TAHIMIK lang na nakaupo si Brea sa tabi ni Liam habang busy ang huli sa pagda-drive.
Pauwi na sila galing sa bahay ng daddy niya. Naging maayos naman ang lahat. Ang buong akala niya ay magkakaroon pa ng madramang pangyayari pero tinangggap lang ng daddy niya ng maluwag sa puso ang ang pagpapakasal nila ni Liam kaya wala na siyang problema sa daddy niya. Ang kailangan na lang nilang gawin ay magpanggap ng ilang buwan para walang maging problema at makapag file sila ng annulment nang walang aberya.
Napalingon si Brea sa gawi ni Liam. Kanina pa nagwawala ang buong sistema niya dahil sa mga sinabi at ginawa nito. Talaga bang nagpapanggap lang ito? Bakit gusto maniwala ng puso niya sa mga sinabi nito kanina?
'Huwag mong hayaan na malinlang kang muli ni Liam, Brea. Baka sa huli ay ikaw na naman ang masaktan.' Paalala niya sa kanyang sarili.
Napabuntong hininga siya, tama. Dapat ay hindi siya magpauto sa lalaking ito. Kahit inamin niya sa sarili niya na hanggang ngayon ay may nararamdaman pa rin siya kay Liam ay dapat alam niya pa rin kung paano protektahan ang kanyang sarili lalo na sa kamandag nito. Besides kung seryoso talaga ito ay dapat wala itong girlfriend.
"Is there something wrong?" Tanong ni Liam sa kanya habang palingon lingon ito sa kanya. Marahil ay napansin nito ang hindi niya pag imik simula ng umalis sila sa bahay ng kanyang daddy.
Umiling siya at hindi na siya nagsalita. Inihilig niya ang kanyang ulo sa bintana at ipinikit ang mga mata. Wala siya sa mood makipag usap dito. Marami na siyang iniisip na trabaho at sa balak nilang gawin ni Matthia kaya wala na siyang panahon para sa nararamdaman niya rito.
Narinig niya bumuntong hininga ito sa tabi niya at hindi na din nagsalita pa.
Ilang minuto din ang lumipas bago sila nakarating sa bahay ni Liam. Kaya awtomatikong minulat niya ang kanyang mga mata nang maramdaman niyang huminto na ang sasakyan nito. Akmang lalabas na siya ng sasakyan ng pigilan siya nito. Kaya nagtatakang nilingon niya ito.
"B-bakit?" Nagtatakang tanong niya rito.
Sumandal ito sa upuan nito at pumikit. "Let's stay here for a while."
Hindi siya nagsalita ngunit hindi rin siya tumutol sa sinabi nito. Pinag masdan niya lang si Lima habang nakapikit sa na para bang natutulog. Ano kaya ang problema nito? Bakit parang kanina pa iba ang kinikilos nito?
Nang makasigurado na natutulog na talaga ang lalaki ay inilapit niya ang mukha niya rito upang pagmasdan ito ng mabuti.
Napaka gwapo talaga ng mukha nito. Lalo na sa malapitan kaya hindi na rin nakapagtataka kung marami ang babaeng nahuhumaling dito. Makapal ang kilay nito, mahahaba ang pilik mata, matangos ang ilong at manipis at mapula ang labi nito na wari ba ay napaka sarap halikan. Bigla niyang naalala ang munting halik na pinagsaluhan nila noong ikinasal sila. Saglit lang iyon pero ramdam na ramdam niya ang lamabot ng labi nito. Ilang babae na kaya ang nahalikan nito? Sigurado siyang maraming babaeng nahumaling sa labi nito.
Hindi niya napigilan ang sarili na hawakan ang mukha nito. Pinagapang niya ang kanyang daliri mula sa kilay nito patungo sa pilik mata, sa ilong hanggang sa napatigil siya sa labi nito. Napalunok siya, kailangan na niyang itigil ang ginagawa dahil baka kung ano pa ang pumasok sa isip niya at bigla na lang niya ito halikan.
Aalisin na sana niya ang kanyang kamay nang biglang hawakan ni Liam ang kamay niya. Gising pa pala ito!
Saa sobrang gulat niya ay bigla siyang napaatras ngunit agad din siyang hinapit nito sa baywang kaya muling nagkadikit ang kanilang mga katawan.
"Not so fast, wifey." Sabi nito na lalong nagpawala ng sisitema niya. Naiilang siya dahil sobrang lapit nila sa isa't isa. Konting galaw lang ni Liam ay siguradong mahahalikan siya nito sa labi.
"S-sorry a-akala ko k-kasi t-tulog ka na." Nauutal na sabi niya. Pinilit niyang kalasin ang pagkahapit nito sa baywang niya ngunit mas malakas sa kanya si Liam kaya hindi rin siya nagtagumpay sa binabalak. Idagdag pa ang panginginig ng katawan niya sa sobramg kaba na nararamdaman ng mga oras na iyon.
"Are you finally attracted to me Mrs. Evans?" Sabi nito na hindi inaalis ang tingin sa kanya.
Napalunok siya. Bakit parang ang sexy nang pagkakasabi nito sa salitang Mrs. Evans? At bakit kinikilig siya?
"A-ano b-bang sinasabi m-mo? B-bakit n-naman ako.." Nauutal na sabi niya. Lalong kumabog ang dibdib niya. Hindi siya makahagilap ng salita, hindi niya man lang maituloy ang sinsabi niya.
"I told you, if you want to kiss me, you just have to ask me. Hindi lang halik ang igagawad ko sayo." May kahulugan na sabi nito. Unti-unting lumamlam ang mga mata nito nang hindi siya magsalita at tinitigan niya lang ito. Kasunod niyon ay ang pagbaba ng mukha nito sa mukha niya. Claiming for her lips.
Parang nahipnotismo naman siya dahil imbis na magpumiglas ay ipinikit niya ang kanyang mga mata. Hinintay niyang dumapo ang labi nito sa labi niya. Ngunit bago pa man mangyari iyon ay nakarinig sila ng marahan na katok sa bintana ng sasakyan ni Liam. Dahilan upang mapadilat siya ng wala sa oras. Agad nakita niya ang mukha ni Pekto na naka kunot ang noo. Wari ba ay nagtataka kung bakit hindi pa sila nalabas ng sasakyan. Mabuti na lang at tinted ang sasakyan ni Liam. Kung hindi ay baka nakita pa nito kung anong ang ginagawa nila sa loob ng sasakyan.
Agad siyang binitawan ni Liam at ibinaba ang bintana ng sasakyan nito. May ibinulong pa ito ngunit hindi na niya narinig pa dahil inayos na niya ang sarili. Halos umakyat ang lahat ng dugo niya sa mukha dahil sa kahihiyan.
Hindi na niya hinintay pa na magsalita si Liam. Agad na siyang umibis sa sasakyan nito at dali daling nagtungo sa kwarto niya. Narinig pa niyang tinawag ni Liam ang pangalan niya ngunit hindi na niya ito nilingon pa.
Hinihingal siya nang makapasok sa kwarto niya habang hawak ang dibdib.
"Shocks! Muntik na akong bumigay." Hinihingal na sabi niya. Paano na lang kung hindi dumating si Pekto? Talaga bang magpapahalik siya kay Liam? At baka kung ano pa ang nangyari!
Hindi magandang pangithain iyon. Kailangan na niyang iwasan si Liam bago pa man niya magawa ang pagsisisihan niya.
-----
ILANG araw ang lumipas at pinanindigan niya ang sinasabi niya sa sarili. Iniwasan niya talaga si Liam simula ng mangyari ang munting eksena nila sa loob ng sasakyan nito.
Alam niyang hindi na niya mapipigilan ang sarili kung sakaling may ganoong eksena ulit na mangayri sa pagitan nila ni Liam. Ayaw niyang magsisi sa bandang huli kaya pinilit niyang umiwas sa lalaki.
Pagpapasok siya sa trabaho ay inaagahan niya ang gising upang hindi sila magkita sa kusina. Tinitiyak niya ding late siyang nakakauwi upang hindi na niya maabutang gising si Liam. Maaga kasi itong natutulog pag nakakauwi ng bahay. Ikinabuti na din na marami siyang ginagawa nitong mga nakaraang araw kaya nagtatagumpay ang pag iwas niya kay Liam. Pag walang pasok naman ay umaalis din siya upang makipagkita kay Matthia para sa plano nilang pag mamatyag sa grupo na may dahil kung bakit namatay ang kanyang mommy.
Katulad nang araw na iyon. May plano silang magkitang muli ni Matthia upang ipagpatuloy ang pag iimbestiga nila. Bumangon siya sa kanyang kama upang mag ayos at mag almusal dahil nagugutom na siya. Kanina niya pa pinipigilan ang sarili na lumaabas ng kwarto niya dahil baka magkita sila ni Liam at may kung ano pang mangyari. Inantay niya pang makaalis ang lalaki.
Matapos mag ayos ay agad na siyang lumabas ng kwarto at nagtungo sa kusina. Naabutan niya si manang Nilda na naghihiwa ng mga rekado na gagamitin sa pagluluto marahil ng tanghalian.
"Manang Nilda ano pong almusal?" Tanong niya rito nang makalapit siya sa lamesa.
"Nagluto si Liam ng paborito mong almusal. Inantay ka niyang bumaba. Kinatok kita sa taas pero mukhang mahimbing ang tulog mo. May tumawag lang sa kanya kaya nagmadali nang umalis." Nilingon siya nito. "Iniiwasan mo ba si Liam, hija?" Tanong nito sa kanya.
Umupo siya mesa. "hindi ho, talagang natutulog ako kanina." Sagot niya rito habang binubuksan niya ang nakatakip na pagkain sa lamesa. agad naman siyang natakam ng makita ang paborito niyang almusal na pancake.
"Hindi lang ngayon nangyari iyon. Ilang araw ko nang napapansin na iniiwasan mo siya. May hindi ba magandang nangyari sa inyong dalawa?" Nag aalalang tanong ni Mang Nilda.
Umiling siya. "Wala ho, busy lang din ho talaga ako sa trabaho ngayon kaya hindi kami nagkikita dito sa bahay." Sabi na lang niya. Ayaw naman niyang magsabi pa kay manang Nilda at baka ito pa ang gumawa ng dahil para magkita sila ni Liam.
"Nag aalala sayo si Liam. Kung makikita mo ang hitsura non ngayon, parang hindi nakakatulog ng maayos marahil ay iniisip ang sitwasyon niyong dalawa. Kahit tawagan mo lang siya para naman mapatag siya," Suggestion ni Manang Nilda.
Tumango siya. "Sige po, mamaya ay tatawagan ko na lang siya mayaya." Pagsisinungaling niya. Dahil wala naman talaga siyang balak tawagan si Liam. Bahala na lang ito sa buhay nito.
Natawag ang pansin nila nang marinig nila si Pekto na parang may kinakausap sa sala nang bahay. Kaya kaagad silang napalabas ng kusina ni Manang Nilda.
Naabutan nila si Pekto na kinakausap ang haliparot na girlfriend ni Liam.
"Ma'am Cassie, wala nga po rito si sir William. Ang mabuti pa ay umuwi na lang po muna kayo." Mahinahon na sabi ni Pekto.
Napakunot ang noo niya. 'Nandito na naman ang babaeng ito?'
Lumapit siya sa kinaroronan ni Pekto at ng babaeng haliparot. "Anong kaguluhan ito, Pekto?" Tanong niya rito.
Nagulat pa si Pekto ng makita siya nito. "Aahm a-ano kasi ma'am Brea.."Nauutal na sabi ni Pekto sa kanya.
Tinaasan siya ng kilay ng haliparot. "You again? Bakit ka ba laing nandidito? You do not belong here. Tapos ka ng parausan ni Liam so hindi mo dapat pinagsisikan ang sarili mo rito." Mataray na sabi pa nito sa kanya.
"Excuse me?" Nagpantig ang tainga niya sa narinig. Siya pa ang naging parausan ni Liam?! "Miss, baka nakakalimutan mo na ikaw ang nag trespass dito sa bahay NAMIN ni Liam?" Pinagdiinan niya pa ang salitang 'namin' para makatunog naman ang kutong lupa.
"Ninyo? Walang sa inyo girl. You are just, flavor of the month ni Liam. Magsasawa din sayo si Liam." Maarte pang sabi nito.
Humalukipkip siya, this means war. "Well, sorry to tell you miss but I'm not William's flavor of the month because I am his 'WIFE'. Papalagpasin na san kita pero dahil hindi maganda ang ugali mo na kasing pangit ng mukha mo, papatulan na kita. You're nothing but a b***h!" Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa. "I can't believe na pinatulan ka ni Liam? Obvious naman na cheap ka. Kaya kung ayaw mong ipadampot kita sa pulis ay umalis ka na dito. Kayang kaya kitang ipakulong miss at susuguraduhin kong hindi ka makakalabas kahit kailan."
"H-hindi t-totoo iyan! A-ako ang papakasalan ni W-William." Nanginginig na ang boses nito. Mukhang tinablan na ito sa mga sinabi niya.
"Then, why don't you call him?" Paghahamon niya pa rito. "O, baka naman gusto mo pang isampal ko sa mukha mo ang marriage certificate namin para matauhan ka?"
Agad namutla ang babae at tinalikuran siya. Saka nagmamadaling lumabas ng bahay. Naplingon siya nang marinig ang marahang pagtawa ni Pekto sa gilid niya.
"Lagi ba rito ang babaeng iyon? Tanong niya rito.
"Opo ma'am Brea, Siguradong hindi na iyon babalik pa. Matagal na ding gusto ni boss na i ban dito sa subdivision dahil sa sobrang kulit pero dahil gentleman si boss ay hindi niya iyon ginawaga. ang galing niya Ma'am." Nag thumbs up pa sa kanya si Pekto.
Napailing na lang siya rito. For sure ay kokomprontahin siya ni Liam dahil sa nangyari. 'Brea, what happened sa 'I will not meddle with your personal life?' Siguradong hindi palalagpasin ni Liam ang nangyari ito. Napapikit na lang siya. Minsan talaga ay hindi dapat inuuna ang init ng ulo.