I stayed silent. Part of me screams curiousity. Hinihikayat ako ng isip kong kausapin si Lander, tanungin siya at hingian ng linaw o paliwanag ang nakita ko sa sinehan pero alipin ako ng takot. Kapag nalaman niyang nakita ko siya sa sinehan kasama ang ibang babae. Baka i-deny niya lang o ang mas malala. Aminin niyang mayroon ngang iba. Baka sumbatan niya ako. Pakiramdam ko kapag nagkaroon ng confrontation, ibubuntong niya ang sisi sa 'kin. If I didn't lose our twins, this will never happened. Dahil sa mga tumatakbong ideyang 'yon. Itinikom ko ang aking bibig at pilit na umaktong walang nangyari kahit na ang totoo ay gabi-gabi ko yung palihim na iniiyakan. "Baka hindi ako makauwi ngayong gabi. Pupunta kasi kami ni Engr. Ranches sa hanger sa Pampanga," anito pagkatapos niyang sumimsim sa

