"WE'RE here." Anunsiyo ni Liam nang makarating sila sa bahay nito. Bumaba ito agad sa sasakyan.
Kahit masama ang loob niya ay napilitan siyang bumaba sa sasakyan nito at sumunod dito papasok sa loob ng bahay nito. Kanina habang nasa byahe sila ay nakikipagtalo siya na hindi dapat siya tumira sa bahay nito dahil wala naman iyon sa agreement nilang dalawa. Pero nang sabihin nito na kailangan nilang tumira sa iisang bubong para mas kapani-paniwala ang ganap nilang iyong ay napapayag na din siya nito. Dahil totoo naman na dapat ay maging kanipaniwala ng palabas nilang iyon dahil nakasalalay doon ang kalayaan niya. Pero duda pa rin siya rito kaya hindi niya dapat ibinababa ang defense niya.
Nang makapasok sila sa bahay ni Liam ay si Pekto at manang Nilda ang bumati sa kanila.
"O, ma'am Brea, bakit narito po kayo? Bati na kayo ni sir Liam?" Nagtatakang tanong nio sa kanya.
"She will going to live here from now on." Si Liam na ang sumagot para sa kanya.
"H-ha? Hindi ba sir.. Aray!" Napalingon ito kay manang Nilda. Nakkita niyang kinurot ito ni Manang marahil upang hindi na mang usyoso pa. "Manang naman."
"Manahimik ka nga pwede ba?" Binalingan ni manang Nilda si Liam. "Sir Liam, dumating na po ang mga bagahe ni ma'am Brea na ipinakuha niyo sa hotel na tinitirahan niya. Nasa kwarto niyo ho ang mga iyon."
Nagulat siya, kaagad niyang binalingan si Liam nang marinig ang sinabi ni manang Nilda. "Paano mo nalaman kung saang hotel ako nags-stay?" Nagtatakang tanong niya rito. Hindi naman niya natatandaan na sinabi niya rito kung saang hotel siya nags-stay.
"I have my ways Brea, that shouldn't surprise you." Simpleng sagot nito saka binalingan ni Liam si manang Nilda. "Salamat manang Nilda. Paki ayos na lang po ang mga gamit niya sa kwarto ko." Utos nito kay manang Nilda.
"W-what? Bakit sa kwarto mo iaayos ang mga gamit ko?" Nagtatakang tanong niya rito. "Don't tell me.." Hindi niya maituloy ay sinasabi niya dahil ayaw niyang isipin na gusto nitong sa kwarto nito siya magi-stay habang naroon siya nakatira sa bahay ni Liam.
Nilingon siya ni Liam habang may sinusupil na ngiti sa labi nito. "Okay, I won't tell you." Sabi nito sa kanya.
"No! hindi ako papayag!" Pasigaw na sabi niya rito. Masyado na yata itong nawiwili sa pagpapasunod sa kanya at napupuno na siya.
Talagang sinasagad nito ang pasensya niya. Hindi siya makakapayag na magsama sila sa iisang kwarto. Hindi sila totoong mag asawa para matulog sa iisang kwarto!
"Pekto, manang Nilda, pwede niyo ho ba kaming iwan muna sandali? May pag uusapan lang kami ni Brea." Sabi nito na halatang pinagdidiin ang pangalan niya. Kaagad namang tumalima ang dalawa at iniwan sila sa sala. Gusto pa ngang bumalik ni Pekto pero hinila na ito ni manang Nilda papaalis.
"I told you, we have to act like a real married couple para maniwala ang tatay at mga magulang ko sa palabas nating ito." paliwanag nito nang mawala sila manang Nilda sa paningin nila.
"No, hindi ako papayag! Ilang beses ko bang sasabihin sa iyon na sa papel lang tayo kasal at masyado ka naman yatang natutuwa sa pagpapasunod mo sa akin Liam? Pumayag akong hindi umalis kagabi dahil hindi mo ako pinahiram ng sasakyan mo, pumayag akong sumama sayo rito dahil sabi mo ay kailangan nating magsama sa iisang bubong para mapaniwala natin ang mga tao sa paligid natin na totoong mag asawa tayo at ngayon gustong mong pati sa kwarto ay magkasama tayo? Aba naman Liam, sumusobra ka naman yata?" Naiinis na sabi niya rito.
Umupo si Liam sa sofa. "You know, I'm not doing this for me, it's for you. Sa akin wala naman mawawala kung mabibisto tayo na nagpapanggap e, sayo?" nang aasar pang sabi nito sa kanya.
Masama ang titig na ipinupukol niya rito pero parang balewala lang ang tingin niyang iyon kay Liam. "No, kahit anong pang sabihin mo ay hindi ako matutulog sa kwarto mo! Over my dead body! Mas gusto ko pang matulog na lang rito kaysa makasama ka sa iisang kwarto." Inis na sabi niya rito at pabagsak na umupo sa sofa. Narinig niyang bumuntong hininga si Liam sa tabi niya.
Nakipagtagisan ito ng tingin sa kanya. Hanggang sa ito na mismo ang sumuko. "Ikaw na ang panalo. Matulog ka kung saan mo gusto." Sabi nito saka padabog na tumayo at nagtungo sa kwarto nito.
Siya naman ay tahimik lang habang sinusundan ng tingin ito. Bakit ba parang ito pa ang galit? Siya nga dapat ang magalit dahil kahapon pa ito nasusunod. Napabuntong hininga na lang siya upang pakalmahin ang sarili. Mukhang hindi talaga magandang ideya na si Liam ang pinakasalan niya. Isang araw pa nga lang silang nakakasal ay hindi na nila mataglan ang isa't isa. Ano na kayang mangyayari sa kanya pag nagtagal pa ang eksenang nilang iyon?
Kinuha niya ang cellphone sa bulsa niya upang i-message ni Matthia na sa ibang lugar at araw na lang sila magkita.
-----
"ANO ba ang mayroon at dito ka sa bahay ni sir Liam maninirahan? Nagkagulo ba kayo ng daddy mo?" Tanong ni manang Nilda habang nag aayos sila ng magiging kwarto niya.
Sa wakas ay nanalo din siya kay Liam at pinayagan siya nitong mag stay na lang sa guest room na available sa bahay nito. Hindi siya nito pinansin hanggang sa umalis ito. Mukhang may mahalagang pupuntahan ito. Kaya heto siya ngayon at tinutulungan mag ayos ng kwarto si manang Nilda. Magkatabi ang kwarto nila ni Liam. Ayaw niya nga sanang makatabi ng kwarto si Liam. Ang kaso lang ay wala nang ibang kwarto sa bahay nito maliban sa masters bedroom, maids quarters at isang guest room.
'Ang laki-laki ng bahay kakaunti lang ang kwarto. Nagsasayang ng space.' Inis na sabi niya sa isip.
"Kasal na ho kami manang Nilda." Sagot niya rito at kitang kita niya ang manlalaki ng mata nito sa gulat. Sino ba kasing hindi magugulat? Halos siumpa niya tuwing magkikita sila ni Liam dati ngayon ay magkikita na sila ng madalas at araw araw pa!
"Ano ba kamo? Mali yata ang narinig ko." Hindi pa rin makapanilwang sabi ni Manang Nilda.
"Ang sabi ko ho ay kasal na ho kami ni Liam." ulit niya sa sinabi niya.
Nabitawan nito ang bedsheet na inaayos nito. "P-paanong nangyari iyon? Hindi ba ay galit ka kay sir Liam? Bakit ngayon ay nagpakasal kayo? At bakit hindi kayo magkasama sa iisang kwarto?" Nagtatakang tanong nito.
Bumuntong hininga siya at naupo sa kama. "Mahabang kwento ho." Sabi na lang niya. Hindi niya alam kung dapat niya bang sabihin kay Manang Nilda ang dahilan kung bakit sila nagpakasal sila ni Liam.
Tinitigan siya nito. "Alam kong may mabigat kayong dahilan upang maisip niya ang bagay na iyan." Naupo din si manang Nilda sa tabi niya. "Hindi kita pinipilit na sabihin sa akin kung ano ang dahilan niyo dahil malalaki na kayo pero gusto kita paalalahanan hija. Ang pagpapakasal ay sagrado. Hindi iyon ginagawang biro. Kung ano man ang dahilan niyo ay sana naman bukal sa puso niyo ang ginawa niyong pagpapakasal dahil kung hindi ay parehas lang kayong masasaktan sa bandang huli." Makahulugang sabi nito sa kanya.
"Huwag kayong mag alala manang Nilda, bago pa man mangyari iyon ay tyak na hiwalay na rin kami ni Liam." Sabi na lang niya rito.
"Ang mga kabataan talga ngayon ay napaka pupusok." Umiiling iling na komento nito. "O sya kayo na lang ang bahala sa desisyon niya at malalaki na kayo. Sana lang ay hindi nga mangyari iyon." Tumayo ito nang matapos nitong ayusin ang kobre kama. "Magluluto na ako ng hapunan natin. Ipatawag mo na lang ako o si Pekto kung may kailangan ka hija. huwag kang mahiya rito ha. Tutal naman ay bahay mo na din ito mula ngayon."
"Sige ho, maraming salamat ho manang Nilda." Sabi niya rito. Tumango lang ito at tuluyan nang lumabas ng kwarto.
Muli siyang bumuntong hininga. Ito na ang simula ng bagong kabanata ng buhay niya. Kailangan na niyang ipaalam sa daddy niya ang pagpapakasal niya upang makansela na nito ang kasal na pinaplano nito. Hanggang sa hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya.
Nagising na lang siya na may tumatamang sinag ng araw sa mukha niya. Kaya agad siyang napabalikwas ng bangon. Nagtaka pa siya dahil nasa isang hindi pamilyar siya na kwarto. Ilang minuto din ang lumipas bago niya ma-realise na sa bahay na palas siya ni Liam nakatira ngayon. Dapat ay masanay na siya sa kwartong iyon.
"Last week sa hotel pa ako nakatira." Sabi niya sa sarili. Nang tuluyan nang matanggap ang pangyayari sa buhay niya ay bumangon na din siya at inayos ang sarili bago tuluyang lumabas ng kwarto niya.
Nagulat pa siya dahil ksabay ng paglabas niya sa kwarto niya ay ang paglabas ng isang sexy na babae sa kwarto ni Liam. Napatingin din ito sa kanya at pinagtaasan pa siya ng kilay. "Who are you?" Maarteng tanong nito sa kanya.
"I should be the one to ask you that. Who are you?" Maydiin sa mga salitang binitawan niya. Hindi uubra sa kanya ang pagtaas taas ng kilay nito. She's not Brea Alarcon for nothing.
"I'm William's girlfriend," Taas noong sabi nito.
Nagulat siya sa sinabi nito. 'Ano daw?' May girlfriend si Liam? Kailan pa nangyari iyon?