A smile full of satisfaction flashed on Veronica's resplendent face.
Pinaghandaan niya ang malaking salu-salo na iyon. The party was indeed phenomenal. Ibang-iba kung ikukumpara sa mga nakaraang parties na dinaluhan niya. Dinoble yata ang budget na inilaan, quite sensible for the amalgamation of two colossal companies. Kaya naman malalaking titulo rin ng mga tao sa larangan ng negosyo ang makikitang palakad-lakad sa malapad na silid. Kanya-kanyang pagandahan ng mga damit, palakihan ng mga alahas at pamahalan ng mga gamit na nakapatong sa katawan.
Of course, magpapatalo ba siya? Her ebony fishtail long gown accentuated her curvy waist and hips down to her lengthy pair of legs. Hindi na masisilip ang suot niyang black strappy heels sa haba. Ang V shaped neckline--na ang buka ay umaabot sa gitna ng kanyang dibdib--na siyang kumakapit sa kanyang nakaladlad na balikat ay binudburan ng kumikinang na animo'y diyamanteng nililok ng ekspertong mga kamay mula sa isang mamahaling bato. Sadyang naibigan niya ang ganoong tabas dahil naniniwala siyang mas lumilitaw ang kanyang alindog sa ganoong klase ng damit.
Her apparel was dramatic.
Ang kanyang mahaba at itim na buhok ay nakaayos sa isang malaking bun na pinatungan ng maliliit na diyamante ring palamuti. She chose to wear a red lipstick, vamp red to be exact. Bagay sa personalidad niyang mischievous at daring.
Oh, she felt so content. Hindi nabigo ang ilang araw niyang paghahanda.
Pagkatapos kumuha ng isang kopitang inumin mula sa naglilibot na server ay kaagad gumala ang kanyang tingin sa bulwagan. Wari ay may sariling buhay na kusang gumalaw ang kanyang mga mata, searching for someone her mind even hadn't think of yet.
May ilang acquaintances at malalapit na katrabaho siyang nakatagpo at binati. Some stayed for a bit to exchange brief chats. Nakausap na niya ang mga iyon pero hindi pa rin tumigil sa kagagalaw ang kanyang paningin.
Someone's late.
'Bakit wala pa siya?' Sa wakas ay nagkahubog na sa kanyang isip kung sino ang kanina pa ay hinahanap ng mga mata.
The program had started just minutes ago, may tumayo na at nagbigay ng paunang salita sa harap.
Strange. He hadn't been delayed before. He always hates being tardy. Why now? What happened?
Ilang sandali matapos itanong sa kanyang sarili ang katagang iyon ay nahagip ng kanyang paningin ang lalaking kanina pa hinihintay. Always brooding and ravishing.
She smiled. Mukhang kararating lang nito.
That night, he chose to present himself with a black tuxedo. Paired with shiny black leather shoes. Ang may ash-blonde nitong buhok ay maayos na nakasuklay patalikod. Feeling niya ay matatapos na ang lahat ng kasiyahan ng gabing iyon pero kahit isang strand ng buhok nito ay hindi maliligaw ng landas.
It really is Ali.
Mamaya, lolokohin niya ito dahil sa pagiging late. For breaking his record of panctuality. Grabe pa naman magtagpo ang mga kilay nito kapag may nale-late. Kahit ilang sandali lang naman.
Kasalukuyan nitong kausap ang ilang kapwa managers ng Will's. Ang isang kamay ay nakapaloob sa bulsa ng pantalon habang ang isa ay kaaya-ayang kumampay-kampay sa ere habang nakikipagpalitan ng salita sa mga kaharap.
How can those serious smiles seems so charming? Ngayon lang siya nakatagpo ng lalaking puno ng stiffness sa ugali at kilos pero ang cute ng dating, despite his mature age.
Or is it just her?
She noticed Ali frequently swinging his gaze to the crowed, and at his back, which was the entrance door. Parang may hinahanap ito. Then she realized he hadn't got a drink yet kaya naghahanap ng waiter, marahil dahil sa pinalibutan na agad ito ng mga kaibigan. And so she called out a waiter and took a whiskey. Naalala niyang umiinom ito ng ganoon, noong nagkaroon sila ng dinner meeting kasama ang isang kliyente.
She gently filled her chest with fine air as she took her steps towards those cluster of men, but halted in midway. Her smile faded, instead, one of her brows unconsciously arched by the sight of a familiar woman in indigo sabrina dress. Making its way to her target.
So she really came.
Natigil tuloy siya sandali para mag-isip kung ano ang dapat gagawin.
Kasing-tamis ng mga kapeng binebenta sa pinakaayaw niyang coffee shop sa kanto ang ngiti ng babae. May pahawak-hawak pa ito sa balikat ni Ali habang mabining tumatawa. Mukhang may sinabi ang lalaki na nagpasaya rito.
She could just roll her lovely eyes. Base sa galaw ng mga ito, siguradong matatagalan pa na makatakas ang lalaki mula sa mapang-akit na pagtrato ng babae kaya minabuti na niyang umentra.
Nang sa wakas ay tila nagkapuwang ang pag-uusap ng dalawa, kaagad siyang humakbang palapit.
"Hey," she greeted the two. Ang sinumang nakasaksi sa kanyang pagbati ay iisiping tunay niyang ikinagagalak na makita ang babae sa gabing iyon.
But contradiction to her pleasing acknowledgment, the latter's grin withered like a clear sky mantled with thick clouds.
"Veronica," Ali uttered, offering her his enticing smile.
"Hi, Madam Kelmy," baling niya sa babaeng kulang na lang ay lantarang umirap.
"Hello, Veronica." Pero mas pinili nitong makipagplastikan sa kanya sa harap ng lalaki. Siyempre ayaw nitong magmukhang kontrabida sa ibang tao.
"Here's for you, Ali," abot niya sa kanina pa'y dalang whiskey.
"Oh, thanks!"
"I hope you're having fun tonight, Maam," usal niya.
"Of course! The party's meticulously organized. I'm impressed."
"Absolutely nothing less for valuable clients as you are, Ms. Kelmy," magalang na sabi ng lalaki.
Miss? Promoted from Madam?
Lingid sa kaalaman ni Veronica ay halata ang pagtaas ng kanyang isang kilay sa address na ginamit ni Ali dito kaya pasimple rin siyang nakatanggap ng matalas ding titig.
Mas tinaasan pa niya ang kilay pero ang mga labi ay nanatiling nakangiti.
"Ali, I almost forgot, President Lemuer's been searching for you a while ago. Mukhang may importanteng sasabihin." Binalingan ni Veronica ang babaeng wala pa yatang balak mag-exit. "If you'll excuse us, Madam Kelmy."
Nagtagis sandali ang magagandang mga bagang nito bago nagbitiw ng pekeng ngiti. "Of course! See you later, Mr. Marzouq."
"Have a great time, Ma'am," sagot ng lalaki bago sila magkasabay na tumalikod.
"Na-late ka yata."
"Yeah, my bad. Couldn't help it, may hinintay kasi ako."
"So paano ba 'yan, nabahiran na ang panctuality record mo?"
Ngumiti lamang ito na tila gustong mapakamot sa batok bago naggala ulit ang paningin sa paligid.
So adorable.
"Ano kaya ang importanteng sasabihin ni President Lemuer?"
"Uh...sorry. Gawa-gawa ko lang 'yon. Hindi ka niya hinanap kanina."
"Oh. I see."
"Gusto lang kitang higutin mula kay Madam Kelmy."
Tumaas ang dalawang kilay ng lalaki sa pagtataka.
"Kasi marami pang gustong makausap ka, pero mukhang hindi ka lulubayan niyon buong gabi."
"What? Bakit mo nasabi?"
"Women's intuition."
"Alright," napapailing na saad nito. "I have nothing to argue about that strange intuition of yours."
Veronica shrugged. "Ang rangya ng ginawa nilang party, ano? It's a success. Maraming clients ang pumunta. I can see unfamiliar faces kaya marahil kahit iyong mga hindi pa natin napupuntahang prospects ay nagsidatingan."
"Yeah. See that guy in white suit? He's the vice chairman of GVelo Industry. Isa sa mga gustong i-pursue ng Will's noon pa para bumili ng share ng kompanya."
Nilingon ni Veronica kung saan nakadako ang paningin ni Ali. Isa iyong lalaki na nasa late forties na and edad--kung hindi siya nagkakamali ng hula. May katabing babae na halos kalahati ng edad nito ang gulang.
"What's stopping them then?"
"Sa palagay ko naghahanap lang ng tiyempo. I'm not sure though since hindi na iyon sakop ng assignment ko."
"May mga nakikita rin akong guests na affiliated ng JLC. Nakakatuwang isipin na mas mabilis ang progress ng project since the fusion of our companies."
"Yeah, I agree... By the way, you look lovely tonight."
Hindi inasahan ni Veronica ang biglang pagbitiw nito ng papuri sa hitsura niya. Walang kagatul-gatol pa nitong isinatinig iyon kaya hindi niya napigilan ang inosenteng reaksiyon ng sariling katawan. She suddenly felt heat in her ears at sigurado siyang maging ang mukha niya ay kasingpula na ng kanyang lipstick. Napatungo tuloy siya habang humigpit ang pagkakahawak sa kopita. Hindi niya magawang katagpuin ang nakangiting tingin ng lalaki.
"Uhm...t-thank you...i-ikaw rin naman, mukhang pinaghandaan no ang party. Ang guwapo mo."
"Thanks." Hindi nawawala ang lapad ng ngiti nito na mukhang nabahiran na ng amusement dahil sa kanyang ikinilos. Para siyang teenager na nakatanggap ng papuri mula sa unrequited crush.
Naputol ang tinatamasa niyang kilig nang binawi ng kaharap ang tingin mula sa kanya. Muli ay nagpalingun-lingon ito sa paligid. Tuloy, hindi na niya mapigilang tanungin ito.
"Ano'ng hinahanap mo?"
"Oh, it's Julia."
"Julia?"
Kasama niya si Julia?
"She went to the lavatory. I wonder if she lost herself again. Minsan mahina 'yon sa direction, e," anitong ngumiti.
Ang usapan nila ay nahinto ng mahinang bulungan ng mga panauhin sa kanilang paligid. Babae man o lalaki.
"Who's that young lady?" tanong ng isang boses lalaki.
"Kaninong anak iyan?" Babae naman ngayon ang nagtanong.
"She's beautiful," komento naman ng isa pa.
Heads were twisted to the entrance side and as if a scene ripped from a fairytale, the crowd broke as a fair lady in shimmering golden dress entered the flock of people.
The flowy fabric of the dress were like ocean of gold swathed perfectly over her narrow waist and voluptuous pelvis. Off shoulder ang cut pero malalim ang hiwa ng neckline. Revealing her plumped cleaving. Tila gustong kumawala mula sa nakatabon na tela.
"There she is," pagkuwa'y saad ni Ali. Ang mga mata ay nakapagkit sa babaeng kapapasok lang sa entrance ng silid. Eyes full of pride and adoration.
Ang babae naman ay nagpalinga-linga, hindi alintana ang mga matang nakatitig dito. Anxiety was written in her saintly face and hands were tightly clasped in a golden purse.
Nang dumako ang mga mata nito sa papalapit na si Ali ay biglang naglaho ang pagkaligalig, napalitan ng masayang ngiti at kagalakan.
"What took you so long, Baby?" rinig niyang tanong ni Ali.
"Mahaba ang pila sa loob."
"Oh, I see. Let's go, I'll introduce you to my colleagues."
Is that...Julia?