Camille Pov Officially Mrs. Camille Gisa Martin... 1, 2, 3, 4, 5 months ang ginugol namin para maayos ang dapat ayusin para lang maikasal kami. And here it is, ilang minuto nalang magiging ganap na akong Mrs. Martin. Masaya ako dahil alam kong di niya ako sasaktan, mahal ko din naman siya hindi nga lang iyong mahal na mahal pero sapat na iyon na dahilan para maging mag-asawa kami. Pamilya namin at puro mga piling kaibigan o kakilala lamang ang mga bisita. Mabilis naman natapos ang seremonya. Hindi ko din nakitang dumating si Rogelio tanging si Hash at ang magulang lang ng dati kong asawa ang dumating. Pagkatapos ng reception ay dumiretso na kami sa mansyon. Ang honeymoon namin ay sa Paris pa. Iyon kasi ang gusto ni Ralf. Tinotoo niya iyong pangako niya na hinding-hindi niya ako gag

