It's Sunday morning and I am here inside the gym doing my workout because I don't have much things to do today aside from visiting Lester's family house and the dinner that was set to happen tonight at the Hernandez's Mansion.
Gusto kong sabihin sakanila na kahit huwag nang mag-dinner meet pa, tutal may pinirmahan naman na kaming kasulatan, pero huli na. Nasabi ko na kay daddy kahapon na pupunta ako, kahit pa labag sa kalooban ko.
Instead of staying inside my room for hours, napili ko nalang na magpapawis at ubusin ang oras ko sa mga bagay na makakapagpa-distract sa akin. I've been occupied since last night because of so many things.
First is the wedding, second is about Lester's mom, and third, is about Cilliian's attitude towards me last night.
He's not scared on approaching me kahit pa may kasama siyang babae. Kaya napaisip talaga ako ng malala pag-uwi ko kagabi.
Those problems occupying my mind right now are making me feel stressed. Kaya talagang kailangan ko ng distractions para kahit papaano ay hindi sila maging sanhi ng burnout ko.
Natapos ako sa pag e-exercise nang biglang tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha mula sa dala kong gym bag.
I saw Lester calling me so I didn't hesitate to answer.
"Aze." Bungad niya sa akin.
"Les, okay ka na ba?"
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya. I know it's a dumb question but I just hope that he's doing fine. Mahirap din na hindi ka interesado sa nararamdaman ng kaibigan mo, let's atleast show empathy.
"Yeah, I already accepted it. Makakapagpahinga na rin si Mommy," sagot niya.
"I'll visit her later. Sorry kung hindi muna kita tinawagan kahapon, I was just so tired-"
"It's okay. Kaya rin lang ako tumawag kase itatanong ko kung anong oras ka pupunta rito. Para alam ko kung kelan kita sasalubungin. My mom's funeral is quite public, I need to hide you for the sake of peace," may halong biro niyang sabi.
Natawa ako at napanguso dahil alam kong may mga media rin doon. Sikat din kase si Lester bilang dating hair stylist kaya alam kong totoo ang sinabi niya.
"Huwag ka nang mag-abala, baka mas halatado kapag sinundo mo ako. Magsusuot nalang ako ng hoodie."
"Are you sure?"
"Yes, tsaka sasaglit lang din ako. May pupuntahan kase ako mamayang gabi."
"Alright, see you later then!"
Natapos ang usapan namin kaya nagpunas na ako ng pawis at binitbit ang mga gamit ko pabalik sa unit ko.
Nakapag-grocery na ako kaya puno na ang ref ko, hindi na muna ako naligo dahil pagod pa ako kaya naisipan ko na munang magluto. Naglabas na ako ng mga ingredients na gagamitin ko para sa lulutuin kong bicol express.
Hindi ako bicolana pero naging paborito ko ito nang minsan akong dalhan ni Lester. Sakanya ko natutunan kung paano rin ito lutuin kaya hanggang ngayon ay paborito ko pa rin.
I can eat this all day. Kahit pa sobrang anghang at magka-almuranas na ako ay okay lang.
Pinakuluan ko muna ang karne dahil masiyado pa itong matigas dahil galing sa freezer.
While cooking, sumandal na muna ako sa kitchen counter ko. Saktong pagsandal ko ro'n ay nadaanan ng mata ko ang flower vase ko na nilagay ko pabalik rito sa kusina ko.
I saw that those red roses I put inside that vase is already dead. I remember the last time I received a flower from that mysterious sender, that's when I was still in Singapore.
Iyon na ang huling beses na nakatanggap ako ng rosas. Mukhang naumay na sa pagpapadala kung sino man ang taong iyon.
Medyo nakaramdam ako ng lungkot na hindi naman dapat. Ewan ko ba, nasanay lang siguro ako sa loob ng halos isang linggo na nakakatanggap ako ng gano'n.
Naglakad ako palapit sa flower vase at kinuha ang mga bulaklak na nasa loob nito. Tinapon ko ang mga iyon sa basurahan na nasa malapit sa akin at tinapon na rin ang tubig na laman nito. Pinalitan ko ito ng bago at kahit walang laman na mga rosas ay binalik ko pa rin ito sa dati niyang pwesto.
Natapos na ako sa pagpapakulo kaya tinuloy ko na ang pagluluto. It took me about 30 minutes to finish it and when I'm done, tsaka lang ako naligo dahil aalis na rin ako maya-maya.
Quarter to 12 na nang matapos akong maligo at mag-ayos kaya naman lumabas na ako ng kwarto at naghanda na rin ng mga kakainin ko. I don't have any rice today since I forgot to cook that's why I chose loaf bread instead.
Triny kong ipalaman ang bicol express and to my surprise, masarap siya. Akala ko ay magiging weird ang lasa dahil maanghang siya pero hindi, masarap siya para sa akin lalo na 'yung sabaw ng bicol express.
Nakailang tinapay ata ako at halos makalahati ko na ang isang buong loaf bread dahil sa sarap. I'm so full after that lunch and my stomach was so bloated kaya naisipan kong manatili na muna ng isang oras sa isang park malapit dito sa condo building namin.
Maglalakad-lakad na muna ako para matunaw na lahat ng kinain ko. Pribado naman ang parke na iyon at exclusive lang for those people who are living here. Mostly kase ay mga artista ang nasa condo building na ito, meron din na mga models na gaya ko at balita ko nga ay inokupa ng isang bigating tao ang penthouse sa pinaka-last floor.
Nakasuot na muna ako ng isang long sleeve turtle neck top at isang denim skirt na abot hanggang takong ng paa ko. Naka-itim ako dahil lamayan ang pupuntahan ko mamaya, may dala na rin akong sombrero, shades at isang hoodie. Pati na rin ang paborito kong shoulder bag, sinadya ko rin na ganito ang suot ko kahit pa may dinner mamaya ang pamilya ko at ang mga Hernandez.
Pake ko ba kung hindi pang-formal ang suot ko, wala naman silang sinabing theme or kung ano ba ang dapat suotin, though it's already a common sense, I prefer to show how hardheaded I am as a Varmona.
Ewan ko lang kung hindi sila ma-turn off.
I stayed here for like about 20 minutes, just scrolling through my social media accounts. Tsaka lang ako umalis nang makitang may grupo na ng mga kababaihan ang papalapit sa direksyon ko.
Sumakay na ako sa kotse ko at nagmaneho papunta sa malapit na mall. I will buy some flowers and will ask the store to deliver it to Lester's house bago ako pumunta sakanila. Ayoko namang magbitbit ng malaking bulaklak habang papunta ro'n.
Also, I'm gonna buy some gifts for him since successful ang event namin sa Singapore, kahit pa hindi ko siya nakasama. He's still part of that success because he was there when we were doing those rehearsals.
Nakarating na ako sa mall at dumiretso na agad ako sa VIP section ng mall kung saan may mga guards na mag a-assist sa'yo once na ikaw ay na-identify as high personality or a VIP. Lalo na kung wala kang kasamang sariling bodyguard.
Ito ang kinaganda ng bagong tayo na mall na ito, mabuti nalang at nakaisip sila ng ganitong pakulo. It benefits all those people like me who struggle going out without being noticed.
Tinginan ng mga tao ang sumalubong sa akin habang naglalakad ako papunta sa shop na bibilhan ko. Apat na security guards ba naman kase ang nakabuntot sa akin.
"Huy, hindi ba si Azekyne Varmona 'yun?"
"Hala, oo nga!"
Napangisi ako sa loob loob ko dahil tama ako ng hinala, kahit ano pang suot ko ay makikilala ako, unless nakasuot ako ng full facemask.
"Hindi ko alam na gano'n pala siya! Grabe!"
"Idol ko pa naman siya, ang ganda kaya niya!"
"Hay nako, looks can be deceiving talaga, Marie!"
Napakunot ang noo ko sa narinig dahil iba na ang kanilang pinag-uusapan. Na-curious agad ako kung ako pa rin ba ang pinag-uusapan nila kaya napalingon ako sakanila.
Nang makita nilang tinignan ko sila ay agad silang nagsi-iwas ng tingin at naglakad palayo sa akin habang nagbubulungan.
Okay... That was weird.
Baka hindi ako 'yun. Namali siguro ako ng pandinig.
Tumuloy nalang ako sa gagawin at hindi na pinansin ang mga tinginan ng tao, naninibago man ako sa klase ng titig nila ngayon ay pinagwalang-bahala ko na. Hanggang sa matapos ako sa mga gagawin at kailangang bilhin sa loob ng mall ay may iba pa rin talaga sa mga titig nila.
Not their usual stare like they're mesmerized by my beauty or the usual that they will scream and try to approach me.
Para akong ibang tao sa paningin nila ngayon.
"Thank you po mga kuya, sa uulitin!"
"You're welcome po, Ma'am!" Sabay sabay nilang sabi.
Nginitian ko nalang sila dahil kahit wala namang dumumog sa akin sa loob ay sinamahan pa rin nila ako hanggang sa matapos ako sa loob. They're also kind enough to carry my things, nag-abot nalang ako sakanila ng kaunting tip kahit pa alam kong bawal iyon sakanila.
Ayoko kase na umalis nalang na hindi sila napapasalamatan kahit sa gano'ng paraan.
Malapit na ako sa bahay ni Lester kaya naman huminto na ako sa hindi kalayuan at sinuot na muna ang hoodie ko pati na rin ang aking sombrero bago bumaba ng sasakyan.
Tinted ang sasakyan ko pero alam kong mahahalata nilang ako 'yon dahil sa plate number.
Tama nga ako, madaming reporter sa labas ng bahay niya. Nakabukas ang malaki nilang gate pero hindi pwedeng pumasok ang mga ito dahil may mga guard sa labas.
Haharangin pa nga sana ako ng isa sakanila pero agad akong nakilala ng isa sakanila kaya pinigilan niya ito sa paglapit sa akin.
"Si Ms. Varmona 'yan," rinig kong bulong niya rito.
Sinenyasan ko silang huwag maingay kaya nang makalagpas ako sakanila ay tsaka lang nagtaka ang mga reporters kung sino ako.
Tsaka ko lang tinanggal ang cap ko pati na rin ang hood part ng jacket ko nang malagpasan ko na sila. I entered their huge mansion and saw many visitors, especially Lester's aunts and uncles. Nakita ko siyang nakaupo sa gilid ng kabaong ni Tita pero tumayo agad siya nang makita niya ako.
"Aze!"
Napalabi ako ng sugurin niya ako ng yakap. I hugged him tight and tried my best not to cry, medyo close rin kase ako sa mommy niya noong malakas-lakas pa ito.
"My condolences."
Matamlay niya akong nginitian at hinawakan sa kamay.
"Hindi mo siguro nabasa 'yung text ko. Come here, we have something important to talk about."
Ang seryoso ng boses niya kaya nagtaka ako pero nagpahila nalang din ako sakanya. Gusto ko pa muna sanang tignan si tita pero mamaya nalang siguro. Mukhang importante talaga itong sasabihin niya dahil hinila niya ako paakyat ng hagdan hanggang sa makarating na kami sa kwarto niya.
"What is it, Lester? You are making me nervous."
"Have you seen the article?"
Kumunot ang noo ko.
"What article?"
Napahampas siya ng noo at napahugot ng malalim na buntonghininga bago inilabas ang kaniyang cellphone. May pinindot-pindot siya ro'n at nang makita na ang hinahanap ay hinarap niya sa akin ang phone niya.
"You have a dating scandal."
Pagkasabi na pagkasabi pa lang niya no'n ay nanlaki agad ang mata ko at nahablot ko ng wala sa oras ang cellphone niya. Binasa ko ang buong article at halos hindi ako makapaniwala sa nilalaman no'n.
One of the highest paid model caught dating a single-dad business tycoon. That's the headline!
In-scroll ko ito pababa hanggang sa makita ko ang litrato na sigurado akong ako at si Cillian iyon!
Nakatalikod kaming dalawa at ito 'yung time na sabay kaming naglakad papunta sa parking lot ng mall kung saan din ako muntikan nang mabangga.
Kitang kita ang gilid ng mukha ko kaya naman alam na agad ng mga tao na ako 'yun.
Sh*t!
"I didn't know that you're dating that VVIP-"
"Lester, hindi kami nagd-date! That's the time when you left me on your salon! Nakita ko lang siya kaya..."
Hindi ko matuloy ang sasabihin, he looks so disappointed.
"I promise! Wala talaga, Kahit tanungin mo pa siya. Tsaka I'm engaged already!"
"WHAT?"
Isa pa iyon sa kinagulat niya kaya nanlalaki ang matang tinignan niya ako. I forgot, hindi ko pala nasabi sakanya, kila Julie at Hillary pa lang.
"Engaged to who, Azekyne?"
Napakagat ako ng labi at napaiwas ng tingin sakanya, ayoko mang dagdagan ang isipin niya ay mukhang wala na akong choice. He's my friend and my manager too, kailangan din niyang malaman.
"To Governor Vincent Hernandez. That's all you need to know for now, Les. Tsaka ko na ipapaliwanag ang iba pang detalye, sa ngayon ay gusto kong maalis itong article na ito bago pa kumalat," utas ko.
I'm worried that it might reach my family and it will affect them. Especially to my father who wants me to not link myself with other men except to that Governor.
"I will try to call my friends, alamin muna natin kung sino ang owner ng website na ito. For now, huwag ka munang mag-open ng mga accounts mo. Do not give any statement, okay?"
Tumango ako. "Okay. I will call someone too. He might be able to help."
Kumilos agad kaming dalawa para ma-take down ang article.
Lumabas siya ng kwarto niya habang ako ay nanatili sa loob at sinubukang tawagan si Allen.
Please answer... Please answer, Allen...
This will put my image into danger, lalo na kapag nalaman nilang ikakasal ako sa isang politician at hindi sa business tycoon na nasa article. It will tarnish my image and I might lose sponsorships if this issue gets a lot of attention!
Damn it!