bc

THE ADVENTURES OF YAYA CORDAPHIA (COMPLETED)

book_age18+
731
FOLLOW
4.3K
READ
others
drama
comedy
twisted
heavy
like
intro-logo
Blurb

Cordaphia Vasco Macapagal Was an OFW who always fire out and try and try to find another work, she always encounter a pervert boss to make her work list out. And one day, she finally went back in manila to find a stable job again. But she meet seniorito stevan who always conservative on his hair, the man is her becoming boss permanently and turn to sweetlover ❤️

chap-preview
Free preview
Prologue
Prologue Lumihis ako ng daan at lumiko sa tahimik na parke, iniwasan ko ang mga nagra-rally sa daan na kung titingnan ay mga nasa mahigit dalawang pu't na tao. Araw ng kalayaan ngayon ngunit kay gulo ng kalsada, nagdulot ng traffic kanina ang mga kabilaang nagpo-protesta ukol sa hustisyang pinatay daw kuno ng mayor. Napabuntong hininga ako, hila ko ang maleta at hinahayaang tangayin ng hangin ang buhok ko. Kakauwi ko pa lang kahapon mula sa bansang riyad at eto'y wala pa akong matuluyan, natulog lamang ako sa stasyon ng train kagabi. Wala kasi akong kamag-anak dito sa manila dahil tubong bicol pa ako. At kaya't nakauwi ako ng pilipinas ay tinulungan lamang ako ng kapwa ko pilipina, paano ba naman kasi. Hinampas ko ng walis ang boss ko sa biglang paghipo nito sa pang-upo ko, hindi iyon tama. Hindi rin sapat na dahilang amo ko siya at hindi ko ito papatulan. Ang nangyari, dinemanda niya ako at binawi ng mga pulis ang passport ko dahil ilang buwan na akong nagtatago dahil expired na ang visa ko. Mabuti na lang talaga at may magandang loob ang tumulong sa'kin. Sa malaking gate ako huminto at doon ay sumilip ako, medyo pawisan ako dahil may kainitan na ang sinag ng araw. Bumukas ang gate at lumabas doon ang matandang may dalang garbage bag, lumapit ako rito dahilan upang mapatingin siya sa'kin. ”Pwedi po ba akong humingi ng tubig?” kinapalan ko na ang mukha ko na halos pwedi ng ilampaso sa sahig, nauuhaw na kasi ako at bukod tanging isang daan na lamang ang natitira sa aking bulsa. Titipirin ko iyon hangga sa makahanap ng trabaho, kaya't maglilimos muna ako ng tubig sa ginang na nakatingin sa'kin. ”Tubig kamo?” tumango ako, nagmaka-awa ang aking mga mata na sadyang nakaka-awa na kung titingnan, tila'y nahabag siya kaya't tumango ito. ”Halika, pumasok ka sa loob..” lumapad ang labi ko'ng nauuhaw na sa tubig, gusto ko ay malamig na tubig at sigurado akong nagyeyelo ang kanila. Ang gara ng gate dahil kahit banggain ng truck ay hindi yata matitibag, ang marangyang hardin ay kumakaway sa akin at hindi ko maiwasang mangiti. Ang rich naman ng nakatira dito. ”Sumunod ka sa'kin..” gaya ng sabi ni fairy white hair mother ay sumunod ako sa kanyang lakad, ang mata ko'y kumikislap sa marmol na sahig at maaari ka ng ngumiti at magsalamin. Ang hagdan ay makintab, ang daming vase na tila'y malaki pa sa'kin. Pumasok kami sa kusina, ang lawak at halos kasing laki lang ng bahay sa probinsya, sana may ganitong kusina rin ako. Ngunit ultimong tsinelas ko ay hindi pares, paano pa ako mangangarap ng ganitong kusina? ”Heto ang tubig..” nakangiti ko'ng kinuha ang inabot niyang baso sa'kin, inilapag nito ang babasaging pitchel sa lamesa kaya't ng kumulang ang isang baso ay muli akong nagsalin. ”Pahingi pa po..” ”Sige, hija. Libre lang naman ang tubig..” ”Talaga po, maaari ko itong dalhin?” ”Pwedi naman, bibigyan kita ng garapon..” nakangiti ako kay fairy god mother habang naghahanap ito ng malalagyan ko'ng tubig. Ngunit habang abala siya sa paghahanap ay may teleponong natunog sa labas ng sala. Naalintana ang paghahanap niya, tumayo ito bago ako lingunin. ”Sasagutin ko lang ang tawag, hintayin mo ako dito..” tumango ako, naka-apat na baso akong tubig habang nakatayo malapit sa babasaging lamesa, maaari ka na rin magsalamin dahil bongga talaga ang bahay. Napanguso ako habang nililibot ang tingin sa buong kusina, hindi gaya ng mga napasukan ko'ng bahay ay mas malinis ito. Maputi ang gamit na tiles sa kusina, dito sila nagluluto at may dalawang malaking ref sa gilid na may katabing lalakeng nakahubad. ”Waaahhh!” nagulat ako dahil akala ko'y multong gwapo siya, wala siyang damit pang-itaas. Suot nito'y isang tuwalya sa bewang upang matakpan ang kanyang kahubaran. ”Can you help me to find my longsleeve..” inglesero pala ang isang 'to, akala ko'y quit na ako sa mga taong nagpapadugo sa aking ilong, hindi pa pala. ”I can't find my favorite longsleeve, can you look it for me?” ”H-ha, p-pero h-hindi--” ”I don't want to ruin my hair, just find it and go back to your work..” hinila nito ang manggas ng damit ko, at oo gwapo siya. Maganda ang katawan niya pero hindi pa ako ready na pumasok sa kwarto niya't lalo na kung borles siya! ”Make it quick yaya..” Napaturo ako sa sarili ko, hindi ako yaya dito. Humingi lang ako ng tubig at sana'y aalis na. Pero dahil sa talim ng titig niya sa'kin ay tila nasindak ako, tinahak ko ang kanyang closet na halos kasingtaas na yata ng kisame, ang lawak ng kwarto. Pero wala akong oras libutin ang paningin ko dahil hinagilap ko na lang ang puting longsleeve na nakita ko. ”Why are you so fast to find this?” nagtataka siya habang nakatingin sa hawak ko, nais ko'ng sabihing mata ang dapat maghanap at hindi bibig, pero hindi ko kasi alam sa ingles 'yon. Baka mapahiya lang ako kung sakali. ”What are you waiting for? Dress me up and don't bother to mess my hair..” Napanganga ako sa kanya, naiintindihan ko naman ito ngunit hindi lang ako makapaniwala. ”I am late yaya..” napabuntong hininga ako, okay. Matapos ko siyang bihisan ay lalayas na ako rito, napagkamalan pa akong yaya. Oo na at work experience ko lang ay yaya, hindi kasi ako nakapagtapos kaya't eto ay mukha na akong yaya. Natapos ko siyang bihisan ng hindi nakatingin, paano ako titingin sa katawan niya? Sumasakit ang mata ko at ayoko namang tumulo na lang bigla ang laway ko. Nakakahiya, lalo na't abala siya sa pagtipa sa cellphoe nito. Wala siyang pakialam kung maayos ba ang damit nito basta ay hindi lang magulo ang kanyang buhok. Tsk, ang ayos nga naman ng buhok niya. Pero hindi ko na ma-take ang huli niyang ginawa, bigla siyang tumayo at inilapag ang cellphone sa kama. Sa huli, ay binaba nito ang tuwalya at walang pakialam sa presensya ko. At ito ang unang araw na may nasilayan akong buhay na cobra. HINIHINGAL ako ng bumaba sa hagdan, tumatakbo ako at hindi na inabalang magpa-alam kay fairy god mother dahil baka tuklawin ako ng cobra. Yung puso ko ay nasa tiyan ko na yata at nakipalit ng pwesto sa atay ko, lumukso kasi ito ng makita iyon, tumitibok siya. Oo, tumitibok talaga dahil baka may sariling puso ang cobra. Pero lintik talaga. Hindi na virgin ang eyes ko! Hila ko ang maleta at kumaripas ng takbo palabas, tinakbo ko ang kahabaan ng daan at doon ay hinihingil na yumuko sabay hawak sa aking tuhod. ”Josko po!” napahagod ako sa pawisan ko'ng noo, hinihingal pa rin ako habang pinapaypayan ang sarili. Ayoko na roon, hindi na ako kailanman hihingi ng tubig sa kanila! Napapikit ako sa eksenang iyon, kinagat ko ang labi bago magmulat ng tingin at doon natanawan ko ang ice cream vendor na nasa kabilang kalsada. Ngumiti ako bago hatakin ang maleta, ngunit sa pagmamadali ay hindi ko na nakita ang kotseng sumulpot sa gilid kaya't nabundol ako ng wala sa oras. Napaupo ako, ramdam ko ang paghapdi ng aking siko at doon ko nakita ang sugat na nagdurugo doon, napangiwi ako at sinapo ang sugat upang tumigil sa pagdurugo. ”F*ck, are you okay!” isang lalake ang dumalo sa'kin, at kung wala akong pantalon ay baka kanina pa nahulog ang panty ko. ”A-ayos lang ako..” nauutal ako dahil sa lapit ng mukha nito sa'kin, pero dahil nag-aalala siya ay sinuri nito ang katawan ko at doon dumapo ang tingin niya sa siko ko. ”Sh*t, your bleeding!” ”Ayos l--” hindi na ako natapos sa sasabihin ko, binuhat na ako nito ng may pagmamadali. Isinakay niya ako sa kotse niya at doon ay pinaharurot ng mabilis pabalik sa mansyon na nilabasan ko kanina. Namilog ang aking mata ng ipasok niya doon ang kotse, inihinto niya ito sa gilid at mabilis na bumaba upang pagbuksan ako ng pinto. ”S-sandali sandali!” naalarma ako ng buhatin niya akong muli, ma-ingat ang pagkaka-kalong nito sa'kin bago tumakbo patungong loob. Sinalubong kami ni fairy god mother na nagtataka sa akin, at doon sa likuran ni fairy god mother ay natawan ko ang lalakeng salubong ang kilay na may alagang cobra. Bumaba ang tingin ko sa kanyang longsleeve, at doon halos mamutla ako ng makita ang ayos nito. Baligtad ang pagkakasuot ko nito na hindi maayos sa pagkakabutones. Oh lord, ayoko sa adventure na'to. ***** This is my romcom series. ❤️ Ang adventure ni yaya cordaphia. All right reserved 2022

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Dominating the Dominatrix

read
52.6K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
784.5K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
18.1K
bc

The Slave Mated To The Pack's Angel

read
378.2K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
553.4K
bc

The Lone Alpha

read
123.0K
bc

The CEO'S Plaything

read
15.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook