CHAPTER 8

2399 Words
"SINASABI ko na nga ba at dito lang kita matatagpuang babae ka!" Sabay silang napatayo ni Regor mula sa pagkakaupo nang bumulaga ang nanlilisik na mga mata ni Miguel buhat sa pintuan ng bahay. Mabilis siyang ikinubli ni Regor sa likuran nito. "Anong ginagawa mo dito, Miguel? Hindi pa ba malinaw sa iyo na hindi ikaw ang mahal ni Monica?" "Hangal! Kaming dalawa ang nakatakdang ikasal sa susunod na buwan at sa ayaw at sa gusto mo ay kukunin ko sa iyo ang dapat ay akin!" "No, Miguel!" Matigas niyang wika. "Hindi ako sasama sa iyo!" Naniningkit sa galit ang mga matang bumaling ang tingin sa kanya ni Miguel.  "Hindi nga ako nagkamali ng sapantaha na sa lahat ng anak ng mga Monteverde ay ikaw ang pinaka-rebelde at matigas ang ulo! Pero walang magagawa ang katigasan ng ulo mo dahil kung kailangang kaladkarin kita pabalik sa mansyon ay gagawin ko." Nakangising wika ni Miguel. "Over my dead body, Miguel." Kuyom ang mga kamaong wika ng kanyang nobyo. Mala-demonyong tumawa si Miguel at bago pa nakaporma si Regor, sumugod na ito. Inundayan ng malakas na suntok sa sikmura ang nobyo na ikinatili niya ng malakas. "Hayop ka, Miguel!" Umiiyak na sigaw niya. Kitang-kita niya ang pamimilipit sa sakit ng kanyang nobyo. Hindi pa ito lubusang nakakabawi mula sa pagkakabugbog ng mga tauhan nito. Hindi pa ito lubusang nakakabawi ng lakas. "Bitiwan mo ako!" Sigaw niya nang bigla siyang hablutin ni Miguel at halos kaladkarin palabas ng bahay pero hindi nito nagawa dahil agad itong nahila ni Regor at nang humarap ay saka inundayan ng malakas na suntok sa mukha na ikinasadsad nito sa sahig. Subalit agad din namang nakabangon si Miguel at nagpambuno ang dalawa. Mayamaya ay agad na humagis palabas ng bahay si Miguel dahil sa malakas na tadyak na ginawa ng kanyang nobyo. Patakbo niyang niyakap si Regor. "U-Umalis na tayo..." Subalit isang malakas na putok ang umalingawngaw sa paligid. Sindak na napatitig siya sa tagiliran ng nobyo na inaagusan ng masaganang dinadaluyan ng dugo at nang lumingon siya nakita niya si Miguel hawak ang baril na nakatutok sa kanila. "Regor!" Malakas niyang sigaw nang mapaupo ang nobyo sapo ang tagiliran na tinamaan ng bala. "Anak!" Narinig niyang sigaw ni Nanay Salome na nanggaling sa kabilang pinto sa may likod bahay.  Pasugod na lumapit sa kanila ang ginang at umiiyak na niyakap ang anak. "Napakawalang-hiya mo, Miguel!" Galit na turan niya nang harapin si Miguel at tumayo mula sa pagkakayakap sa nobyo. "Kahit na anong gawin mo ay hinding-hindi ako sasama sa iyo! Hindi ako magpapakasal sa iyo dahil hindi ikaw ang mahal ko!" "Huwag kang hangal, Monica." Nakangising wika nito. "Kahit na anong gawin mo, itutuloy ntin ang kasal." "Kahit pa sabihin ko sa iyo na buntis ako at dinadala ko sa sinapupunan ko ang batang bunga ng pagmamahalan namin ni Regor?" Matapang niyang tanong. Kitang-kita niya ang pagkabigla sa mukha ni Miguel. Pero dagli ding napawi at napalitan ng galit. Dumilim ang mukha nito kasabay ng panlilisik ng mga mata. "M-Monica..." bagamat hirap ay pilit na nagsalita si Regor. "M-Magiging tatay na ako?" Muli siyang umupo at sinapo ang mukha ng nobyo.  "Uu, Regor. Magkakaanak na tayo. At dadahil ka namin sa ospital at pagkatapos ay lalayo tayo kasama si Nanay Salome..." luhaang wika niya. "H-Hindi tayo puwedeng maghiwalay..." "Kunin ninyo si Monica at isakay dito sa kotse!" Naulinigan niyang sigaw ni Miguel sa mga tauhan na nakatingin lamang sa kaganapan kanina at hindi nangingialam hanggat walang utos. Lumapit ang dalawang lalaki at pilit siyang inihihiwalay kay Regor. "Monica, anak!" Umiiyak na wika ni Nanay Salome na hindi malaman ang gagawin dahil sapilitan siyang hinihila ng mga tauhan ni Miguel. "Bitiwan ninyo ako!" Malakas na pagpupumiglas niya sa mga lalaking humihila sa kanya pero matindi ang kapit niya sa kamay ng nobyo. Pero sadyang malakas ang mga ito at nagawa siyang ihiwalay sa nobyo. Gayunpaman ay hindi pa din siya nagpaawat. Tadyak at kalmot ang inabot ng dalawa sa kaniya. Bago pa niya nahulaan ang mga susunod na mangyayari, nakalapit na si Miguel sa kanya at inundayan siya ng malakas na suntok sa sikmura. "M-Monica!" Impit na sigaw ni Regor na sa nanlalabo niyang paningin ay nakita niyang pilit na kumakawala sa pagkakayakap ng ina upang tulungan siya. "Hayop ka talaga, Miguel." Pakiramdam niya at tatakasan siya ng ulirat dahil sa sakit na naramdaman. Ilang saglit lamang ay nagitla siya nang maramdaman ang mainit na likidong dumadaloy sa pagitan ng kanyang mga hita. At ganoon na lamang ang sindak niya nang makita ang pulang dugong umaagos sa pagitan ng kanyang mga hita. "Diyos ko po, Monica.. a-ang apo ko..." humahagulhol na narinig niyang wika ni Nanay Salome. "Hayooop ka, Miguel! Sa oras na may mangyaring masama sa mag-ina ko, magtago ka dahil papatayin kita!" Ito na ang huling narinig niyang sinabi ng nobyo dahil unti-unti nang nagdilim ang kanyang paligid. LIGTAS ang ang sanggol na nasa sinapupunan ni Monica bagay na ikinatuwa ng dalawa pero lalong ikinagalit ng kanyang mga magulang. Nagising siya kanina na nasa loob ng isang pribadong silid ng ospital. Tanging ang naroon lamang ay ang kanyang Yaya Maria na umiiyak. "Anak, sabi ko naman sa iyo. Huwag mong tatangkain suwayin ang kagustuhan ng mga magulang mo dahil mapapahamak ka lamang..." anito na mahigpit na pinipisil ang kanyang palad. "S-Si Regor, Yaya Maria? Ano ang balita sa nobyo ko?" Naluluhang tanong niya. "Hindi ko alam, anak. Pero huwag kang mag-alala, hahanap ako ng paraan para makibalita sa kalagayan ng nobyo mo." Nakangiting wika nito. "Pero sa ngayon, magpalakas ka para sa magiging anak ninyo." Isang malalim na buntong-hininga ang wala sa loob niyang napakawalan dahil sa tindi ng bigat ng dibdib na nararamdaman. PAGKALABAS ng ospital ay muling ikunulong si Monica ng kanyang mga magulang sa sarili niyang silid. Kahit na anong gawin niyang pakiusap kahit alang-alang na lamang sa kanyang anak na nasa sinapupunan. Subalit nagmistulang bingi sa kanyang pakiusap ang mga magulang. Ang tanging nagawa na lamang niya ay umiyak. Maging kay Regor ay hindi pa siya nakakakuha ng kahit ng anong balita. Labis na siyang nag-aalala para sa nobyo. Noong huli niya itong makita ay madaming dugo ang umaagos sa tagiliran nito mula sa pagkakabaril ni Miguel. Hindi siya makakilos dahil ultimo cellphone niya at landline sa loob ng kanyang silid ay kinumpiska ng kanyang ama. Bantay-sarado din ang kanyang kuwarto ng mga tauhan ng kanyang ama sa paniniyak na hindi na muli siya makakatakas. KAGAYA ng dapat asahan ay hindi matutuloy ang kasal niya ni Monica kay Miguel dahil na rin sa pagbubuntis niya. Sa pagkakaalam ng dalaga, kinausap ng kanyang mga magulang ang pamilya ni Miguel hinggil sa nangyari.  Sa paglipas ng mga araw at buwan ay patuloy sa paglaki ang tiyan niya at isang buwan na lamang ay isisilang na ang anak nila ni Regor. Sa kabila noon, nasa loob lamang siya ng kanyang silid. Kung kinakailangan niyang lumabas para magpa-araw ay madaming guwardya ang nakabantay sa kanya. Paniniyak na hindi siya pupuslit. At sa loob ng mga panahong iyon, kahit minsan hindi man lamang siya nagawang kumustahin ng kanyang mga magulang. Hindi rin naman niya alam kung paano ang gagawin upang makontak ang kanyang mga kapatid dahil nga wala siyang teleponong pantawag. Bantay-sarado ang bawat kilos niya at sa tuwina ay si Yaya Maria lamang ang palagi niyang nakikita dahil ito ang personal na naghahatid ng pagkain sa loob ng kanyang silid. Naaawa siya para sa sarili dahil mistula siyang preso sa loob ng sarili niyang pamamahay. Pero kailangan niyang magpakatatag alang-alang sa kanyang anak. "Isang buwan na lamang at isisilang mo na ang iyong anak, Monica." Nakangiting wika ni Yaya Maria habang hinihimas ang kanyang malaking tiyan.  Katatapos lamang ng kanyang monthly check-up at kakaalis lamang ng kanyang doktor. "Oho, Yaya Maria. Pero mas kompleto ang kaligayahan ko kung nandito lang sana si Regor." Lumamlam bigla ang kanyang mga mata. "Ang tagal-tagal ko nang walang balita sa ama ng anak ko. H-Hindi ko alam kung ano na ba nag nangyari pagkatapos ng huling pagkikita namin noon..." "Monica, malakas ang kutob ko na nasa maayos na kalagayan si Regor. At kung hindi ka man niya pinupuntahan sa ngayon marahil ay para sa kaligtasan din ninyong mag-ina. Pero huwag kang mag-alala dahil sa oras na makasagap ako ng balita ay agad kong ipapaalam sa iyo," nakangiting pang-aalo nito sa kanya. Hindi siya umimik pero piping nananalangin na bago man lamang niya maisilang ang kanyang anak ay magkita sila ni Regor. "HUWAG ka nang umasa na hahanapin ka ng ama ng pinagbubuntis mo. Dahil matagal ka nang iniwanan at kinalimutan ng lalaking iyon." "What do you mean, Papa?" Kunot-noong tanong niya bagamat kinakabahan. Kagagaling lamang niya sa labas kasama ang kanyang Yaya Maria upang sumagap ng sariwang hangin nang biglang magsalita ang kanyang ama na noon ay nakaupo sa mahabang sopa sa loob ng maluwang nilang sala. "Binayaran ko ng malaking halaga ang nobyo mo kapalit ng paglayo niya sa iyo." Nakalolokong ngumiti ang ama. "At hindi ako nagkamali dahil mukhang pera nga ang lalaking pilit mong ipinaglalaban sa amin ng Mama mo," "Hindi totoo 'yan, Papa." Mariing tugon niya. "Alam ko sinasabi mo lamang ang mga bagay na iyan ngayon dahil noon ay nabigo ka na ipalaglag ang batang ito. At ngayon gusto mo na tuluyan kaming pagsirain ni Regor." Hindi nakaimik ang ama. "Kung ako sa inyo ni Mama ay ibigay na lang ninyo ang kalayaan ko para naman maging masaya ako sa piling ng lalaking tunay kong minamahal. Besides, hindi naman na matutuloy ang kasunduan sa pagitan namin ni Miguel, hindi ba? Bakit hindi na lamang ninyo kami pabayaan?" Pagak siyang tumawa ng maikli. "Kung sabagay, wala naman ibang mahalaga sa inyo kundi ang kayamanan at sasabihin ng ibang tao kahit pa ang kapalit ay paghihirap at pagdurusa ng sarili ninyong anak." Hindi na niya hinintay na sumagot pa ang ama. Mabilis na siyang tumalikod upang bumalik sa loob ng kanyang silid. Sa kanyang puso at isipan ay matibay ang kanyang paniniwala na hindi siya ipagpapalit ni Regor sa salapi dahil hindi ganoong klaseng tao ang nobyo niya. HINDI makapaniwala si Monica sa nababasa ng kanyang mga mata. Halos manginig ang buo niyang katawan. Tuwing umaga ay ugali niya na nagpapabili ng newspaper sa kanyang Yaya Maria. At sa tuwina ang front page ang palagi niyang pinapasadahan ng pagbabasa bago ang ibang pahina. Pero ng umagang iyon, hindi niya maintindihan kung bakit pagbuklat niya ng diyaryo ay lifestyle page ang nabuksan niya. Larawan ni Regor ang bumulaga sa kanyang mga mata at sa tabi ng nobyo ay isang babae na nakadamit pangkasal. Makailang ulit siyang pumikit-dilat sa pagbabakasakaling baka nananaginip lamang siya. Pero hindi! Totoo lahat ang nakikita ng kanyang mga mata. Regor Alvarez at Dina Jocson: Ikinasal na noong Linggo ng umaga sa Taal Cathedral. Parang nauupos na kandilang napaupo siya sa gilid ng kanyang kama habang ang babasahin ay tuluyan na niyang nabitawan. Masaganang umagos sa kanyang mga mata ang luha at halos sumikip ang kanyang dibdib sa magkahalong galit at sama ng loob. "H-Hindi magagawa sa akin ni Regor ito..." pangungumbinsi niya sarili.  Kailangang hanapin niya ang nobyo. Kailangang makausap din niya si Shane dahil ang kaibigan lamang niya ang puwedeng nakakaalam ng lahat ng pangyayari. Hindi siya makapapayag na ganoon na lamang magtatapos ang pagmamahalan nila ni Regor. Ang katotohanan ang kailangan niya ngayon. NAKAHANAP ng pagkakataon si Monica na makatakas isang gabi na malakas ang ulan. Hindi nakakandado ang kanyang silid mula sa labas ng gabing iyon kaya hindi naging mahirap para sa kanya ang makapuslit. Pero ingat na ingat pa din siya na makagawa ng ingay dahil alam niyang may mga tauhan pa din na nakatalaga sa kanya para bantayan ang lahat ng kilos niya. Gayunpaman, nagtataka siya kung bakit kahit isang tauhan ng kanyang ama ay wala siyang makita. Pagdating sa may b****a ng kusina ay naulinigan niya ang boses ng kanyang ama kausap ang mga tauhan nito. "Bantayan ninyong mabuti ang Mam Monica ninyo at huwag hahayaang makatakas. Dahil sa oras na makapanganak ang anak ko, kukunin ninyo ang bata at dalhin ninyo kung saan ninyo gustong dalhin. Kailangang mailayo dito ang sanggol, maliwanag ba?" Napuno ng matinding galit at pagkamuhi ang puso ng dalaga nang marinig ang utos ng kanyang ama sa mga tauhan nito. May plano pala itong ilayo sa kanya ang anak. Pero hindi mangyayari iyon dahil ngayong gabi, tatakas silang mag-ina. Dahan-dahan siyang kumilos palabas ng bahay. Sobrang lakas ng ulan sa labas at hindi nakabukas ang ilang ilaw sa buong mansyon kung kaya malaya siyang makakakilos. Umibis siya sa bandang likod-bahay. Mayroong maliit na gate sa likod at doon dumadaan ang mga katulong palabas bukod sa main gate ng mansyon. Ang panalangin na lamang niya ay huwang sanang nakalock ang gate. Tila dininig naman ng Panginoon ang kanyang panalangin. Basang basa man ng ulan pero nagawa pa din niyang ngumiti nang makitang hindi nakalock ang maliit na gate. Muli siyang luminga-linga sa paligid saka binuksan ang gate at tuluyang lumabas. Sakto naman na mayroong taxi na dumaan kung kaya agad-agad niyang pinara. Tuluyan lamang siyang nakahinga nang makasakay sa loob ng sasakyan at tumakbo ito palayo. Mariin siyang napapikit habang sapo ang kanyang tiyan. SA bahay ng kanyang Ate Clarisse siya nagtunggo ng gabing iyon. Laking pasasalamat na lamang niya at wala noon ang asawa nitong si Dennis at nasa probinsya dahil may inaasikasong problema sa isang kliyente doon. Gulat na gulat ang kapatid nang makita siya nitong basang-basa sa ulan. Ito na rin ang nagbayad ng pamasahe niya sa taxi na naghatid sa kanya. Pagkatapos ay dali-dali siyang pinapasok sa loob ng bahay upang makapagbihis ng tuyong kasuotan. "I'm really sorry, Monica, kung hindi man kami nakakapunta sa mansyon." Wika ng Ate Clarisse niya nang makapagbihis siya at mabigyan ng mainit na gatas. "Mahigpit na ipinagbawal ni Papa at Mama sa aming lahat na bigyan ka ng tulong, pero alam mo naman na hindi ka namin matitiis dahil kapatid ka namin." "Hindi ko alam na aabot sa sukdulan ang kasamaan ng magulang natin, Ate Clarisse." Tiim-bagang na wika niya lalo na nang maalalang muli ang utos ng kanilang ama sa mga tauhan nito. "G-Gusto nilang ilayo sa akin ang anak ko sa oras na makapanganak ako at itapon na parang hayop!" Maging ang kapatid ay nagimbal. "What? Gagawin ni Papa iyon?" "Yes, kaya kailangan kong makalayo dito, Ate Clarisse." Buo ang paninindigang wika niya. "HIndi ko hahayaan na may mangyaring masama sa anak ko at lalong hindi ako makakapayag na ilayo sa akin ang bata." Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ng kapatid bago siya mahigpit na niyakap. "I can help you, Monica. Bukas na bukas din ay bibiyahe tayo patungong Pangasinan at ihahabilin kita pansamantala kay Yaya Senyang." Kilala niya si Yaya Senyang. Ito ang dating Yaya ng Ate Clarisse niya sa mansyon na pinili ang magresign at iwanan ang trabaho dito sa Maynila upang asikasuhin ang maliit ng sakahan sa probinsya kasama ang asawa. "Thank you so much, Ate Clarisse!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD