Chapter 21

1298 Words
Camille Pov "There are only two sides to every problem. One side is another reason to let go while the other is a reminder of the love you have promised to give to each other. You can either flip it to decide or cheat your way to choose what side you want to look at. Simple as that." After ng proposal ay nagdesisyon kaming umuwi na muna ng Pilipinas para pormal na hingiin ang kamay ko sa aking pamilya. We are in a relationship for more than a year, and yes we are getting married. Ready na ba akong pumasok sa panibagong yugto ng buhay ko? I love him, pero bakit parang may kulang? Mahal ko nga ba siya sa paraang gusto niya o mahal ko siya sa paraang kinailangan ko talaga siya para lumimot? Yan ang paulit-ulit kong tinatanong sa aking sarili. Pinagmasdan ko si Raf habang nagmamaneho pauwi sa kaniyang bahay dito sa Pilipinas. Magkatabi lang naman ang bahay nila ni nanay na ipinatayo niya din dahil sabi niya mas maganda kung tabi kami at nasa iisanf lugar lang. "Sweetie," ginagap nito ang kamay ko saka hinalikan. "Yes Tart." sagot ko. "Thank you." kumunot ang noo ko. "Saan naman?" "Dahil dumating ka ulit sa buhay ko." madamdaming wika nito. "Ako dapat ang magpasalamat, dahil kung wala ka, hindi ko alam kung ano na ako ngayon." Dahil iyon naman is talaga ang totoo. "For you, I will do everything." Saad niya bago ibinalik ang atensyon niya sa pagmamaneho. Dumiretso na din ako sa bahay nila nanay pagkarating namin. Pinayagan naman ako nito nung nagpaaalam ako. "Welcome home Camille." bulong ko sa sarili ko habang nakahiga ako sa kama. May sarili akong kwarto na pinasadya pa niya talaga para daw di na kami magsiksikan sa iisang kwarto. He is a blessing to me. Kaya lahat gagawin ko para maging masaya din siya. Kahit doon man lang ay makabawi ako sa mga nagawa niya para sa amin ng pamilya ko. ------------------ "Camille, tanghali na hoy bangon ka na diyan. Darating na ang apo ko." Antok pa ako pero napangiti din ako. No doubt, nandito na nga ako sa Pilipinas. May human alarm clock na ako at sure ako hindi ito titigil kakatalak gat di ako nakikitang tumayo sa kama. "Aba eh Camille, hindi ka prinsesa na matutulog hanggat gusto mo. Hindi maganda iyan sa katawan. Hindi porket maganda na ang buhay mo eh abusuhin mo na ito. Bangon ka na diyan. Pagbalik ko dito at nakita kitang nakahilata pa diyan hahampasin na kita ng walis." Mabilis kong iminulat ang mata ko. "Nanay naman eh, natutulog palang iyong tao ang ingay-ingay mo na. Hindi na ako bata para sermonan mo at hampasin ng walis." sagot ko na parang nagtatampo din. "Aba eh sumasagot ka pa. Tapos na kaming nananghalian senyorita baka naman gusto mong ipaghain pa kita." tinaasan ko ito ng kilay. "Pwede naman nay," mabilis ako nitong hinampas sa hita. Hinila ko ang kamay niya tsaka niyakap. "Miss na miss ko na kayo Nay." niyakap naman niya ako. Malaki na ang ipinagbago nito simula namatay ang tatay. Nalungkot ako nung maalala ko ito. Hanggang ngayon hindi pa nahuhuli iyong nakasagasa sa kaniya. Isa din ito sa dahilan kung bakit ako umuwi. Gusto kong ako mismo ang mag-asikaso sa kaso niya. Matagal na ito pero sariwa pa din sa puso't-isip ko kung paano ito nalagutan ng hininga. Kaya gagawin ko ang lahat para mapanagot ang kung sino mang nakasagasa sa kaniya. "Salamat anak dahil nandito ka na. Makakasama ka na namin." "Nay baba na tayo, bago pa tayo mag-iyakan dito." pag-iiba ko sa usapan namin. "Ay oo, parating na pala ang napakapogi kong apo."Agad naman ako nitong iniwan pagkaalala kay Hash. Inayos ko na din ang sarili ko. Miss na miss ko na din ang anak ko. ----------- "Camille nandiyan na si Hash, pagbuksan mo nga ng pinto." nagtaka ako kung bakit kailangan pa niyang magdoorbell. Ipinilig ko na lang ang aking ulo. "Opo nay," tinungo ko ang pintuan. Pero hindi si Hash ang nabungaran ko kundi ai Ashlee. "Ashlee? Oh my God..." niyakap ko ito. "Ikaw ah, nakakatampo ka na. Nakauwi ka na pala hindi ka man lang nagsabi." nagkandahaba ang nguso nito. "Nakatulog na kasi ako kagabi Ash. Grabe ang ganda mo pa rin." humahangang sambit ko. "Loka, ikaw din. Laki na ng pinagbago mo." napalingon ako sa likod niya. "Si Hash?" tanong ko. "Susunod na, kinuha kasi ni daddy niya noong nakaraang araw. Baka siya nalang din ang maghatid." Napatango ako. Handa na ba akong makita ang taong minsan kong minahal? Minsan na nga lang ba talaga? "Hoy miss Gisa baka naman gusto mo akong papasukin sa mansyon mo." "Ay oo nga pala, pasok ka Ash." hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay nauna na itong nakapasok saka nagsisigaw habang hinahanap si nanay. "Nanay nandito ako." sigaw niya. Lumabas naman galing sa kusina si nanay. Nagmano ito pagkakita sa aking ina. "Oh Ashlee, nasaan si Hash. Kaawaan ka ng Dios anak" "Baka nasa daan na po sila Nay." Sagot naman nito. May nagdoorbell ulit kaya kinakabahan kong tinungo ang pintuan at pinagbuksan sila. God handa na ba talaga akong makita siya? Bakit ba ako kinakabahan? Binuksan ko nang tuluyan ang nakapinid na pinto pero hindi si Hash ang bumungad sa akin kundi si Ralf. Nakaramdam ako ng disappointment. "Hi Sweetie good afternoon. May bisita ka yata." Hinalikan niya ako sa noo saka hinapit ang bewang ko. Medyo nakaramdam ako ng disappointment, konti lang naman. "Good afternoon too Tart. Oo, dumating si Ashlee." Irap naman ang isinalubong sa akin ng aking kaibigan saka tumingin sa nakayapos na bisig ni Ralf. Against ito sa kanya kahit noon pa. Hindi ko alam kung bakit ganun nalang ito eh hindi naman siya masungit at lalong hindi naman siya iyong tipo ng tao na sasalungat sa kasiyahan ko. "Hi Ashlee, how are you?" Bati ng aking fiance "I'm okay, sweet niyo ah." walang kagana-gana niyang sabi habang nakatingin sa nakayapos pa din kamay sa bewang ko. "Yeah, punta ka sa wedding namin ah." s**t di ko pa nasasabi sa kanila sure na naman ako nito na magtatampo ang bruhang to. "Wedding?" sabay na sambit nila ni nanay. "Yeah, we're getting married. Kaya kami umuwi hindi pa ba nasasabi ni Camille, Nay?" Masayang sagot pa ng isa bago ipinakita ang singsing sa aking daliri. "Hash approved?" tanong ni Ashlee. "Magpapakasal na kayo?" tanong naman ni nanay. Tumango ako bilang sagot sa kanila. "Alam ba ni Hash na magpapakasal ka sa iba?" nakayuko akong tumango. "And he allowed you?" tanong ulit nito. "Yes, he allowed his mom. Wala namang asawa si Camille and hindi naman problema kung may anak siya. Wala na ding bisa ang kasal nila nong dati niyang asawa at tanggap ko kung ano ang nakaraan niya." parang napipika na ding sagot ni Ralf. "Ah eh pinaliwanag ko naman sa kaniya Ash. At pumayag naman siya. Alam naman niya ang sitwasyon namin ng daddy niya." "But Roge..." isang sunod-sunod na doorbell ang pumutol sa sasabihin sana nito. Siya na din ang nagbukas ng pinto. And there, I saw my first love standing infront of my door with my son. Pagkalito, takot, pangungulila ang naramdaman ko. Hindi ko alam kung sa anak ko ba itong nararamdaman ko o pati sa ama niya. Naramdaman ko ang bagay na hindi ko maramdaman kay Ralf. Oh God, am I crazy? Why? Nakalimot ba ako di ba? Humigpit ang yapos ni Ralf sa bewang ko. Nakitaan ko siya ng takot sa kaniyang mga mata na labis kong ipinagtaka. Natatakot din ba siya na nagkita kaming dalawa ni Rogelio? “The couples that are meant to be, are the ones who go through everything that is meant to tear them apart and come out even stronger.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD