Part 14

1402 Words
Nakapulupot ang malalaking kamay ni Ali sa kurba ng baywang ni Julia na para bang pinoprotektahan ang babae sa nakapaligid nito. Isang prestihiyosong bagay na sa isang kisap-mata ay maaaring dumulas mula sa palad at mahirap nang mabawi pa. Ang mga mata ay hindi maipahinga sa katititig sa dalawang mapuputing dibdib ng katabi na pilit kumakawala sa suot na damit. "What took you so long, Baby?" "Mahaba ang pila sa loob, e." "Oh, I see. Let's go, I'll introduce you to my colleagues." "Hindi ba nakakahiya, Ali? Okay lang ba ang suot ko?" Puno ng consciousnesses ang anyo ni Julia habang niyuyuko ang sarili saka tiningala ang asawa. "Ang gaganda nilang lahat, e." Ang malamlam na mga mata ni Ali na nakatunghay sa kanya ay nababahiran ng lantarang pagnanasa. Humagod iyon sa kanyang buong mukha pagkatapos ay naglakbay pababa sa kanyang mahabang leeg at huminto sa ilalim niyon. Pakiramdam ni Julia ay nag-iinit ang bawat parte ng kanyang katawan na nadadapuan ng titig ng asawa. Julia tilted her head when Ali slightly bended and let a soft sound, "You're so sexy." Tuluyan nang nagbaga ang buo niyang katawan lalo na ang kanyang mukha sa paraan ng pagkakasabi nito. He just used bedroom voice! She could feel his warm breath brushed against the side of her ear. Humigpit rin ang pagkakahawak nito sa kanyang tagiliran at naramdaman pa niyang dumulas ang ilang mga daliri nito pababa sa kanyang balakang. "I just want to escape this crowd and devour you somewhere else." "Ali... ang kamay mo. Ano ba?" bulong ni Julia dahil kung hindi nito ihihinto ang kamay sa kakahagod sa kanyang tagiliran ay siguradong mahahalata na ng ibang bisita ang bumabangong pagnanasa sa kanilang dalawa. "I'm sorry, can't help it." Nahinto ang bulungan ng mag-asawa nang mapansin ni Julia na may babaeng nakatitig sa kanilang dalawa. The woman was tall and slender. Wearing a black body hugging dress at may bitbit na kopita. Naasiwa tuloy siya kaya tiningnan ang asawa sa nagtatanong na mga mata. She silently asked him, 'who's that?' Nakuha naman kaagad ni Ali ang kanyang ibig sabihin at tumuwid ng tayo. Inakay siya palapit sa babaeng hindi niya mabasa kung ano ang laman ng isip dahil sa indifferent nitong titig. "Veronica," bigkas ni Ali na nagpaigting ng pandinig ni Julia. Bigla ay naging alerto ang kanyang pandama at tumigas ang kanyang leeg. Ngayon niya naramdaman ang lamig na gawa ng AC sa loob ng malaking hall. 'So you're Veronica...' nagngingitngit na saad ng isip ni Julia. Alam niyang nag-iba ang timpla ng kanyang mukha nang marinig ang pangalan nito. Kahit inaasahan na niyang makatagpo ang babaeng iyon sa party, hindi niya pa rin magawang huwag magpakita ng pagkasurpresa. She hadn't expected that she would be introduced to her the moment she stepped in the event. Mukhang mapapaaga ang pagkasira ng mood niya ngayong gabi. Alam niyang bahagyang nakataas ang kanyang kilay. Pero hindi dapat niya ipapahalata dito ang tunay na nararamdaman. Play it cool. She can be vulnerable, naïve and soft pero depende pa rin iyon sa kung sino ang kaharap. Katulad na lang ng babaeng nagmukhang bampira sa pula ng lipstick at itim ng damit. Nakaubos yata ng kalahati ng lipstick para matabunan lang ang mga labi. She's pretty, okay. Sophisticated, alright. Matangkad, may hubog ang katawan. Pero halata ang wrinkles sa gilid ng mga mata na pilit tinakpan ng makapal na foundation. Why not treat her self with a lump shot of botox? Kahit gaano man kamahal at kakapal ang ipahid nito sa mukha, sumisilip pa rin ang laki ng edad. "I want you to meet my life...I mean wife, Julia." Maging siya ay nabigla sa sinabi ni Ali. Akala niya ay totoong nagkamali lamang ito ng binigkas pero nang tingalain niya ang lalaki ay pilyo ang ngiti ng mga mata nito. "And Julia, she's Veronica Lao. Marketing manager of JLC and my counterpart." Hindi alam ni Julia kung matatawa o mapapahiya sa nangyari kaya pasimple niyang kinurot ang tagiliran ng asawa. Mukhang hindi naman nagustuhan ng babaeng nagngangalang Veronica ang nasaksihan kaya kumunot nang bahagya ang noo. But as quick as a traveling light, she managed to shift her expression as if it didn't happen at all. Kung hindi lang sa mabilis niyang obserbasyon dito ay siguradong hindi rin niya mapapansin kaya duda siyang nahagip iyon ng mga mata ni Ali. "Hi, Veronica!" she greeted with a amicable smile pero ang mga mata ay kasingtalim ng isang malaking injection. Nauna na siyang naglahad ng kamay para pormal na makipagkilala sa babae. She wanted to show this woman that she wasn't threatened or feeling insecure kahit gusto na niyang kumapit sa braso ni Ali at hilain ito palabas ng bulwagan. "Remember to be confident, Julia. Lalo sa harap ng babaeng iyon. I know that you're nothing but sweetness but be sure to act mature when you're with her. Iparamdam mo sa kanyang mas lamang ka sa lahat! Ikaw ang asawa. Hindi mo papayagang may ibang makikisawasaw sa relasyon ninyong dalawa. Ikaw lang ang mahal ni Ali!" ang sabi ni Phoebe sa kanya nang paulit-ulit na halos mamaga na ang kanyang tainga. 'Ako ang asawa. Bakit ako ma-i-nsecure sa iyo?' Sinisigaw ng isip niya habang nakangiti pa rin kay Veronica. "It is my pleasure to finally meet you, Julia. Sa halos araw-araw naming pagsasama ni Ali, halos parang kilala na kita cause he never misses mentioning your name," malapad rin ang ngiti ng mapula nitong labi. Plastik. "Oh, really?" aniyang tiningnan si Ali sa anyong nasurpresa ngunit may ngiti sa mga labi. "I know you love me, Ali, but I hadn't imagined that you even went on bragging it with your colleagues. Baka naman nai-share mo na pati ang buo nating love story." She was flabbergasted as Ali played along with her mischievous reception. He cleared his throat while bringing his closed hand against his mouth. "Malapit na." "What?" aniyang kagyat na pinandilatan ang lalaki at hinarap ulit si Veronica. Totoong kinilig siya sa banat ng asawa pero mas pinakita niya pa iyon sa kaharap na babae. "Pasensiya ka na. Sana hindi napagod ang tainga mo sa kakarinig ng pangalan ko." "Oh no, hindi naman. Nasanay na ako kay Ali. He's always emitting this serious vibes at work so I'm glad he could throw some of his elfish side with me at some times." Gusto nang magngalit ng bagang ni Julia ngunit pinanatili niya ang masayang ngiti. Hindi siya papatalo sa babaeng lantarang nakikipagtagisan sa kanya. Nahahalata kaya iyon si Ali? Nag-iisip pa si Julia ng sakitang maaaring ibato nang maunahan na siya ng lalaki. "Ladies...should we take our seats first? Mukhang may mahalagang sasabihin ang chairman." Sabay na napalingon ang dalawang babae sa gitna ng stage kung saan nakatayo ang isang may edad na na lalaki. Hawak nito ang microphone. Kaya naman natigil ang batuhan nila ng hypocrisies. Fortunately, magkahiwalay ang lamesa nila ni Veronica. She was situated two tables away from them na kinasaya ni Julia. Kahit na nga ba nakaharap ang upuan nito patungo sa kanila, at least makagagalaw siya nang hindi tinatantiya ang bawat kilos. "Sa palagay mo, magtatagal kaya ang party na 'to? I missed our little CJ." "Don't worry, this won't take long. Manang is with him, he will be fine, Baby. As for now, I want you to enjoy the night dahil minsan ka lang nakakapunta sa ganitong parties." "Okay...sige." "Anyways, we can always leave earlier. Kung alam mo lang kung gaano ko na gustong umuwi at alisin ka sa gitna ng maraming tao na ito." Pigil ni Julia ang mapangisi sa bahagyang pagdikit ng mga kilay ng lalaki. Alam niya na ang rason na naman niyon ay ang napili niyang isuot sa party. Kahit siya ay gusto nang manlamig sa unusual na pagkaka-expose ng ilang parte ng kanyang katawan. Maging siya ay hindi makapaniwala nang unang isukat ang damit na pinagawa nila. That was the first time she wore such revealing clothing. Natatabunan naman ang halos lahat ng kanyang balat ngunit totoong agaw pansin ang mababang buka ng neckline niyon. At dahil espesyal na sinukat para sa kanya, perfect ang tabas na kahit halos maglupasay pa siya at lumugwa ang dibdib ay in place pa rin kahit anong galaw ang kanyang gawin. Maging ang kanyang balikat at itaas na bahagi ng likuran ay hubad. Pero ngayon niya nalaman ang importansiya ng piniling tabas ni Phoebe. She sometimes need to flaunt her assets in order to uphold what she possess. So much with being juvenile. She should step up. Ali flashed a gentle smile as he clipped her soft hand above her thigh. "I love you, Baby," he muttered in a low voice. "I love you, Ali." *grabe antok ko, balee 100
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD