Part 12

1473 Words
"Ano'ng plan mong outfit sa party? Evening dress 'di ba? May preferred cut ka bang naisip?" Phoebe and Julia were on their way to a luxurious boutique. Sa estante ng tindahan ay nakahilera ang mga damit na halatang hindi biro ang kalidad at presyo. Kahit siguro ang isang pulubi, kapag dinamitan ng ganoon, mapapagkamalang anak ng mayaman. "Actually may dress na 'ko." Napahinto sa paghakbang si Phoebe papasok sana sa boutique. "Nakabili ka na?" "Hindi. Ano...plan ko 'yong dress ko na lang na nabili noong 18th birthday ko. Maganda rin naman, gusto ko kasi ang ganoong cut. Parang camisole then backless." "And the color?" "Satin na nude." "Teka nga, Julia. Tinitipid ka ba ni Ali?" taas ang kilay na tanong ni Phoebe sa kasama. Ang mga kamay ay nakadantay sa baywang. "Ano'ng tinitipid? Hindi!" Hindi alam ni Julia kung matatawa ba sa sinabi ng babae. Mukhang ready na itong mang-away ng lalaki sa hitsura nito. "Ako lang ang nakaisip. In fact, siya ang nag-insist na bumili ako ng bago. Ayaw rin kasi niya ng cut na iyon. Masyado raw revealing." "Hmn...akala ko naman. Anyways, okay, it'll do. Bagay naman sayo kasi maputi ka and it's not like nakita na ng mga tao roon na sinuot mo 'yon. Plain lang ba?" Imbes na pumasok sa tindahan, lumiko sila sa kanan para dumiretso at tumingin-tingin ng ibang gamit. "How about your shoes?" "Wala pa. Hindi na kasi magkasya 'yong sinuot ko noon. Sinubukan ko kaso maliit na talaga." Lumamlam ang mga mata ni Phoebe habang nakatingin sa kanya. "Julia, ganyan ka ba talaga o nahihiya ka pa rin sa asawa mo? Huwag mong tipirin ang sarili mo. You're entitled to whatever Ali owns. Kung ano'ng meron siya, sa iyo rin. Nagsusumikap siyang maghanap-buhay para sainyo na pamilya niya. Bakit mo dini-deprived ang sarili mo sa mga bagay na gusto mo?" "H-hindi naman. Nabibili ko naman ang mga kailangan ko." "When was the last time you spent for yourself?" "Last week." "Oh! That's fine. Ano'ng binili mo?" "Bagong bra kasi nag-iba ulit ang size ko." Phoebe rolled her eyes, kulang na lang mapunta ito sa likod ng ulo. "Necessity mo 'yon. Do you even consider it as shopping? Halika na nga, we're going to shop till our callouses get thick. Binigyan ka ba ng budget?" "May card ako." "O, ayan naman pala, e. Akala ko tinitipid ka ng asawa mo, mababatukan ko  talaga ang lalaking 'yon!" Nilibot nila ang buong Mall of Asia para maghanap ng magandang gamit. Mula sa bags, shoes, clothes and accessories. Pati makeups dahil tanging face powder, blush on at lipstick lamang ang laman ng drawer ng vanity mirror ni Julia sa kuwarto. Huwag nang isali ang malaking baby powder na pinaghahatian nila ni Baby CJ. "Ako ang bahala sa hair and makeup mo. May alam akong bakla na magaling magpinta ng mukha." What else could she expect from a former model and fiancé of a modeling agency director? Matapos maikot ang kalahati ng mall, pinili nilang magpahinga sa isang Vietnamese restaurant para na rin malagyan ng laman ang tiyan. "Thanks!" saad nila sa waiter matapos mailapag ang mga in-order sa lamesa. "Bakit may hunch ako na first time mong dumalo sa ganito kalaking party?" "Noong acquaintance party namin sa school, sa hotel din ang venue. Naka-cocktail dresses kami no'n." "Hmn...this is different. Asahan mong magiging grand ang party na dadaluhan ninyo ni Ali. You will be seeing elite people. May-ari ng companies, shareholders, bigating clients, foreigners," pakampay-kampay ang kamay na sabi ni Phoebe. "And I'm so happy na finally, formal ka nang ihaharap ni Ali sa mga taong nakapaligid sa kanya. You haven't been to his work den, right?" Umiling siya. Kahit noong bata pa siya ay hindi nagkaroon ng oportunidad na masilip ang loob ng pinagtrabahuhan nito. He hadn't had a slighest clue how he acts during working hours. "Nothing special. It's just that nagiging mas strikto lang ang vibe niya kapag nandoon," Phoebe shrugged. "Malalaman mo rin. Makikilala mo ang mga chismosa niyang team leaders na grabe makatitig." Napangisi si Phoebe. "Uhm...actually..." Hindi alam ni Julia kung tama ba na ibahagi niya kay Phoebe ang hinaing ng dibdib. Matagal na niya iyong pinakatago at wala pang ibang pinagsabihan maging si Manang Fe. And it seemed that after that incident, na ibang babae ang sumagot sa tawag niya kay Ali, she could not help her mind from being polluted. And it's always eating her inside like cockroaches nibbling her flesh. Ang bigat sa dibdib lagi. "Tell me, Julia. May problema ka ba?" Pinabilog ng babae ang mga mata para ipahatid sa kanya na maigi itong nakikinig. "K-kasi...there was a time, right before I gave birth to CJ. Tinawagan ko sa Singapore si Ali at..." Mababanaag sa anyo ni Julia ang pait ng nadama niya nang noong nangyari ang insidente. She was just staring at the ice floating on her fruity drink gradually melting. "And...?" "May ibang babaeng sumagot." Nawala ang masayang guhit sa mga mata ni Phoebe sa natinig. Blangko ang ekspresyon ng anyo nito sa una hanggang sa unti-unting gumuhit ang mga gatla sa noo. Nagtapo ang mga kilay na maayos na nakakurba. "Are you saying Ali is cheating, Julia?" Pure disbelief ang nakikita ni Julia rito. Mukhang napaka-imposible na gawin iyon ng lalaki, base sa titig na binigay ni Phoebe sa kanya. Nagbaba ng tingin si Julia saka nangilid ang luha. "I don't know," iling niya. "Ayokong isipin iyan kaya pilit kong binalewala. Pilit kong binubura sa isip pero, mas lalong umuulit ang eksenang 'yon. It was a minute before I had my labor kaya napakasakit. Hanggang ngayon parang naririnig ko pa kung ano'ng ng klase ng boses mayroon ang babae." "Ano'ng ng sabi niya?" "Na busy raw si Ali. Na sasabihin niya raw na tumawag ako." Phoebe snorted. "Typical bitches. Gusto ko na tuloy siyang makilala." "Her name's Veronica. Counterpart daw siya ni Ali sa trabaho." "So laging magkasama, gano'n? Tingnan lang natin—wait!" Biglang inilapag ni Phoebe ang palad sa lamesa kaya umuga iyon at gumawa ng tunog pero hindi nito iyon pinansin at nagpatuloy. "Meaning makikita mo siya sa party?" "Y-yeah..." Naningkit ang mga mata nito pagkatapos ay tumikwas ang kilay. "Finish your meal. May pupuntahan tayo." Huminto ang kotse ni Phoebe sa isang hindi kalakihang boutique. Nasa isang 15 storey building iyon at mukhang one forth ng buong palapag ay inukupa ng boutique. "Ano'ng ginagawa natin dito?" tanong niya habang pinagala ang paningin sa isang malapad na kuwarto na may modernong design. "Once kasi, may pinakilala sa akin si Siovhan. A couture and I really fell in love with his works! Ang perfect ng cuts, feel na feel mo na ginawa talaga sa mold ng katawan mo. Medyo pricey but of course you can afford. Dahil sa wakas ay ipakikila ka ni Ali sa workmates niya, and that woman will be surely there, I feel the need to make sure that you'll top as the most beautiful person for that night. Halika na." Inakay siya ni Phoebe papasok sa isang electronic door. A woman in white chiffon blouse and black trousers greeted them. "Hello! Welcome. How may I help you?" "Hi! We would like to have an appointment with Mr. Marione." Si Phoebe ang sumagot. "May I have your name, Ma'am?" "Phoebe dela Gracia. Fiancé of Mr. Siovhan De Cunha." Phoebe's eyes glimmered as she spoke the last part or must be just her imagination. "Oh! Hi, Ma'am. Ikaw po pala ang fiancé ni Mr. De Cunha?" Mukhang kilala ng sekretarya ang lalaki base sa reaction nito. "Ang ganda n'yo naman po," walang pagkukunwaring sabi nito. "I'll let Mr. Marione know your presence." "Yes, please. Thanks!" ganting ngiti ni Phobe. "I want that woman to feel the bitter insecurities once she meets you, Julia. Hindi lang siya, lahat ng mga nandoon cause from what I can remember, maraming nagpapantasya sa asawa mo roon. Bibigyan natin ng ultimatum ang mga iyon through your beauty. Ipaparamdam natin na wala silang laban sa ganda ng asawa ni Ali." Uminit ang mukha niya sa sinabi ng kaibigan. "H-hindi naman ako ganoon talaga kaganda." "Of course, you are! Kaya nga nahuhumaling na parang baliw iyang asawa mo sa 'yo. Kahit noong bata ka pa." Napangisi si Phoebe sa huling binigkas. Pati siya ay napayuko na lamang. "Phoebe!" bungad ng isang lalaki mula sa isang pintuan na nagpalingon sa kanila. Nagbeso-beso ang dalawa saka siya binalingan. "Marione, this is my dear friend, Julia. May dadaluhan siyang event, a party and I need her to look fab." "She-is-fab!" bulalas nito na tumitig sa kanya. Hindi malaman ni Julia kung napapabilang ba sa ganoong federation ang lalaki o hindi. His garments were indeed fashionable, mukhang mahilig ito sa bright colors. Pero lalaki naman magsalita at gumalaw. "You know what to do." "Of course! When's the party?" "Next week." "Long enough. Come dear, let's see how your curves went." Pinatayo siya nito saka kinuhaan ng sukat. Pinapili ng design kasama si Phoebe sa isang portfolio. "It'll be ready five days from now. Bumalik ka rito for the final fitting," anito pagkatapos. "Thanks, Marione." Ngumiti lamang ito saka hinatid sila sa pintuan pagkatapos nilang magpaalam. "Sasama pa rin ako pagkabalik mo rito. Let's shake those women's guts with your presence, Julia."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD