Sugod Yakap ang dalawang binti, ang baba ay nasa tuhod, pinagmasdan ko ang magandang citylights na nakikipagkumpetensya ang pagkinang sa mga bituing nagkalat sa kalangitan. Hindi ko alam kung nasaan kami, pero ang sabi ni South ay property raw ito ng mga Buenaventura. Binili ito ni Tito Tres kaya pribado ang lugar na ito at hindi basta basta napupuntahan ng kung sino sino lang. Ang aking mga kamay ay naaliw sa kakabunot noong maliliit na d**o sa aking gilid. Nasa tabi ko naman si South, nakatukod ang magkabilang kamay sa likuran at halos humiga narin, ang tingin ay nasa harap lang. "Ang ganda ng lugar na 'to..." panimula ko at nilingon si South. Binasa niya ang pang-ibabang labi pero hindi na nagawang lumingon sa akin. Kalmado na ang kanyang ekspresyon at ang mga misteryosong mga mat

