CHAPTER 19

2269 Words
"Aze, kanina ka pa tulala riyan. Ano bang nangyari sa'yo kagabi, ha?" Kasalukuyan kaming nasa sasakyan papunta sa airport nang tanungin ako ni Julie. Ngayong araw na ang balik namin sa Pinas kaya maaga pa lang ay nasa daan na kami. Napansin siguro niyang wala ako sa sarili simula kaninang paglabas ko ng kwarto ko hanggang sa makasakay na nga kami ng kotse. "Wala, masakit lang ang ulo ko dahil sa hang over tsaka ang aga ko nagising." Ramdam ko ang titig niya sa akin na para bang sinusuri kung totoo ba ang sinabi ko or hindi. "Oh, bakit ka nga naunang umuwi kagabi? Nag-alala kaya kami sa'yo, akala namin may kumidnap na sa'yo dahil bigla kang nawala." I sighed. Gusto kong takpan ang bunganga niya dahil puro siya tanong at mas lalo nitong pinapasakit ang ulo ko. I can still remember what happened last night, I have no regrets about it but... I don't know, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa ngayon. Kahit nga kung paano ako nakauwi kagabi sa hotel ay hindi ko matandaan. Ang huling natandaan ko ay ang pagbagsak ng talukap ng mata ko habang nasa sofa. That's right after our intimate scene. Baka siya na rin mismo ang nagdala sa akin pabalik sa hotel. He left after that, I guess? Walang bakas na natulog siya sa kama ko, eh. Wala talaga akong maramdamang iba ngayon bukod sa pagod. Hindi ko rin alam kung bakit bigla nalang siyang umalis at wala man lang ni isang text or tawag. Not that I'm expecting it though. Pero ang iwanan ako ro'n at walang pasabi? Anong akala niya, one night stand? Maybe yes, but I'm not that kind of woman. Talagang binigay ko sakanya ang virginity ko kesa mapunta sa kinamumuhian kong lalake ngayon. We could've atleast talk about it. Napabuntong-hininga nalang ulit ako dahil sa mga iniisip. Nakarating na kami sa airport kaya wala sa mood na bumaba ako ng kotse at naglakad na papasok. Saglit lang naman kaming naghintay at tinawag na rin ang aming flight. Hindi sumabay ang ilang models sa amin at nagpasya pang manatili rito sa Singapore dahil may isang lingo kaming pahinga bago ulit magtrabaho kay Rich. Sila lang siguro ang makakapagpahinga dahil madami pa rin ang naka-line up sa schedule ko at mukhang isang buwan pa akong mapapagod dahil doon. Isama mo pa ang stress dahil minamadali na nila ang kasal, I've heard that the election is coming around, and of course, kung ikasal na ako sa lalakeng 'yon, madadagdagan pa lalo ang schedule ko. Kainis! Mabuti nalang at hiwalay kami ng upuan nila Julie at Hillary pagpasok namin ng eroplano. Umupo na ako at sinuot na ang earpods ko at kinuha na rin ang neck pillow ko dahil antok na antok talaga ako. I fall asleep in an instant hindi pa man nakakalipad ang eroplano. Pinaghalong pagod ba naman sa rehearsals, sa show, sa bar at hangover... Idagdag mo pa ang mainit na tagpo namin kagabi, talagang babagsak ka. I am so tired that I even put my feet on the vacant seat beside me and tried to lay down. Kahit pa ang hirap at ang awkward ng posisyon ko. I slept for how many hours until we reached the Philippines. Pagbaba ko ng eroplano ay agad kong tinawagan si Allen para magpasundo sa airport pero dahil hindi siya sumasagot ay napilitan akong mag-taxi nalang pauwi. Hindi na ako sumabay sa mga kaibigan ko dahil iba rin ang ruta nila at alam kong pagod na rin sila dahil sa haba ng byahe. It's already 7 pm here in the Philippines and when I ride a taxi, wala pang kinse minutos ay nasa tapat na ako ng condo building kung nasaan ang unit ko. Sobrang bilis kase ng patakbo ni manong at wala ring traffic. I was really really tired when I entered my condo and didn't even bother to switch all the lights, basta pumasok nalang ako ng diretso sa kwarto at dumapa sa kama ko. Gosh! I missed this bed so bad! Nanatili ako sa gano'ng sitwasyon hanggang sa maramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa ng jacket ko kaya kinapa ko ito at kinuha. Someone is calling and I unconsciously answered it. "Hello?" "I heard you're already home, Iha. How's your flight?" Pagkarinig ko pa lang ng boses ni Daddy ay napasimangot nalang ako dahil hindi naman ito tumatawag ng walang dahilan. Of course he's going to say something aside from asking how's my flight. I knew him very well! "It's tiring," sagot ko sakanya. "Well, it's part of your work. Nasabi naman na siguro sa'yo ni Allen-" "Dad, can you let me rest tonight?" Putol ko sakanya. "I'm tired and I don't want to be disturbed. Yes, I already know about the scheduled dinner, no need to remind me again, okay?" Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya. "Alright, we'll see you tomorrow then, iha. Have a good rest!" Hindi ko na siya sinagot at binabaan ko nalang siya ng tawag. Umayos ako ng higa at napatingin sa ceiling ng kwarto ko. By looking at my dark ceiling, a flash of memories about that night suddenly brings up. Napapikit agad ako ng madiin dahil kung ano ano nanaman ang pumapasok sa utak ko. Para akong sinisilaban kapag naaalala ko 'yun, my body wants him again and this is bad. I should also stop fantasizing about him, baka bigla nalang akong umurong sa kasal dahil sakanya kapag nagkataon. Tumayo ako at lumabas ng kwarto, binuksan ko ang ref ko para sana magtingin ng pwedeng kainin since nagugutom na ako pero nakalimutan kong wala na nga pala akong stock ng pagkain. I forgot to go to grocery before I left for Singapore. Tanging laman nalang ng ref ko ay tubig at ilang left over ko last week na mukhang hindi na pwedeng initin. I sighed in frustration. I'm both tired and hungry that's why I'm starting to get irritated. Napagpasyahan kong sa labas nalang kumain dahil wala rin naman akong choice. Kesa sa mag-antay ng food delivery na sobrang tagal, ako nalang mismo ang pupunta sa kainan. Hindi na ako nagpalit at kung anong suot ko pagdating ay ito na rin ang suot ko sa paglabas. Tinatamad talaga akong gumalaw ngayon at gusto ko nalang mahiga, kung hindi lang ako gutom. eh. Bumaba na ako sa parking lot at sumakay na sa kotse ko, maski amoy ng sasakyan ko ay na-miss ko rin kahit tatlong araw lang naman akong nawala. Nagmaneho na ako at naghanap na ng restaurant na pwedeng kainan dahil wala akong specific na pagkain na gusto ngayon, basta pagkain ay kakainin ko. Sa pagmamaneho ay nakarating na ako sa BGC at doon na bumungad sa akin ang ilang masasarap na restaurant. Nakakita ako ng isang restau na medyo walang tao at maganda ang ambiance sa labas. Nag-park na ako sa parking lot nila at bago bumaba ay kumuha na muna ako ng isang facemask dahil baka may makakilala nanaman sa akin. Wala akong lakas para makipaghalubilo ngayon. "Goodevening, Ma'am!" Bati nung guard sa akin. Pinagbuksan ako nito ng pinto kaya binaba ko na ang mask ko at nginitian siya. "Thank you, Manong." Sinalubong ako ng isang waitress at giniya ko sa isang pang-isahang table dahil mag-isa ko lang naman. Binigyan na rin niya ako ng menu at napangiti nalang ako sa loob loob ko dahil kahit papaano ay maayos ang napuntahan kong restaurant. Nag-order nalang ako ng best seller nilang beef stake at isang apple pie na matagal ko na ring gustong kainin. Nag-order na rin ako ng isang red wine dahil bagay iyon sa in-order kong pagkain. While waiting for my order, I look around and saw mostly couples eating here inside. Nasa tatlong couples ata ang nandito sa loob, they're having a romantic dinner while one group of men are having a casual dinner just two tables away from me. Sa suot nilang suit ay naalala ko nanaman si Cillian. I sighed and shook my head out of frustration, nilibang ko nalang ang sarili ko hanggang sa dumating na ang order ko. They gave me a red towel and I put it on top of my lap before eating. The steak is so good and I like how they marinated it and the sauce is just so good. Ginanahan akong kumain kaya nagsunod-sunod ang subo ko, lumapit sa akin ang isang waiter at nakangiting binuksan ang wine bottle na nasa harap ko. "Let me pour your glass, Ma'am." I smiled and nodded. Pagtapos niya itong salinan ay kinuha ko agad ito at uminom. Habang umiinom ay napunta ang paningin ko sa entrance nitong restaurant at halos maibuga ko ang iniinom ko nang makita kung sino ang pumasok ro'n. What the f*ck! Is this another coincidence? Kase kung oo, hindi na ako maniniwala! Cillian is here! He's entering the restaurant, wearing a white polo and a blue slacks. He's here... but he's not alone. Para akong pinagbagsakan ng langit nang makitang may kasunod siyang isang babae na balingkinitan, maganda, mukhang may lahing Russian at ang ikli ng suot. He's blonde too, wearing a not so thick eyeglasses, like it was sunny outside. As much as I want to laugh and criticize her, the heaviness in my heart appears to be more important. Damn! Naibaba ko nang wala sa oras ang hawak kong wine glass dahil sa nakita. Mas may namuo pa ngang sama ng loob ko nang makitang hawakan niya si Cillian sa braso. Sh*t! Am I jealous or something? I guess it's a yes! Because I wouldn't be mad like this if I wasn't. Nakita ko silang sinalubong ng waiter na sumalubong sa akin kanina at giniya sila sa table na katabi lang mismo ng table ko. Napa-upo ako ng maayos at napahugot ng malalim na buntonghininga nang naglakad na sila palapit sa akin. Pilit kong pinakita na wala akong pake at hindi ko sila nakikita habang papalapit sila, tinanggal ko rin ang emosyon sa mukha ko at nagpatuloy sa pagkain. I saw from my peripheral vision na nasa gilid ko na sila kaya nag-angat ako ng tingin at dumiretso ito kay Cillian. His furrowed eyebrows distract me, he's looking at me with confused eyes but instead of looking at him with the same emotion, I looked away like I didn't see him. Pinaghila niya ng upuan ang babaeng nasa harap niya kaya napahigpit ang hawak ko sa tinidor at galit na tumusok ng isang hiwa ng karne. Now it's clear to me... He doesn't like me, he just want to have a one night stand with me. See? After he took my purity, naghanap na agad siya ng ibang babae! Is not that I'm expecting that we will gonna do it again or magiging kami after that since I'm going to get married, but... Hello? Atleast show some decency! Hindi biro ang ginawa kong pagsuko ng bataan ko sakanya. Sana kahit nagpalipas lang siya ng ilang araw o kahit isang linggo man lang. Hanep! Um-order na sila ng pagkain habang ako ay nagpatuloy lang sa pagkain. Ramdam na ramdam ko ang titig niya sa akin, hindi pa lang niya tinago at masiyado talaga siyang obvious. I hate his guts now, he's too confident and I'm hating it too. Natapos ko ang kinakain sa loob ng kinse minutos dahil sunod sunod pala ang naging pagsubo ko. Halos makalahati ko na rin ang nasa wine bottle ko kaya nagulat ako nang may umagaw ng bote sa kamay ko. "I told you not to drink too much, have you forgotten?" Kumunot ang noo ko at tinignan agad ang kasama niyang babae pero wala sa amin ang atensyon nito kung 'di nasa cellphone niya. She looks like she doesn't care if his man is here on my table. "And who are you to say that? Akin na 'yan, Mr. Montecarda," may diin ang boses na sabi ko. He look at me with emotionless eyes and asked the waitress near us to take the bottle away. Wala na akong nagawa nang ilayo na ito sa akin kaya tinignan ko nalang siya ng masama at tumayo. "You don't dictate me what to do, Mr. Montecarda! You are crossing the line-" "I already did." Napatikom agad ako ng bibig at napahugot ng malalim na buntonghininga dahil sa sinabi niya. This asshole! Hindi nalang ako nagsalita at kinuha na ang bag ko na nasa gilid ng upuan ko. I was about to walk passed him but he grab my hand and stopped me. "I'm sorry," he said, with no hint of emotion. Tinanggal ko ang kamay niyang nasa braso ko at tinignan ang babaeng nasa gilid namin bago ko binalik ang tingin ko sakanya. Hindi na ako nagsalita dahil ano pa bang sasabihin ko? It's not that I'm his girlfriend or what, tsaka hindi ko alam kung nagso-sorry ba siya sa nangyari sa Singapore o dahil may kasama siyang babae ngayon. I don't have the rights to question him about that. Kaya naglakad nalang ako palabas ng restaurant at sumakay na sa kotse ko. Nanatili muna ako ro'n ng ilang minuto hanggang sa kumalma ako. Naiinis kase ako sa maraming bagay, lalo na sa nakita ko ngayon. Magmamaneho na sana ako paalis pero naalala kong hindi pa pala ako nakapagbayad ng kinain ko. Bababa na sana ulit ako ng kotse ko pero nakita ko sa loob na inabutan ni Cillian ng black card ang waitress na nasa harap ng table ko. He's like paying for my food. I feel ashamed but I set aside it. Umalis na ako at bumalik na sa condo ko nang masama ang loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD