"GOOD MORNING." Nakangiting bati ni Liam kay Brea nang makapasok siya sa kusina. Kakatapos niya lang maligo upang lumamig naman ang ulo niya.
Prenteng nakaupo ito sa harap ng hapag kainan habang busy ito sa harap ng laptop nito. Hindi niya alam pero feeling niya ay good mood ito dahil nakangiti itong bumati sa kanya. Marahil ay dahil nagtagumpay ito sa pag pigil sa kanya kagabi na umalis bumalik sa Maynila. paano ba naman kasi siya makakabalik sa Maynila kung hindi siya nito pahihiramain ng sasakyan? Hindi siya ganoon ka strong para maglakad ng labing-limang oras. Kaya nagpasya na lang siyang manatili sa private resort ni Liam at sumabay na lang dito pabalik sa Maynila dahil wala na din naman siyang magagawa.
"Walang good sa morning ko." Sabi niya habang papaupo sa bakanteng upuan na katapat nito.
Tinignan siya nito pero hindi pa rin nawala ang ngiti sa labi nito. "Why? Bad trip ka pa rin ba na hindi ka nakaalis kagabi? Hindi naman kita pinigilan ahh." Sabi pa ng damuho.
"Ewan ko sayo." Sabi na lang niya rito. Wala siya sa mood para makipag asaran dito. Kakagising niya lang at ayaw niyang masira ang araw niya dahil dito. Itinuon na lang niya ang kanyang pansin sa pagkain na nasa harap dahil hindi siya nakakain ng m aayos kagabi dahil sa inis niya rito. Kaya kahit nakakailang subo pa lang siya ay nag walk out na siya sa hapag kainan kagabi.
Ilang beses siya nitong kinatok sa kwartong inuukupahan niya pero hindi niya ito pinag buksan at nagpanggap na lang na tulog na upang lubayan na nito ang kwartong ukupado niya. Nagulat siyang nang tumayo ito sa kinauupuan nito at ipinagsandok siya ng makakain.
"You don-"
"Kailangan mong kumain ng madami dahil hindi ka naman kumain ng maayos kagabi." Pipigilan niya sana ito ngunit hindi naman ito nagpapigil at marami pa ang sinandok sa pinggan niya na sa tingin niya ay hindi naman niya mauubos.
"Ano ba ang tingin mo sa akin? Sugapa sa pagkain? Ang dami nito. Hindi ko to mauubos." Reklamo niya rito.
"Tama lang iyan. Ang kaunti mo lang kasi kumain kaya ang payat payat mo." Sabi nito saka muling umupo sa pwesto nito at kumain. Nang aakmang ibabalik niya ang mga sinandok nito ay muling nagsalita ito. "Don't try to put it back if you don't want to stay here for a week." Pagbabanta nito sa kanya.
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. "You can't do that! Hindi ako pwedeng manatili dito ng isang linggo! Marama akong naiwan na trabaho sa Maynila!" Halos pasigaw na sabi niya. Hindi siya pwedeng magtagal roon ng isang linggo.
Tiningnan siya nito saka ngumiti ng nakakaloko. "Well baby, I can. I'm the owner of this resort. Ako ang magdedesisyon kung aalis tayo rito o hindi. So, if I were you. I will be a good girl and a good wife." Sabi nito saka lalong ngumisi.
"Bakit mo ba ito ginagawa? Are you doing this because you want something in return for the favor that you gave me? Alright, I will give you 50 million." Sabi niya rito. Baka kailangan nito ng pera. Wala siyang ganoon kalaking pera pero alam naman niyang ganoon kalaki ang mamanahin niya sa daddy niya. Ibibigay na lang niya iyon kay Liam. Tutal naman ay hindi niya kailangan ang ganong kalaking pera.
Pero imbes na matuwa sa sinabi niya ay parang sumama pa ang mood nito. Lumapit ito sa kanya, yumuko ito sa kanya at hinawakan ang baba niya. Biglang nag wala ang buong sistema niya. Hindi talaga nagiging maganda ang epekto sa katawan niya pag dumadampi ang balat nito sa balat niya.
"Baby, I think you're insulting me financially. I maybe not the CEO of my family's chain of hospitals but I'm earning billions every month. So, I don't need your money. Keep it to yourself." Sabi nito.
Wala siyang naintindihan sa mga sinabi nito dahil sa lakas ng t***k ng puso niya. Napaka lapit kasi ng mukha nito sa mukha niya. She even smell his fresh breath. Kaya nakatitig lang siya sa kulay abo na mga mata nito. Hanggang sa napatingin siya sa mapulang labi nito. Biglang nag flashback sa kanya ang halik na pinag saluhan nila kahapon ng ikasal sila. Napalunok siya sa naisip.
"Do you want me to kiss you?"
Iyon ang nagpagising sa kanya kaya malakas na naitulak niya ito. "Bakit ko naman gustong halikan mo?" Defensive na sabi niya.
'Pull yourself together, Brea! Huwag kang magpa akit sa kanya!' Paalala niya sa sarili.
"I thought, you want me to kiss you. You can just ask me you know. After all, we're now married. May lisensya na tayong maghalikan kahit kailan natin gusto." Nakakalokong sabi nito.
"You're impossible, Liam. Magkaibigan nga kayo ni Bryzon." Sabi niya habang matalim na tinititigan ito.
Mukhang kailangan niya ngang sundin ang gusto ng kutong lupa na ito dahil kahit ayaw niyang tanggapin ay talagang ito ang may hawak ng desisyon kung makakaalis siya sa lugar na iyon. Ngayon ay parang nagsisi na siya kung bakit ito pa ang niyaya niyang magpakasal. Sana pinilit na lang niya si Kean. Sana ay wala siyang ganitong problema ngayon.
Kaya kahit masama ang loob niya ay wala siyang magawa kung hindi kainin lahat ng nasa pingggan niya habang tinitingnan ng masama si Liam na mukhang masayang masaya na napapasunod siya nito.
'May araw ka din sa akin Liam!' Hiyaw niya sa isip.
-----
"WALA ka na bang nakalimutan?" Tanong ni Liam kay Brea nang makapasok siya sa saskyan nito.
"Ano naman ang makakalimutan ko? Wala naman akong dalang gamit maliban sa bag ko." Sagot niya rito.
Paalis na sila ng private resort nito ng mga oras na iyon. ang buong akala niya ay talagang mananatili sila sa lugar na iyon ng buong isang linggo. Hindi n iya alam kung ano ang nangyari dahil bigla na lang may tumawag dito habang nag aalmusal sila at nagpasya itong bumalik na nng Maynila. Kung sino man ang tumawag rito ay pasasalamatan niya talaga ng marami.
In-start na nito ang makina ng sasakyan at nagsimula nang magmaneho. Siya naman ay inabala na ang saril na sa cellphone niya. Itetext niya sana si Matt upang magtanong kung may balita na sa pag iimbestiga nito. Pero ida-dial pa lang niay ang number nito ay nag popped up na iyon sa screen ng cellphone niya kaya agad niya iyong sinagot.
"Hello Matt." Bati niya rito nang sagutin ang tawag nito.
"Hello Brea, akala ko ba ay babalik kana ng Maynila kagabi? Pinuntahan kita sa hotel na tinutuluyan mo pero wala ka pa daw?" Tanong nito sa kabilang linya.
Napatingin si kay Liam na seryosong nagmamaneho. "Something came up kaya hindi ako nakabalik ng Mayanila kagabi. But I'm on my na pabalik ng Maynila." SAgot niya rito.
"Good, nakuha ko na ang kopya ng CCTV, ipapakita ko sayo. May nakita kasi akong hina-hinala."
"Okay sige, antyain mo na lang ako sa hotel dun ako dederetso." Sabi niya saka pinatay ang tawag. Mukhang may lead na si Matt sa kung sino ang gustong magpapatay sa kanya.
"Who was that?" Napalingon siya kay Liam nang magsalita ito. Nakatutuk pa rin ang tingin nito sa daan.
"One of my friends." Sabi niya rito saka tin-ext ang assistant niyang si Darren upang makibalita sa kasong hawak niya.
"I didn't know na may kaibigan kang Matt ang pangalan." Sabing muli ni Liam.
"You don't know all of my friends." Sabi niya saka ibinalik ang cellphone niya sa kanyang bulsa. Saka binalingan ito. "Sa hotel mo na lang ako ihatid hinihintay ako ni Matt doon. Tatawagan na lang kita pagkikitain na ntin si Daddy at kuya." Sabi niya rito.
"Bakit naman kita ihahatid doon?" Lumingon ito saglit sa kanya at kitang kita niya ang pagkunot ng noo nito.
"Dahil doon ako nakatira. Sa monday maghahanap na ako ng condo para lipatan." Sabi naman niya rito at ibinaling ang pansin sa labas ng bintana.
"Hindi tayo dederetso sa hotel." Sabi nito na nahimigan niya ng iritasyon. Kaya napalingon siya rito. Ano na naman kaya ang problema nito.
Kumunot ang noo niya. "Doon muna tayo dumeretso bago ka pumunta sa pupuntahan mo. Kailangan kong makipagkita kay Matt-"
"No Brea, You will not meet that Matt at sa bahay ang deretso natin ." Matigas na sabi nito.
Tuluyan na niya itong hinarap. "Ano bang problema mo? Ihahatid mo lang ako sa tinitirahan ko. Mahirap ba iyon?"
"At sino naman ang nagsabi sayo na babalik ka pa sa hotel na iyon? Lilipat kana sa bahay ko." Sabi nito nang hindi siya nililingon.
"What?! Bakit naman ako titira sa bahay mo?" Nababaliw na yata ito.
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na kasal na tayo? Sa tingin mo ba ay papayagan kitang mag stay sa hotel or sa condo?" Naiinis na sabi nito.
"No! hindi ako titira sa bahay mo!" Halos pa sigaw na sabi niya. Hindi siya maaring tumira sa bahay nito. Wala iyon sa plano niya.
"Too late Brea, sana naisip mo iyon nung inalok mo ako ng kasal. Kasal na tayo at titira ka sa bahay ko sa ayaw mo o sa gusto mo." Sabi nito sa kanya.
Bigla siyang kinabahan sa mga sinabi nito. Ni sa hinagap ay hindi niya naisip na makakasama niya sa iisang bahay si Liam. Ano na ang gagawin niya? Paano na ang puso niyang nagpapaka-strong?