Cordaphia Pov.
(Señiorito)
Mahiya-hiya ko'ng ibinaba ang hawak habang nakatingin ng diretso sa akin si sir, si cobra.
Hindi ko mapigilang mag-iwas ng tingin dahil sa hiyang bumalot bigla sa sistema ko.
Bakit bumalik siya?
”What are you doing?” muli siyang nagtanong, inulit lang yung sinabi kanina.
Napipilitan akong ngumiti ng sulyapan siya. ”Sinusuri ko lang kasi kung pulido ang pagkakatahi, sa tingin ko naman ay maayos ang bagay na 'to..” madaling nagsalubong ang kanyang kilay, hindi yata naniwala sa palusot ko.
”I forgot my watch..” iyon na lang ang sinabi niya kahit hindi maayos ang mukha nito. ”Can you look it for me?”
Napabuga ako ng hangin, siguro ay ito na ang role ko ngayong taon. Ang magbaby-sitter ng baby damulag.
”Saan ba nakalagay?”
”Cabinet..” napaka-seryoso niya kung sumagot, tila walang saya kung ako'y kaharap niya.
Binalewala ko ang himig nito, tinalikuran ko siya at mabilis na tinahak ang cabinet. Pagbukas ko sa isa ay naroon nga ang kanyang mga relos, ang dami. Mamahalin at nakakahabag hawakan.
”I want the black one..” nanguso ako at natigil sa paghagod ng kanyang gamit, kinuha ko ang itim na nais nito at inilahad sa kanya.
”Put it in on me..”
Medyo kumibot ang labi ko, nais umangal ngunit hindi na ginawa. Wag na palang mag-reklamo, may advance bali pala ako ngayong araw kaya dapat lang na pagsilbihan si cobra.
Nakangiti ko'ng isinuot iyon sa pulsuhan niya, ang puti at ang kinis. Siguro'y alagang lotion ito noong bata pa.
”Wash my clothes after you clean my room..” itinupi nito ang longsleeve habang sinasabi iyon, tumango ako. Parte naman iyon ng trabaho ko, personal maid ika nga niya kanina.
Hindi na rin ako aangal pa dahil malaking halaga ang advance payment na ibinigay niya sa akin.
”I want to see you after my office work..” tumalikod na ito, kahit cold siya ay bahagya akong na-touch dahil nais ako nitong makita pagkatapos ng trabaho niya?
Nagagandahan ba sa akin si cobra?
Hinaplos ko ang aking pisngi ng lumisan siya ng tuluyan, kaya siguro ako nito kinuhang maid dahil nagagandahan siya sa akin.
Si cobra ay may lihim na pagtingin.
Nakapaglinis ako sa kanyang silid matapos niyang lumisan, ang ibang nagkalat na damit sa banyo ay idinala ko doon sa ibaba upang aking malabhan.
Sa likod ako tumungo dala ang malaking basket, naabutan ko doon sa fairy god mother na nagsasampay. Mabuti pa siya at nakapaglaba na, ang daming marumi pero hindi pa nasali ang kay cobra.
”Anong gagawin mo riyan?”
Nakatingin siya sa hawak ko, nais ko'ng sabihin na itatapon ko sana ngunit wag na lang. Matanda pala siya at hindi dapat ganun sa matatandang gaya ni fairy god mother.
”Pinapalaba ni cobr-- ni s-sir stevan po..”
Tumango tango ito, medyo kunot ang noo bago patayin ang gripo sa gilid. ”Naglaba ako kahapon ng damit niya, may madumi na agad ito?”
”Hindi ko po alam, baka limang beses siguro itong magbihis..”
Muli ay tumango ito, kinuha niya ang aking dala kaya madali akong sumalungat.
”Ako na lang po ang maglalaba, lola..”
”Mercy ang pangalan ko, hija..” nahihiya akong nagkamot ng ulo.
”Ako na po ang maglalaba ng damit niya, aling mercy..”
”Marunong ka ba sa paglalaba?”
"Aba't oo naman po, kahit nakapikit pa!”
”Paano mo makikita ang dumi kung ikaw ay nakapikit?”
”Ganoon ako kabihasa, aling mercy. Kaya't akina ang damit ni cobra at ako na ang maglalaba..”
Nilingon niya ako, nagtataka. ”Ano kamo?”
”Ang ibig ko'ng sabihin ay oobrahan ko na ang kanyang damit dahil ilang piraso lang naman..” kinuha ko'ng muli ang basket, nagpaparaya niya itong ibinigay sa akin kaya madali akong lumakad palapit sa washing.
Ramdam ko naman ang kanyang presensya na hindi lumilisan sa aking gilid, tila siya'y nakamasid ngunit hindi ko ito pinagtutuunang pansin.
”Anong pangalan mo?” nilingon ko siya matapos ko'ng mailagay ang damit sa loob, naghihintay siya sa aking sagot.
”Daphia po..”
”Hindi halatang taga rito ka..”
”Sa bicol po ako..” nagbaba ako ng tingin, wala naman sigurong masama kung sasabihin ko ang totoo sa kanya. Mukhang hindi naman ito magdadaldal kay cobra.
”Hindi na ako magtataka kung bakit ikaw nga ang natipuhan ni señiorito..” nagtataka ko itong tiningnan.
”Ano po ang ibig niyong sabihin?”
”Kamukhang-kamukha mo kasi ito, kuhang kuha niya ang iyong mukha..”
Hindi ko maintindihan ang nais sabihin ni aling mercy, sinong kahawig ko?
May kamukha akong tao?
”Darating si señiorito stuart ngayon, baka sasabayan niya tayo sa miryenda..”
Nalihis ang pag-iisip ko sa kanyang sinabi, darating si stuart? Hindi ko alam kung bakit bigla akong natuwa, siguro'y ganon na lang kasi ito kabait kaya natutuwa ako ngayon.
”Magtrabaho ka na para magawa mo ang iyong nais mamaya..” tumango ako kay aling mercy, matapos nitong trabahuhin ang ginagawa ay lumisan na siya sa pwesto ko.
Ipinagpatuloy ko ang trabaho ng mag-isa, may ilang maid na naliligaw sa pwesto ko na halos irapan lang nila ako. Wala akong ideya kung anong problema nila sa akin, si aling mercy lang yata ang makakasundo ko rito.
”Hinahanap ka ni manang, mercy..” ang isang kasambahay ay nagsalita sa gilid ko, tapos na ako sa aking trabaho. Nagsasampay ako sa panghuling longsleeve ng lingunin ko ito.
”Sandali, matatapos na ako..”
”Tsk, ang kupad mong magtrabaho, kanina ka pa naglalaba!”
Nagtataka ko itong tiningnan, kunot ang noo at salubong na salubong ang kilay. ”Paano mo nasabing kanina pa?”
”Kanina pa ako dumadaan dito e hindi ka na natapos diyan!”
”Mabuti nga ako at may natapos na, e ikaw! Palakad-lakad ka lang dito, ano ka. supervisor!”
Nanlaki ang kanyang mata, ngunit hindi ako nagpatalo at mas maigi ko'ng nilakihan ang akin. Sa huli ay lumisan siya na bukod tanging pag-ismid ang ginawa.
Anong akala niya, hindi ko siya papatulan!
Mukhang walis timbo lang naman ang kanyang buhok!
Inilapag ko ang basket sa gilid at agarang tinahak ang kusina upang hanapin si aling mercy, alas tres pasado na at naghahanda siya ng miryenda sa kusina.
Nag-angat siya ng tingin sa akin ng makalapit ako, medyo basa ang aking suot ngunit ayos lang naman.
”Kailangan niyo po ba ng tulong?” umiling ito, nakangiti.
”Ipapalagay ko lang sana ito sa tubig..” may inabot siya sa aking malaking plastic. May tubig iyon at may ilang pirasong isda na may kulay lila at iba pa, ang cute nila.
”Kay señiorito stuart iyan, kaka-uwi niya lang at naroon sa kanyang kwarto namamahinga..”
Tumango-tango ako. ”Ilalagay ko po ito sa tubig?”
”Oo, pakisuyo na lang dahil naroon na rin si señiorito stevan at baka nagugutom na..”
Nilingon ko si aling mercy, nakauwi na si cobra? Bakit hindi yata ako updated?
Akala ko ba ay nais niya akong makita matapos ng kanyang trabaho?
”Sige na at pakawalan mo na ang mga 'yan, baka tawagin ka ni señiorito stevan..”
Hawak ang plastic na naglalaman ng isda ay lumisan ako ng kusina, hindi ko alam kung saan ito dadalhin. Ang sabi ni aling mercy ay pakawalan sa tubig.
Saan ba ang tubig dito?
Nagtungo ako sa sala, umiikot ang aking mata habang iniisip kung anong ginagawa ni cobra, ang aga naman niya yatang umuwi? Excited ba siyang makita ako?
Pero bakit naman siya magiging exited?
Ang yaman niya, afforf nitong magkaroon ng magandang girlfriends. Samantalang ako ay isang dakilang muchacha lang, ang bango pa ng kanyang boxer at hindi ko makalimutan kung gaano kasarap sa pang-amoy iyon.
At dahil ako ang naglaba sa kanyang kasuotan ay nalaman ko ang sikreto kung bakit iyon mabango, bibilhin ko iyon sa oras na makalabas ako ng mansyon.
Pero paano pa ako makaka-alis kung narito na siya?
Lumakad ako sa gilid ng may makitang labasan doon, nakangiti ako ng bumungad ang maalwalas na pool sa parteng iyon. Ang ganda, ngunit may mga dahon ng nahulog sa tubig. Pero infairness, may pa-pool si cobra. Dito ko ba pakakawalan ang mga isda?
Lumapit ako at niyuko ang tubig, nakikita ko ang aking sarili habang hawak ang mg isda. Siguro'y nais ni stuart na maging malaya ang mga isda rito, bukod sa maalwalas na ay makakalangoy sila hangga't gugustuhin ng mga ito.
Pinakawalan ko ang mga isda sa tubig, madali silang lumangoy pailalim at ni hindi ko na sila matanawan. Ang swerte naman nila at nakakalangoy sila, naisin ko man maligo ay hindi ako bihasang lumangoy. Laking tabing dagat nga ngunit ni minsan ay hindi natutunan ang paglangoy.
”Narito ka na naman!” nilingon ko ang pamilyar na boses, iyong maid na may buhok na mais ang nagsalita. Nakataas na naman ang kilay at nakapustura ang kamay sa kanyang bewang.
”May kailangan ka?” tinaasan ko rin siya ng kilay.
”Naroon si señiorito stevan sa hagdan, nais ka nitong makita..”
Umarko ang nguso ko sa sinabi niya, nais akong makita ni cobra? Tama ba ang hinala ko na excited itong makita ako?
”Kung hindi ka sana dumating, ako sana ang maninilbihan kay señiorito stevan!”
Inismiran ko ang babae. ”Maaari mo naman itong pagsilbihan, ngunit nasa kanya na rin iyon kung nanaisin niya..” nilagpasan ko ito, hinawi ko ang aking buhok at siguradong natamaan siya.
Nagagalit siya sa akin dahil ako ang naninilbihan kay cobra? Inggeterang mais pala siya!
”Where have you been?” iyon ang salubong ni cobra sa akin ng makita ko itong nasa hagdan, nakapag-office attire pa ito. Ang gwapo niya sana kung hindi nag-susungit.
”Nilabhan ko ang damit mo at may ini-utos sa akin si aling mercy..”
”Did you went on the pool area?” muli siyang nagtanong, napaka-suplado.
”Oo..”
”It is clean?” umiling ako.
”Ang daming dahon sa pool..”
”Remove the leaves and preffer a clean towel for me..” tinalikuran na niya ako, umakyat siya ng hagdan habang nangingiwi ako.
Akala ko ba'y nais niya akong makita?
Gusto lang naman pala ako nitong utusan.
Tumalikod na ako at bumalik doon sa pool, ang dami kasing dahon na nahulog na nagmumula sa silong. Mabuti na lamang at madali ko'ng nakita ang kanilang net sa gilid, akala ko'y lalangoy pa ako para lamang tanggalin ang mga dahon.
Nag-umpisa ako sa gilid, maayos ang aking paghawi sa mga dahon hangga sa maging malinis muli ang swimming pool. Maigi ko'ng itinabi ang net at lumakad papaloob para tumungo sa kwarto ni cobra.
Dalawang beses akong kumatok bago buksan ang kanyang pintuan, at doon ay nakita ko itong nakatayo sa tabi ng kanyang closet.
”I can't find my pants..” isang libong pasensya ang aking inipon bago bumuntong hininga, limpak na limpak muli ang damit na nagkalat sa sahig. Bukas lahat ng kanyang drawer ng lumapit ako sa kanya.
”Sa susunod tawagin niyo na lang ako, sir..”
”Your cleaning the pool area, and your too slow..” bahagya ko siyang nilingon, ngunit hindi ko ito masinghalan dahil bukas ang kanyang longsleeve, ang gulo pa ng buhok nito na parang bata at namoblema sa paghahanap ng kanyang pants.
”Ipaghahanda na kita ng masusuot at tuwalya..”
Nag-iwas ako ng tingin at inilibot ang mata sa kanyang cabinet, at ang lintek niyang pantalon na hinahanap ay nasa kanyang harapan lang naman, ano ba ang meron sa mata niya?
”I'm going to visit my mom today, i want a plain t-shirt and a simply pants..”
Lumabas na ito ng silid matapos sabihin iyon, hawak ko ang kanyang pants na medyo nagtataka at nag-iisip.
Kung ganon, may mga magulang pa sila señiorito stevan at stuart.
Sino ba ang matanda sa kanilang dalawa?
Inilapag ko ang damit na nais ni cobra, hindi ko muna naharap ang damit na nagulo dahil baka atat na itong maligo sa pool at narito pa ako.
Ngunit ng makababa ay naroon pa siya sa gilid, nakatayo habang pinagmamasdan ang tubig.
Nagdarasal pa yata bago maligo.
”Where's my towel?” nagulat pa ako ng magsalita siyang bigla, naliliyo ako sa kanyang katawan dahil hubad na ito at isang trunks na lang ang kanyang suot.
Okay, behaved si cobra today. Hindi siya galit.
”Give it to me after i roam the pool..” sumulong na ito sa tubig, natalamsikan pa ako dahil pabigla siya kung lumukso.
Agaran akong umupo sa gilid kung saan tanaw ko itong lumalangoy palayo, ang galing niya. Bawat pag-ikot ng kamay nito ay nakikitaan ko ng muscle ang kanyang braso.
Pero sunod sunod itong nagmura ng matungtong niya ang dulong pwesto, mula sa kinauupuan ko ay namamataan ko ang matinding pagkakasalubong ng kanyang kilay.
Tumakbo ako papalapit sa kanya, hawak ang towel at mabilis iyong inilahad sa kanya.
”What is that f*cking thing!” napapitlag ako sa sigaw nito, nakaturo siya sa tubig at hindi ko alam kung anong problema niya.
”A-ano ba ang n-nangyari?”
”I saw a sh*t of fish, woman!” napatango ako sa kanyang sinabi, fish lang naman pala. Akala ko kung ano na ang f*cking thing na kanyang itinuturo.
”Iyan nga ba ang sinasabi ko'ng inutos ni aling mercy, ilagay ko daw ang mga isda sa tubig..”
”What the f*ck!” muli akong nakaramdam ng gulat, nagpalakad-lakad ito sa aking harapan bago ako samaan ng tingin
”Remove all that fish, and refill the water again!”
”H-hindi ako m-marunong l-lumangoy!”
”I want to see it cleared after a minutes, daphia!” masama pa rin ang kanyang tingin ng lumisan sa aking harapan, habang ako'y natataranta dahil medyo nasindak ako sa anyo ni cobra.
Kahit nagagalit ay gwapo pa rin, pero paano ko makukuha ang mga isdang 'yan?
Ang sabi kasi ni fairygod mother ay ilagay ko sa tubig, ayaw ba ni cobra na ka-bonding ang mga isda?
Napapikit ako bago dumuwang sa tubig, nakikita ko ang mga isda kaya mabilis ko'ng kinuha ang net na may mahabang hawakan, sa gitnang pwesto ay naroon ang mga isda.
Umuusog ako palapit sa pool at binabalak ko silang hulihin, ngunit sa kasamaang palad ay nadulas ako kaya't madali akong nahulog sa tubig na lagpas tao ang lalim.
Kumukuha ako ng hangin habang winawasiwas ang aking mga kamay, hindi ko mailapat ang aking paa at nawawalan na ako ng hangin.
At sa isipang malulunod ako rito ay minumura ko na ng ilang ulit si cobra, nang dahil lamang sa isda ay mamamatay pa yata ako.
Nawawalan na ako ng pag-asa at nahihirapan na sa aking pag-hinga. Tuluyan ng nagdilim ang aking paningin habang papalubog sa tubig.
***