"MA'AM, these are the documents that you requested." Sabi ni Darren at inilapag ang mga papel na haawak nito. andaling tiningnan niya iyon upang i-check kung tama ba ang mga papeles na iyon.
"Thank you, Darren." Sabi niya rito.
Marami siyang dapat gawin dahil hindi siya nakapasok noong nakaraang byernes dahil sa kasal nila ni Liam. Kaya ngayon tuloy ay natambakan na siya ng trabaho. Next week pa naman ay panibago na naman kaso ang hahawakan niya kaya kailangan ay matapos na niyang i-review ang mga ito at magkaroon na siya ng desisyon sa kasong hinahawakan niya ngayon.
Naalala niya ang nangyari nang nagdaang araw. Hindi niya pa rin matanggap nag mukha siyang nagseselos sa harap ni Liam. Kung bakit naman kasi ganoon ang naging reaksyon niya ng makita ang girlfriend nito. Malala na talaga ang mga nangyayari sa buhay niya.
"By the way prosecutor Alarcon, pumunta rito ang daddy at ang kuya mo noong nakaraang linggo. Hinahanap ka po. Ang akala nila ay pumasok ka." Sabi ni Darren sa kanya.
'Oo nga pala.' Sambit niya sa isip.
Hinilot niya ang kanyang noo. Parang gustong sumakit ng ulo niya sa narinig. Pinangakuan niya ang kanyang daddy na tatawagan niya ito ngayong linggo pero dahil ang daming nangyari nitong nakaraang araw ay hindi na niya iyon naalala pa.
"I will call him, thank you." Sabi niya muli rito.
Napabuntong hininga na lang siya. Kailangan na rin niyang maipakilala si Liam bilang asawa niya. Para hindi na rin maituloy ng daddy niya ang pina plano nitong kasal. Siguro next week na para mapag handaan nila ni Liam kung ano ang dapat nilang sabihin sa daddy niya upang maniwala itong totoong nagpakasal sila dahil sa pagmamahal nila sa isa't isa.
Pero sa ngayon ay kailangan na niyang matapos muna ang mga dapat niyang gawin kaya itinuon niya ang kanyang buong pansin sa mga papeles na nasa harap niya.
Hindi niya alam kung ilang minuto o oras ang ginugol niya sa mga inire-review niyang papeles nang mag vibrate ang cellphone niya hudyat na may tumatawag sa kanya. Kaya pansamantalang itinigil niya ang kanyang ginagawa upang tingnan kung sino ang timatawag sa kanya.
Agad niyang sinagot ang tawag nang makita niyang si Matthia iyon.
"Hello." Sambit niya nang sagutin ang tawag nito.
"Hey, where are you?" Tanong nito sa kanya.
"Dito sa office." Sagot niya sa kabilang linya.
"Sakto, nasa malapit lang ako. May oras ka ba?" Tanong nitong muli.
Tiningnan niya ang relong pambisig bago sumagot sa dalaga. "Yup, mag la-lunch time na din naman."
"Alright antayin na lang kita dito sa coffee shop malapit sa opisina mo." Sambit nito.
"Okay, I'll be there in just a minute.." Sabi niya rito sa pinatay na ang tawag.
Inayos niya ang mga papeles na nasa lamesa niya bago siya tuluyang tumayo. Saka binalingan si Darren.
"Lalabas muna ako para mag lunch." Sabi niya rito saka tuluyang lumabas ng opisina niya.
Nang makababa ng building kung nasaan ang opisina niya ay agad din siyang nagtungo sa coffee shop na tinutukoy ni Matthia. Pagpasok niya roon ay agad niyang nakita ito dahil kapansin pansin naman ang nitong leather jacket habang may nakapatong na helmet sa mesang inuukupahan nito. Napailing na lang siyang kaya madalas ay pagkamalan itong tomboy dahil sa pananamit nito.
Agad niyang nilapatin ang dalaga. "Hey, kanina ka pa?" Tanong niya rito. Saka umupo sa upuan na katapat nito.
Umiling ito. "Halos kararting ko lang naman. I already ordered for you." Itinuro nito ang chocolate cake at hot choco sa harap nito. "You're glowing. Ganyan ba ang nagiging epekto pag nagpapakasal?" Sabi nito matapos siyang pasadahan ng tingin.
Inismiran niya lang ito. "Tigilan mo ako sa pang aasar mo. Alam mo naman kung ano ang dahil kung bakit ako nagpakasal." Masungit na sabi niya rito.
Pagak itong tumawa. "Ang init naman ng ulo nito." Sabi nito saka inilabas ang laptop na nasa bag nito at may isinalpak na USB drive doon.
Napakunot ang noo niya. "Ano yan?" Tanong niya rito.
"Ito ang dahilan kung bakit kita gustong makausap. I want to show you what I saw noong nakuha ko ang record ng CCTV kung saan may nagtangka sa inyo." Sabi nito saka may kung anong tinipa sa laptop nito.
Agad naman siyang lumipa ng pwesto upang makita ng maayos ang sinasabi nitong CCTV footage. Ilang saglit pa ay nag play na ang video kaya seryoso siyang tumingin sa monitor ng laptop nito. Kuhang kuha niyon ang pakikipagbarilan niya sa mga humahabol sa kanila ng gabing iyon. Pero kahit anong tutok niya roon ay hindi niya makilala ang mga taong nagtangka sa kanila dahil bukod sa medyo madiilim ang kuha ang CCTV ay mga naka takip din ang mga mukha ng mga ito.
"Don't concentrate on the faces of those bad guys. Malabong makilala mo sila." Saglit na ipin-ause ni Matthia ang video at sinum-in ang bahagi ng video kung saan ang isang bumabaril sa kanila ay inilabas ang kanang kamay nito at pinaputukan sila. Itinutok nito ang video sa pulsuhan nito. "Iyan ang maaaring maging lead natin upang malaman kung sino ang gusto pumatay sayo. That is some kind of organization thing. Parang iyan ang nagiging patunay na kasali ang isang tao sa organisayon nila."
Napakunot ang noo niya. Tama ito, kung susulyapan ay isa lang iyon normal na tattoo pero kung titingnan mong mabuti ay para itong barcode.
"Nag imbestiga ako tungkol sa tattoo na iyan at nalaman kong ang grupo na may ganyang tattoo ay siyang mastermind sa pagpatay sa iyong ina. They're smuggling illegal drugs and illegal firearms at ipinupuslit iyon sa ilang habagi ng Europe at Russia." Pagpapatuloy nito.
Ikinuyom niya ang kanyang palad upang pigilan ang kung ano mang emosyon ang nararamdamn niya ng oras na iyon. Isa sa dahilan niya kung bakit niya ginustong maging prosecutor ay dahil sa pagkamatay ng kanyang ina. Gusto niyang panagutin ang mga taong nasa likod niyon.
"Saan ko sila makikita? Saan sila nagkakampo?" Tanong niya kay Matthia.
Nilingon siya nito. "Alam ko iyang iniisip mo. You can't face them alone. Kahit nasa kamay mo ang batas ay magiging delikado pa rin ang buhay mo."
"At ano? Tutunganga na lang ako habang pagala-gala ang mga taong kumitil sa buhay ng mommy ko, Matthia?" Halos pasigaw na sabi niya. Kung hindi nga lang sila nasa coffee shop ay baka nagwala na siya sa sobrang frustration na nararamdaman niya.
"Brea, hindi tayo pwedeng basta na lang sumugod sa kanila. You know that. Kailangan natin ng plano." Bumuntong hininga ito. "Hindi basta basta ang gusto mong kalabanin. Malaking sindikato ang mga iyon. Ni hindi nga natin alam kung bakit gusto ka nilang patayin. Ako na ang bahalang mag matyag sa kanila. We need more information bago sumugod sa laban." Sabi nito sa kanya.
Kinagat niya ang kanyang labi. She needs to do something. Hindi siya tutunganga na lang at mag aantay ng impormasyon kay Matthia. "Isama mo ako." Sabi niya rito.
"Brea, masyadong delikado. They know you. Hayaan mo na lang ako at least ako walang mawawala sa akin kung sakaling balikan nila ako pero ikaw? Marami don't risk your life."
"No! hindi pwedeng wala akong gagawin. I want them to pay for what they did to my mother!" Galit na sabi niya rito.
Bumuntong hininga itong muli. Marahil upang sumuko dahil alam naman nitong hindi niya ito titigilan hangga't hindi nasusunod ang gusto niya.
"Alright, but you have to listen to me okay? Pagpaplanuhan muna natin ang dapat nating gawin. Mamatyagan muna natin sila." Seryosong sabi nito sa kanya.
Tumango siya. Sapat na iyon sa kanya. ang Kailangan niya lang ay malaman kung sino ba talaga ang nagpapatay sa mommy niya.
"Thank you, Matthia. Gusto ko lang talagang magkaroon ng hustisya ang nangyari sa mommy ko."
"No, worries babalitaan na lang kita." Sabi nito sa kanya.
'I need to be ready.' Sambit niya sa isip niya.
-----
PAGKAUWI ni Brea sa bahay ni Liam ay agad niyang kinuha ang kanyang mga baril na nasa ilalim ng kama niya. Doon niya iyon inilagay upang hindi makita ni manang Nilda at ni Liam. May pagka makulit pa naman ang lalaki. Siguradong magtatanong iyon ng magtatanong kung bakit siya may ganoon karaming baril.
Iba't-ibang klase nang baaril ang meron siya. Depende kung ano ang kailangan niya. Kinahiligan na niyang mangolekta ng mga baril dahil para na rin iyon sa siguridad niya. Sa bahay ng daddy niya ay isang kwarto ang mga baril niya. Lahat naman ng baril niya lisensyado kaya wala namang problema.
Pinunasan niya ang mga iyon upang handa sa maaaring mangyari. Kahit naman sinabi ni Matthia na kailangan nilang magmatyag muna ay hindi maiiwansang hindi magkaroon ng aberya ang magiging plano nila. Kaya mas mabuti na ang maging handa.
Napatigil siya sa ginagawang paglilinis sa baril niya nang makarinig siya ng marahang pagkatok sa pinto ng kwarto niya.
"Brea! Are you there? Open the door. I have something to tell you." Boses iyon ni Liam. Kaya agad n iyang ibinalik sa lalagyan ang kanyang mga baril at tumayo siya upang pagbuksan ang lalaki.
"What do you want?" Nakakunot noong tanong niya rito nang pagbuksan niya ito ng pinto. Pinasadahan niya ito ng tingin at napansin niyang nakaayos ito. Masydong pormal ang ayos nito. May pupuntahan ba ito?
"Get dressed, may pupuntahan tayo." Sabi nito sa kanya.
"Saan naman tayo pupunta? At bakit kailangan kasama ako?" Hindi naalis ang kunot ng noo niya.
Bumuntong hininga ito. "Kailangan mong sumama sa akin dahil asawa kita. Now I will give you 30 minutes to fix yourself." Sabi nito saka basta na lang siyang tinalikuran.
Napasimangot siya. Masyado na talagang nagiging bossy ang lalaking iyon. May araw din ang Liam na iyon sa kanya.
Kahit labag sa loob niya ay pumasok siya sa kwarto niya upang mag ayos. Ilang saglit lang naman ang lumipas ay natapos na din siyang mag ayos. Wala naman sinabi si Liam na isang formal gatherings kaya simpleng white dress lang ang sinuot niya. Naglagay lang din siya ng manipis na make up. Para lang hindi naman siya mag mukhang maputla.
Nang makababa sa hagan ay naabutan niya si Liam na busy sa cellphone nito. Marahil ay naramdaman nito ang presensya niya kaya napaangat ang tingin nito sa kanya. Ilang sandali pa siya nitong pinag masdan.
"Titingnan mo na lang ba ako?" Kunot noong tanong niya rito.
Para itong natauhan ng magsalita siya kaya bahagyan itong tumikhim at bago magsalita. "Let's go." Sabi nito saka nag iwas ng tingin.
Tahimik naman siyang sumunod dito hanggang sa makalabas sila ng bahay. Pinagbuksan siya nito ng pinto. Agad naman siyang sumakay roon.
"Saan ba talaga tayo pupunta?" Tanong niya rito nang makasakay na din ito sa driver seat ng sasakyan.
"We'll meet your father and brother." Simpleng sabi nito.
"Ahh okay." Sagot niya rito pero agad ding rumihistro sa isip niya ang sinabi nito kaya marahas siyang napalingon sa gawi nito. "W-what?" Tama ba ang narinig niya?
Ini-start nito ang makina ng sasakyan bago ito sumagot sa kanya. "Sabi ko kikitain natin ang kuya at daddy mo." Sabi nito. Saka pinaandar ang sasakyan.
Ano na ang gagawin niya? Hindi pa siya ready na kausapin ang daddy niya!