CHAPTER 16

1926 Words
"W-WHAT?!" Gulat na tanong ni Brea kay Liam nang marinig niya ang sinabi nito. In-start nito ang makina ng sasakyan nito bago siya sagutin. "Ang sabi ko ay kikitain natin ang daddy at ang kuya mo ngayon. Pupunta tayo sa bahay niyo." Sabi nito saka pinaandar ang ang sasakyan. Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Ano na ang gagawin niya ngayon? Siguradong mapupunta sa wala ang pagpapakasal nila kung mabubuking lang sila ng daddy niya. Ano ba kasing naisip nito at gusto nitong makipagkita sa daddy at kuya niya? Siguradong unang tingin pa lang ay mabubuko na sila. Hinarap niya ang lalaki. "Bakit tayo makikipagkita kay daddy? Kanino niya nalaman ang pagpapakasal natin?" Nagtatakang tanong niya rito. Bumuntong hininga muna ito. "Ako ang nagsabi. Tinawagan ko ang daddy mo kanina." Lalo siyang nagulantang. "Ano?! Bakit mo naman sinabi agad? Kailangan pa natin ng oras para makapag ready. Paano kung mahalata niya na nagpapanggap lang tayo? Ano na ang gagawin natin? Hindi ka ba nag iisip?" Natatarantang sabi niya. "We need to tell him anyway, bakit hindi pa ngayon?" Sagot nito sa kanya. "Hindi pa nga tayo ready! Paano kung malaman niya ang lahat. Bakit kasi hindi mo muna ako tinanong bago ka nagpapadalos-dalos?" Frustrated na sabi niya rito. Bakit ba kasi nag de-decide ito ng hindi man lang siya tinatanong? "Madali na lang iyon pag nandoon na tayo. Huwag kang ma-pressure." Sabi pa nito. Lalo siyang na frustrate sa sinabi nito. Inihilamos niya ang palad niya sa mukha niya. "Hindi mo ako naiintindahan! Mabubuko nga tayo!" Halos na pasigaw na sabi niya rito. "Why don't you just trust me. Masyado kang tense. Baka ikaw pa ang dahilan kung bakit tayo mabubuko." Cool na sabi nito. Parang wala lang ang ginawa nitong problema. Nilingon pa siya nito. "Just follow my lead." Nagulat pa siya nang kumindat pa ito sa kanya. Ano ba ang binabalak ng may saltik na lalaki na ito? "May binabalak ka ba?" Tanong niya rito. "Wala naman, madali lang naman umarte eh." simpleng sai nito. Hindi na siya sumagot pa rito dahil inabala niya ang sarili sa pag iisip nang kung ano ba ang dapat niyang gawin dahil sigurado naman wala na itong atrasan. Tama din naman si Liam na nasa plano din naman nila na kausapin ang daddy at kuya niya, napaaga nga lang dahil sa may saltik na ito. Maya-maya ay itinabi nito ang sasakyan sa isang wine shop. Saka aakmang lalabas. Kaya nagtatakang nilingon niya ito. "Saan ka pupunta?" Tanong niya rito. "May bibilhin lang ako. Stay here, saglit lang naman ako." Sabi nito saka tuluyang lumabas na sa sasakyan. Pinanood niya na lang itong pumasok sa wine shop. Ilang minuto lang din naman ang lumipas ay lumabas din naman ito kaagad ngunit hindi ito nag iisa. Tinitigan niyang mabuti kung sino ang babaeng kasama nito. Napataas ang kilay niya nang makilala ang kasama nito dahil iyon ang girlfriend nito na nagpunta sa bahay nito noong nakaraang araw. Para bang tuwang tuwa pa ang dalawa dahil nagtatawanan pa ang mga ito. 'Wala talagang pinipiling oras ang pakikipagharutan ng malanding lalaking to!' Naiinis na sabi niya sa isip. Ang frustration niya ay napalitan ng pagkainis kay Liam at sa haliparot na babaeng kausap nito. Lalo siyang nainis nang humalik pa talaga ang maharot na babae kay Liam. Napairap na lang siya sa nakita. Pagkatapos non ay naglakad na si Liam pabalik sa sasakyan. Itinuon niya ang pansin sa bintana ng sasakyan ng makapasok ito. "I don't know kung ano ang gustong wine ng daddy mo. Sana magustuhan niya ito." Sabi nito nang makabalik ito sa loob ng sasakyan. Hindi niya tinapunan ng tingin ang binili nitong wine. Dahil wala siyang pakialam. Nanatiling nakatingin lang siya sa bintana ng sasakyan. "Hey, may problema ba?" Narinig niyang tanong ito. Hindi pa rin niya ito pinansin. Dahil naiinis siya rito. Narinig niya ang pag untong hininga nito. "Kung gusto mo talagang maging maayos ang pakikipagkita natin sa daddy mo kailangan mo akong pansinsin para wala tayong maging problema." Sabi nito saka muling pinaandar ang sasakyan nito. Hindi siya sumagot sa sinabi nito. Bahala ito sa buhay nito. 'Magsama kayo ng babae mo!' Hiyaw niya sa isip niya. ----- SOBRA ang kaba ni Brea nang makarating sila sa bahay ng daddy niya. Bumalik ang nararamdaman niyang tense kanina. Hindi niya alam ang gagawin niya. "We're here." Anunsiyo ni Liam at aakmang lalabas ng sasakyan ng pigilan niya ito. "Why?" Tanong nito. Kahit naiinis siya rito ay hinarap niya pa rin ito dahil hindi ito ang oras para magmaldita siya. Magkakampi sila ngayon. "S-sigurado ka na ba sa dito?" Tanong niya rito. "Mas magandang kausapin na natin sila ngayon kaysa patagalin na natin. Don't worry, hindi kita ipapahamak. Magtiwala ka lang sa akin." Sabi nito saka hinawakan ang kamay niya. Bago tuluyang lumabas ng sasakyan. Pinagbuksan siya nito ng pinto ng sasakyan. "C'mon, I'm sure they are waiting for us." Sabi nito saka inilahad ang kamay nito sa harap niya. Huminga muna siya ng malalim bago tuluyang tinanggap ang kamay nito. 'Bahala na si Batman.' sabi niya sa isip. Magkahawak ang kamay nila na pumasok sa bahay. Ilang linggo rin siyang hindi umuwi doon. Pero wala pa ding nagbago. Ano ba ang inasahan niyang magbabago sa lugar na iyon? simula nga nang mamatay ang mommy niya ay hindi na nabago ang bahay nila dahil ayaw ng daddy niyang mawala ang ala-ala ng mommy niya sa bahay nila. "You okay?" Tanong ni Liam sa kanya. Tumango siya rito. Sinalubong sila ni manang Lita. "Magandang gabi hija sayo rin hijo, halina kayo sa dinning area at kanina pa kayo hinihintay ng daddy mo at ng kuya mo." Sabi nito saka tumalikod upang maglakad at ihatid sila sa dinning area ang bahay. Muli siyang bumuntong hininga bago tuluyang pumasok doon. Pagpasok nila sa dinning area ay naabutan nila ang kanyang daddy na tahimik lang na nakaupo sa harap ng hapag kainan. Agad itong tumayo kasabay ng kanyang kuya nang makita sila nito na pumasok. "Good evening po sir. Pasensya na po kayo kung ngayon lang kami naka bisita ni Brea. Naging busy po kasi kami nitong mga nakaraang araw." Bati rito ni Liam. How can he be cool infront of her father? "I hope you will like this." Inabot nito ang mamahaling wine na binili nito kanina. saglit na sinipat ng daddy niya iyon at ibinigay kay manang Lita. "William Evans." Seryosong sabi nang kanyang daddy. Lalong kumabog ang dibdib niya. "You can just call me Liam sir." Sabi ni Liam dito. "Liam, Brea take your seat first." Sabi naman ng kanyang kuya. Kaya kaagad naman siyang tumalima habang hila ang kamay ni Liam. Marahil ay naramdaman nito ang panginginig ng kamay niya kaya binalingan siya nito. "Relax baby." Bulong nito sa tainga niya na lalong nag palala ng nararamdaman niya. Kung bakit naman kasi kailangan pa nitong bumulong sa kanya in a sexy way? "Bakit hindi niyo sinabi sa akin na nagpakasal na pala kayo?" Sabi ng daddy niya nang makaupo silang dalawa kaya napalunok siya. "A-ahm a-no k-kasi." Nauutal na sabi niya. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya walang naisagot sa tanong ng kanyang daddy. 'Brea think!' Hiyaw niya sa isip niya. Naramdaman niya ang pagpisil ni Liam sa kamay niya. Kaya napalingon siya rito. "Sorry for that sir. Ako po ang may desisyon na huwag munang ipaalam sa inyo dahil alam ko pong hindi ho kayo papayag sa gusto namin. Matagal na po naming plano ang magpaksal ni Brea, pero dahil pareho kaming busy sa trabaho ay naisantabi namin iyon. Kaya noong nalaman kong balak niyo po siyang ipakasal sa ibang lalaki ay kaagad ko po siyang niyayang magpakasal." Mahabang sabi nito. Bakas sa mukha nito ang sinseridad sa mga sinabi nito. Magaling pala talagang um-acting ang isang ito. Parang gusto niya itong palakpan. "Bakit hindi niyo sinabi na may relasyon kayo?" Ang kuya naman niya ang nagtanong. "Because we want it to be private. Alam ko naman na hindi maganda ang image ko dahil sa pagiging palikero ko" Tumingin ito sa kanya. "But when I met Brea, lahat iyon nagbago. Parang siyang na lang ang babaeng nakikita ko. Kaya gusto naming maging private ang relationship namin dahil ayaw kong husgahan si Brea ng mga taong nakakalilala sa akin. But god knows how I wanted to tell the world that I married the most wonderful woman in the world. I love her. I really love her so much at hindi ko makakaya kung makikita ko siyang masasaktan ng dahil sa akin." Titig na titig sa kanya si Liam habang sinasabi ang mga salitang iyon. Habang ang puso niya ay mas lalo pang nagwala. How can he say those words as if he really meant it? At bakit parang may isang bahagi ng puso niya ang gustong maniwala sa mga sinabi nito? Ilang minuto din silang nagkatitigan ni Liam hanggang sa may marinig silang tumikhim. It was her dad. "Kumain na muna tayo." Sabi nito sa kanila. "So.. gaano na kayo katagal?" Tanong muli ng kanyang kuya habang kumakain sila. "9 years." Sagot naman ni Liam. Muntik na siyang mabilaukan sa sagot nito. Saan ba nito nakukuha nito ang mga sinasabi nito. "I've been in love with her for more than 9 years now." Dugtong pa nito. Napalingon siyang muli rito at huling huli niya ang pagtitig nito sa kanya. At sa isang iglap ay parang sila lang ang nasa mundo. His gray eyes were looking at her intently. Ni hindi siya makaiwas ng tingin. Ano ba ang nangyayari? Maniniwala ba siya sa mga sinasabi nito ngayon? O, talagang nagpapanggap lang ito. Naputol muli ang kanilang pagtititigan nang muling magsalita ang kanyang kuya Ethan. Kaya napaayos siya ng upo. 'Is this a confession?' Tanong niya sa sarili. Bakit ba madaling nagagawa ni Liam ang lituhin ang nararamdaman niya? "That's not the answer to my question but I'll accept it because I can see how much you love each other." Sabi nito habang may sinusupil na ngiti sa labi. "I guess we don't have any choice but to cancel the wedding that Leandro and I planed." Bumuntong hininga ang kanyang daddy. "Please take care of my daughter William. Alam mo naman kung gaano kadelikado ang trabaho niya. Kung kaya mo siyang kumbinsihin na mag quit ay gawin mo. Para din naman iyon sa magiging pamilya niyo." "Dad! I told you I will not quit. Please huwag niyo nang lasunin pa ang utak ni Liam. Alam niyang hindi niya ako mapipigilan sa gusto ko." Sabi niya. Bakit ba kailangan pang banggitin ng daddy niya ang pag ku-quit niya sa trabaho? Iyon ba ang dahilan kung bakit gusto siya nitong ipagkasundonng kasal? Naramdaman niyang muling hinawakan ni Liam ang kamay niya na para bang ina-asured siya. "I will not going to stop her to do want she really wants to do sir, but I will make sure that I won't let anything bad happen to her. I will protect her no matter what happens." Sabi nito sa daddy niya. This is the man she loved 6 years ago. Hindi pa rin ito nagbabago. Kaya pa din nitong patibokin ang puso niya ng malakas. Sa mga simpleng salita lang nito ay gusto nang mag wala ng sistema niya. At lalong kumabog ang dibdib niya ng lingunin siya nito at ngitian. parang tumigil ang mundo niya. 's**t!' Sabi niya sa isip. That's when she realized that she didn't really lose her love for him. Naroon lang iyon hanggang ngayon. At alam niyang nasa panganib ang puso niya ngayon..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD