'MAY girlfriend si Liam?' Kailan pa?' Tanong ni Brea sa isip.
Nakipag sukatan niya ng tingin sa babaeng nakataas ang kilay habang nakatingin din ito sa kanya.Hinagod niya ng tingin ang babae na lumabas sa kwarto ni Liam. Nakasuot ito ng sleeveless na top at puting skirt na halos makita na ang panty nito dahil sa sobrang ikli niyon.
Parang may kung anong tumusok sa dibdib biya. Kailan pa si Liam nagkaroon ng girlfriend? Bakit hindi sinabi sa kanya ni Liam iyon? Pero ang mas ipinagtataka niya ay ang naging reaksyon niya nang marinig ang sinabi ng babae na lumabas sa kwarto ni Liam. Bakit parang may kirot siyang naramdaman nang marinig iyon? Bakit parang bumigat ang pakiramdam niya. Bakit parang parang sinampal siya ng katotohanan na hindi talaga siya gusto ni Liam?
"Are you one of his fling?" Mataray pa ding sabi nito sa kanya.
Kinagat niya ang labi para pigilan ang ano mang emosyon na maaaring makita sa mukha niya. Kailangan niyang patapangin ang anyo niya. Hindi pwedeng maging mahina. Pero habang itinatago niya ang nararamdaman ay biglang bumukas ang kwarto ni Liam at iniluwa niyon ang lalaki.
"Cassie you forgot your-" Nabitin ang pagsasalita nito nang mapatingin ito sa gawi niya. Mababakas ang pagka gulat sa mukha nito.
Pinasadahan niya ng tingin ang lalaki. Mukhang bagong ligo ito dahil basa ang buhok nito. May hawak itong red na blazer sa kaliwang kamay. Lalong siyang nainis sa lalaki. Talaga bang ipapamukha nito sa kanya na sa papel lang ang kasal nila? Hindi man lang ito nag antay na tumagal ang ilang araw ang pagiging mag asawa nila bago nito iuwi ang girlfriend nito? Hindi man lang siya nito iginalang. Alam nitong nasa kabilang kwarto lang siya at nagpapahinga. Pero nagdala pa din ito ng girlfriend sa bahay nito. Inirapan niya ito. Saka tinalikuran ang dalawa.
'Magssama kayong dalawa! Mga buwisit kayo!' Hiyaw niya sa isip habang nagmamadaling bumaba ng hagdan. Ayaw niyang makita pa na magkasama ang dalawa dahil hindi na niya nagugustuhan ang nararamdamn niya.
Nang nakapasok siya sa kusina ay huminga siya ng malalim. Kailangan niya pakalmahhin ang sarrili niya.
'Brea, stop acting like you care. Hindi ba ikaw ang nagsabi sa kanya na hindi mo pakikialaman ang personal life niya?'
Isa pang buntong hininga ang pinakawalan niya habang nakapikit. Hindi maganda ang nangyayari sa kanya. Hindi dapat siya nakakaramdam ng kahit anong emosyon. She wanted this.
Napadako ang tingin niya kay manang Nilda ng bigla na lang itong sumulpot galing sa kung saan.
"Oh hija, nandito kana pala? Sakto ang dating mo dahil kakatapos ko lang magluto. Halika na rito at ipaghahain kona kayo ng almusal ni sir Liam. Ipinatawag ko na rin iyon kay Pekto."
"Busy pa ho si Liam sa girlfriend niya. Huwag na lang natin siyang istorbohin." Sabi niya habang papa upo sa bakanteng upuan.
"Girlfriend? May girlfriend si sir Liam bukod sayo?" Nagtatakang tanong ni manang Nilda.
"Hindi ho ako-" Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil biglang pumasok si Liam sa loob ng kusina. Napasimangot siya. Marahil ay kasama nito nito ang girlfriend nito ilang minuto pa ang lumipas ay hindi pa rin pumapasok ang babae sa kusina.
"Let's eat, I'm hungry." Sabi nito nang makaupo ito sa bakanteng upuan sa harap niya.
"Bakit hindi mo kasama ang girlfriend mo? Papuntahin mo rito nakakahiya naman. Bisita iyon eh." Nang uuyam na sabi niya rito. Hindi na siya nakatiis pang magtanong rito.
"Sinong girlfriend ang tinutukoy ni Brea, hijo?" Nagtatakang tanong ni manang Nilda kay Liam habang naghahain ito ng pagkain sa lamesa.
"Girlfriend? What are you talking about?" Kunot noong tanong nito sa kanya.
"Iyong babaeng lumabas sa kwarto mo." Sagot niya rito. Saka matalim na tinitigan ito. "Nag uuwi ka pala ng babae dito." Matabang na sabi niya rito.
"Si Cassie? she's not.." Tinitigan siya ni Liam. "Are you jealous?" Tanong nito sa kanya. Hindi niya alam pero parang natutuwa ito sa nakikita nito sa mukha niya.
Naramdaman niyang namula sa buong mukha niya. "O-of course n-not! B-bakit naman ako mag seselos?" Deffensive na sabi niya rito. "Wala akong pakialam sayo o sa kahit na sinong babae mo. I just want to clarify things, Liam. Alam kong may deal tayo na hindi natin pakikialaman ang mga personal na buhay ng bawat isa but, igalang mo naman ang mga tao na nakatira sa bahay mo. hindi pwedeng basta ka na alng nag uuwi ng girlfriend dito tapos nasa kabilang kwarto lang ako. Tapos.. tapos si Manang Nilda. Marami siyang iluluto." Mahabang sabi niya.
"Hija, hindi naman siguro-" Hindi na natuloy ni Manang ang sasabuhun ng biglang magsalita si Liam.
Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi nito. "I see.." Sabi nito na tumatango tango pa na parang naiintindihan nito ang nangyayari.
Bumilis ang t***k ng puso niya at napakunot ang noo niya. Bakit parang tuwang tuwa pa ito sa mga sinabi niya? At bakit sa isang ngiti lang nito ay parang nawala na ang inis niya rito?
"Bakit ka nakangiti?" Maangas na sabi niya rito. Kailangan niyang magpanggap na hindi naaapektuhan sa pag ngiti nito.
Nangalumbaba ito habang nakatingin sa kanya. Lantaran siyang tinitigan nito. Feeling niya tuloy ay lalong namula ang mukha sa paraan ng pagkakatitig nito sa kanya at mas lalong lumakas ng t***k ng puso.
'Putek! Hindi ako makapag -concentrate!' Hiyaw niya sa isip.
"I never thought that you are a jealous type of girl, Brea. Marami talaga akong matutuklasan sa pagsasama nating ito. I will take note of that." Masayang sabi nito.
"Hindi nga ako nag seselos! B-bakit ba ang kulit mo?" Pagtanggi niya sa akusa nito. Siya? Magseselos? Nababaliw na yata ito.
'Talaga ba Brea? Parang kanina lang ay sama-sama ng loob mo dahil sa babaeng lumabas sa kwarto ni Liam. Lie pa more.' Sabi ng kontrabidang bahagi ng utak niya.
Hindi siya pinakinggan nito. "Don't worry hindi ko girlfriend si Cassie. We're just friends. Kaya sayong sayo ako." Sabi nito at kumindat pa sa kanya ang walang hiya!
"P-pwede ba Liam, Hindi ako nakikipabiruan sayo." Inirapan niya ito para itago ang pagkapahiya. Talaga bang nagseselos siya? Kaya ba siya parang may kung anong tumusok sa puso niya ay dahil nagseselos siya?