PABALANG na isinara ni Liam ang pinto ng sasakyan nang tuluyan ng makapasok si Brea sa sasakyan nito. Bumuntong hininga siya. Hanggang ngayon ay gulat pa din siya sa inasal ni Liam sa loob ng bar na pinanggalingan nila. Ang daming tanong na nasa isip niya ngayon. Katulad ng kung bakit ito naroon? Kailan pa ito natuto ng martial arts at higit sa lahat ay bakit ganun na lang ang galit nito sa lalaking lasing kanina na nanggugulo sa kanya. 'Is he jealous?' Tanong niya sa isip niya. Pero kaagad din niyang pinalis iyon sa kanyan isip. Imposibleng mag selos ito. Wala naman itong dahilan para magselos dahil wala naman itong gusto sa kanya. Napatingin siya kay Liam ng makasakay ito sa driver seat. Madilim pa rin ang anyo nito. Mukhang makikipagsapakan pa rin ito pag nakaroon ng pagkakataon.

