Chapter 33 CAYDEN POINT OF VIEW Pagkaalis namin sa kuwarto ni Ash ay sumalubong sa amin ang mga mukha ng Section Sea. "Makisama kayo sa gagawin ko," bulong ko kay Zai at Hio sabay naman silang tumango kaya ngumisi ako. "Okay na si Ash?" salubong na tanong sa akin ni Amzi. "W-Wala na si Ash..." halos manlaki ang mga mata nilang tumingin sa akin lumungkot ang tingin ko sa kanila para kunwari talaga ay totoo iyon. "Inaasikaso na siya ng doctor," sabi ko na mas lalo nilang kinagulat. Paiyak na si Kahlil at Gab habang ang iba naman ay tulala pa. "Bilisan niyo baka hindi niyo na siya maabutan," sambit ko at tinuro ang kuwarto ni Ash. Ang mga uto uto ay dali daling tumakbo do'n kaya halos mamatay ako kakatawa habang nakatingin sa kanila. "Balik tayo do'n," aya ko sa kanila. They just nod

