4

2437 Words
ERRORS AHEAD "Oh Trish saan ka pupunta gabi na ah?" tanong ni Delo ng makita siya nitong naglakad palabas. Napahinto siya at agad nag isip ng idadahilan. Kakaalis lang ng mga kaibigan niya na simula kaninang tanghali ay tumatambay lang sa silid niya at tinadtad siya ng tanong tungkol sa mysteryosong jowa niya daw na bumihag sa puso niyang matigas. Napakamot siya sa batok na tumingin sa pintuan bago sumagot. "Ah may naiwan si Wyn ihahatid ko lang, gusto ko din maglakad lakad muna sumasakit na likuran ko kakahiga." saad niya na ikinatango tango ng lalaki. "O sya sige mag ingat ka sa daan, umuwi ka kaagad ah. At kung mahilo ka sa daan tawagan mo agad ako." paalala ni Delo na ikinangiti ni Trisha dahil sa pagiging maalalahanin nito bago tumango tsaka lumabas. Bumubuti na ang pakiramdam niya pero namumutla pa rin ito at may kaunti pa rin siyang nararamdaman na pagkahilo pero kaya niya namang maglakad- ng ilang metro nga lang. Nasa kalagitnaan na siya ng daan ng makaramdam sya ng pagkahilo at pagkahingal, agad siyang napahinto sa isang pader at humawak doon para kumuha ng lakas. Akmang magpapatuloy na sana siya sa paghakbang ngunit nanghihina bigla ang tuhod niya't muntik ng matumba, napapikit nalang siya at hinintay ang pagbagsak ng pwet nya sa sahig. Ngunit napamulat nalang siya bigla ng maramdamang may humawak sa bewang niya para pigilan siyang bumagsak. "You should've told me na dimo pa pala kaya maglakad." sabi ni Zach na siyang humawak kay Trisha, napasimangot si Trisha at iniwas ang mukha ng makitang malapit lang ito sa mukha ni Zach. "Hindi kita macontact." may sarkastiko sa boses niyang sagot na ikinatango tango ng lalaki. Napatingin siya sa leeg ng lalaki ng makitang namumula ito na para bang kakagaling lang nito nilagyan ng mahigpit na tali. Magtatanong sana siya ngunit naalala niya nga palang kagagaling lang ng lalaki na pinarusahn, agad itinaas ni Zach ang damit na turtle neck bago binuhat si Trisha tsaka naglakad papunta sa bahay niya. "Teka ikaw lang ba nakatira jan?" kinakabahang tanong ni Trisha ng makarating na sila sa harap ng bahay ni Zach, ito iyong abandonadong bahay na laging sinasabi nilang may multo raw. Hindi naman siya takot sa ganun bagay, natakot lamang siya ngayon dahil hindi multo ang nakatira dito kundi isang malakas na mga nilalang na sumisipsip ng dugo ng tao. Ayos lang sana kung multo dahil nananakot lang naman iyon pero yung katulad ng nilalang na may hawak sakanya ay kaya siya nitong putulan ng ulo sa isang iglap lang. "Chill hahaha ako lang nakatira dito, at wala akong gagawin sayong masama." depensa agad ni Zach na ikinataas ng kilay ni Trisha at bumaba sa pagbuhat ni Zach. "Wala pa.." "Nakakabasa din ba kayo ng isip?" tanong ni Trisha at naunang naglakad papasok ng bahay. "Nah your reaction is visible." sagot nito na ikinatango tango niya bago pinihit ang pintuan. Ng mabuksan niya ang pinto ay napanganga siya sa ganda ng desinyo sa loob. Agad niyang inalala ang desinyo sa labas at napapangiwi ng maikompara niya ito, napakalayo ng dalawa. Puro sirang kahoy at lumangitngit na hagdan ang makikita mo sa labas na desinyo ng bahay tapos sa loob pala ay mala renaissance ang desinyo simula sa flooring, sa mga kagamitan hanggang sa ceiling. Mukha pang mamahalin jusq kung alam ko lang na ganito pala ang laman ng lumang bahay nato edi sana ninakawan ko to charot. isip ni Trisha at ngumisi pa. "Hanep ganda ng bahay ah, pang old style matanda kana rin siguro ano? hahaha joke lang." pagbibiro ni Trisha na ikinangisi din ni Zach. "Yeah 300 years old." muntik ng mabilaukan sa sariling laway si Trisha ng marinig ang sagot ng lalaki at tinignan ito ng gulat na gulat. "SERYOSO?!" sigaw niyang tanong na ikinatango ng lalaki bago naglakad paupo sa sopa. "Yeah, do you have any problem with that?" tanong ng lalaki na ikinatigil ni Trisha bago umiling. "Ha? ah wala naman, nagulat lang. Immortal pala kayo? anong bagay ba nakakapanghina o nagpapasakit sainyo?" tanong niya bago naglakad rin palapit sa sopa habang tumitingin tingin pa rin sa paligid. "Why? gagamitin mo ba iyon laban sakin?" tanong nito na ikinatingin ni Trisha sakanya bago umastang nag iisip. "Pwede din." nakangising sagot ni Trisha na ikinailing ni Zach atsaka sya senenyasang maupo. "As what I've said in the letter, you'll marry me." pag iiba nito ng usapan na ikinawala ng ngiti ni Trisha at agad umangal. "Teka bata pa ako para sa ganyan, sigurado ka ba?" kinakabahang saad ni Trisha at hinanap sa mukha ng lalaki ang pagbibiro nito, ngunit wala syang nahagilap. "Yeah I'm serious, sinabi mo na kagabi na lahat gagawin mo." "Ahahaha oo nga, pero wala bang ibang option?" "It's either you'll marry me, or you'll give me an offspring, Choose." nagulantang siya sa choices ng lalaki at agad napatakip sa katawan ng marinig ang offspring na salita, mas lalong hindi pa siya handang maging nanay! "Anong klaseng mga choices yan, pano pag wala sa dalawang yan?" hindi makapaniwalang bulong niya para siyang tuta ngayon na binully ng malaking aso. "You'll die." Tinuring siyang OG ng bayan nila pero wala man lang siyang laban sa kaharap niya. Kinailangan niya na talagang mamili, mas lalong ayaw niyang mamatay dahil may gusto pa siyang bugbugin. Nagtitigan sila ng matagal ni Zach, nagdadalawang isip pa si Trisha kung ano ang pipiliin. Maya maya lang ay napaiwas din ng tingin si Trisha at napabuntong hininga na sumagot. "Fine I'll marry you, madali lang din naman makipag divorce." walang gana nyang sabi na ikinangiti ni Zach at may inilapag na envelope roon. "Sign the papers then." "Teka agad agad?" gulat niyang sabi, inilapag ni Zach ang ballpen sa tabi bago sumagot. "Why, may problema ba dun? Gusto mo ba ng may pari at yung maglalakad ka sa alt--" "Nah, ayoko non korni masyado. Akin nanga yan." singit ni Trisha at agad pinirmahan ang papel, napatitig nalang siya dun bago sumulyap kay Zach na nakangising nakatingin lang sakanya. "Sarap bangasan." isip ni Trisha at padabog na nilagay sa mesa ang papel. "Oh ayan tapos na, pwede na ba ako umuwi?" saad niya't inilapit sa lalaki ang papel, tumingin sa orasan si Zach bago umiling. "No, you'll be staying. We're married afterall." "HA? gagu, hahanapin ako ng uncle ko. Dapat nga ay walang makakaalam na kasal na tayo, ayos lang sakin yung shotaan pero iyong kasal? huwag mo subukang ipaglandakan yun." mahabang ani ni Trisha na palihim na ikinatawa ng lalaki, natutuwa ito sa reaksyon niya. Wala naman talaga itong plano ipagsabi sa iba ang kasal nila, pinagkatuwaan niya lang ito bilang ganti dahil niisang salita ay hindi niya manlang ito narinig na nagpasalamat. Wala ata sa bokabularyo ng babae ang salitang iyon. "Okay fine, but you'll be staying for a moment." saad ni Zach na biglang sumeryoso ang mukha bago tumayo at nawala nalang bigla. Nagtaka si Trisha sa itsura ng lalaki at napailing nalang sa inasta nito. 'Bipolar ata tong lalaking to.' isip niya at napatingin ulit sa paligid. Medyo kaunti lang ang mga gamit sa lugar, napakalinis rin ng paligid ni kaunting alikabok ata ay hindi mo makikita na ikinamangha niya. May isang sliding door na gawa sa kahoy siyang nakita, nakabukas ito kaya dahan dahan siyang lumapit roon at sumilip. Isa itong opisina, sa harap ay may mesa at upuan. Sa gilid naman ay may nakahilerang mga libro at sa kabila ay may mahabang sofa roon. Inilibot niya ang tingin at napamangha nalang dahil sa ibat ibang desinyo ng paligid. Maya maya lang ay napahinto nalang ang tingin niya sa likuran ng mesa ng makitang may mga espada at punyal doon na gawa sa kahoy. Napangiti si Trisha sa nakita at sumulyap muna sa likuran para tignan kung naroon na ba si Zach ng makumpirmang wala ay lumapit siya roon at inabot iyong punyal bago tinago sa loob ng pantalon niya. Pagkatapos niya itong itinago ay napahiga nalang siya sa sopang nasa gilid dahil sa naramdamang pagod. Papikit na siya ng bigla nalang may kumatok sa pinto, hindi nya sana papansinin ngunit hindi ito tumigil. Napaupo siya ng ilang ulit ng kumatok ang tao sa labas ay hindi pa rin ito binuksan ni Zach niya hinanap niya agad sa paligid si Zach at tinawag. "Zach may tao sa labas!" sigaw na tawag niya at nagulantang nalang ng mas lumakas pa lalo yung katok na para bang gigibain na iyong pinto. Agad napatayo si Trisha sa gulat at napalunok na naghanap ng panalag kung sakali mang may papasok na kalaban. Kinakabahan man ay naglakad sya palapit sa pintuan para tignan ito. "Pucha nasan ba kasi ang lalaking iyon?" bulong niya at dahan dahang naglakad palapit sa pinto, hindi pa rin tumigil ang pagkalabog ng pinto. Maya maya lang ay bigla itong huminto kaya lalapit na sana si Trisha para tignan sa peephole kung sino ang kumatok kaso nabigla nalang siya ng may humila sakanya sa likuran at ng mailayo siya nito sa pintuan ay siyang pagkasira nito ng malakas at may pumasok roon na tatlong lalaki. Malalaki ang mga katawan nito at gaya ni Zach ay mga mapuputla ang itsura ng mga ito. Napatingin siya kay Zach na siyang humila sakanya atsaka niya ito sinamaan ng tingin. 'Hayop na to kung saan saan pumupunta! Buti nalang naabuutan niya ako, kung hindi siguro tigok na ako dahil sa pagkatilapon ng pinto .' isip niya at inirapan ang lalaki. "What?" bulong nitong tanong ng makitang inirapan siya ng babae. "Long time no see Zach." napalingon silang dalawa sa malalim na boses ng lalaking nasa unahan, Dexter ang pangalan nito at ito ang nakakatandang kapatid ng dalawang kasama. Bumalik ulit sa pagiging seryoso ang itsura ni Zach at hinila si Trisha papunta sa likuran niya. "Alam mo naman na siguro kung bakit kami narito." saad naman nung katabi niya na nagngangalang Martin, hindi nagreact si Zach at tinignan lamang sila hinintay ang sunod nilang gagawin at sasabihin. "Pinatay mo ang aming kapatid, alam mo naman siguro ang patakaran ng aming pamilya dba? Kung sino ang kumakanti sa isa sa aming pamilya ay malalagot lahat pati mahal nito sa buhay." nakangising saad nong huling kasama nila na nagngangalan namang Kairo. Matalim ang tingin na iginawad ni Trisha sakanila, nasisiguro siyang ang kapatid na tinutukoy nila ay yung sumugod sakanila kahapon ng gabi. "It's part of his punishment since ilang beses na siyang pumapatay ng tao na siyang ipinagbabawal sa ating lahi para sa kapayapaan ng mundo. Isa iyan sa batas natin nakalimutan niyo na ba?" sagot ni Zach na ikinangisi ni Dexter at natawa sa sinabi ni Zach. . "Tanga, batas lang yan ng mga katulad niyong mahihina. Dapat lamang mamatay ang mga tao, kinasusuklaman nila ang lahi natin kaya dapat ay kasusuklaman din natin sila." sagot ni Dexter at tinignan si Trisha ng matalim. "At uunahin namin ang babaeng nasa likuran mo." dagdag ng lalaki na ikinalunok ni Trisha at agad hinablot iyong sirang bakal na nasa sahig pang depensa. "Not my wife sucker." Tila natigilan si Trisha sa sinabi ni Zach at tinaasan nya ito ng kilay. Ngunit agad din siyang naging alerto ng dahan dahang naglakad ang mga ito palapit. "Run as fast as you can when I said so, wag kang umuwi sainyo kung ayaw mo madamay ang pamilya mo." mahinang saad ni Zach na ikinatango ni Trisha at inilibot saglit ang tingin sa paligid para maghanap ng daan para makalabas. "A pierce in the heart." biglaang sabi ni Zach, nagtatakang napalingon naman si Trisha kay Zach dahil sa sinabi nito. "That's the vampires weakness." Pinapakiramdaman muna ni Zach ang mga kaharap at ng makitang dahan dahang may inilabas na punyal si Martin ay agad niyang sinipa ang sofa na nasa harap dahilan para tumilapon ito kay Kairo na naunang sumugod. "Run!" sigaw ni Zach dahilan para tumakbo ng mabilis si Trisha papunta sa bintanang nakasara, ito lang ang pinakamalapit kaya doon sya dadaan. Tamang tama lang rin dahil isa itong shutter window na gawa sa kahoy kaya isang sipa niya lang ay nasira din ito. Agad siyang tumakbo habang pilit na pinipigilan ni Zach ang tatlo na makalapit kay Trisha, sinipa niya si Martin palayo dahilan para tumilapon ito sa kabilang silid at mabilis na sinundan si Kairo ng makitang hinahabol nito si Trisha. Agad siyang hinarangan ni Dexter at nakangising sinugod si Zach. "Mabango ang dugo ng isang iyon. Masarap ang hapunan namin mamaya niyan." natatawa nitong sabi na ikinakuyom ng kamao ni Zach at walang pasubaling sinugod din si Dexter. Sa kabilang banda, habang tumatakbo si Trisha ay bigla nalang siyang natigilan ng may kamay na humawak sa likuran niyang leeg at hinampas siya sa sahig. Nahilo siya agad sa lakas nito at napapikit ng maramdamang humapdi ang pisngi at braso niya. Napamura siya isip at agad hinawakan ang braso ng lalaking humawak sakanya tsaka ito pilit tinanggal ngunit wala siyang laban sa palakasan kaya pilit niyang diniinan ang kuko niya sa balat ng braso nito na ikinatawa lang ng lalaki. "Hahahahah wala ka ng kawala." saad nito at iniangat si Trisha gamit ang buhok niya bago iniharap sa bahay ni Zach. "Ahhh! Bitawan mo ako!" Tumilapon si Zach palabas ng bahay at sumalampak sa sahig, ngunit bumangon rin ito para sugurin ang dalawa pang kalaban. Mukhang hindi nito kaya ang dalawa lalo na't kagagaling lang nito na maparusahan. Nag aalala may walang nagawa si Trisha kundi panuorin itong lumalaban. "Papanuorin muna natin kung pano patayin ng mga kapatid ko ang asawa mo ha? bago ka namin gawing ulam, para naman maranasan mo maging Juliet na gustong iligtas ni Romeo sa huli mong hininga hahaha." saad ng lalaki na ikinasama ng tingin ni Trisha sakanya. Abnormal ampotek! Tumatawa lang ang lalaki na nanunuod kung paano binugbog sarado si Zach ng mga kapatid nito. Si Trisha naman ay napabuntong hininga na iniiwas na lamang ang tingin dahil sa nasaksihan, mahilig siya sa basagan ng ulo pero hindi ganito ka brutal. Napakapa nalang siya sa pantalon ng maalala iyong kahoy na punyal na kanyang itinago tsaka napangisi ng may maalala. "A pierce in the heart, that's the vampires weakness." Sinulyapan niya muna ang lalaking may hawak sakanya na ngayon ay natutuwang pinanuod si Zach na pinagsisipa at tinansya ito. "Yown hahahaha suntukin niyo pa. Tangina patayin nyo nayan! Naiinip na ako rito!" natatawang sigaw ni Kairo. Lumuwag ng kaunti yung paghawak ni Kairo sa buhok niya, kaya ginawa niya itong pagkakataon para umikot at hinablot sa pantalon ang punyal tsaka mabilis na isinaksak ito sa dibdib ni Kairo at diniinan ito. "Naiinip ka na diba? Magpahinga ka na."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD