Chapter 09

1541 Words
Chapter 09 "Ibalik mo ang cap ko," pikon na sambit ni Amzi habang masama ang tingin sa mga hayop na nasa harap namin. "Alam kong importante 'to sa iyo kaya sumunod ka sa sasabihin ko, pumunta ka sa tagpuan at isama mo 'yang babaeng 'yan." sabay duro pa nito sa akin, sinamaan ko siya ng tingin. 'Di kalaunan ay napasalampak siya sa sahig dahil sa suntok ni Amzi sa kaniya. Ang lakas ng suntok niya. Tiningnan ko ang kamao niya namumula 'yun. Napatingin ako sa mukha ni Dev. Dumudugo ang nguso niya. Nadagdagan pa ang sugat at pasa niya sa mukha naku. Sasapakin sana ulit siya ni Amzi pero nagpakita ng lighter si Thazer at akmang susunugin ang cap. Tumigil si Amzi at galit na tumingin sa dalawa. Malademonyo lang silang ngumisi at umalis. Tiningnan ko si Amzi, lutang siyang naglalakad ngayon. Ganun ba talaga ka importante sa kanya ang cap na 'yon? Sino kaya nagbigay sa kaniya no'n? Mahal ba ang cap na 'yon kaya importante sa kanya? hindi ko na mapigilan ang sarili ko at nagtanong na. "Anong balak mo?" tanong ko. "Pupunta ako," kahit ikakapahamak niya? "Importante talaga sayo 'yung cap na 'yon 'no?" kasi pati buhay mo isasakripisyo mo. "Bigay 'yon sa akin ni lola,"mahinang bulong niya. "Ayun lang ang bagay na naiwan sa akin ni lola bago siya nawala." kaya pala importante sa kanya. "Sasabihin mo ba kila Earwin?" tanong ko. "Narinig mo naman sinabi ni Dev diba? Huwag daw akong magsama ng iba" at ako ang isasama niya? Paano pag napahamak kami? Siya? hindi patas makipaglaro si Dev. And speaking of Dev. Simula talaga nang magkita kami ay napapamilyaran na ako sa kanyang mukha. Hindi ko lang malaman o maalala kung saan ko siya unang nakita. "Kapag hindi ako sumunod sa usapan mawawala 'yung bagay na iniingatan ko." mapait lang siyang ngumiti sa akin. "Okay, sige, hindi ko sasabihin sa kanila malayo ba 'yung tagpuan na sinasabi ni Dev? Bawal ako malate ng uwi." sagot ko agad naman nangunot ang noo niya. "Hindi ka sasama, ako lang." napataas ako ng kilay at tiningnan siya. "No way! Sasama ako! Narinig mo naman sinabi ni Dev diba?" balik kong sagot ko sa kaniya. "Hindi ka sasama," mariing saad niya. "Sasama ako," mariin ding saad ko. "Pero babae ka, Ash! Baka ma paano ka." "Kaya kong makipaglaban." "Kahit na hindi ka pa rin sasama." "Sige kapag 'di mo ko sinama magsusumbong ako kila Earwin." matalim na titig na binigay niya sa akin kaya ngumiti ako sa kanya. Ayaw ko siyang mapahamak kahit papaano 'no. "Okay, fine. Ang tigas ng ulo mo." napatalon ako sa saya dahil sa sinabi niya. Alam kong marami sila Dev mamaya kakayanin kaya namin 'yon ni Amzi? Napanguso na lang ako, tumingin si Amzi sa akin at umirap. "Oh, bakit ang tagal niyo?" bungad sa amin ni Earwin habang katabi niya naman si Cayden sa likod nila ang ibang taga Section Sea. Walang sumagot sa tanong niya. "Nasaan Cap mo Amzi?" tanong nong Ken dahilan para manlaki ang mata ko pero hindi ko 'yon pinahalata. Nagkibit balikat si Amzi at sumagot. "Nasa bag ko," nakangisi niyang sinabi. "What the f**k dude! China chansingan mo lang si Ash!" hinablot ako ni Cayden at niyakap napataas ng kilay si Earwin ganun din ang ibang tiga Section Sea. "Kaibigan daw!" "Friends with benefits!" "Mag shota talaga ata kayo eh!" "Witweeww!" Hindi ko na sila pinansin at diretsyong pumunta sa upuan ko. Ano kayang mangyayari mamaya? 'Yun ang hindi ko alam. Nakakainis!kinakabahan ako at excited! Marami kaya sila. Siyempre, Oo! Marami talaga duwag pa naman kakalabanin namin!. Buong sumunod na subject ay hindi ako nakinig, ini imagine ko lang kung anong mangyayari mamaya sa amin ni Amzi. Kung sabihin ko kaya kay Cayden? Sinulyapan ko si Cayden busy siya nakikinig ng tinuturo ng teacher sa harap, nag-iwas ako ng tingin. Ayaw ko, baka pagalitan pa ako ni Amzi. Pero kasi baka nabugbog kami doon mamaya. Wala kaming back-up. Dumating na ang uwian at ito na ang saya at kaba na nararamdaman ko. Nagkatitigan kami ni Amzi sumenyas siya ng mauna na ako lumabas kaya tumango ako. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng palda ko at tinawagan si kuya Van. "Yes, Baby Ste?" bungad niya. "Susunduin mo ba ako?"tanong ko. "Nope ,busy ako." "Ahh, okay," kunwaring nagtatampong boses ko kahit ang saya saya ko. "Papatayin ko na ha? Ingat sa pag-uwi i love you." "I love you too!" nakangiti kong sambit. Tumingin ako sa likod ko at halos mapatalon ako dahil nandoon lahat ng classmate ko. Ang mga tiga Section Sea. "Sino 'yon?" "Boyfriend mo?" "Bakit ka nag I love you sa kaniya?" "Akala ko ba si Cayden lang?" Napasapo ako ng noo at hindi sinagot ang tanong nila, tiningnan ko si Amzi nakataas lang ang kilay niya habang nakatingin sa akin. Lumabas na sila ng gate. Si Cayden naman ay nasa tabi ko lang at nakasimangot. Halos sabay sabay kaming maglakad. "Earwin, hindi pala ako makakapasok bukas." napatigil sila sa paglalakad dahil sa sinabi ni Amzi. Bakit naman hindi siya papasok? "Bakit?" "Hoy, pumasok ka!" "Umabsent bukas mukhang unggoy!" "Panget umabsent bukas!" "Oo, tama! Panget! Pinaglihi sa unggoy!" Nag-asaran pa sila bago umalis. Si Cayden ay nauna na may emergency daw. Nagpaalam na rin ako pero nagtago lang ako sa isang eskinita na alam kong dadaanan ni Amzi. Naghintay ang ako ng ilang minuto at sa wakas ay dumating na siya. "Sakay," nakamotor pala siya sumakay ako at kumapit sa balikat niya. Wala pang sampung minuto ay tumigil na ang motor niya. Bumaba na ako at nilibot ang paningin. Nasa gubat ata kami eh, puro puno. Sinalubong kami ng mga kalalakihan, balot na balot ang katawan nila ng kulay black maliban sa mata nila. Mata lang nila ang nakikita,para silang mga ninja. "Nasaan boss niyo?" maangas na tanong ni Amzi. "Parating na, maghintay ka." maangas din na sagot ng isang lalaki at tumingin sa akin. "Chix pre," machi-chix 'to pag sinapak ko 'to sa mukha. Tiningnan ko siya nang masama. "Oh! Amzi! Hindi ko inaasahang darating ka." nakangising sambit ni Dev. "Nasaan ang cap?" malamig na tanong ni Amzi. "Chill! Kailangan pinaghihirapan ang mga bagay bagay Amzi!" ngumiti siya at kinuha ang sumbrelo mula sa isang bag pagkabalas non ay mayroon ding posporo at lighter. Balak ata nilang sunugin. Napatingin ako kay Amzi. Nakita ko ang pangingilid ng kanyang mga luha, naiiyak siya. "Pre! Huwag kang umiyak dyan! 'Wag kang babakla bakla!" tumawa si Dev, ganoon din ang mga kasamahan niya. "Pinapunta lang naman kita dito para makita mo kung paano mawala ang pinakamamahal mong sombrero!" tumawa ulit siya ng malademonyo. "Katulad ng babaeng importante sa akin na hinayaan mo." tumigil siya sa pagtawa. "Shut up, Devin." galit na sabi ni Amzi. Devin? Iyun ang pangalan niya. Babaeng importante sa kanya na hinayaan lang ni Amzi? Naalala ko ang sinabi ni Cayden na tungkol sa babae ang pag-aaway nila at pagkasira ng pagkakaibigan nila. Ito ba? Ito ba 'yon? "Dinala mo pala 'tong babaeng 'to." bumaling siya ng tingin sa akin. Nagtaas ako ng kilay sa kanya. "Akala mo ba nakalimutan ko 'yung ginawa mo sa akin?" ngumisi siya. "Hindi ko inakala. Paano mo 'yon makakalimutan e sabog na sabog mukha mo no'n?" maangas na sabi ko na kaagad kinawala ng ngisi niya. "Hawakan niyo ang babaeng 'yan masyadong maangas!" hinawakan nga nila ako pero hindi ako nagpahawak dahil sinipa ko at sinuntok ang nagtangkang hahawakan ako. "Iba ka rin 'no?" nakangising sambit ni Dev. "Alam mo, pamilyar ka sa akin eh." dugtong niya habang nangungunot ang noong nakatingin sa akin. Ngumisi ako sa kaniya at pinakyuhan siya nagulat ang iba dahil sa ginawa ko. Nag-umpisa na silang magsuntukan. Nawala ang attention nila sa bag kaya agad kong kinuha ang cap doon. May lumapit sa aking lalaki at akmang susuntukin na sana ako kaso yumuko ako, tinadyakan ko siya. "Boss, nakuha ng babae 'yung sumbrero!" Isang lalaki ang sumigaw kaya sinapak ko siya, masyadong maingay! Hinawakan ko ng mahigpit ang sumbrelo. Isa isang sumugod ang mga tauhan ng pisting Devin na 'to sa akin, ilag at suntok lang ang ginawa ko. Nagulat ako nang tadyakan ako sa mukha ng lalaki mabuti nalang ay nahawakan ko paa niya at napaatras. Nagulat siya sa ginawa ko kaya ngumisi ako at hinablot ang paa niyang isa na nakataas dahilan para bumagsak siya. Pumunta ako kay Amzi nakikipagsuntukan siya ngayon kay Devin. Tiningnan ko ang sumbrelo, patakbo akong pumunta sa motor ni Amzi at sumakay doon, napatingin lahat sa akin dahil sa ginawa ko. Pina-ilaw ko ang motor at pinaandar 'yon papunta kila Amzi na nagsusuntukan. Napaatras si Devin pati ang mga tauhan niya. Sinenyasan ko si Amzi na sumakay kaya dali dali siyang sumakay. "Nakatakas!" sigaw ni Devin. "Mas mautak ako!" sigaw ko. Pinaandar ko lang ang motor hindi ko alam kung saan na kami napadpad. "Marunong ka magmotor?" gulat na tanong niya. "Tingin mo?" balik na tanong ko umirap lang siya mabuti ay wala siyang bangas kaunti lang. Pinatigil ko ang motor at bumaba gano'n din ang ginawa niya. Binigay ko sa kanya ang sumbrero. "Ingatan mo kasi. Alam mong importante pinapabayaan mo!" ngumiti lang siya sa akin. Hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa. Niyakap niya ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD