CHAPTER 7

2252 Words
ISANG nakabibinging sampal ang dumapo sa pisngi ni Monica mula sa galit na galit na ama na ikinatumba niya. Napaupo ang dalaga sa marmoladong sahig. "Suwail! Ang lakas ng loob mo na suwayin ang kagustuhan namin ng Mama mo, Monica! Alam mo ba kung gaano kalaking kahihiyan sa ating pamilya ang idudulot ng ginawa mo?" "Nakatakda ka nang ikasal kay Miguel, Monica. Ano na lamang ang sasabihin ng pamilya ni Miguel kapag nalaman ang kawalanghiyaan na ginawa mo?" Wika naman ni Consuelo na nagpupuyos din sa galit. "Hindi ko mahal si Miguel!" Umiiyak na sigaw niya. "At ayokong magpakasal sa lalaking iyon!" Nagitla ang ama sa sinabi niya. "Nababaliw ka na ba talaga, Monica? Gusto mo talagang ilagay sa kahihiyan ang pamilya natin?" "At sino ang gusto mong pakasalan? Ang hampas-lupang lalaking iyon, Monica? Ang lalaking amoy putik! Nasisiraan ka na talaga ng bait!" Halos mamula ang mukha ng kanyang ina sa matinding galit. Dahan-dahan siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig at saka matapang na humarap sa mga magulang. "Tama, si Regor ang mahal ko. At si Regor ang gusto kong pakasalan." Mariing sagot niya. "Lapastangan!" Isang walang babalang sampal ang muling dumapo sa kanyang pisngi sa pero sa pagkakataong iyon ay galing naman sa kanyang ina. "Hindi mo na talaga kami iginalang, Monica!" Ani ng ama niya. Dumudugo na ang kanyang labi dahil sa mga sampal na natamo pero hindi pa rin sita nagpatinag. "Tayong mayayaman ay para lang din sa mayayaman. At walang puwang sa ating mundo ang mga hampas-lupang nilalang. Anong masamang hangin ba ang tumama diyan sa tuktok mo at nagdedeleryo ang utak mo sa hampas-lupang Regor na iyon, ha? Hindi mo man lamang ba naisip na maaaring isang patibong lamang sa iyo ang lalaking iyon and sooner or later ay kakamkamin ang kayaman natin?" Buong pang aalipustang turan ng kanyang ama. "Totoong tao si Regor, Papa! At lahat ng iniisip ninyo tungkol sa lalaking sinasabi ninyong hampaslupa ay walang katotohanan!" Lumuluhang pinahid niya ang dugo sa kanyang labi. "Ayoko na. Sawang-sawa na ako sa kinalalagyan ko. Ngiti dito, ngiti doon. At kailangang kumilos ako na parang prinsesa. Lahat ng puwede kong maging kaibigan at pakikisamahan ay puro mga sosyal at kilalang tao sa lipunan. Napakaraming bawal. At ayoko na!" "Kalokohan! Pinalaki namin kayo sa karangyaan. Binihisan at binigyan ng magandang buhay. Lahat ginawa namin ng Papa ninyo para lamang manatili tayo sa ganitong buhay pagkatapos sa isang lalaking hampas-lupa ka lamang mapupunta? Hindi mo man lamang inisip ang magiging damdamin ng mga magulang mo!" "Kayo ho, ano ang alam ninyo sa damdamin ko? Ang lalaking ipinipilit ninyo sa akin na mapangasawa ko ay muntik na akong gahasain! Sinabi ko na sa inyo, pero ano ang nangyari? Kinampihan pa din ninyo. Kasi walang ibang mahalaga sa inyo kundi ang salapi at wala kayong pakialam sa damdamin naming lahat!" Aktong sasampalin siyang muli ng ina, pero maagap itong napigilan ni Don Rafael.  "Inuutusan ka namin na layuan mo ang lalaking iyon, Monica." Mariing wika ni Don Rafael. "Paano kung mabuntis ako?" Nakangising tugon niya. Natutop ni Donya Consuelo ang bibig nang marinig ang sinabi niya. "Anong sinabi mo?" Naniningkit sa galit ang mga mata ng Don. "Yes, Papa. Paano kung mabuntis ako? Maitatago mo ba sa mga mata ng tao ang katotohanan? Sa loob ng dalawang linggo kong pagkawala ay magkasama kami ni Regor. Ilang beses ding ipinagkaloob sa kanya ang pagkatao ko. At ngayon pa lamang ay nararamdaman ko na at hindi magtatagal ay magbubunga ang pagmamahalan namin." Dalawang linggo din siyang nanatili sa piling ni Regor hanggang sa natunton siya ng kanyang mga magulang. Tinakot ng mga ito ang kaibigan niyang si Shane para magsalita at ituro ang kanyang kinaroroonan. Nagkataon naman ng mga panahon na natunton siya ay wala si Regor at namimili ng stocks ng pagkain sa bayan. Wala naman siyang nagawa ng kaladkarin siya ng kanyang mga magulang papasok sa loob ng sasakyan sa kabila ng mga pakiusap niya. "Puwes, hindi kailangang malantad ang kahihiyang iyan!" "Ano ang gagawin ninyo? Ipapalaglag ninyo ang bata?" Sindak na tanong niya sa mga magulang. Hindi makapaniwalang nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawa. "Mula ngayon, hindi ka makakalabas ng bahay. Ikukulong kita at oo, ipapalaglag ko ang batang nasa sinapupunan mo oras na magbunga ang kahangalan mo!"  Sindak na sindak si Monica sa narinig na tinuran ng ama. Hindi makapaniwala. Hindi niya inaasahan na hanggang doon aabot ang kasamaan ng kanyang ama. Binalingan ng Don ang mga tauhan. "Ipasok ninyo si Monica sa loob ng kuwarto nya at siguraduhing hindi makakalabas. Ilock ng maayos ang pinto." "Papa!" Impit na tili niya. "M-Mama?" Tumingin siya sa ina upang humingi ng saklolo pero umiwas ito ng tingin. "Ano ba! Bitawan ninyo ako!" Pagpupumiglas niya mula sa pagkakahawak ng dalawang tauhan ng ama. Pero walang nagawa ang pagpupumiglas niya, nagawa siyang ipasok ng mga tauhan ng ama sa loob ng kanyang silid sa kabila ng pagmamakaawa niya. "Pakawalan ninyo ako, Dado, Mario. Maawa kayo sa akin. Amo nyu pa rin ako." Pakiusap niya sa dalawang lalaki. "Patawad, Mam Monica. Pero hindi namin puwedeng suwayin ang utos ng inyong Papa." Pagkatapos ay lumabas na ang dalawang lalaki kasunod ay ang paglock ng pinto buhat sa labas.  Wala siyang nagawa kundi ang umiyak na lamang ng umiyak. Walang way para makatakas siya. Salamin ang paligid ng kanyang silid, pero gawa sa makakapal na salamin at hindi basta-basta mababasag maliban kung pasasabugin. "MONICA, anak. Dinalahan kita ng makakain." Mugto ang mga mata ni Monica dahil sa walang tigil na kaiiyak. Nakahiga siya sa kama nang pumasok sa loob ng kanyang silid ang kanyang Yaya Maria. Agad siyang bumangon mula sa pagkakahiga at yumakap sa butihin tagapag-alaga. "Yaya, ano na ang mangyayari sa akin dito? Habang-buhay na lamang ba akong ikukulong ni Papa at Mama dito sa silid ko? Paano na kami ni Regor." "Iha, hindi ko din alam. Labis din akong naguguluhan sa mga nangyayari." "Tulungan mo akong makatakas, Yaya. Please?"  "Huwag, Monica. Mas lalo lamang malalagay sa malaking panganib ang buhay mo. Alam mo kung gaano kalakas ang impluwensya ng mga magulang mo at kahit saan ka magtago ay tiyak na makikita ka. At malaking kapahamakan din iyon kay Regor dahil tiyak na ipapapatay siya ng iyong Papa." MATULING lumipas ang mga araw hanggang sa naging buwan. Nasa bahay nina Shane si Regor at pilit na humihingi ng impormasyon tungkol sa kinaroroonan ni Monica. Iniwanan lang niya ang nobya sa kubo para mamili ng ilang groceries sa bayan noon at pagbalik niya nawawala na ito. Hindi niya alam kung saan magsisimula para hanapin ang nobya. Umaasam siya na ligtas ito at muling babalik sa kanya. Pero hindi na siya makapaghintay. "Malupit ang mga magulang ni Monica, Regor. At may batas na kailangang sundin. Una na sa lahat ay ang pagpili ng mapapangasawa ng kanilang mga anak." "Pero paano naman kami ni Monica na parehong nagmamahalan?" "Walang magagawa ang pagmamahalan ninyo ni Monica sa lupit ni Don Rafael at Donya Consuelo. Sa mga sandaling ito, sigurado ako na nakakulong na si Monica sa mansyon at hindi maaaring lumabas hangga't hindi sumasapit ang pag-iisang dibdib nila ni Miguel." Para siyang napupuyos na kandila sa narinig. Pero hindi siya papayag na mawala sa kanya si Monica at mapunta sa lalaking hindi naman nito tunay na minamahal. "Anong binabalak mo, Regor?" "Kukunin ko si Monica, Shane. Pupunta ako sa mansyon at babawiin si Monica." "No! You can't do that, Regor. Hindi mo kilala sina Don Rafael at Donya Consuelo. Mapapahamak ka lamang." "Bahala na. Basta ang importante ngayon sa akin ay mabawi ko si Monica." Nagmamadali siyang umuwi sa maliit na bahay na nagsilbing tirahan nila ni Monica sa loob lamang ng dalawang linggo. Paghahandaan niya at paplanuhing mabuti kung paano siya susugod sa mansyon para bawiin ang kasintahan. Ngunit pagbukas pa lamang niya ng pinto ay sumalubong na sa kanya ang isang malakas na suntok sa mukha na ikinatumba niya. "Sino kayo at anong ginagawa ninyo dito?" Agad din naman siyang bumangon sapo ang mukhang tinamaan ng suntok. "Sino kami? At ano ang ginagawa namin dito?" Gagad ng isang lalaki. "Ako si Arturo, ang kanang kamay ni Miguel. Si Miguel ang lalaking nakatakdang pakasalan ni Monica Monteverde! At silang tatlo naman ay sina Momoy, Bogart at Buboy." Nakakalokong pagpapakilala ng lalaki. "Nandito kami para turuan ka ng leksyon!" Ani ng isa. Bumangis ang mukha ni Regor nang makilala ang mga hindi inaasahang panauhin. Sumugod ang dalawang lalaki sa kanya pero maagap siya. Sinipa niiya ang isa habang ang isang kasama nito ay sinuntok niya ng malakas sa sikmura. Halos sabay na bumagsak sa lupa ang dalawa. Galit na galit ang lalaking nagpakilalang Arturo. "Punyeta! Iisa lang 'yan! Sige, lumpuhin ninyo!" Mabangis na pakikipaghamok ni Regor ang mga sumunod na nangyari. Apat laban sa isa. Mayamaya ay naramdaman ni Regor ang paghampas ng isang matigas na bagay sa kanyang ulo dahilan upang unti-unting magdilim ang kanyang paningin. Bumalik ang ulirat niya dahil sa malamig na tubig na sumaboy sa kanyang mukha. Noon lamang niya napansin na nakagapos siya sa isang malaking puno na nasa tapat lamang ng kanyang kubo. "O, ano ngayon ang magagawa ng malaking katawan mo?" Wika ni Arturo na tuwang tuwa habang naninigarilyo. "Mga hayop kayo! Pakawalan ninyo ako dito!" Sigaw niya sa mga lalaki. "Sige, bugbugin na ninyo ang mayabang na 'yan!" Lupaypay na at duguan si Regor nang tigilan ng mga kalalakihan. At kung pagmamasdan ay halos wala nang buhay. SAMANTALA, naiwanan ni Don Rafael na nakabukas ang pinto ng silid ni Monica ng hindi sinasadya. Pinuntahan siya ng ama upang kumbinsihin na ipalaglag ang sanggol kung saka-sakaling mabuntis siya.  Ngunit matigas siyang tumanggi sa nais ng ama kung kaya galit na galit itong muling lumabas ng silid. Hindi na nito nabigyang importansya ang pinto. Malaking kagalakan para kay Monica ang pagkalimot na iyon ng ama.  Dali-dali siyang nagbihis at nag-impake ng kaunting gamit na puwede niyang madala sa pagtakas. Binitbit din niya lahat ng importanteng bagay kagaya ng cellphone, wallet at credit cards. Pagkatapos ay buong ingat at dahan-dahan siyang pumuslit palabas ng kanyang silid. Sa backdoor siya nagdaan. Doblemg ingat ang ginagawa niyang paghakbang sa takot na may makakita sa kanyang mga tauhan ng ama. ISA sa mga kotseng nasa garahe nag gagamitin ni Monica sa pag-alis. Agad naman niyang nakita ang kotseng maroon na paboritong gamitin noon ng Ate Isabel niya nang hindi pa nag-aasawa.  Hindi naman mahirap para sa kanya na makuha ang susi dahil nasa iisang lagayan lang naman ang lahat ng susi sa mansyon.  Hindi naman inalam ng guard nila kung sino ang lalabas ng mansyon. Marahil ay inisip ng guwardya na si Ate Isabel niya ang lalabas kung kaya ay kumaway pa ito sa kanya.  I'm sorry but I have, too... Mabilis ang ginawa niyang pagpapatakbo sa kotse palayo sa lugar na iyon sa takot na baka may makapansin sa ginawa niyang pag-alis at pagtakas.  At habang nagmamaneho, sinubukan niyang tawagan si Regor subalit hindi ito sumasagot ng telepono. Lalo siyang kinabahan. Baka mamaya ay may ginawang hindi maganda ang kanyang ama sa lalaking pinakamamahal. "Shane!" Aniya sa kaibigan nang sumagot sa tawag niya. "Monica? Where are you?" Hindi makapaniwalang tanong ng kaibigan.  "Tumakas ako sa mansyon. But I need your help, Shane." Aniya. "Kanina ko pa tinatawagan si Regor pero hindi sumasagot. I'm afraid na baka mamaya ay kung ano na ang---" "Please be here, Monica at saka ko na ikukuwento sa iyo ang lahat. Just be careful, okay?" Putol nito sa iba pa niyang sasabihin na lalong nagpadagdag sa takot sa kanyang dibdib.  "M-May masama bang nangyari kay Regor, Shane?" "Just do what I say, Monica. Come quickly but please, mag-iingat ka." Iyon lamang at naputol na ang kanilang pag-uusap.  Halos paliparin niya ang sasakyan makarating lamang sa Batangas.  Sa oras na may mangyaring hindi maganda kay Regor, hinding-hindi niya mapapatawad ang kanyang mga magulang! HINDI mapigilan ni Monica ang maiyak nang makita ang kalagayan ni Regor. Hindi siya sa kubo pinadiretso ni Shane kundi sa mismong bahay na ng nobyo kung saan naninirahan din ang ina nito na si Nanay Salome.  Sinadya ni Regor noon na hindi siya ipakilala sa ina nito at dalahin sa bahay na ito upang hindi madamay sa posibleng gulo ang nag-iisang magulang. Pero ayon kay Shane, nang mga oras na matagpuan nito si Regor na nakagapos sa puno, bugbog sarado at halos wala nang buhay dito agad naisipang dalahin ng kaibigan.  "Ikinuwento na sa akin ni Shane ang lahat, Monica." Mayamaya ay narinig niyang winika ni Nanay Salome. "Pigilan ko man ang anak ko na layuan ka para sa kaligtasan nito ay alam ko na hindi ako susundin dahil batid kong mahal na mahal ka." Lalo siyang naiyak. Mas lalong nadagdagan ang bigat ng dibdib na nararamdaman. Muli niyang ibinalik ang tingin sa nahihimbing na si Regor. May balot na benda ang ulo nito. Maga ang mukha at bibig dahil sa suntok at bugbog na tinamo. "Mga tauhan ni Miguel ang bumugbog kay Regor, Monica. Bago iyon ay nagkausap pa kaming dalawa na gagawa siya ng paraan para mabawi ka sa mga magulang mo na mahigpit kong tinutulan dahil alam ko kung ano ang kayang gawin nila." Patuloy ni Shane. "Pero hindi nagpa-awat si Regor." Lumuluhang nilapitan niya ang nakahigang nobyo at saka mahigpit na niyakap. MAG-IISANG linggo na ang lumipas buhat nang tumakas si Monica sa mansyon at ngayong araw ang plano nilang paglisan sa bahay ni Regor dito sa Batangas upang magpakalayo-layo. Pinalipas lamang nila ang ilang araw para tuluyan itong makapagpahinga at makapagpagaling mula sa pagkakabugbog na tinamo sa mga kamay ng tauhan ni Miguel. "Ipaglalaban kita hanggang kamatayan, Monica." Wika ni Regor sabay halik sa kanyang noo. "Hindi ako makakapayag na kunin ka nilang muli sa akin." Bilang tugon, yumakap siya ng mahigpit sa nobyo. "Mahal na mahal kita, Regor. Ikamamatay ko kapag nagkiwalay tayong dalawa..." "Shhhh...hindi mangyayari iyon. Ako ang makakalaban nila." Para kay Monica, sapat na ang mga katagang iyon para mapanatag ang kanyang damdamin. Ipaglalaban nila ang kanilang pagamamahalan hanggang kamatayan. Subalit ganoon na lamang ang gulat nilang dalawa nang biglang humagis pabukas ang pinto ng bahay dahil sa malakas na tadyak buhat sa labas...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD