"OKAY I'll be there." Sabi ni Brea kay Matthia ng tawagan siya nito. Kasalukuyan siyang nagbibihis dahil nag kasundo sila ni Matthia na magmamatyag sila sa isang bar. Sa ilang araw kasi nilang pag iimbestiga ay nalaman nila na ang isa sa mga miyembro ng organisasyon na minamatyagan nila ay nag mamay-ari ng isang Bar sa Maynila.
Kaya ngayon ay ang araw upang doon mismo sila mag matyag. Wala naman silang balak na sumugod sa mga iyon. Dahil baka madehado sila. Lalo na at dalawa lang sila ni Matthia.
Inayos niya ang kanyang sarili. Nakasuot siya ngayon ng square knitted crop top na pinatungan niya ng black leather jacket at pinarisan niya ng denim skirt na umabot lang sa kalahati ng hita niya.
Napangiti siya nang makita ang reflection niya sa salamin. Siguradong makakatawag siya ng pansin dahil sa suot niya. Iyon naman din ang gusto nilang mangyari ang matawag nila ang pansin ng mga tao na naroon para na din sa mga impormasyon na kailangan nila ni Matthia. Sigurado naman siya na magiging sexy din ang suot ni Matthia. Dahil iyon ang usapan nila.
Naglagay siya ng manipis na make up at red lipstick na pang kumpleto sa look niya ngayon. Nang makuntento siya sa hitsura niya ay kinuha niya ang isang hand gun niya ay isunuksok sa kaliwang hita niya na may gun holster. Hindi siya maaaring magpabaya. Kailangan ay maging ready pa rin sila sa magiging posibilidad na mabisto sila. Bukod sa hand gun na nasa hita niya ay naglagay din siya ng hand gun sa kanyang gagamitin na bag. Maliit lang naman iyon. Kaya alam niyang hindi iyon mahahalata.
Matapos niyang ayusin ang sarili ay nagpasya na siyang lumabas ng kwarto niya. Inilibot niya ang paningin upang alamin kung safe na lumabas na siya dahil iniiwasan pa rin niya si Liam at hindi maganda kung makikita siya nito na mukhang gi-gimick. Nang masiguro na walang Liam siyang makikitang pakalat kalat sa bahay ay tuluyan na siyang lumabas at bumaba ng hagdan. Ngunit nakakailang hakbang palang siya pababa sa hagdan ay bigla na lang may nagsalita sa likod niya. Na agad ikinalabog ng dibdib niya.
"Where are you going? It's already late." Sabi ni Liam.
Napalingon siya rito. Kinalma niya muna ang sarili. Hindi niya inaasahan na magkikita sila nito dahil ang alam niya ay tulog na ito ng ganong oras.
"Answer me, Brea. Where are you going at bakit ganyan ang suot mo?" Lalong kumunot ang noo nito nang pasadahan siya ng tingin nito mula ulo hanggang paa.
Napakagat labi siya. "L-lalabas lang a-ako kasama ang mga kaibigan ko." Nauutal na sabi niya rito.
"Nang ganyan ang suot?" Hindi na maipinta ang mukha nito. Lalo kasing tumigas ang expression nito. Halatang galit na ito.
"W-walang masama sa s-suot ko." Halos pabulong na sabi niya rito. Hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan sa presenya ni Liam.
"Anong wala? Nakikita mo ba ang hitsura mo ngayon? Kulang na kulang sa tela ang suot mo. Isang yuko mo lang ay makikita na ang kaluluwa mo. Gusto mo bang mang akit ng mga lalaki? Iyan ba ang pinag-kaabalahan mo habang iniiwasan mo ako?" Galit na sabi nito. Parang bubugahan na siya nito ng apoy sa bawat salita na sinasabi nito.
"Walang masama sa suot ko. Ganito naman talaga ang sinusuot ng mga nagpa-party hindi ba? Ganito ang mga sinusuot ng mga nakaka one night stand mo. So, bakit hindi ako pwedeng magsuot ng ganitong damit? At hindi kita iniiwasan. Busy lang ako these past few days." Pinilit niyang patapangin ang boses niya. Hindi dapat siya magpatinag sa galit nito.
"You're different from them." Mahinahon na sabi nito ngunit hindi pa rin naaalis ang talim ng tingin nito sa kanya. "Go and change I will give you a ride. Ako na ang maghahatid sayo kung saan ka man pupunta." Sabi pa nito.
's**t!' Hiyaw niya sa isip. Hindi siya maaring ihatid nito. Masisira ang plano nila ni Matthia. Kailangan niyang umisip ng paraan upang hindi na siya nito ihatid pa.
"Hindi mo na ako kailangan ihatid pa. Mapagkakatiwalaan ang kaibigan na kasama ko." Pagtutol niya rito.
Lumapit ito sa kanya. Matalim pa rin ang tingin nito sa kanya. "Tell me, sino ang kaibigan na kasama mo? Sa pagkakaalam ko ay dalawa lang ang mga kaibigan mo. Si Alesandra na kasama ni Bryzon at si Cynthia na nasa ibang bansa."
"Hindi lahat ng mga kaibigan ko ay kilala mo. Si Matt ang kasama ko." Sagot niya rito.
Kumunot muli ang noo nito. "Lalaki ang kasama mo?"
Napakagat labi siyang muli. Bakit habang nagtatagal ang pag uusap nila ay hindi lalong lumiliit ang tyansa na makaalis siya ng matiwasay dahil lalo pa yatang nagagalit si Liam sa mga sagot niya rito. Bakit ba parang nagseselos ito? At bakit parang may isang bahagi sa puso niya na natutuwa sa ikinikilos nito?
Sasagot na sana siya ng biglang tumunog ang cellphone niya. Agad niyang kinuha iyon sa bag niya. Hindi niya pinansin ang panliliit ng mata ni Liam.
Nakita niyang si Matt iyon. Lagot na siya. Siguradong naroon na ito sa Bar kung saan sila magkikita. Bumuntong hininga muna siya bago niya sinagot ang tawag nito.
"Hey." Sabi niya rito.
"Anong hey? Nandidito na ako sa Bar. Nasaan kana?" Tanong nito sa kanya.
Napatingin siya kay Liam na parang gusto pang makinig sa usapan nila ni Matt. Sinamaan niya ito ng tingin bago sumagot kay Matthia.
"Papunta na ako. Hintayin mo na lang ako diyan." Sabi niya saka pinatay na ang tawag at binalingan si Liam. "Kailangan ko ng umalis." Sabi niya rito saka tatalikuran na sana niya ito ngunit pinigilan siya nito sa braso.
"Hindi ka pwedeng umalis hangga't hindi ako kasama." Matigas na sabi nito.
"Pwede ba Liam, wala akong panahon para makipagtalo sayo. Hayaan mo na ako. Hindi ba may usapan tayo na hindi natin pakikialaman ang mga personal na buhay ng bawat isa? S, bakit mo ito ginagawa?" Napu-frustrate na sabi niya.
"Dapat inisip mo iyan noong sinabi mo kay Cassie na kasal tayo." Sagot nito sa kanya.
"So, kaya pala ganyan ang ikinikilos mo dahil naiinis kang sinabi ko sa babae mo na asawa mo ako?" Halos pasigaw na sabi niya. Ang akala pa naman niya ay nagseselos ito, hindi pala. Gusto lang pala siya nitong gantihan sa ginawa niya noong nakaraang araw. Bakit ba kasi umasa pa siya?
"Hindi naman iy-" Hindi niya na pinatapos ang sasabihin nito dahil marahas na kumawala siya sa pagkakahawak nito sa braso niya.
"Wala akong pakialam sa inyo ng babae mo. Kung gusto mo, balikan mo siya, kitain mo siya ngayon. I don't care. Basta huwag mo na akong pakikialaman sa mga gusto ko." Galit na sabi niya at bumaba na ng hagdan habang pinipigilan ang luha na gustong kumawala sa mga mata niya.
'Badtrip!' Sambit niya sa isip. Mukhang siya na naman ang talo sa kanila ni Liam. Dahil siya na naman ang hulog na hulog sa lalaking kailan man ay hindi siya matutuhang mahalin.