ERRORS AHEAD
.
.
"Naiinip ka na diba? Magpahinga ka na." nakangising saad ni Trisha pagkatapos niyang saksakin si Kairo na ngayo'y galit na galit galit at agad siya nitong sinampal dahilan para tumilapon si Trisha sa isang pader at nawalan ng malay.
"Ahhhh!!! Putanginang babae yan! Tulungan nyo ako kuya! Pota!" sigaw niya na ikinahinto ng dalawa niyang kapatid sa pagbugbog kay Zach. Unti unting nanghihina si Kairo at agad siyang nilapitan ng mga kapatid niya, nagdadalawang isip naman si Dexter kung tatapusin niya ba ang dalawa o unahin muna ang kapatid niya. Hindi niya rin kasi maasahan si Martin dahil nawawala ito sa wisyo kapag nagpapanic.
"Bwiset, tatanga tanga kasi!" bulong ni Dexter at dali daling umalis para tulungan ang mga kapatid.
Nanghihina man ay pilit namang tumayo si Zach at ginamit ang pagkakataong iyon para lapitan si Trisha na ngayon ay walang malay.
Hirap niya itong binuhat dahil maliban sa bugbog sarado siya ay nalalanghap niya ang matamis na dugo ni Trisha na ngayon ay umaagos sa noo at ibang parte ng katawan niya.
Natukso siyang tikman ito, ngunit pinigilan nya lamang ang sarili at tinakbo paalis si Trisha doon.
"LINTIK LANG ANG WALANG GANTI! BABALIKAN KO KAYO!"
Habang papalayo sila ay rinig na rinig niya pa ang malakas na sigaw ni Dexter na tila hindi niya matanggap na wala na ang kanilang kapatid.
"Hey wake up." saad ni Zach at tinapik ng mahina ang babae ng makalayo na sila ngunit hindi ito sumagot kaya mahina siyang napamura. Hinawakan niya ang pulso at pinakiramdaman ngunit mahina ito kaya agad niyang nilibot ang tingin at ng makitang walang bahay sa paligid ay binuhat niya ulit si Trisha at tumakbo papunta sa kabilang direksyon papunta sa pinakamalapit na hospital.
Ng makarating ay agad itong inasikaso ng mga nurse.
"Ayos ka lang ba iho? Ang daming dugo ng damit mo." napatingin siya sa matandang nurse na nagsalita bago tipid na ngumiti.
"Ayos lang ako, uhm may cellphone ka ba o di kaya at telepono? Pwede makihiram? May tatawagan lang sana ako." saad ni Zach na ikinatango ng matanda bago siya pinasunod.
"Keypad lang meron ako e, may load naman iyan." saad ng matanda bago inabot ng ang cellphone nito.
Tinipa niya na ang numero ng kanyang kakilala bago ito tinawagan.
"Terra—"
"Zach!? Thank goodness you're alive! where the heck are you?" pagputol na sagot ni Terra, isa sa mga kaibigan ni Zach.
"Nasa hospital ako, antag—"
"Saang hospital?"
"Desorias."
Pagkatapos niyang sabihin ang pangalan ng hospital ay binabaan agad siya ng telepono.
Nasa labas lamang sya at hinintay ang kaibigan.
Maya maya lang ay dumating din ito kasama ang isa pang lalaki na nagngangalang Riko.
"Zach! Pasensya na nahuli kami." saad ni Riko ng makalapit sakaniya.
"Ayos ka lang ba? Your house is wreck! Akala namin kung na pano kana!" nag aalalang saad naman ni Terra sakanya na ikinatango lang ni Zach bago siya nginitian.
"Where is she?"
"Nasa loob, still unconscious." sagot ni Zach na ikinatango ni Terra na seryosong nakatingin sakanya.
"You need to leave here, your mission is already done. May nakatoka na sa pag paslang sa mga kapatid ni —." sagot ni Terra na siyang hindi pag sang ayon ni Zach.
"Hindi pwede, I already made her my wife." agad natigilan ang mga kasama niya at nagulat sakanyang sinabi.
"What!? bakit?" sabay nilang tanong dahil sa gulat.
"Y'all don't have to know why."
Hindi nila alam kung anong isasagot nagulat sila dahil matagal ng itinadhana si Zach sa iba.
"How about Terra?" natahimik sila ng tanungin iyon ni Riko at hinintay ang sagot ng lalaki. Si Terra naman ay nakikinig lang, siya kasi ang itinadhana ng ama ni Zach na ipakasal.
"I won't be leaving."
"Pero tinawag ka ng iyong ama, you need to leave her for awhile." saad ni Riko.
"I'll guard her." biglaang saad ni Terra na ikinalingon nila sakanya.
"Bumalik ka muna doon, babantayan ko ang iyong asawa." pag uulit ni Terra na ikinatitig ni Zach sakanya na tila inaalisa ang babae.
"Huwag kang mag aalala hindi ko siya pababayaan."
.
.
"Aray ko." bulong ni Trish at dahan dahang bumalik sa paghiga hawak ang ulo. Nasa hospital pa rin siya at masakit ang kanyang katawan, may mga sugat pa siya.
Inalala niya kung saan ito galing at ng unti unting bumalik ang kanyang mga alaala ay agad siyang napaupo at napamura ng mabigla ang katawan.
Tumingin siya sa paligid at wala roon ang kanyang hinahanap.
"Nasaan ba ang kumag na iyon?" isip niya, wala rin siyang kasama kaya nasisiguro niyang hindi ito alam ni Delo o niisa sa mga kaibigan niya na ikinahinga niya ng maayos.
Maya maya lang ay dumating ang doktor at ipinaliwanag sakanya na mabuti nalang at hindi siya nabalian ng buto.
"Pwede na ho ba akong umuwi?" tanong niya na ikinailing nito.
"Hindi pa pwede, ipinagbilin sakin na kailangan mo munang magpahinga ng isang linggo dito." saad ng doktor na ikinagulat niya.
"Ha!? Isang linggo? Wala akong pambayad dok! At maayos naman na ako, sa bahay nalang ako magpapahinga." sagot ni Trisha na ikinailing ng doktor.
"Huwag kang mag alala binayaran na ng iyong asawa ang hospital bill mo. Kailangan mo nalang ay pahinga, o siya aalis na ako may pasyente pa akong dadaluhan." paliwanag ng doktor at akmang aalis na ngunit pinigilan niya ito ng may tanong sa isip.
"Nasaan siya?" tanong ni Trisha na ipinagtataka ng doktor, huminga muna ng malalim si Trisha at nandidiri man ay itinuloy niya ang kasunod na tanong.
"Iyong asawa ko? Nasaan?"
"Umalis muna siya, hindi niya sinabi kung kailan babalik." saad ng doktor na ikinatango niya lamang.
Nasa pribadong kwarto siya kaya siya lang mag isa. Pinakiramdaman niya muna ang sarili at unti unting tumayo.
"Kailangan kong umuwi! Pano pag hinahanap ako ni kuya Delo? Pano pag nalaman nilang nandito ako! Lagot ako kay papa nito pag nalaman niya nangyari sakin." agad agad siyang napaupo ng makaramdam ng hilo.
Napabuntong hininga siya dahil sa inis at tinanggal ang dextrose na nakakonekta sa kamay.
Dumudugo ito kaya agad siyang kumuha ng tela para pigilan ang pagagod nito.
"What are you doing?" napaupo siya ng tuwid ng makarinig ng boses at agad napalingon sa pintuan. Naroon iyong doktor na babae na pumunta sa bahay niya para bawiin iyong nawala niyang dugo noong isang araw, si Terra.
"Kanina ka pa ba riyan?" tanong ni Trisha na pilit tinatago ang kamay at ang nabigla niyang ekspresyon.
"Sort of." malamig na sagot nito bago lumapit sakanya at hinila ang kanyang kamay. Agad na binawi naman ni Trisha ang kamay at tinignan si Terra sa mata.
"Kailangan ko ng umuwi." nay pinal sa boses ni Trisha, nagtitigan silang dalawa ng ilang minuto bago umiwas si Terra tsaka tumalikod.
"What did he see from you? You're nothing special." mahina pero rinig niyang sabi ni Terra na ikinataas ng kilay niya.
"Pinag sasabi nito?" isip ni Trisha.
"Umuwi ka na kung gusto mo umalis, and.. please stay away from Zach. Much better to leave this place so you'll stay safe, habang hindi pa official ang marriage niyo." mahaba niyang sabi bago umirap at tumalikod.
Napasaltak nalang si Trisha bago umiling. She already have that in mind pero nagdadalawang isip pa siya dahil gusto niya munang makausap si Zach.
"Gusto mo siya ano?" nang aasar na tanong ni Trisha na ikinatigil ni Terra. Hindi ito lumingon, pero sapat na iyon para malamang may gusto nga ito kay Zach.
Hindi na ito sumagot at agad na umalis, agad namang nag ayos si Trisha at kahit nahihirapan man ay pinilit niyang ayusin ang ekspresyon kung san hindi mahahalatang masakit ang katawan niya.
Nanghiram pa siya ng concealer para matakpan ang mga sugat at pasa niya sa katawan bago tuluyang umuwi.
Pagkarating ay sa likod ng bahay siya dumaan upang hindi siya makita ni Delo.
Umakyat agad siya sakanyang silid at sinara ang pintuan bago ito nilock, ng mapalingon siya sakanyang higaan ay nagulantang siya ng makita kung sino ang naroon.
"SURPRISEEE!"
"Pa!?" gulat niyang tanong ng makita ang ama niya na naroon, kagigising lang ata nito. May dala itong maleta sa gilid ng kama at isang rosas na bulaklak.
Mukhang hinihintay siya nitong umuwi kagabi.
"Kailang ka pa umuwi!?" hindi makapaniwalang tanong ni Trisha bago inunlock ang pinto at binuksan ito.
"Kagabi lang rin anak, yakapin mo naman ang tatay! Miss na miss na kita anakis ko!"
Akmang yayakapin siya nito ngunit agad siyang umiwas at tinulak ang ama papunta sa pintuan.
"Ahahaha opo mamaya, magbihis muna ako. Mag usap nalang tayo sa baba." saad ni Trisha at agad sinara ang pinto ng hindi na hinintay ang sagot ng kanyang ama.
"Bilisan mo ah? May niluto akong ulam sa baba!" rinig niya pang pahabol ng ama na ikina 'oo' niya lang.
Agad na nagsuot ng pajama at sweater si Trisha, naglagay rin siya ng kaunting bangs para matakpan ang pasa sa noo at nilagyan uli ito ng concealer.
Napamura nalang siya ng makitang may sugat din siya sa gilid ng kanyang labi. Nilagyan niya ito ng bandaid, magdadahilan na lamang siya kung sakaling tatanungin siya.
Pagkatapos mag ayos ay bumaba din agad siya, malaking ngiti ang isinalubong niya sakanyang ama at agad yumakap.
"Ba't hindi mo sinabing uuwi ka pala!" pinasigla ang boses na tanong ni Trisha, napangiwi pa siya sa sakit ng humigpit ang yakap ng ama.
"May surprise ba na nagsasabing uuwi anak? hahaha ikaw talaga, o siya kumain ka muna. Lumabas muna saglit si Delo para tignan ang bagong tindera niya sakanyang karenderya." saad nito na ikinatango lang ni Trisha, naupo na sila at nagsimula na kumain.
"Anong nangyari sa bibig mo? San ka ba galing kagabi? Teka! Wag mo sabihing sinasaktan ka ng boyfriend mo? Papuntahin mo yun dito! Suntukin ko yun." muntik ng mabilaukan si Trisha sa sinabi ng ama at agad uminom ng tubig.
"Anak ng san niya nalama— malamang sinabihan ni kuya Delo to o di kaya ay si Wyn, bibig talaga ng mga to." isip niya at agad umiling.
"Ah hindi po pa, nagasgas lang ito sa aking kamay pagtulog." pagdadahilan niya na ikinaginhawa ng maluwag ng ama niya.
"Pag sinasaktan ka sumbong mo sakin ha, teka papuntahin mo nga dito yan. Sino ba yang lalaki nayan?" saad nito na ikinakamot ni Trisha sa ulo.
"Break na po kami." agad niyang saad na ikinatigil ng ama niya at natahimik.
"Ayos ka lang ba pa?" tanong niya, huminto ang ama niya sa pag kain at agad siyang tinapik sa braso.
"Nasaktan ka ba? Yaan mo nak, tawagin ko mga kaibigan mo para nag inuman kayo. Pampawala ng sama ng loob." saad ng papa niya na ikinaubo niya.
"Akala ko panaman kung ano, awit."
"Ah hindi na po pa haha, hindi ko naman siya type. Mabuti nalang nag break kami." saad ni Trisha na ikinatango tango ng ama niya. At lumingon ulit sakanya.
"Pero dapat pa rin kayong magkita ng mga kaibigan mo at magsaya."
Napuno ng pagtataka ang mukha ni Trisha sa sinabi ng kanyang ama at tinignan niya ito ng nagtatanong.
"Ano kasi anak, kaya ako umuwi dahil lilipat na tayo sa probinsya. Magsisimula ako ng farm doon sa lupa ng lola mo at ipagpapatuloy kitang paaralin ulit doon ng kolehiyo." saad nito na ikinalunok niya, hindi mawari kung sasang ayon ba siya o hindi.
Magandang ideya nga iyon dahil malalayo siya kay Zach at matatahimik din ang buhay niya.
Ngunit nagdadalawang isip siya dahil may utang pa pala siyang babayaran at isa pa ay malalayo na siya sa mga kaibigan niya.
"Pero huwag kang mag alala anak may isang linggo ka pa namang natitira para magdesisyon. Pwede ka rin namang mag aral dito at ako nalang ang pupunta sa probinsya." nakangiting saad ng ama niya bago nagpatuloy sa pagkain.
Naintindihan niyang gusto lang nito makasama siya at pag aaralin, pero napakamahal ng tuition ng kurso niya dito kumpara sa probinsya. At gusto niya rin talaga mag aral ulit ngunit dahil kapos ay hindi ito natuloy kaya nag abroad ang ama niya.
Naalala bigla ni Trisha ang sinabi ni Terra kanina, may point din ang babae dahil nasisiguro siyang madadamay ang ama niya kung sakaling titira pa sila dito.
Ngunit napasaltak siya at napailing ng maalala iyong isa pa nitong sinabi.
"Please stay away from Zach? lols saksakin niya pa sa baga niya yung lalaking yon. Talagang lalayo ako delikado lahi nila e."
Bumuntong hininga siya bago huminto sa pagkain at nilingon ang ama.
"Sasama ho ako sayo sa probinsya. Gusto ko bukas agad tayo lilipat pa."