Chapter 32 Nagising na lang ako dahil sa ingay na naririnig ko sa aking paligid. Hindi ko muna dinilat ang aking mga mata at nakinig muna sa mga pinag-uusapan nila. "Pahingi naman kami niyang dala mo, Warrick!" "Ayoko nga. Bumili kanga do'n, Ken! 'Wag kang tamad!" "Shhh! Ano ba, huwag nga kayo maingay. Baka magising si Ash!" "Mas mabuti nga iyon eh!" "Bakit naman?" "Bahala ka nga dyan, Cor. Isipin mo nang mabuti. Binabadtrip moko!" Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata. Bumungad sa akin ang puting kisame. Panigurado ay nasa hospital ako ngayon. Nilibot ko ang paningin ko, nakita ko do'n ang mga Section Sea sa gilid ng sofa. Sila Ethan, Ken, Liam, Gab, Ray at Kahlil ay nakatayo habang nakaupo naman sila Cor, Andrus, Einar, Cedric, Stam at Thair. Si Warrick ay malayo sa kanila

