Sa ilang taon nagkasama sina Kendrick at Samantha ngayon lang niya nalaman na marami palang tinatagong secreto ang babaeng kinakasama niya. Hindi maipaliwanag ni Kendrick ang sakit, nasaktan siya sa ginawa ni Samantha. Kung hindi pinilit ni Samantha ang lolo niya noon wala sanang kasal na mangyayari. Gustong sisihin ni Ken ang kanyang sarili, ngunit huli na ang lahat. Tama lang ang naging desisyon ni Kendrick na maghihiwalay sila ni Samantha. Napabuntong hininga si Ken, naka upo siya ngayon sa swevil chair nakatutok ang kanyang dalawang mata sa isang kuwarto, kung saan naroon sina Sam at ang lalaki niya. Madilim ang kuwarto tanging lampshade lang ang ilaw, kaya hindi makikita ni Kendrick ang dalawa sa loob. Patuloy parin ang ungolan sa loob ng kuwarto, parang kinatay na hayop si Samantha

