"BAKIT ang tagal mo?" Tanong ni Matthia nang makarating si Brea sa loob ng bar na pagkikitaan nilang dalawa.
Sa bar counter ni Brea nakita si Matthia. Umupo siya sa tabi nito. "Sorry, something came up." Hinging paumanhin niya rito. Pinagkatitigin naman siya nito kaya nag iwas siya ng tingin dito.
"Umiyak ka ba? Nag away kayo ni Liam?" Tanong nito ng marahil ay mapansin nitong namumula ang kanyang mga mata.
Umiling siya. "Wala to, napuwing lang ako." Pagdadahilan niya rito.
Alam naman niyang hindi naman ito naniniwala pero hindi na ito nagtanong pa. Sa halip ay itinuon na lang nito ang tingin sa mga taong bagong dating.
"They're here." Saad nito habang nakatingin ito sa entrance ng bar.
Napatingin din siya sa entrance kung saan ito nakatingin. Nakita niya ang isang lalaki na puno ng tattoo at naka shade na maraming body guard. May kasama din ito na dalawang babae sa magkabilang gilid nito.
"That is Ronan Santiago." Sabi ni Matthia at pasimpleng itinuro ang lalaking naka shades kahit gabi na, habang naglalakad ito partungo sa VIP seat sa kaliwa nila. "Siya ang master mind sa pagtatanggkang pagpatay sayo noong nakaraang linggo."
Ikinuyom niya ang kamay niya. Ibig sabihin ay malaki ang posibilidad na ito rin ang master mind sa pagpatay sa mommy niya. Akmang tatayo siya upang harapin ang lalaking nang pigilan siya sa braso ni Matthia.
"What are you going to do?" Nagtatakang tanong nito sa kanya.
"I'm going to confront him." Seryosong sabi niya rito.
"Really? After natin mag imbestiga ng ilang linggo ay sisisrain mo lang nang ganon ganon na lang ang plano natin? Ni hindi mo nga alam kung ilan ang kasama niya? Once na sinugod mo sila. Sa tingin mo ba ay makakalabas ka pa ng buhay dito? I already told you na hindi mo dapat unahin ang emosyon mo sa mga ganitong pagkakataon." Matalim siyang tinitigan nito. "Stick with our plan, Brea. Don't be stubborn and listen to me. Kung ayaw mong masira ang pinaghirapan natin dahil sa pagiging padalos-dalos mo." Dagdag pa nito.
Gusto niyang mag wala ng mga oras na iyon at pagbababarilin ang grupo ng Santiago na iyon. Pero hindi na niya iyon ginawa pa dahil may punto naman si Matthia sa mga sinasabi nito. Kung uunahin niya ang emosyon niya ay siguradong hindi magiging maganda ang kalalabasan ng plano nila na ilang linggo na nilang ginagawa. Or worse ay mapapahamak pa sila dahil sa maling desisyon na gagawin niya. Kaya nanatili na lamang siyang nakaupo sa tabi nitobat bumuntong hininga na lamang upang kalmahin ang sarili.
"Whiskey on the rocks please." Sabi niya sa bartender. Kailangan niya ng alak upang mas kumalma ang sistema niya.
Nakita niyang sumimsim din si Matthia ng alak na in-order nito. "Marami pa tayong hindi alam tungkol sa grupo nila. Ang tanging alam lang natin ay kung sino ang master mind ng tangkang pagpapapatay sayo at kung anong grupo ang kinabibilangan nila. Ni hindi pa natin alam kung sino ba talaga ang kalaban natin dahil hindi natin alam kung sino ang mga kasama ni Santiago sa organization na iyon bukod sa lalaking nahagip ng CCTV. Nandidito tayo para magmatyag ng malapitan." Paalala ni Matthia sa kanya. Tumango lang siya bilang pag tugon.
Nang dumating ang in-order niya ay agad niya iyon tininungga. Hindi niya inalintana ang lasa niyon.
Pinanood lang nila kung saan pumweso ang Santiago na iyon at nakita nilang sa VIP seat ito nagtungo kasama ang mga body guard nito. Tumayo siya, kaya napalingong muli si Matthia sa kanya.
"Hindi nga tayo pwede su-"
"I know, I'm just going to watch them. Sasayaw lang ako sa gitna habang minamatyagan sila." Hindi na nito naituloy ang sasabihin nito dahil pinutol niya na iyon.
Bumuntong hininga ito saka tumango. "Just don't go near them okay? Kilala ka nila. Baka kung ano pa ang mangayari pag nakita ka nila." May kinuha ito sa clutch bag nito na sa tinggin niya ay isang earpiece. "Use this, pindutin mo lang ang button na ito para magkausap tayo. We need this para hindi mahalata ang pag uusap natin kahit magkalayo tayo." May itinuro itong maliit na button sa gilid ng earpiece na iyon.
"Where did you get this kind of stuff?" Tanong niya rito habang inaabot ang earpiece dito.
Tumikhim ito bago sumagot. "Someone gave it to me." Sabi nito saka iniwas ang tingin sa kanya. Mukhang may itinatago or iniiwasan itong pag usapan. Kaya hindi na din siya magtanng dahil hindi naman siya interesadong makiusyoso sa buhay ng may buhay.
Tumango siya habang isinusuot ang ibinigay nito sa kaliwang tainga niya. Mabuti na lang at nakalugay lang ang buhok niya kaya hindi halata ang ang earpiece na suot niya. Tinalikuran niya ito saka tuluyan na siyang nag tungo sa dance floor. Nakita niyang busy si Santiago at ang mga kasama nito sa pagkukwentuhan. Iniisip niya kung ano ang pinag uusapan ng mga ito. tungkol kaya sa ilegal na business ng mga ito o sa kung sino ang susunod na pagtatangkaan ng mga ito?
Habang tinitingnan niya isa-isa ang mga kasama ni Santiago ay napakunot ang noo niya ng may makitang pamilyar na mukha na kasama nito na nakaupos sa VIP seat. Kilala niya ang taong iyon dahil isa iyon sa inimbestigahan niya sa kaso ni Delfin San Agustin. Isa ito sa mga tauhan ng lalaki. Pero anong ginagawa nito kasama si Santiago? Hindi kaya konetado rin si Delfin kay Santiago?
Nang makarating siya sa gitna ng dance floor ay nag umpisa na siyang umindayog habang hindi inaalis ang mga mata sa minamatyagan niya. Para na din hindi mapansin ng mga ito ang kanyang unti-unting paglapit niya. Naramdaman niyang may tumabi sa kanyang habang nasayaw.
"Miss, bago ka lang ba dito. You're hot." Sabi ng lalaking bigla na lang tumabi sa kanya habang summasayaw siya . Hinawakan nito ang baywang niya.
"Go away!" Sabi niya rito habang nasayaw pa rin. Bahagyang itinulak niya ang lalaki. Ni hindi niya nga tinapunan nang tingin ang lalaking lumapit sa kanya. Dahil nakatuon lang ang tingin niya sa gawi nila Santiago na parang may transaction na ginagawa.
Nakita niyang biglang tumayo ang grupo ni Santiago kasama ang tauhan ni San Agustin at mukhang magtutungo sa second floor ng bar na iyon kaya akmang susunod siya rito ngunit may pumigil sa braso niya.
"Where are you going? Let's have fun." Napatingin siya sa humawak sa braso niya. Namumula na ang mga mata nito kaya mahahalatang lasing na ito.
"Let go of me." Sabi niya sa mababang boses. Pinakalma niya ang sarili. Hindi siya maaaring gumawa ng eksena sa loob ng bar na iyon dahil siguradong makikilala siya nila Santiago at mauuwi sa wala ang lahat. Nilingon niya ang hagdan na tinungo ng grupo ng mga ito pero hindi na niya maaninag ni anino nila Santiago. Parang gusto niya tuloy bigwasan ang lalaking nakangiting nakakaloko sa harap niya. Parang wala itong pakialam sa matalim na titig na ipinupukol niya rito niya rito.
"Pakipot ka pa. I know, you want me too. C'mon, let's get outta here." Bumulong pa ito sa tainga niya na dahil upang manindig ang balahibo niya.
"Ano ba!? tigilan mo nga ako! Hindi ako interesado sayo." Sabi niya rito na bahagya niya muling itinulak ito. Pinindot niya ang earpiece na nasa tainga niya.
"Matt, umakyat sila sa taas. Mauna kana doon. Hindi ako makaalis dito dahil may asungot." Sabi niya rito saka pinasadahan nang itingin ang nakakainis na lalaki.
"Roger!" Sagot naman ni Mathia na nakita niyang tumayo sa bar counter at pasimpleng nagtungo sa kinaroroonan nila Santiago.
Tatalikuran na sana niya ang lalaking lasing ngunit nagulat siya ng bigla na lang nitong hinapit muli siya sa baywang.
"Bitawan mo nga ak-" Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang may biglang humila sa kanya. At sa isang iglap ay nasa likod na siya ng isang lalaki. Hindi na niya kailangan pang makita ang mukha ng lalaking humila sa kanya dahil amoy palang nito ay kilalang kilala na niya ito.
L-Liam?" Gulat na tanong niya rito. Pero hindi man lang siya nito nilingon o tinapunan ng tingin sa halip ay nakatuon lang ang tingin nito sa lalaking lasing na kanina pa nangungulit sa kanya.
"Stay away from her." Seryosong sabi ni Liam sa lalaki.
"And who are you? Kung gusto mo siya. Pwede ka naman sumunod sa akin. Ako muna ang gagalaw sa kanya pagkatapos-" Hindi naituloy ang sasabihin ng lalaki dahil bigla na lang itong bumagsak sa sahig. Dahil sa pagkakasuntok ni Liam sa lalaki.
Nanlaki ang mga mata niya sa nakita. Agad siyang pumagitna sa dalawa. Dahil baka kung ano pa ang gawin ni Liam. Mukha pa naman galit na galit si ito. Pero bakit ba ito naroon? May kikitain ba ito sa lugar na iyon?
"You have no right to touch my wife! The next time I see your face I will make sure you go to your own funeral." Mapanganib na sabi ni Liam dito. Ni minsan ay hindi niya nakita ang ganoong ekspresyon sa mukha ni Liam. Kaya alam niya galit na talaga ito.
Napalingon siya sa lalaking sinuntok ni Liam at nakita niyang hindi pala ito nag iisa. May limang lalaki na tumulong dito at mukhang nagbabalak na gantihan si Liam dahil sa pagkakasuntok nito sa kasamahan ng mga ito. Naalarma siya dahil alam niya dehado si Liam at hindi sanay makipaglaban ang lalaki. Kailangan niyang tulungan ito.
Hinarap niya ang mga lalaking susugod kay Liam pero agad din naman siyang nahila ni Liam papuntang sa likod nito. Nagulat siya sa ginawa nito. Kaya hindi siya agad nakapag react ng bigla na lang sumuntok ng sabay sabay ang mga lalaki kay Liam. Pero ang mas ikinagulat niya ay nasangga lahat iyon ni Liam. At isa-isang pinatumba ang mga lalaking sumugod dito. Sa galing makipag laban ni Liam ay aakalain mong nasa pelikula sila ng mga oras na iyon. At sa isang iglap ay bagsak ang lahat na nagtangkang sumugod kay Liam.
Napatingin siya sa binata na ngayon ay nakatingin sa mga lalaking walang malay. Saan ito natutong makipag laban? Sa pagkakaalam niya ay wala itong alam ni isang martial arts? Kaya nga lagi niya itong nabubugbog noong college pa sila. Pero ngayon, napakagaling na nitong makipag laban. Heto nga at madali nitong pinabagsak ang anim na katao.
Nakatunganga lang siya kay Liam hanggang sa hawakan siya nitong muli at hinila papalabas ng bar na iyon.
"Let's go." Seryosong sabi nito sa kanya.
Nakatitig lang siya rito habang papalabas sila ng bar na iyon. Hindi pa din siya nakakabawi sa ginawa nito. Kaya hindi niya namalayan na nakarating na pala sila sa parking lot ng bar.
"Get in." Sabi ni Liam nang buksan nito ang pinto ng sasakyan nito.
"Y-yong sasakyan ko." Sabi niya na lang dito dahil wala naman siyang maisip na sabihin dito pakatapos ng nangyari.
Galit na binalingan siya nito. "Sa tingin mo ba may pakialam pa ako sasakyan mo? Kaya kitang bilhan kahit sampong sasakyan Brea. Sumakay kana." Muling sabi nito sa mababang boses kahit mahihimigan ang inis sa mga salitang binitiwan nito.
"P-pero-"
"Damn it! Brea. Just get in the car! Ayokong mapaaway na naman ako dahil sa suot mo!" Nagulat pa siya sa pag sigaw nito. Halata sa mukha nito ang frustration.
Napatitig nalang siya rito at tahimik na sumakay sa sasakyan nito.