Cordaphia Pov.
(Wanted)
”Masakit pa ba?” umiling ako kay fairy god mother habang ginagamot nito ang sugat ko, siya ang nag-asikaso sa'kin matapos akong dalhin ni poging blue eyes sa guest room.
Kakalabas lang nito kanina lang, may tumawag sa kanyang cellphone at doon lang nawala ang pag-aalala niya.
Habang ako ay hindi mapakali sa kinauupuan, hindi ko na nakita si poging cobra. Nilagpasan kasi siya ni poging blue eyes kaya't hindi na kami nakapag-usap.
Napanguso ako, bakit naman kami mag-uusap? Wala siyang pakialam sa paligid at hindi talaga pansin ang pagkaka-tiklop ng kanyang longsleeve.
Tsk,
”Bakit ka ba kasi umalis agad?” mas lalong humaba ang nguso ko sa tanong ni fairygod mother.
”N-nakakita po kasi ako ng cobra..”
”Huh?” nag-iwas ako ng tingin, nilagyan niya ng benda ang siko ko at balot na balot iyon ng puting tape. Masakit pero kaya naman ng igalaw.
Nginitian ko ang ginang. ”Salamat po, pasensya na sa abala..”
”Wala iyon, hindi ka naman na palalagpasin ni seniorito stuart dahil sa nangyari dito..”
Stuart?
Is two art.
Dalawang drawing?
”N-nga po pala, pwedi pa ba akong humingi ng tubig bago umalis?”
"Aalis ka na?”
”Opo, pasensya na talaga sa istorbo, kailangan ko po kasing maghanap ng trabaho kaya aalis na ako..”
Tumango tango ang ginang. ”Hintayin mo muna si seniorito..”
Napabuntong hininga ako, iniligpit niya ang gamit at tumayo bago ilapag ang kit sa cabinet.
Matapos ng ilang segundo ay kusang bumukas ang pinto at iniluwa nito si poging blue eyes.
”Maayos na ba ang sugat mo?” agad siyang lumapit sa akin, hindi ko ma-take ang pormado niya na tila nagtatrabaho ito sa malaking kumpanya, magara ang kanyang kasuotan at ang bango pa.
”O-oo..” sino ang hindi mauutal sa lalakeng kay bango at gwapo. Hindi ko lang sure kung anong amoy ang meron ako, binuhat niya pa naman ako kanina.
”I'm sorry about what happen, hindi ko akalain na bigla kang tatawid kanina..” napanguso ako, tama nga. Kasalanan ko dahil natakam ako sa ice cream na nakita ko.
”A-ayos lang kasalanan ko naman..”
”It's my fault too, kasalanan ko rin..”
”Hindi, ako lang ang may kasalanan..” nangiti ito sa akin.
"Ako ang nakabangga sa'yo, kasalanan ko kaya't nagkasugat ka.."
”Kung hindi ako tumawid, hindi mo ako mababangga..”
"But i have a control, hindi agad ako nagpreno kaya't kasalanan ko rin..”
”Sige na, kasalanan mo na..” umirap ako bago tumayo, nakayuko kasi ito sa'kin at kulang na lang ay idikit niya ang noo ko sa noo niya.
”Aalis na ako, salamat..”
”Nagpahanda ako ng pagkain, you should eat first before you leave..”
”H-hindi naman na ako g-gutom..” iyon ang sagot ko kahit nagkukumahog na ang aking tiyan sa masasarap na pagkain, ngunit hindi marunong makisama ang aking tiyan dahil tumunog ito senyales na gutom nga ako.
”Your tummy is screaming..” nag-iwas ako ng tingin, nahihiya dahil sa kawalang-hiyaan ng tiyan ko.
Kagabi pa ng huli akong kumain, at bibingka lang ang kinain ko na nabili lang sa gilid ng simbahan.
Ngunit dahil iniisip ko si poging cobra ay umiling muli ako, ayoko siyang makasabay kumain. Naiimahe ko kasi ang bagay na 'yon ng makita siya.
Hindi ko alam na ganoon ang itsura ng cobra.
Napayakap ako sa sarili.
Kinikilabutan ako.
”K-kailangan ko na kasing umalis, m-magdadala na lang ako ng pagkain..”
Pinaglapat nito ang labi ng nakangiti, tumango siya bago lingunin si fairy god mother na nasa gilid pa.
”Packed her foods, auntie..” tumango si fairy god mother, nagtataka akong sumunod ng tingin sa matanda dahil sa pagtawag niya rito.
”Tita mo siya?”
Nilingon niya ako, hindi yata tamang nagtanong ako dahil hindi naman na kami close.
”Nope, i manage to call her auntie, ayoko sa manang or yaya..” tumango tango ako, akala ko kasi ay kapamilya siya rito. Pero hindi pala, taga-sunod lang siya ngunit ginagalang ito ni seniorito stuart.
Ngunit sino si poging cobra?
Magkapatid ba sila?
Naipagbalot ako ni fairy god mother ng pagkain, dalawang tupper ware ang dala ko ng lumabas ng malaking mansyon. Nais pa akong ihatid ni poging blue eyes ngunit naalintana iyon ng may tumawag sa kanya.
Sa huli ay mas nauna pa siyang lumisan sa akin, hindi na ako nagtanong kay fairygod mother tungkol sa kanila, nagpasalamat pa ako ng abutan niya ako ng tumbler na naglalaman ng tubig.
Muli, ay tinahak ko ang mainit na kalsada at tuluyan ng lumayo sa mansyon na 'yon. Sa layo ng nilakad ko ay sa simbahan muli ako nahinto kung saan ako nakabili ng bibingka kabagi, pumasok ako roon at naupo sa dulong pwesto.
Doon ko binuksan ang pagkain at tuluyang umusbong ang bango ng laman nito, kinagat ko ang labi bago mag sind of the cross na lagi ko'ng ginagawa sa t'wing kakain ako.
”Thankyou lord sa foods..”
Nang araw na 'yon ay nanatili ako sa simbahan, sa dami ng ipinadalang pagkain ni fairygod mother ay halos dalawang beses ko'ng kinain iyon.
Busog na busog ako hangga sa magsara ang simbahan dahil gabi na.
Hinayaan ako ng isang ginang na mahiga doon na sa tingin ko'y nagsisilbi sa simbahan, napabuntong hininga ako habang nakatingin sa malaking electricfan na nasa taas.
At ng umikot iyon ay doon ko nalamang binuksan ng ginang ang bagay na nasa itaas, napangiti ako. Nais ko'ng magpasalamat ngunit hindi ko na siya nasilayan pa.
Mahirap lamang ang buhay ko at hindi ako naghangad ng mararangyang bagay, ngunit sa sitwasyon ko ay naawa ako sa sarili ko. Hindi na ako nakakapag-dala kay lolo at lola, maging ang isang ko'ng kapatid ay napabayaan ko na.
Nasa probinsya sila at si lola ang kasama nito, ulila na kaming dalawang magkapatid. Namatay si mama at papa dahil sa paglubog ng barkong sinasakyan nila, isa silang kusinera sa barko. At kamalas-malasang lumubog ang sinasakyan nila kung saan sila nagtatrabaho.
Muli akong napabuntong hininga, nakatulog ako na nasa isip ko ang kapatid ko at si lola maging si lolo. Kaya't ng magising ako ay mabilis akong tumayo at humagilap lang ng towel upang basain iyon sa dala ko'ng tubig.
Naghilamos ako at nag mugmog doon, madali akong nagligpit at nagpasalamat sa ginang ng makita ko ito. Nginitian niya ako sa huli, kaya ng magpa-alam akong aalis na ay magaan ang loob ko dahil maayos ang naging tulog ko sa simbahan.
Ngunit sa aking paglabas ay tila nakatingin lahat ng tao sa akin, nagtataka ako na maging ang tindera ng bibingka na hindi naman ako pinapansin ay ngayon ay nakatingin sa akin.
Anong meron?
Nag-iba ba ang itsura ko?
Kamukha ko na ba si angelina?
”Siya 'yon hindi ba?” ang isang ginoo ang nakaturo sa akin, nagtataka pa rin ako habang iniiwasan sila at binibilisan ang paglalakad.
Hindi ko alam kung nasaang lugar ako, hindi ako sanay sa manila at kung saan saan lang ako tumutungo para maghanap ng trabaho.
Pero eto sila't sinusundan ako, teka. Ano bang atraso ko sa kanila.
”Nakita ko ang babaeng yan, siya nga yon!” hinabol nila ako, wala akong ideya kung bakit nila ako tinuturo. Pero dahil sa takot ay tumakbo ako upang makalayo sa kanila, ang dami nila. At tila'y nais nila akong makuha sa hindi ko malaman na dahilan.
Lumiko ako sa isang kalsada, ang daming vendors doon kaya't nahirapan ko silang lusutan, sa huli ay lumusot ako sa isang restaurant at doon nagkulong.
Nakita ko ang mga taong humahabol sa akin na nilagpasan ang pinasukan ko, napabuntong hininga ako.
Sino ba sila?
”Oorder ka ba?” nagulat ako sa babaeng nagsalita, nilingon ko iyon. Nakataas ang kilay niya sa akin ngunit ng magtagal ang titig niya'y nanlaki ang kanyang mata.
”Ikaw 'yon!” napaatras ako, namimilog ang kanyang mata bago tumalikod upang kunin ang papel na nasa mesa.
Inilapit niya iyon sa akin na tila kinukumpirmang ako ang nasa litrato, tumango tango siya, hinawakan nito ang aking kamay na agad ko'ng ikinataranta.
”T-teka, b-bakit po!”
”Sumama ka sa'kin, magkakapera ako sa'yo!”
"Po, paano po kayo magkakapera sa'kin? Mahirap lang ako!” tumigil siya, binitawan nito ang aking kamay at nagtataka kung tumingin sa akin.
”Hindi mo pa ba alam?”
Nangunot ang noo ko. ”Alam na ano po?”
"Wanted ka, wanted ka kahapon pa..”
Literal na namilog lahat ng parte sa mukha ko, ultimong ilong ay makakapasok maging ang langaw.
”Hindi ba't ikaw ito?” itinapat niya ang papel na may kulay gray at black and white na litrato ko, at ng makitang ako nga iyon ay hindi ako makapaniwala sa kamalasan ko.
Suot ko pa rin ang damit kahapon na nasa litraro, at ang nakasulat doon ang siyang nagpawindang ng lubusan sa sistema ko.
WANTED
IF YOU SEEN THIS WOMAN BRING HER SAFE IN VILLEGAS COMPANY OR CALL THE NUMBER BELOW
Napamaang ako, Villegas?
Bakit nila ako pinaghahanap?
Sino sila at anong kailangan nila sa akin.
At doon sa ilalim ng litrato ko ay kitang kita ko ang halaga kung magkano ang perang makukuha nila kung sakaling makita nila ako.
Kaya't pala ganito ang akto nila dahil wanted ako, sa anong kasalanan?
****
to be continued