Matapos permahan ni Samantha ang devorce paper nila ni Kendrick agad itong lumapit kay Rayleen. “Nasaktan ka ba?” Aniya sabay buhat niya dito, lumabas sila ng dinning at umakyat na sa hagdan. “Ken, okay lang ako ba’t kailangan mo pa akong buhatin? Ibaba mo na ako.” Reklamo nito ngunit hindi naman siya pinakinggan ni Kendrick. Agad binuksan ni Kendrick ang pinto gamit ang isang kamay nito. Nang makapasok binaba niya muna sa sala si Rayleen, pina-upo sa sofa at tiningnan ang sugat nito sa labi. “Masakit ba? I’m sorry kung nangyari ito, this is my fault dapat inalam ko muna kung sino ang kasama ni Scarlet. Marahang hinimas ni Kendrick ang labi ni Rayleen, mabuti na lang hindi napuruhan at mabuti nagamot agad ni Donya Loida. Hawak ni Ken ang kamay nito, at sabay silang pumasok sa kuwarto

