na nga 'to. 'Yung puson ko sobrang sakit na." Napatawa siya sa sinabi ko at bumitaw sa yakap. Tinitigan niya ako diretso sa mata kaya tinitigan ko din siya sabay ngumiti nang malaki. I don't know but, there's a part of me na komportable sa kanya kahit, isa siyang bampira. Kahit, posibleng mapapatay niya ako. "Wait here. May tatawagan lang ako and trusted siya kaya please, don't be scared..." Tumango ako kahit bahagya akong nakaramdam ng takot sa sinabi niya. Posibleng-posible na bampira 'yon. Dahil ang mga tao dito except sa'kin ay parang label niyo. May label ba kayo? Wala. Kaya, ako lang ang nag iisang tao dito. Lumabas na si Damien sa kwarto and I'm sure, papunta 'yun sa village ng Lucifugous. I wonder kung bakit gano'n ang mukha ng lugar na 'yun. Ang dami kasing dugo saan-saan at sobrang creepy. Hindi ba nila nililinis 'yun? Ilang minuto kong paghihintay ay narinig kong bumukas ang pintuan ng kwarto at naramdaman kong bumilis ang t***k ng puso ko sa kaba at takot, lalo na, nang magsalita ang babae na kasama ni Damien. "Ohh, that smell is so nice! I wonder what it tastes like!" Hindi ako nakagalaw na sa aking hinihigaan dahil sa sinabi ng babae. "Stop it Celeste," Damien warned. She laughed at sa mahinhin na tawa niya pa lang, ay alam kong mabait ito. "Kidding, I'm just messin' around," sambit niya at nagulat ako, dahil bigla itong umupo sa aking tabi, kaya dali-dali akong bumangon at napatingin sa kanya. She's smirking at me. Ang ganda niya! Para siyang anghel at hindi ko akalain bampira rin 'to. "Am I beautiful?" she asked. Mukha naman siguro 'tong mabait dahil mukha siyang anghel. Tumikhim ako. "Y-yes," sambit ko, pero hindi maitago ang takot sa aking boses, kaya muli siyang natawa. "You scared? Nah, don't be. Ilang beses ka na ngang nak'wento sa'kin ni Damien. Simula pa n-" "Stop it, Celeste kung ayaw mo maging peste," pag putol ni Damien sa sasabihin ni Celeste kuno. And wait, nak'wento ako? So, matagal na niya akong kilala? "Yeah yeah." Humarap sa'kin si Celeste at inilahad ang kanyang kamay sa'kin. "I'm Celeste," sambit niya habang nakangiti. Dahan-dahan kong inabot ang kaniyang kamay, "I-I'm Selene." Lumabas kami sa kwarto at umupo kami ni Celeste sa upuan, habang si Damien naman ay kinuha ang coat at sinuot ito. "Where are you going?" tanong ko. Lumingon naman siya sakin at ngumiti. "Somewhere. I'll be back and pababantayan muna kita kay Celeste, dahil baka may ibang bampira, tapos ikaw lang mag-isa dito." I smiled at him. Ako ang may kasalanan kung bakit ako nakapasok dito, pero tinulungan niya pa rin akong mabuhay. "Girlfriend mo?" I asked. Bigla naman natawa nang mahina si Celeste. "Soon, Selene. Soon," sambit ni Celeste at may pa pikit-pikit pang nalalaman sabay tinataas ang kamay at tumawa. "No, kaibigan ko lang 'yan. Ganyan lang talaga ugali at 'di ko rin alam kung bakit ko siya naging kaibigan." "Damien, kailan ka pa natutong manakit? Ikaw na nga 'tong tinutulungan para maitago 'tong si Selene." Tinitigan ko lang sila habang nag babangayan at 'di ko maiwasang hindi mainggit. Nakikita ko lang kasi sa kanila ang bangayan din namin ni Dem noon. Kumusta na kaya siya? Ilang minuto ang lumipas, ay bigla silang tumahimik kaya napatingin ako sakanila. "I'm hungry," biglaang sambit ni Damien habang nakangisi. Ngumisi din si Celeste at nagkatitigan sila na para bang nag-uusap gamit ang kanilang mga mata. "Ako rin," Celeste said and smirked. "I wonder kung kaninong dugo ang naamoy ko? Hmm," pagpapatuloy ni Celeste habang nakahawak pa sa kanyang baba at nakakunot ang noo. "Wait, I wonder how sweet her blood is," Damien replied. Dahan-dahang lumapit si Damien sa akin at sumunod naman si Celeste. They're smiling seductively. Nagulat ako nang itinaas ni Damien ang aking baba, dahilan para mapatingin ako sa kanyang gwapong mukha. Napalunok ako. He slowly smells my neck and I felt goosebumps when he licked it. I'm shaking right now! I can't breathe properly because of fear! Oh God, help me, please! Tumigil si Damien at tumayo. They both looks at me with a grin on their face. Nanlaki ang mata ko at nanginginig dahil alam ko na kung ano ang gusto nilang gawin. Napaatras ako sa takot at dahan dahan rin silang lumalapit sa'kin. They opened their mouth and showed me their fangs, habang malapit nang aatake sa'kin. But before that, 'di ko na alam ang susunod na nangyari, dahil tuluyan na akong nawalan ng malay. -penwaves
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD