Chapter 3

2883 Words
Cordaphia Pov. (Personal Maid) Tulala pa rin ako sa lalakeng nasa harapan ko, kinakabahan na parang maiihi na. Ngunit siya'y wala pa rin reaksyon, nakatingin lang sa'kin ng diretso bago magbaba ng tingin sa mga papel na nasa mesa. ”Are you still remember me?” nakakapanindig balahibo ang kanyang tinig, nanunuyo ang lalamunan ko habang hindi makasagot. ”You leave me yesterday without goodbyes, yaya..” bahagyang umawang ang aking labi, kumukurap at bukod tanging nakatitig sa kanya ang mga mata ko. ”Are you mute?” ”H-huh?” nagsalubong ang kilay nito sa sinabi ko, bigla yatang nawalan ng pasensya dahil kanina pa ako nawawalan ng imik. ”What's your name?” muli ay hindi ko alam ang sasabihin, nag-aalinlangan sa pagsabi ng totoo kaya't bigla ko'ng binawasan ang aking pangalan. ”D-daphia..” ”Okay, daphia. From now own, I hired you as my personal maid..” Namilog ng literal ang aking mata, hindi makapaniwala sa kanyang tinuran at magiging papel ko sa buhay niya. ”You have a capability to find my favorite longsleeve, i like you..” ”You like me?” himala na hindi ako nautal sa tanong ko, hindi rin naman ako bingi para hindi marinig ng klaro ang sinabi niya. I like you daw ani ni king of cobra. ”I like you as my yaya..” tumayo siya matapos sabihin iyon, napapanguso ako sa kaseryosohan niya at animo'y yelo kung magsalita. Nilalamig ako from talampakan to bumbunan, idagdag mo pa na tinatambol ng malakas ang dibdib ko lalo na ng lumapit siya sa'kin. Hindi ko alam na kapre pala siya sa tangkad, kulang na lang ay tabacco para maging kapre na sa acacia. ”Come with me..” lumakad siya palabas ng opisina, hindi na ako nilingon at dire-diretso ng lumisan. Napalunok ako, saan siya pupunta? Sumunod ako sa kanya palabas ng opisina, tanaw ko ang likuran nito na papasok ng elevator kaya't nagmadali akong tumakbo upang habulin siya. ”T-teka l-lang c-cobra, Ay este. s-sir..” nauutal ako ng makapasok sa elevator, may pinindot siya doon kaya't sumara ang pinto. Umandar na rin iyon bago niya ako lingunin. "What?” ”B-bakit ako ang kukunin mo?” ”As i've said, I like you as my maid..” ”P-per--” ”You don't need to defied my order..” Natigilan akong napapalunok sa sariling laway, ang angas niya. Pwedi ng gawing kontrabida sa pelikula, nakakatakot at parang hahawakan ka niya sa leeg bigla. ”I will give the salary amount you wanted, how much do you want?” Lumikha ng pabilog ang aking labi, tumaas ang kilay habang bahagyang natutuwa. Ibibigay niya ang nais ko'ng sweldo? Kung sabagay, sa isang buwan na trabaho ko ay kumikita ako ng kinse mil. Ang kuripot ng boss ko kahit all around ako sa bahay, at etong lalakeng 'to. Siguradong papagurin niya ako ng husto. ”Trenta mil sa isang buwan..” ”Okay, I fixed it on fifthy thousand a month..” Laglag ang aking panga sa huling sinabi niya, hindi ko na nakuhang makapagsalita ng bumukas ang elevator at mauna siyang lumabas. Ngayon ko lang nakita na nasa ibaba na kami ng gusali, pero take a minute kapeng mainit. Yung puso ko naiwan yata sa tore dahil hindi na maayos ang paghinga ko. Singkwente mil? Seryoso walang halong biro? Kusang sumara ang elevator kaya't nagmamadali akong lumabas at humabol sa kanya, huminto ito sa service area kung saan naghihintay doon ang ginang na siyang nagdala sa'kin dito. ”Assist her and give the grant money..” inutusan niya ang isang lalake na may magandang black suit, tumango siya bago lapitan ang ginang na nakaupo doon sa sofa. Maganda ang kanyang ngiti, hindi na nakatingin sa'kin kundi sa lalakeng inutusan ni king cobra. ”Let's go home and prefer a lunch for me..” Sumunod ako rito ng lumakad na siya palabas ng gusali, nagmamadali akong humabol sa kanyang paglalakad dahil ang bilis niya. Ayoko naman ng painitin ang ulo niya dahil nakakatakot magalit ang mga mayayaman, baka sa isang pitik lang nito sa mga tauhan niya ay dedo na ako. Pinagbuksan siya ng unipormadong itim na lalake, dalawa silang naka-itim. Siguro'y driver yung isa at body guard naman ang kasama nito. Naupo si cobra sa likuran, pinagbuksan rin ako ng isa kaya't nagmadali akong umupo sa tabi ni KC. king cobra for short. ”Are we going home, señiorito?” Napanguso ako, grabe kung makatawag na señiorito kung pweding boss o sir na lang. Nakakailang yata kung tatawagin ko siyang ganon. Tumango lamang ang katabi ko, ang lamig sa loob ng kotse at nilalamig talaga ako. Hindi naman na ako sanay sa lamig, sakitin yata ako at mahina lamang ang aking resistensya. Pero itong mga kasama ko ay tila batikan sa lakas ng aircon. ”Where do you live?” nilingon ko siya ng magtanong ito, sasabihin ko ba ang totoo kung saan ako nakatira? Sasabihin ko ba na may pamilya ako. Kung h'wag na lang kaya? Wag ko ng sabihin ang totoo dahil kung baka magkamali ako ay hanapin niya ang pamilya ko at idamay sa kasalanan ko, sa itsura nito'y hindi malabong mangyari 'yon. Lalo na't mayaman siya at magagawa nito ang lahat. Tama, h'wag ko na lang sasabihin ang katotohanan. ”Isa na lang akong taong pagala-gala, walang permanenteng tirahan at pamilya..” ”So, you're an orphan?” Tumango ako, nasa akin ang tingin niya kaya't nag-iwas ako ng tingin. Nakakatakot dahil baka mabasa nito ang nasa isip ko, ayokong tumingin sa kanyang mga mata. ”How old are you?” ”Twenty three..” Muli siyang tumango-tango, naghihintay akong magtanong siyang muli ngunit wala ng kasunod pa. Akala ko'y wala siyang pakialam sa paligid. Kikilalanin rin pala ako at aalamin ang ilang impormasyong meron ako. Pero, totoong bente tres na ako. Hindi ko lang alam kung ilan taon na siya dahil hindi ko mahulaan ang edad nito. Matipuno kasi siyang lalake, malapad ang dibdib at likuran. Matangkad at maputi, gwapo at sobrang perpekto ng kanyang ilong. Maitim ang kanyang buhok na swabe rin sa pagkaka-sangi, ang ayos at kumikintab iyon na parang nilagyan niya ng ano mang hair wax. Hindi siya matanda o batang tingnan, sakto lang pero di ko talaga masabi kung ilan taon na ba siya. Sa hinaba ng biyahe ay wala na siyang naging imik pa, nagcecellphone ito at may ilang kinakausap na siguro'y tungkol sa trabaho. Ilang minuto ang biyahe bago marating muli ang kanilang mansyon, kung saan ako humingi ng tubig kahapon at kung saan rin ako unang nakakita ng cobra na kalbo. ”I want a soup meal today..” lumabas siya bago sabihin iyon sa'kin, nagmamadali rin akong bumaba ng kotse habang nakasunod rito. Yung mga lalakeng kasama namin kanina ay naiwan lang sa labas, samantalang ako ay nakasunod sa kanya hangga sa huminto ito sa pamilyar na ginang. Si fairy god mother. ”She's my personal maid..” lumingon si fairy god mother sa'kin, nagtataka habang seryoso lamang ang kaharap niya. "From now on she's the only one who will serve for me, just tell her everything what i want and dislike..” Tumalikod na siya, lumakad na ito pataas ng hagdan habang kunot ang aking noo. Wala akong masabi dito kung hindi napaka-bastos niya, walang modo at hindi yata naturuan ng manners. ”Nakabalik ka, hija..” nginitian ko si fairy god mother, hindi naman siya matanda ng lubos, siguro'y babata pa siya kay lola ng mga limang taon pa. ”Nagkita po tayo ulit, masaya po akong makita kayo.” Ngumiti ito. ”Hindi ko alam kung paano ka nakita ni señiorito stevan, ngunit mas mabuti sanang hindi ka na lang nagpakita pa..” ”Bakit ho?” ”Masyadong mainitin ang ulo ni señiorito, lahat ng kasambahay dito kahapon ay tinanggalan niya ng trabaho at halos bago ang kasama natin ngayon..” Natulala ako rito, gaano ba kamainitin ang ulo niya? Hindi ko pa na-experience pero sana'y naman na ako sa boss na laging galit. ”Walang tumagal na yaya kay señiorito, hindi gaya ng kanyang kuya ay hindi nito inaasa ang lahat sa katulong niya..” ”Ang sinasabi niyo po bang kuya ay si stuart?” ”Oo, magkapatid sila ngunit wala ngayon si señiorito stuart, abala siya sa isang bussiness trip..” Tumango-tango ako, inililibot ko ang mata sa paligid at doon ay may dalawang maid na abala sa paglilinis. ”Magbihis ka muna ng uniporme mo at maghanda ng pagkain ni stevan..” Iginaya niya ako sa isang pasilyo patungo sa ilang maliliit na kwarto, pumasok siya roon kaya't sumunod ako sa kanya. ”Ito ang magiging kwarto mo, narito ang mga bagong uniporme ngunit mga anim lang ang iyong gagamitin at labhan mo na lang.” Muli ay tumango ako, kinuha ko ang inabot niyang uniporme na napaka-bango ngunit isang kasuotang yaya lang naman. Maganda siya at kumpleto, kaya bago lumabas si fairy god mother ay nagpasalamat na muna ako rito. Nagbihis ako halos ilang minuto, ni wala akong kagamit-gamit o ilang masusuot na bra at panty man lang, pwedi ba kaya akong magbali kay cobra at mag-advance ng sahod para makapag-padala kay lola at may maibili man lang na bra ko. Lumabas ako suot ang unipormeng katulong, ang gara talaga dahil first time ko'ng mag-suot nito. Sa mga nagdaang trabaho ko kasi ay kahit ano lang ay maaari 'mong suotin, pero dito bongga. ”Naghihintay na si señiorito stevan sa kwarto..” nakataas ang kilay ng isang kapwa ko katulong sa akin, umirap pa siya bago ako talikuran. Aba't anong problema niya? Gusto ba nitong ilampaso ko ang face niyang may pimples sa sahig. Pero ng sumagi sa isip ko ang pagmumukha ni cobra na naiinip ay minadali ko ng tumungo ng kusina, at dahil hindi ito ang unang beses na pumasok dito ay alam ko na kung saan ang daan ng kitchen. Naabutan ko doon si fairy god mother na may hinahalo na, naka-handa na ang tray at bowl sa lamesa. Lumapit ako rito kaya madali siyang nalingon sa'kin. ”Nakapag-handa na ako ng pagkain kay stevan, naiinip na 'yon at gusto nitong doon sa kwarto kumain..” tumango ako bago kunin ang medyo may kalakihang bowl, mabuti na lamang at nakapag-luto na ang fairy god mother ko, kundi. Baka tuklawin ako ni cobra sa inis. ”Maagang nagigising si señiorito, stevan. Sa umaga ay gusto nito ng simpleng almusal lang at kape sa kanyang tabi, sa tanghalian ay umuuwi rin siya dito at doon sa kwarto siya kumakain, aalis siya mamayang alas tres para bumalik ng opisina at uuwi kahit anong oras..” Lahat ng sinabi ni fairy god mother ay itinatak ko sa isip ko, kung ganon dapat maaga akong magising para maghanda ng kanyang almusal. ”Dapat nakahanda na ang kanyang susuotin at lahat ng kanyang gagamitin, sa linggo ay pinapalinis nito ang kotse niya sa kanyang utusan, at ikaw 'yon..” Napalunok ako, hindi ako marunong maglinis ng kotse. Hindi pa ako nakapaglinis dahil bahay lang ang alam ko'ng atupagin, ngunit madali lang naman siguro gaya ng pagpupunas ng bintana. ”I-akyat muna ang pagkain niya, hija. H'wag mong hayaang bumaba iyan ng galit..” Dahil sa sinabi nito ay nagmadali akong magsalin ng ulam, kumpleto ang lahat sa tray at parang matutumba ako sa sobrang bigat ng aking dala. At dahil na rin nakapasok na ako sa kwarto ni cobra ay hindi na gaanong mahirap na hanapin ang kanyang silid. Hindi ko na nagawang kumatok ng buksan ko ang pinto, maliwag sa kwarto dahi bukas ang malaking bintana sa gilid. Sa isang tabi ay may lamesa doon na may laptop at lampshade sa ibabaw, malinis iyon maging ang kama sa gitna. Nakabukas ang closet niya at halos mangiwi ako ng makitang nagkalat ang kanyang damit at ilang necktie sa sahig. Napabuntong hininga ako bago bumukas ang pinto ng banyo, mula doon ay lumabas si cobra na may nakatapis na tuwalyang muli. ”I can't find my black suit..” tumango na ako rito bago ilapag ang pagkain niya sa sidetable na malapit sa kama nito. Lumakad ako sa cabinet nitong nagmukhang binungkal ng inahing manok, nagkalat at nahulog sa sahig ang ilang pares ng medyas. Pasimple ko'ng hinilot ang noo bago mag-angat ng tingin sa mga naka-hanger niyang longsleeve, at doon ay may isang itim na suit sa gilid. Hindi naman iyon tago at kitang kita kahit hindi mo halungkatin ang cabinet. Ano bang ginagamit niyang paghanap? Ilong ba? Inaamoy niya ba habang nakapikit? ”Heto na..” inabot ko ang black suit sa kanya, kinuha niya lang iyon bago ilapag sa kama at maupo sa gilid. ”I need a black slack too, make it quick because i'm hungry..” ”Nakahanda na ang pagkain niyo sa gilid, sir..” Hindi ko siya nilingon habang binubuksan ang ilang drawer upang hanapin ang kanyang black slack. Tagumpay naman akong nakita iyon bago siyang muling magsalita. ”Your my servant, you need to feed me bacause that's part of your job..” Hindi ko pinakitang namangha ako sa kanyang sinabi, kung ganon. Susubuan ko siya dahil parte iyon ng trabaho ko? Ano ako, baby sitting the cobra? ”I need to go back on my office before twelve noon, just make it fast..” inilapag ko sa kama ang slack na nadampot ko, lumakad ako sa gilid at doon kinuha ang plato at kubyertos upang umpisahan ng subuan ang baby cobra. Nakasandal siya sa headboard ng kama at hindi maganda sa isang inosenteng gaya ko ang view niya, kitang kita ko ang umbok nitong bukol sa tuwalya. Hindi pa man ako nakakaupo sa kanyang tabi ay nanginginig na ang kamay ko sa paghawak ng kutsara. ”Are you just going to stared with me at the whole time?” Kumurap-kurap ako upang mawala doon ang tingin ko, nag-iwas ako ng tingin bago lumunok. ”You have ten minutes, daphia. If ten minutes done in no time without finishing my food, your dead..” Madali akong lumapit at naupo sa kanyang tabi, hinalo ko ang lutong kanin at ulam sa plato nito at ipinagsama. Wala naman na siyang sinabi sa ginawa ko ng subuan ko siya, abala iyan sa pagcecellphone muli at hindi na ako pansin kahit malaki na ang subo ko rito. Hindi naman na nagkaroon ng pagtatalo sa kanyang pagkain, hindi lang talaga maiwasang mangatal ng aking kamay sa t'wing dadampi sa labi niya ang hawak ko'ng kubyertos, mapula kasi ang kanyang labi. Napapatitig na lang ako kahit na nakakatakot siyang tingnan, para siyang mafia lord. ”I'm going back after five pm, just ready my white tees and black pajama..” Tumango ako, bahagyang nakabusangot dahil muli nitong ipinasuot ang longsleeve sa'kin. Pero maayos na ngayon ang pagkakasuot dahil nasindak ako sa your dead niya kanina. Sabi ko na nga ba ay nasa bingit ng kamatayan ang buhay ko kay cobra, mataas nga ang sweldo pero nakakatakot lang na baka tuklawin niya ako ng wala sa oras. ”P-pwedi ba akong magbali, s-sir?” medyo nahihiya ako pero wala akong pagpipilian kung hindi gawin 'to, kailangan ko'ng bumili ng mga gamit ko dahil wala akong susuotin, need ko rin magpaload at magpadala ng pera kay lola kahit magkano. ”On your first day of work?” ”H-hindi ba p-pwedi?” ”I didn't say no..” ibinulsa nito ang malapad niyang cellphone bago kunin ang itim niyang wallet. "How much?” nasa akin na ngayon ang tingin, magkano nga ba? "Pweding kinse?” ”Sure..” nangiti ako na talagang uusbong ang aking ngipin, sana nga lang ay mapuputi pa ito dahil ni wala pa akong toothbrush. ”Just make sure you won't scape on me, remember my words, your dead if you skip the beast..” Tumalikod na siya, napapanguso ako bago tingnan ang perang nilahad niya kanina. Makapal ang libong hawak ko, mabango at malutong ang mga ito. At ng bilangin ko iyon ay sumobra pa ito sa kinse. Wow, bonus ko ba 'yon? Ang laki naman. Napapangiti talaga ako bago ilagay ang pera sa bulsa, mamaya na lang ako lalabas upang bumili ng mga gamit. Liligpitin ko muna ang kinalat ng lalakeng iyon at maglilinis muna sa kanyang kwarto. Ginubat kasi ang kanyang cabinet. Napailing ako bago makita ang malaking boxer niyang nasa sahig, kulay itim iyon at red yung garter niya sa taas at hindi ko alam kung anong size. Pinulot ko iyon habang kagat ang labi, naalala ko na naman ang imahe niya kanina. Bumabakat talaga 'yung alaga niyang cobra sa tuwalya. Naiimagine ko pa iyon hangga ngayon. Napahilamos ako sa mukha upang iwaglit iyon sa isip, nakalimutan ko pang hawak ko ang boxer brief nito kaya naamoy ko kung gaano iyon kabango. Aba't anong gamit ni fairy god mother na downy? Muli ko'ng inamoy iyon, hindi ako mahalay na tao dahil nais ko lang malaman at matandaan ang amoy. Gusto ko rin bumili ng ganitong detergent. Mabango kasi talaga. ”What are you doing?” Biglang may nagsalita sa likuran ko habang nilalanghap ang hawak, at ng lingunin ko iyon ay para na akong tinakasan ng ulirat. Ang may ari ng boxer na hawak ko ay nasa aking likuran, nagtataka habang ako'y natataranta. **** to be continued.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD