Chapter 2

1687 Words
Cordaphia Pov (Meet the Villegas) Nasa restaurant pa rin ako ng ginang kung saan ay pinakain niya ako ng best seller nilang putahe. Hindi ko alam kung anong pangalan ng kinain ko, pero ang malinamnam na karne ay nanunuot sa aking dila. Ang bait nga ng owner sa akin, iyong tipong binigyan niya pa ako ng dessert at malamig na inuming ice tea. Sinusuri ko ang kanyang ngiti habang umiinom, may kailangan kasi siya kaya't eto ay biglang bumait. Magkakapera iyan sa akin ngunit ano naman sakali ang mangyayari sa buhay ko kung ibibigay niya ako sa mga villegas? ”Dadalhin kita sa kumpanya ng mga villegas..” madali ko'ng nailunok ang malamig na iced tea sa sinabi nito, sabi ko na nga ba. May kailangan siya kaya't binigyan ako nito ng pagkain, mukha na siguro akong pulubi kaya nakikitaan ako nito na sabik sa pagkain. ”H-hindi ko po kilala ang mga villegas na 'yon, hindi ko alam kung anong kailangan nila sa'kin..” ”Mukhang wala ka namang atraso sa kanila, wala ka namang kaso at bukod tanging hinahanap ka lang nila..” napatitig ako sa ginang, pinaghahanap nila ako samantalang hindi ko naman sila kilala? ”Kung ako sa'yo, sumama ka na lang dahil baka may kailangan ang mga villegas sa'yo..” ”Sino po ba ang mga villegas na 'yan?” ”Mayayaman silang tao, dito sa manila ay kilala sila..” sinuri nito ang mukha ko bago ang aking kasuotan. "Hindi mo ba sila kilala?” "Hindi ho..” ”Sus, kaya naman pala. Pero kung ako sa'yo, pupuntahan ko ang mga villegas na 'yon, pinakamayaman na tao sila dito sa manila, negosyante at talagang bigatin sila..” wala pa rin akong ideya kung sino ang mga taong iyon, ni hindi ko sila kilala dahil hindi rin naman ako taga rito. Ngunit nakakapagtaka lang na may kailangan sila sa akin? Muntik pa akong himatayin dahil buong akala ko'y may kasalanan na ako sa batas, pero wala naman na akong ginawang masama. Malinis ang pangalan ko dito sa manila, except lang sa mga bansang pinuntahan ko dahil marami na akong record doon. ”H'wag kang mag-alala sasamahan naman kita at hindi iiwan..” pailalim ko'ng tiningnan ang ginang, sa itsura nito'y wala akong tiwala sa kanya. Mukha kasi siyang pera. ”Kung sakali man na ibigay ng villegas ang perang pabuya ay hahatian kita, tutulungan kitang maka-uwi kung saan ka man nakatira..” Pinaglapat ko ang labi, bigla akong nagkaroon ng interes ngunit nagdadalawang isip ako. Paano kung hindi na ako maka-alis doon? Paano kung kunin ako ng mga villegas at gawing alipin sa kanilang palasyo? Napapaling ang aking ulo. Pero sayang kasi ang pera, kung sakaling totoo nga itong sinasabi ng babaeng ito ay makaka-uwi na ako kay lola. Tumango-tango ako, madali lang naman tumakas kung sakaling masamang tao sila. Wala namang masama kung hindi ako makikipag-sapalaran. Sa ngalan ng pera. KASAMA ang ginang ay sumakay kami ng taxi patungo sa sinasabi niyang kumpanya, malayo ang binyahe namin at medyo may katagalan dahil na rin sa traffic. Ngunit ng makita ang kumpanyang iyon ay napawi ang pagod na natamo ko sa biyahe. Halos mabali ang leeg ko sa sobrang pagkakatingala sa taas ng gusali, hindi ko matanawan ang dulo dahil nasa mismong ibaba ako. ”Halika na..” hinila ako ng ginang, suot ang isang facemask at sumbrero ay nilakad namin ang sliding door na may nakaharang na guwardya. ”Anong kailangan niyo?” iyon ang bungad na tanong ng guard, hindi kami pinahintulutang pumasok ngunit taas noong sumagot ang ginang na katabi ko. ”Nais ko'ng makita ang mga villegas, may ipapakita lamang ako sa kanila..” ”May schedule ba kayo para makipag-usap sa kanya?” ”Wala, ngunit kasama ko ang babaeng pinaghahanap nila..” lumipat ang mata ng guard sa akin, sinuri ako nito bago bulungan ang kasamang guard na hindi kami nais papasukin. ”Maghintay na muna kayo rito..” Napanguso ako, ang special naman yata ng villegas na 'yan? Hindi kami maaaring papasukin sa loob. Ngunit ang ilang babae ay nakapasok, ipapakita lang nila ang kanilang suot na ID at tutuloy na sila sa loob. Ang gara naman ng gusaling 'to. Kailan kaya ako makakapasok sa ganitong trabaho? ”Tumuloy na kayo sa service area, may babae doong naghihintay..” pagkasabi ng guard sa salitang 'yon ay madali akong hinila ng ginang. Nakapasok kami sa loob na halos gusgusin ako, hindi ko alam kung ilang araw na ba ang damit na suot ko'ng ito, pang-dalawa o tatlo na yata ngayon. Hindi ako nakakapag-palit dahil nawawalan ako ng oras, hindi ko alam kung anong nangyayari sa buong oras ko at hindi ko na inabalang magbihis pa. Idagdag mo pa na hindi pares ang suot ko'ng tsinelas. 'yung maleta ko pa ay naiwan doon sa restaurant, paano ba naman ay nangako ang ginang sa akin na kasama niya akong aalis dito matapos naming makaharap ang taong naghahanap sa akin. ”Follow me..” ang arte ng babaeng umantabay sa daan patungo sa elevator, sumunod ako habang may malapad na ngiti ang kasama ko. Samantalang ako ay medyo kinakabahan dahil na rin sa kaisipang anong kailangan nila sa simpleng gaya ko? Hindi ko naman na hawak si golden buda. Hindi ko rin naman alam ang daan ng minahan patungo sa naglilimpak na langis. Ang tanging alam ko lang ay magwalis at maglampaso. Iyon lang. Bumukas ang elevator ng ilang minuto, ang taas yata ng tinahak namin dahil ng tumingin ako sa bintana ay hindi na semento ang nakita ko, isang gusali na. Nagtataasang gusali na halos ikalula ng sistema ko. ”Sumunod kayo..” kunot ang noo ko sa babeng nangunguna sa amin, pinalitan niya lang na tagalog ang kanyang sinabi at napaka-taas pa ng kilay kung kami ay balingan. ”Bigtime ka dito, hija. Kung ako sa'yo susundin ko ang gusto ng mga villegas..” bumubulong ang ginang sa akin, hindi ko alam kung nag toothbrush na ba o hindi dahil amoy bawang ang hininga niya. Nag-iwas ako ng tingin, inamoy ko ang sariling hininga ngunit hindi naman iyon nang-gagaling sa akin. Inamoy ko rin ang suot ko'ng damit banda sa kili-kili ngunit hindi naman ganoon kabaho. Confirm, ang ginang ang siyang may masangsang na amoy. ”Akala ko po ba ay sasamahan niyo lang ako rito upang alamin ang pakay nila sa'kin?” ”Oo nga, ngunit hindi naman gagastos ng malaking halaga ang taong ito kung wala silang kailangan sa'yo..” ”Kung ganon, may posibilidad na iwan niyo ako dito!” ”Wala akong magagawa kung paaalisin nila ako matapos ibigay ang pera..” Masama ang tingin ko sa ginang, sabi na nga ba ay ipagkakalulong niya lamang ako sa mga villegas. ”Alam mo, mas mabuting ako na ang nakakita sa'yo at nagdala rito. May mga tao kasing kukunin ka pa at baka taasan nila ang presyo ng mga villegas makuha ka lang, hindi ka pa ba maswerte?” ”Sa paanong paraan ako maswerte?” umirap ako, malapit na akong himatayin sa hangin na lumalabas sa bibig niya. Ngunit ng huminto ang babae sa double door ay tumigil na rin kami sa pag-uusap. Kumatok siya ng dalawang beses, ilang segundo ang hinintay niya bago may magbukas ng pinto. Isa iyong babae na may makapal na lisptick, nagtataka pa ako kung bakit lumampas iyon sa labi niya. Tumaas ang kilay niya sa babaeng kumatok. ”Yes?” ”They're looking for mr villegas..” bumaling ang ulo ng babae sa amin, tumama pa ang tingin ko sa dibdib niya na kulang na lang ay ilabas na nito. ”Who they are?” ”May ipapakita ako kay mr villegas, kasama ko ang babaeg hinahanap niya..” Ang ginang ang siyang sumagot, lalong tumaas ang kilay ng babae na mukha lang namang secretary dito. ”Okay..” iyon lamang ang sinabi niya bago buksan ng tuluyan ang pintuan, naunang pumasok ang ginang bago tumalikod ang babaeng tumulong sa amin upang matunton ang opisina ni mr villegas kuno. ”You have visitors today, sir..” nakatalikod ang lalakeng naka-upo sa swivel chair ng magsalita ang babaeg may lampas na lipstick. Nakaharap siya sa clear wall na halos makita ang taas ng kinaroroonan namin, wala siyang pakialam. Hindi ito lumingon kundi sumenyas lamang sa babae. Hindi ko alam kung paano sila nagka-intindihan, lumisan ang babae bago siya sumenyas. Sa huli ay dalawa kami ng ginang na naiwan sa kanyang opisina. ”What do you want?” nasa likuran ako ng ginang dahil doon ako nagtatago, yumuko ako. Hindi ko alam kung bakit natakot ako sa boses niya, pero parang nahihimigan ko ang kanyang tinig. Alam ko'y narinig ko na ang boses niya ngunit hindi ko lang alam kung saan. Saan nga ba? ”Kasama ko ang hinahanap mong babae..” napanguso ako habang nakayuko, nanatili ako sa likuran ng ginang at hindi ko alam kung humarap na ba ang lalake o ano. ”Leave..” napalunok ako sa tinig nito, sinong pinapaalis niya? Kami ba? Hindi na ba niya ako kailangan? Nag-angat ako ng tingin sa pagkilos ng ginang sa harapan ko, humarap siya sa akin at kunot noong umiling ako rito. ”I just want to make sure if she's the woman i'm looking for..” Muling nagsalita ang lalake, nakakatakot dahilan upang agad sumunod ang ginang. ”Hihintayin kita sa ibaba..” iyon pa ang huling sabi niya bago ito lumabas ng opisina. Lumisan na siya ng tuluyan at kami na lang dalawa ang naiiwan sa loob. At sa isipang iyon ay tila tinatambol ang dibdib ko ng ilang beses, parang minaso ang paa ko kaya't nanlalambot sila. Kinakabahan ako ng very solid liquid magnitude .9 attacked ”Your still wearing that unmatched slippers..” Nilingon ko ang trono niya, mula sa kinatatayuan ko ay tanaw ko na ang matangos niyang ilong at mapupulang labi na kahapon lang ay nasilayan ko. Hindi siya ngumiti, ni wala siyang reaksyon at gaya kahapon at boring ang kanyang titig sa akin. Napalunok ako. Ang lalakeng tinutukoy nilang Mr. villegas ay si king of cobra. ***** to be continued.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD