Chapter 08

1288 Words
Chapter 08 "Anong ginawa mo?" tanong ni Cayden habang inaayos ang buhok kong gulo gulo. Nagpigil ako ng tawa dahil naalala ko nanaman ang mga mukha nila. "Wala," sagot ko. "Buksan niyo 'to f**k!" dinig kong sigaw ni Earwin ang kaso hindi nila binubuksan dahil natatakot sila, hindi lang sa akin kundi kay Earwin din. Mukha kasing galit talaga siya. "Hindi niyo bubuksan?" halatang galit na talaga si Earwin kaya binuksan na nila. Sumulyap muna sila sa akin bago bumalik na sa upuan nila. "Bakit niyo ba ni-lock?! At saan kayo galing?" galit na sigaw nito kaya napalunok ako. Ako may kasalanan nito. Dinagdagan ko pa kasalanan ko. "Si Ash kasi sabi niya sinasapian siya!" parang batang sumbong ng isang lalaki. Siya 'yung Cedric! 'yung takot na takot kanina 'yung mukha. "At mga bobo kayo, naniwala naman kayo?" inis na tanong ni Earwin at matalim na sumulyap sa akin dahilan para mapaiwas ako ng tingin at nilaro laro ang daliri ko. "Kung ikaw lang sana ang nandito kanina!" "Siguro ay tumakbo ka na rin!" "Oo nga.Nakakatakot kaya si Ash!" "Para talaga siyang sinasapian!" "Baka nga nasuntok mo pa kami!" Isa isa nilang sigaw at tumingin sa akin nang masama, ngumiti lang ako sa kanila kaya mas lalo pang sumama ang tingin nila. "Pumunta si Mrs.Cruz sa amin ni Cayden kase pagdating niya wala kayong lahat!" sigaw ni Earwin halos matawa ako sa sinabi niya pero nanahimik na lang ako. Galit kasi talaga siya, baka ako pa ang mapagbuntungan kahit ako naman talaga ang may kasalanan. "Kasalanan 'to ni Ash!" sabay sabay nilang sigaw at tumingin sa akin. "Anong ako? Bakit ako lang?" natatawang sabi ko, natotono rin dito ang pagdedepensa. "Eh kayo nga itong tumakbo papunta sa garden!" pagtatanggol ko sa sarili ko. "Siyempre, sinasapian ka!" sabay sabay ulit nilang sigaw sa akin. Nagpractice ba sila? "Naniwala naman kayo?" gaya ko sa line ni Earwin napaiwas sila ng tingin pero matalim pa rin ito. "Paano ako mag eexplain kay Mrs.Cruz nito ha?!" inis na saad ni Earwin, walang pumansin o sumagot man lang sa kanya miisa. May pumasok na na teacher kaya umayos na kaming lahat, nakikinig lang ako kahit wala akong maintindihan baka patayuin pa ako pag kung ano ano ginawa ko e. "Hoy, anong naisipan mo at nagkunwari kang sinasapian?" natatawang tanong ni Cayden. "Ewan ko," "Sayang, dapat vinideohan mo!" natatawang sabi niya. "Nawala sa utak ko natatawa ako sa pagmumukha nila eh." "Hoy, kung makapag usap kayo parang wala kami rito ah!" "Kami kaya pinag uusapan niyo!" "Anong videohan ka dyan!" "Makakabawi rin kami sa iyo!" "Oo nga!" Mga pikon. Hindi ko na lang sila pinansin at tumawa lang. Pagtunog ng bell ay agad silang lumabas ganoon din ang ginawa namin ni Cayden. Sabay kaming naglakad papuntang Cafeteria. Pagpasok namin ay nakita ko ang mga Section Sea na nakaupo 'yung iba naman ay nag-oorder. "Doon tayo sa kanila." aangal pa sana ako kaso ay nauna na siya, kaya sumunod din ako sa kanya. Tinaasan nila ako lahat ng kilay kaya tinaasan ko rin sila at umirap. "Hoy, doon nga kayo sa ibang table!" "Kaya nga!" "Ayaw kong makita si Ash!" "Naalala ko ginawa niya sa amin!" "Kung makapagsalita naman kayo parang grabehan ginawa ko sa inyo!" ngumuso ako. "Talagang grabehan!" sabay sabay ulit nilang sambit. Siguro nagpra practice talaga sila. "Dito ako, bahala kayo," pagpupumilit ko. "Bawal ka dito!" "Section Sea lang pwede dito!" "Oo nga! Hindi ka welcome sa section namin! Hindi ko alam pero nasaktan ako sa sinabi nila kahit alam kong pabiro lang 'yon. Hindi nga pala ako welcome, ayaw nga pala nila sa babae. "Bakit ba kasi ayaw niyo akong tanggapin?" tanong ko pa kahit alam ko naman sagot. "Ayaw namin sa babae!" napataas ako ng kilay. "Kanina lang ay todo sigaw kayo na gusto niyo sa babae ah? Nagbago utak niyo? Tumabingi ba?" natatawang sambit ko pero sinamaan lang nila ako ng tingin. "Akala mo ba hindi nakakatakot ginawa mo!" "Bumagsak pa kami sa d**o!" "Nahulog kami sa puno!" "Halos magkandarapa kaming tumakbo!" "Tapos hindi ka man lang nag sorry!" "Oo nga, paano ka namin tatanggapin niyan!" "Ang sama sama ng ugali mo!" Sunod sunod ang mga sabi nila no'n para silang mga bata na inaway kaya tumawa ako. Wala ngayon si Cayden, oorder daw siya, kasama niya si Earwin, Kahlil, Gab. Silang apat ang bumili. "Bakit naman ako magso sorry?" napabuga sila ng hangin dahil sa sinabi ko. "Walang kwenta sorry ko kase sabi niyo gaganti kayo." natatawang sambit ko kaya sinamaan nila ako ng tingin. "Kahit na dapat mag sorry ka pa rin!" maktol ng isa sa kanila. Ngayon ko lang siya napansin. Kanina kasi ay tahimik lang siya. "Tandaan mo 'to, Ash! Makakabawi rin kami sa iyo!" pagkasabi niya noon ay dumating na ang pagkain, nilapag ni Cayden ang para sa akin kaya nag-umpisa na akong kumain. "Gusto mo?" tanong ko sa kaniya habang turo turo ang shanghai na inorder niya para sa akin, busog na ako eh. Tumango siya. "Subuan mo ako." sambit niya at binuka ang bibig niya. Sinubo ko naman sa kanya ang shanghai, kinagatan niya iyong sa taas pagkatapos niya kagatan iyon ay kinagatan ko rin pero sa baba. "Kayong dalawa ba ay magjowa?" halos maibuga ko ang pagkaing nginunguya ko dahil sa tanong ni Cedric. Sanay na akong subuan siya, ganoon din siya sa akin. Magkaibigan nga kami. Lima kaming magkakaibigan, hindi ko alam kung nasaan ang tatlo. Uminom ako ng tubig bago ako sinagot ang tanong niya ang sakto ay tubig ni Cayden ang nakuha ko. "Hindi ah, ang issue mo." sambit ko pero tinaasan niya lang ako ng kilay. "Eh ano kayo?" kuryosong tanong nila. "Mag asawa," nabilaukan ang iba sa kanila dahil sa sinagot ni Cayden. 'Yung iba naman ay naismid habang si Earwin ay nakataas ang kilay. "Just kidding," natatawa na sinabi ni Cayden. "We're best friends," pagtatama niya. Nang matapos kaming kumain ay dumiretsyo na kami sa classroom. Halos sabay sabay kami, nagulat ako ng maalalang naiwan ko ang wallet ko sa table. "N-Naiwan ko ata ang wallet ko." sambit ko kaya napatigil sila sa paglalakad. "Samahan na kita," si Cayden. "No, ako na ang sasama,kaming dalawa ni Gab." si Kahlil naman. "Naiwan ko rin 'yung cap ko, ako na sasama sa kanya." ani ng isang lalaki. Kaya ko naman sarili ko bakit kailangan may kasama pa? Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya, tahimik lang siya habang naglalakad kaya tumahimik din ako. Pagkarating namin sa Cafeteria ay konti na lang ang studyante, agad kaming pumunta sa table namin kanina. Nagulat ako ng nandoon wallet ko, mabuti ay walang nakakuha. Yayayain ko na sana ang kasama ko kaso ay nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa table. Nakuha niya na ba ang cap niya? Tiningnan ko ang kamay niya pero wala siyang hawak kaya panigurado na wala siyang nakita. Nilibot ko din ang paningin ko sa table at upuan pero wala akong nakita. Nagtanong siya sa mga estudyante pero wala rin daw. Narinig ko ang bahagya niyang pagmura. "May hinahanap ka, Amzi?" napatingin ako sa likod ko, si Dev kasama si Thazar. "Ibalik niyo sa akin ang cap ko." mariing sambit ni Amzi. "Uh oh! Importante talaga sayo ang cap na 'to 'no?" tanong niya habang hawak hawak ang cap na alam kong kay Amzi. Natahimik lang si Amzi habang nakatingin sa Cap na 'yon, nakatitig lang siya. "Pumunta ka sa tagpuan kung ayaw mong masunog itong cap na 'to ikaw lang at walang kasamang iba,isama mo din 'tong babae." sambit niya at tinuro ako. Walang kasamang iba daw pero kasama ako sana ayos pa utak niya. Napasinghap siya at masamang tumingin kay Dev. Habang si Dev ay masamang nakatingin sa akin. Away na naman ba 'to?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD