Rogelio Pov
First time sa loob ng mahigit anim na taon bago kami ulit nagkita ni Camille. Nakikita ko naman siya sa mga news simula nong naipublic ang relasyon nila ni Mr. Martin pero pili ang mga lumalabas na balita sa kaniya. Kilalang tao si Mr. Martin lalong-lalo na ang kabutihang loob niya kaya kahit sino labis-labis ang respetong natatanggap niya sa loob at labas man ng bansa. Napag-alaman kong ang dati ko na ding asawa ang isa sa namamahala ng negosyo nila sa US. Masaya ako sa kung ano na siya ngayon. At may mga bali-balitang engage na daw ang mga ito. Wala pa mang confirmation pero soon lalabas din ang totoo. Ang laki na ng ipinagbago niya, maganda na siya noon pero mas gumanda pa siya ngayon. Ang dating babae na halos ayaw tumingin sa mga mata ko ay matapang na nitong sinasalubong ang bawat titig ko. I feel strange, pakiramdam na never kong naramdaman nong mag-asawa pa kami.
"Hello mama," salubong ni Hash.
"Oh big boy na talaga ang baby ko." magiliw naman niya itong niyakap.
"I miss you baby." napangiwi ako. Iyan ang pinakaayaw niyang itinatawag sa kaniya.
"Mama I am no longer a baby so please stop calling me baby." masungit na reklamo nito. Napangiti naman ang kaniyang lola.
"Oh siya apo, halika dito. Kumain ka na ba?" iginiya siya ng kaniyang lola.
"Gel ako na ang magpapasok saiyo ah. Nakakahiya kasi sa lovers na yan, hindi na yata mapaghiwalay." Parinig naman ni Ashlee.
"Ay, sorry. Pasok ka G-gel." nautal pa ito sa pagbanggit sa pangalan ko. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa braso ni Mr. Martin habang nakayapos ito sa bewang niya. And there, confirm. Engage na nga ang mga ito. May kirot akong naramdaman kaya agad kong iniwas ang tingin ko doon.
"Congrats" saad ko.
"Thanks, come inside please." Ang lalaki na ang sumagot. First time ko din makapasok sa bahay nila dahil madalas driver lang ang kumukuha kay Hash sa bahay namin dati.
"Hi, I am Rogelio Tan." pakilala ko.
"Ralf Martin." maikling sagot niya. Medyo awkward pero no choice ako. Nandito naman si Ashlee.
"Sweetie did you eat your lunch?" bulong niya kay Camille.
"Kagigising ko lang Tart. Mamaya na siguro ako kakain hindi pa naman ako gutom." pabulong ding sagot ng isa.
"I told you don't skip your meal. Hindi ka pa daw nagbreakfast sabi ni nanay. I will prepare you a food okay. Or would you mind to follow me in the kitchen?" napangiwi ako. Baby girl ah? Tsk...
"Kain ka muna Camille, okay lang kami dito." Halata naman ang pagkadisgusto ni Ashlee sa lalaki na hindi niya kayang itago.
"Okay lang ba?" Ako ba ang tinatanong nito? Bakit siya sa akin nakatingin?
"Ah oo, okay lang." sagot ko nalang.
"Let's eat, baka di pa kayo nananghalian." Biglang aya naman ni Mr. Martin.
"No thank you, I already eat." sagot ni Ashlee.
"Gel?" tanong ni Camille.
"Ah, eh, tapos na." sagot ko.
"No daddy, you still didn't eat lunch because you said you want to invite mama to eat outside" Napaubo ako sa biglaang pagsulpot ni Hash. Tumaas ang kilay ni Camille. Lalo namang hinapit ng fiance niya ang bewang nito. Napangiti naman si Ashlee sa sinabi ni Hash.
"Halika na Gel, kain ka na din." wala na akong nagawa kundi sumunod. Pati si Ashlee ay di na nakatanggi dahil hinila na siya ni Hash.
"Mommy eat this, I swear it's delicious. It's lola's specialty. She said Kaldereta is what mama Camille's favorite food." Maganang sabi ng anak ko. Sinandukan din niya ng pagkain ang kaniyang mama.
"Daddy you want me to put food in your plate?" tanong niya bigla.
"Ah huwag na son. I can handle it." sagot ko. Sumagot lang ito ng Okay. Pagkatapos naming kumain ay tinawag kami ni nanay sa sala.
"Mga anak, totoo bang ikakasal na kayo?" tanong niya.
"Payag po ba kayong pakasalan ko ang anak niyo Nanay?" tanong ni Ralf pero sa akin ito nakatingin.
"Kung yan ang magiging desisyon niyo, susuportahan ko kayo." sagot nito.
"Pero apo, payag ka bang magpakasal ang Mama mo sa iba?" biglang baling niya kay Hash. Malaki na ito kaya naiintindihan na din niya ang nangyayari.
"If mama loves him, it's okay for me. But Papa Raf don't hurt mama. Can you promise me?" tanong niya Napayuko ako, oo nga naman. Syempre may isip na din ito nong naghiwalay kami kaya alam niya ang nangyari sa amin ng mama niya.
"I promised son, I will take care and love your mom."
"Thank you nanay, Hash for allowing me to be part of your family." madamdaming wika niya.
"How about you Gel, okay lang ba saiyo na makitang ikinakasal sa iba ang asawa mo?" walang pakundangang tanong ni Ashlee. Natahimik ang lahat. Hindi ako makasagot.
"Ex-wife." pagtatama ni Ralf.
"Wife." sagot din ni Ashlee.
"They are already divorced." pamimilit ng isa.
"Okay lang sa akin." sagot ko. Baka mag-away pa ang dalawa.
"How Gel?" hindi pa din sumusukong tanong ni Ashlee.
"Ashlee, hindi na kami mag-asawa at sa papel lang nangyari iyon." naguguluhan namang napatingin sa Camille sa amin. Ganun din ang kaniyang nanay.
"Gel, you are a coward. Natatakot ka ba na this time ikaw naman ang ireject ng asawa mo?" tanong pa niya.
"No, because even before I don't feel anything to her." Kumuyom ang kamao ni Ralf, bumalatay naman ang sakit sa mata ni Camille.
"Wow, bilib na talaga ako saiyo Gel. Hash, son go to your room. I will just talk to them." utos niya sa anak ko.
"Mommy, don't make things difficult please." sabi naman nito bago umalis.
"Sa kusina lang din muna ako."paalam din ni nanay. Pagkaalis ng dalawa ay agad akong hinarap nito.
"She can't marry anyone. You know that Gel."Of course I know na hinarang ni lolo ang divorce agreement na parehas naming pinirmahan noon. Pero para sa akin hindi ko na siya asawa dahil never naman ako naging asawa sa kaniya kahit noon pa.
"What do you mean?" Ralf asked.
"Paanong di ako pwede magpakasal sa iba?" Camille asked also.
"It's because you are still married to that bullshit man." sagot ni Ash.
"Pero divorce na kami." Ganon na ba niya kagustong mapangasawa ang taong ito. Nakaramdam ako ng lungkot. Pilit kong sinasabi na hindi ko ito gusto kahit noon pa pero may puwang sa puso ko na ayaw kong mapunta siya sa iba. Huli na ba talaga ang lahat?
"Is that what you really think Camille? Do you think my grandfather will allow it? He choose you Camille, kaya sa palagay mo ba ganon lang kadali yun?" hindi makapaniwala ito. Hindi na din ako umimik dahil totoo naman ang sinabi ni Ash.
"Sweetie, do you really want to marry me? If yes, I will talk to Senior Tan." tanong nito. Katahimikan ang namayani hanggang sa sumagot ito.
"Can you do it? coz if not, I will beg the Seniors." laglag ang balikat ko. Pagkadismaya naman kay Ash at tuwa naman kay Ralf.
"Thank you sweetie. I promised you, magpapakasal tayo. I will do everything para mapawalang bisa ang kasal niyo ni Mr. Tan." saad niya saka hinalikan si Camille sa labi.
Pain.....
Anger....
Regret.....
Yan ang naramdaman ko pero its my fault afterall. Kaya wala akong karapatang magreklamo.
Infront of me, she said she will beg my grandfather just to marry this man. Is this how they called karma? Is this how we end up? Bakit ngayon pa? Bakit kung kelan masaya na siya? Minahal ko na ba siya noon?